Share

Kabanata 3

Kabanata 3

PANAY ang pagtawag ng kapatid ni Trojan na si Gresso habang nasa Pilipinas siya kahit ilang beses na niya itong sinabihang malaki na siya. Kung ituring naman kasi siya nito ay akala mo nanatili na sa walo ang kanyang edad. Tila hindi ito napapakali kapag lumalakad siyang hindi ito kasama.

Sa totoo lang ay mas nais niya muna ring lumayo sa kanyang kapatid dahil pinag-iisipan pa niya ang napakaraming bagay gaya ng pag-aalok sa kanya ni Special Agent Emeraudo Romani ng pagkakataong magbagong-buhay. Hindi niya sinabi sa kanyang kapatid dahil sa totoo lang, maging siya ay nawawalan na rin ng pag-asang pipiliin pa rin ni Gresso ang tahimik at maayos na buhay. He doesn’t even know how to treat women properly. Puno na ng galit ang puso ng kanyang kapatid at oras na kausapin niya ito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapakatino, baka magtalo lamang silang magkapatid.

He tapped his fingers on his armrest before he glimpsed at the woman sitting next to him. He can’t believe she’s been crying since they took off. Nakatulog na ito’t lahat sa byahe ay may lumalandas pa ring luha sa pisngi nito.

Napabuntong hininga siya, at gamit ang likod ng kanyang palad, marahan niyang pinalis ang basa sa pisngi ng dalaga, ngunit nang bahagya itong gumalaw ay kaagad na tumuwid ng upo si Trojan at nagpanggap na abala sa kanyang phone. Dama niya ang pagdapo ng tingin sa kanya ng dalaga ngunit hindi na siya nagtangka pang lingunin ito. There’s something about her eyes that when they stared at each other earlier, his heart suddenly banged loudly inside his chest, like a wild animal begging to be free.

Nalunok niya ang kanyang laway saka niya binulsa ang kanyang phone. Mayamaya ay naisara na lamang niya nang tuluyan ang kanyang mga mata. Bakit ganoon? Bakit parang nakokonsensya yata siya? Akala ba niya ay maitim na rin ang kanyang budhi gaya ng kanyang kapatid na ngayon ay pinuno na ng Albana matapos nitong mapatay ang taong nagpasok sa kanila sa naturang sindikato?

Why does it feel like a part of him wanted to be selfish and keep her to himself instead? Anong nangyayari sa kanya? Was he moved when he saw her at the airport, crying her heart out while saying goodbye to her younger sister? O baka dahil sa kabila ng pamamaga ng mga mata nito dala ng walang tigil nap ag-iyak, nakikita niya ang buhay sa mga ito? Buhay na hindi niya na makita pa kay Gresso at sa kanyang sariling mga mata?

He sighed. Whatever it is that’s happening to him, sana ay hindi na ito makaapekto sa kanya oras na lumapag ang eroplano sa Guam.

Dahil sa ayaw at sa gusto niya, ibebenta ng Albana ang dalaga kasama ng iba pa nilang mga nabiktima.

NAPABUNTONG hininga si Bella nang tuluyang nalowbat ang mumurahin niyang cellphone. Hindi pa rin nagrereply ang kanyang recruiter. Alam naman nito ang oras ng lapag ng kanyang eroplano sa Guam ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang pinangakong susundo sa kanya at sa tatlo pang kababayang nakasabay niyang nag-flight.

Bumaling siya kay Andrea na abalang magnguya ng bubblegum habang nanonood ng mga video sa internet. "Wala pa bang text sa inyo?"

Umiling lamang ito at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Mayamaya'y tumigil ito sa pagnguya at bigla na lamang ngumisi. "Ang sarap-sarap talaga ni Thor."

Napailing na lamang si Bella nang ipakita sa kanya ni Andrea ang pinanonood na video ni Chris Hemsworth. Parang mas concern pa ang kasama niya sa abs ng artistang iyon kaysa sa kanilang sitwasyon.

Tatanungin na sana niya ang dalawa pa nilang kasamang sumalampak na sa sahig nang huminto ang isang itim na van sa kanilang harap. Bumaba ang isang maskuladong lalake mula roon at may binuklat na papel bago lumapit sa kanila.

"Are you these girls?" Tanong nito sa matigas na ingles.

Nagsitayuan ang dalawa nilang kasama at excited na lumapit. Mayamaya'y nagsitango sila. Ang lalake naman ay sumenyas sa kasama nitong nasa tabi ng driver. Nang balingan ito ni Bella, kumunot kaagad ang kanyang noo nang mapansing ito ang lalakeng katabi niya kanina sa eroplano. Nakasuot pa rin ito ng mask ngunit nang makitang tinignan niya, agad itong nag-iwas ng tingin.

"Come. Get inside." Utos ng lalake sa kanila.

Naunang nagsipasok sa van ang kanyang mga kasama. Ewan ba ni Bella pero iba ang kutob niya sa mga ito. Parang bigla niyang gustong umatras dahil sa masamang pakiramdam ngunit nang agawin ng lalake ang kanyang maleta saka iyon ipinasok sa van, napabuntong hininga na lamang siya at tuluyang sumakay.

Naging tahimik lamang si Bella, pasimpleng pinagmamasdan ang lalakeng nasa tabi ng driver. Mayamaya ay tumunog ang cellphone ng kanyang kasamang si Andrea. Nagvideo call dito ang pinsang dapat ay kasama rin nilang babyahe ngunit dahil nagkaroon ng problema ang visa ay hindi na nakasabay.

"Huy, Gracia nandito na kami!" Masayang ani ni Andrea at kumakaway pa sa pinsan ngunit nang magsalita ito ay halos panlamigan silang apat ng katawan.

"Andeng! Illegal recruiter ang na-applyan natin! Walang trabahong naghihintay sa inyo diyan-"

Biglang hinablot ng lalakeng nasa harap ang cellphone ni Andrea at bago pa man ito makaangal, tumutok na sa kanila ang baril nitong may silencer.

Bella's heart almost jumped out of her chest when the man who offered her his hanky, finally removed his mask. Lumantad ang mukha nitong hindi kailanman maisasalarawan ni Bella gamit lamang ang simpleng salitang "gwapo." He is beyond that word, as if the right term to describe his features isn't invented yet.

Ngunit hindi ito ang tamang oras para purihin niya pa ang lalake, dahil kasabay ng pagbaling sa kanya ng misteryoso nitong mga mata ay ang pagtutok din sa kanya ng bunganga ng baril nito.

The man's jaw moved as his eyes turned darker. "Don't dare scream or else I'll pull the trigger."

Tuluyang nanlamig ang katawan ni Bella. Kung siniswerte nga naman talaga siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status