Share

Home

Kabanata 3

Home

Namilibis pa ng labis ang mga luha, pinalis ko kaagad ito gamit ang likod ng aking palad. Natutuwa ako kasi hindi naman nagbago ang mukha. It's still the same face. Maliban sa kaunting galos na natamo wala namang nagbago sa hitsura ko. Natakot lang ako ng sobra at ang isiping sunog na sunog ang mukha'y labis kong pinanghihintakutan.

Hawak pa rin ang pisngi ng pinapasadahan ng tingin ang sariling replika. Nanghihina pa rin ang mga mata, bakas ang lungkot, ang takot, at ang pangungulila para sa pamilya. Naglakbay ang aking kamay, bahagyang pinipisil ang namumulang ilong. Lucky enough, matangos ito, and it's narrow.. namana ko ito kay Nanang pati na rin ang kulay ng balat. Maputi naman ako, hindi nga lang sing puti ng papel. Tinatalunton naman ngayon ang manipis at makurbang labi, it's natural pink. Ang sabi ni Nanang namana ko naman daw ito sa kanyang ina. Sinusuklayan naman ngayon ang kulay itim at tuwid na buhok gamit ang mga daliri. I miss doing this.. ngayon lang ulit nagawa dahil pakiramdam ko nakalaya na ng lubusan sa mga negatibong bagay na naglalaro sa aking isipan.

Muli ko pang sinipat ang sarili. Ngayon magaan na ang loob. Maliban sa sariling repliksiyon mayroon pang apat na imahe. Doon ako napukaw! Bumalik sa riyalidad! May kailangan pa palang harapin bago tuluyang magdiwang!

Dahan-dahan ang paglingon, natatakot salubungin ang mapanghusgang titig ng lalaking may suot na salamin. His intense gazed makes my knees tremble.. My heart hurt for the rapid beats.. At kahit na nangingibabaw ang takot ko sa kanya, hindi ko maawat ang sariling titigan siya. Matangkad at malaking tao siya. Madilim ang kanyang striktong mukha. His eyebrows are thick, ang mga mata'y tila nangungusap kahit nagkukubli ng galit. Matangos ang kanyang ilong. His lips are red. Ang matitigas na mga pangay umiigting sa tuwing napapasulyap sa akin. He's too manly for his white long sleeves.. ang mga ugat sa kamay ay tanaw dahil nakatupi ito hanggang siko. He paired it with his denim jeans, and with his black boots. His angst and hard expression defined his masculinity.

Titig na titig siya sa akin ni hindi kumukurap. Napalunok ako kasi pakiramdam ko mahihimatay ako sa nakakabang titig. His eyes were black, never leaving mine.. sa tindi ng paninitig gusto ko na lang mahimatay! Hindi ko siya kayang titigan.. nakakatakot.. sumisikip ang aking dibdib sa bilis ng tibok ng puso! 

"Doc.." Baling ko sa doktor na sumusuri. I know it's him dahil nakaputi siya. May stethoscope pang nakapalibot sa leeg niya.

"Thank you po-"

"You don't know how to appreciate things.. and mostly, you don't know how to say thank you! You're just faking it! Kaya huwag ka nang magkunwari dahil basang-basa na kita, Veronica.." Sa lakas ng boses niya agaran ang paglingon ko sa mga bata. Hindi nila dapat ito nasasaksihan. Pribado dapat ang mga usaping ganito. 

"S-sir.. Sa maniwala ho kayo o sa hindi.. Hindi ho talaga ako ang asawa niyo.. Hindi ko ho kayo kilala.. at lalong-lalo na, hindi ho ako iyong Veronica.." Halos lumuhod na ako sa harapan nila. Paniwalaan lang nila.

"Bullshit!" Napaigtad ako bago pumikit sa lakas ng sigaw. 

"Sa loob ng limang buwan mong pagtatago nakapagpalit ka na kaagad ng mukha?! Sino ang nag-opera sayo?" Labas ang litid sa leeg niya ng magmartsa palapit sa akin. 

"Thomas.." Pumagitna ang batang doktor. "Hindi makakabuti sa kanya ang sigawan siya.."

Sinipa nito ang kalapit na silya. Ang dalawang bata'y nanatiling tahimik. Sa murang edad, tila sanay ng makita ang pagtatalo ng mga magulang nila.

"Tell me sino? At ipakukulong ko!" Napakagat ako sa aking labi. Anong gagawin ko? Papaano ko sa kanya ipapaliwanag ang lahat? Papaano ko sasabihing may pamilya rin akong naghihintay sa akin?

"S-sir.." Akmang lalapit pero pinigilan ako ng doktor. Hawak ako ngayon sa palapulsuhan.

"Determinado ka talagang iwan kami? Iiwan mo pa pati ang mga anak mo para lang sa lalaki mo? Nasaan si George? Nasaan ng mapatay ko!" Umiiling ako. May biglang naalala. Ngunit kaagad ang pag-atake ng kirot ng maalala ang malakas na pagsabog.

"Ginagamitan na naman ako ng makabagong taktika Emil.." He blink. Ng magmulat ng mata'y mas lalong tumindi ang galit. Galit para sa asawang nagtaksil sa kanya.. para sa asawang inaakalang ako siya.

"Hindi ka na nahiya sa mga anak mo? Kaya mo ba ako palihim na pinagnanakawan para diyan sa pag-pa-pa-opera mo?"Dinuro niya ako. Napakasakit ng mga paratang na ito.. dahil inosente naman talaga ako. 

"Pinasabog niyo pa talaga ang sasakyan.. para ano? Para isipin kong patay ka na.. iiwanan mo ang mga anak mo para sa panlalaki mo? Magpapakasaya ka habang ang mga anak mo nagluluksa sa kamatayan mo? Ganoon ba ang plano niyo..?" 

Namumula na siya sa galit, ngunit hindi pa rin maitatanggi ang gwapong mukha kahit pa nag-aalburuto na siya. Ma-awtoridad ang kanyang boses. Halos malaglag ang panga sa pagkakatunghay sa kanya. 

"Wala kang sasabihin? Magpapakainosente ka na naman?! Magpapaawa ulit?" Umigting ang kanyang panga. Napaka-gwapo talaga. Magandang lalaki siya pero bakit nakuha pang magkagusto sa iba ng asawa niya? Bukod sa gwapo, maganda naman ang bulto ng pangangatawan. Matikas. Bakat nga ang magandang katawan sa suot na damit.. 

Bakit siya ipinagpalit? Base sa nakikita, may pera naman siya at ang silid na inakupa maayos at pribado pa. Kasi, kung ako ang naging asawa niya hinding-hindi ko na siya bibitawan pa. 

Ngumisi ito. Tumango-tango.. and then he licked his lips. "Siguro hindi ka lang kuntento sa pakikipagniig ko sayo? Is that your reason? Kaya mo ako pinagtaksilan, kami ng mga anak natin?" Pumikit ako dahil hindi ko na makayanan. Pagkatapos ko siyang purihin ito pa ang ibabalik niya sa akin?!

"Thomas please.." Si Doktor Emil na sinasaway siya. Taranta ko namang nilingon ang mga bata. The girl's eyes were reddish paiyak na at gustong lumapit.. Ang batang lalaki naman ay titig na titig din sa akin.. mapanghusga katulad ng kanyang ama. 

Humikbi ang bata.. Nilingon ito ng namumulang ama. Inaayos ang suot na salamin sa kanyang mata. Hindi pa naman siya matanda pero may salamin siyang suot. nonetheless, it's really looks good on him. He's still attractive wearing those. Nakadaragdag lamang ito sa awtoridad na isinasalarawan ng kanyang mukha.

"Hush Brianna.." Alo niya sa bata. 

"Daddy I want Mommy to go home.. I miss her so much.." Mas lalong lumala ang kanyang hikbi. Naalala ko tuloy si Caloy. Hinahanap din kaya ako ng kapatid ko? Umiiyak rin ba ito sa pagkawala ko? Parang nilukumos ang puso sa pag-ka-kaalala sa kapatid ko idagdag pa ang luhaang batang ito.

Lalapitan ko sana para siya aluin pero napaatras ng...

"She will come with us.. sweetheart.. I promise you that right?" Tumulo ang luha ng magandang bata. Her hair color is brown.. mahaba ito at kulot sa dulo. Ang kanyang pisngi ay namumula.. matangos ang ilong, at ang balat ay kutis porselana.

"Mommy.." Kinalabutan ako at tumalon pa ng bahagya ang puso. Mababaliw na yata sa sari-saring emosyon.

"Go home please.." Nakakaawa naman. Pero kasi.. paano naman sila Nanang? May pagkain kaya sila ngayon? Nakapaghapunan kaya sila noong gabing nangyari ang insedente?

Napatunghay ako sa bata, napatuwid ng tayo ng lumapit sa akin. Ang maliit at nanginginig niyang kamay ay alanganin ang paghawak sa akin.. tila takot pero nilalabanan ito mahawakan lang niya ang inaakalang ina. 

"Mommy.." Muling tumulo ang luha sa kanyang bilugang mga mata. 

Pinagkaitan ba ito ng pagamamhal ng sariling ina? Gaano ba talaga kasama ang babaeng sinasabing ako?

Tiningala niya ako.. halos madurog naman ang puso ko. Yumuko, upang hindi makita ang kanyang pagluha. Ngunit kahit anong iwas, hindi ko man makita ang kanyang luhaang mukha, dinig naman ang malungkot na hikbi. Napaiwas ako ng tingin dahil luhaan na rin, hindi para sa kanya, kundi'y dahil sa pangungulila sa pamilya. Nangungulila din kaya sila?

The little girls hand is now holding my clothes. Mahigpit ang hawak kaya hindi na naiwasan ang pagtitig sa kanya. 

"Mommy please.." Lalo pang namula ang mga mata. Hindi ko matanggihan ang pakiusap ng bata. Natutunaw ang puso ko sa malungkot niyang boses.. Hindi niya naman kailangan mag-ma-ka-awa. Dahil kung ako lang ang totoong ina niya, hinding-hindi ako kailanman magkukulang sa kanya.. sa kanila ng kapatid niya.

Lumuhod ako upang magpantay kami. Pinapahiran na ngayon ang kanyang pisngi. 

"Tahan na okay?" Garalgal na rin an boses dahil ang nasa isip ay ang nakababatang kapatid. "Uuwi na ako. Sa bahay na lang babawi si Mama ha?" Tumutulo ang luha niya sa labis na galak.. and then, she hugged me.. sobrang higpit nito. Ang mainit na katawan ng bata'y nagpapakalma sa aking nalilitong sistema..

Huminto ang kanyang sasakyan sa malawak na bakuran. May mga taong naka-antabay. Nakahilera ang mga ito at tila nag-aabang sa pagdating ng kanilang amo. 

Kumilos siya.. nag-unahan naman sa pagbukas ng pinto ang dalawang bata. Tila nangulila rin sa mala-palasyong tahanan. Ako, nanatili ang pananahimik. Nakikiramdam pa rin sa paligid. Pinagbigyan ko ba talaga ang kahilingan ng bata? Hindi kaya ito panaginip lang?

"This is our home.." His baritone voice awakened me. Maawtoridad pa rin ang pagkakasabi. Lumabas siya ng sasakyan habang ako tahimik lang sa loob nito.. 

Tatanggapin ko na ba talaga ang bagong ako? Paniniwalain sila na ako ang asawa at ina ng mga bata? Napakagat labi ng magawi ang paningin sa pinto ng magarang sasakyan.. Pagkatapos ay bumuntong-hininga.. Malayong-malayo ako sa totoong Veronica, nakakahiya mang aminin, ni ang pagbukas ng pinto ng sasakyan ay hindi pa alam kung paano gagawin. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Athena Mancol
watch Po kayo ng ad ma'am, pasensiya na Po Ngayon ko lang nabasa.
goodnovel comment avatar
Annie Miranda
haizzt ano bayan, out na nga. puro lng locked
goodnovel comment avatar
Jamille Cerenio Cabuso
kala ko free lang huehue,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status