Share

Mukha

Kabanata 2

Mukha

Isang linggo na akong nakahiga sa malambot na kinahihigaan. Tila paralisadong pinagsisilbihan ng mga nurses. Kain at tulog ang tanging pinagkakaabalahan. Pasalit-salit ang doktor na tumitingin, at dahil may benda pa rin ako sa mukha, hindi ko matanawan ang kanilang mga hitsura. Tanging boses lang ang napagkikilanlan. Sa nagdaang linggo parating bumibisita 'yung mamang gigil na gigil sa kanyang asawa. Minsan, kasama ang dalawang bata sa pagbisita. May araw ring hindi nakakasama ang mga anak sa pagdalaw dahil pumapasok sa eskwela.

Umingit ang pinto. Senyales na may taong bibisita. Kung di man doktor, nurse, o ilang staff ng hospital upang linisan ang silid. Alam ko kapag iyong mamang masungit ang bumibisita dahil parati itong may kaagapay na doktor, nagigising ako sa seryosong usapan nila.

"Good Morning.." Si Doktor Emil ito. Siya ang bumibisita kapag ganitong oras. Kagigising ko lang kaya alam ko. Ramdam ko ang katahimikan sa pasilyo. Nasasanay na dahil pakiwari'y isang preso. 

Tumikhim ako.. Magsasalita sana kaso naunahan naman..

"Ngayon na natin tatanggalin ang benda sa mukha mo. Hinihintay ko lang ang pagdating ni Mr. Davidson.. at pati na rin ng mga bata. Actually katatawag niya lang, on the way na raw ang mag-anak mo."

Hindi ko na napigilan ang pag-iling. I am not his wife! Lalong-hindi rin ang ina ng mga anak niya! Dalaga pa rin ako, at marami pang pangarap sa buhay! Maling tao ang nakuha nila, isa akong mangangalakal ng b****a! And I'm not Veronica! Ako si Vivincia, at mas kilala sa pangalang Cia sa lugar na kinalakhan!

Bumangon na sa higaan. Nangangapa.. akmang tatayo pero pinigilan ng doktor.

"Huwag masyadong magalaw baka kung mapaano ka ako pa ang malalagot sa asawa mo. Matatanggalan ako ng trabaho Mrs. Davidson.." Sa boses niyang nakikiusap lumambot naman kaagad ako. Bumuntong-hininga at umupo na lang sa gilid ng kama.

"...Pero dok.. parang awa niyo na. Kahit paulit-ulit ko na itong sinasabi, uulitin ko na naman ngayon.. Hindi ho ako si Veronica.. ako ho si Vivincia Macaraig at mas kilala sa pangalang Cia.. tubong Plaridel Bulacan po.. mangangalakal ng b****a."

He sighed, he seems problematic. "Paulit-ulit ko na rin itong sinabi sa asawa mo.." He sighed more. "Pero ang sinabi niya.. it's just one of your tricks para makatakas ka na naman sa kanya. Hindi lamang daw ito isang beses ng nangyari. At isa pang ikinagagalit niya sayo ay ang pagnanakaw mo ng pera sa kanya.." 

Lumunok ako, parang pamilyar ang pahayag na ito.

"Pero.. dalaga pa ho ako.." I'm still confused.. bakit ipinagpipilitan ng masungit na lalaking yun, na ako ang kanyang nawawalang asawa? At sa dinami-dami ng lugar bakit sa imbakan pa ng b****a napunta?

I heard footsteps and voices.. mula sa pagkakatulala kahit wala namang nakikita. Nag-angat na ako ng tingin. Naghahanda para sa mga gustong ihayag.

"You're here.." Simula ng Doktor. Kinabahan ako. Ramdam ko na naman ang pamilyar na titig. Nakakakilabot ang kanyang presensiya.. kung may benda pa sa mga mata nahihintakutan na, paano pa kaya kung tatanggalin na? 

"Good Morning Mommy!" Masiglang bati ng batang babae.. Lumunok ako. Natatakot na ibalik ang bati ng bata. What if, batiin ko, ano kaya ang  reaksiyon ng asawa ko 'kuno'?

Nanatili na lang tahimik at pinapakalma ang nag-aalburutong pag-iisip.

"Kuya, why won't you greet Mom.. she's sick you know.." Maarteng wika ng bata.

"I want to.. but you know? She's not always in the mood. Maybe she's mad right at this moment.. we can't see it because the bandage covering it.. so stop talking nonsense before she attacks you.." Ramdam ko ang pag-ngiwi ng batang lalaki. Purong english ang sinabi kaunti lang ang naintindihan ko.  

"Does she know?" Naputol ang usapan ng mga bata ng magsalita ang ama.

"What is it Daddy?" Sumingit ang batang babae samantalang bumuntong-hininga naman ang ama. 

"What did I tell you in the car?" Sumungit lalo? Tahimik lang ako pero nakikiramdam.

"I'm sorry Daddy.. but I'm just very excited to see Mommy.." Parang nalusaw ang inihandang pakipagbakbakan sa ama ng dalawa. Kung may magagawa lang sana ako.. kung wala lang sanang pamilyang naiwan.. tatanggapin ko na lang ang bagong ako. Naipilig ko ang ulo.. hindi puwede.. hindi tama.. paano naman kung bumalik iyong totoong ina at totoong asawa?

"You're kidding me Brianna.. You're excited to see your Mom..?" Hilaw itong tumawa. Alam ko iyon sa tonong pinakawalan niya.

"How about you.. are you excited to see the kids?" Sa akin na siya nakatingin. Dama ko dahil ang mga balahibo sa batok ay nagsi-alsahan na. 

Kinikilabutan ako sa boses niyang buong-buo. Kaya lumunok na lang at tumahimik.

"I'm sorry to burst your bubble Brianna.. but your Mom-"

"She has an amnesia Thomas.."

Hindi nakakayanig sa pandinig ang kaalamang may amnesia ako, dahil alam ko naman ang totoo. Maayos ako. Wala akong amnesia buong-buo ang pag-iisip ko. Tumilapon lang ako at nagpapasalamat sa malakas na tahol ng aso, dahil doon naligtas ako sa kamatayan.. napalayo ako sa sasakyan upang sana'y sermonan ang aso kaso...

Kumirot ang ulo sa pagbabalik-tanaw sa nangyari.. napasapo ako sa ulo.

"See.." Anang Doktor. "Huwag masyadong mag-iisip Mrs. Davidson. Normal lang na makaramdam ng pangingirot sa ulo. Malakas ang pagsabog, your brain had a traumatic experience pero.. babalik din na lamang ito ng kusa.. just don't push it.."

"Is this for real Doc?" Malapit lang siya dahil naamoy ko ang pamilyar na pabangong ginagamit niya.

Bumuntong-hininga ulit ang doktor. "Thomas.. this is serious, tsaka mo na lang parusahan kung maayos na.. kung puwede ng bawian.."

Lumunok at kumirot ang puso. Hindi tama ito! Wala akong kasalanan. May pamilya pa akong naghihintay sa akin! Naikuyom ko ang mga kamao. 

"Yeah whatever you say Emil.." 

"Okay.. Huwag ka lang magtataka sa kanyang bagong hitsura?" 

Kumalabog ang puso. Napahawak na sa bedsheets ng hospital bed. Bakit sunog na sunog ba ang hitsura ko? Mula sa mahigpit na hawak sa bedsheet naglakbay ang kamay sa pisnging natatakpan ng benda.. Ito lamang ang panlaban kapag ka sumasali sa patimpalak sa kalapit probinsiya napapakinabangan ko ang mukhang ito sa malinis na paraan, at kung nasunog na 'to papaano pa matutugunan ng husto ang pangangailangan nina Nanang, hindi sapat ang pangangalakal lang ng b****a.

Naluluha na. Gustong maghisterya. "Dok.. sunog na sunog ba ang mukha ko?" Garalgal ang boses. Paiyak na. Naaalarma sa itutugon ng Doktor. 

And he sighed again. "He'll get mad pag nakita niya ito.." Bumulong siya sa akin kaya kumalampag pa ng husto ang dibdib. Bakit hindi na lang ako diretsahin. Kung nasunog man, paano ko sasabihin kila Nanang, at kung makatakas man paniniwalaan kaya ako?

Wala naman akong pakialam sa magiging reaksiyon ng masungit na lalaking ito dahil hindi ko naman siya kaano-ano ang inaalala ko sina Nanang!

"I don't think may amnesia yan.. ba't conscious pa sa hitsura?" Gusto ko siyang sigawan pero pumikit na lang habang tinatanggalan ng benda sa mukha. 

Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang natanggal ang nakatakip na benda sa mukha. Nakaramdam na ginhawa ng  matanggal na ito. May hanging humahaplos sa pisngi ngunit nakapikit pa rin, at takot na makita ang resulta. May mga narinig akong singhapan. Nagbabadya na ang luha pero pilit na pinapapatatag ang loob.. 

Ang pangit-pangit ko na siguro.. Iiyak na ba ako sa harap ng mga taong ito? 

"You can open your eyes now.. May malaking salamin dito.." Si Doc Emil pinapakalma ako. Umiling ako hawak ang pisngi. Natatakot akong makita ang sunog na mukha! 

"You're not my Mommy.." Malungkot na saad ng batang babae. 

Bakit dahil sunog na sunog ba ang hitsura? Sobrang itim ba? 

Napahikbi ako sa katotohanang kinakaharap.. wala na akong maipagmamayabang kay Gabby.. Kung dati'y sila ang pinagkakatuwaan, ngayon ako na ang pagtatawanan dahil wala ng maipagmamayabang.. 

Hinahayaan na lang ang luhang naglalandas sa pisngi.. 

Ang hirap namang tanggapin nito.. 

"Veronica.. please calm down.." Gusto ko siyang bulyawan pero nakakapanghina ang kaalamang ito.. hindi ko matatanggap ang pagbabago ng hitsura.. ang pagbabago ng mukha..

"Look at yourself in the mirror.." Umiiling ako panay pa rin ang tulo ng mga luha.

"Bakit mo naman hinayaang mangyari ito sa mukha mo..?" 

Sa sinabi ng Doktor mas lalo lamang humagulhol.. Ang mga palad ay nakatakip sa mukha.. Ang hagulhol ko ay naghihinagpis..

"Mommy.. stop crying now.. I know you had reasons why did you did this.. M-maganda ka pa rin naman po.."

Maganda? Bakit nag-aalangan pang sabihin? Dahil ang totoo, sobrang sunog na ang mukha ko!

"Mom. You're not like this.. stop.." Maawtoridad na wika ng batang lalaki. O yung masungit na tatay bakit nanahimik lang? Ba't hindi niya ako pagtawanan?

Tumutulo pa rin ang luha ng mag-angat ng tingin sa kanila. Nagtataka, dahil wala akong makitang pandidire sa mga reaksiyon nila. Parang... parang laglag pa nga ang mga panga.. 

Tumayo ako at hindi na pinansin ang dalawang lalaking titig na titig lang sa akin katabi ang dalawang bata. Diretso ang tungo sa malaking salamin. 

Ngunit... Mas lalo lamang lumala ang hagulhol ng makita ang sariling repliksiyon...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Annie Miranda
puro nman na ka lock Yung mga chapters d2.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status