[Letlet]Pagkarating sa kanilang bahay ay nakita niya ang pinsan na abala sa pag inom ng tuba sa kusina na ikinataka niya. Nakita niya kasi ito na tumatanggi na uminom ng tuba sa tuwing aalukin ito ng mga taga isla kanina.Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa gasera ay kita niya ang pamumula ng makinis nitong mukha.Pumasok siya sa kwarto ng abuela, pero agad din lumabas ng makita na wala ito. "Kuya Lucian, si Lola hindi mo kasamang umuwi?" Tiyak na lasing na ang Lola Asun niya. Ito kasi ang tipo na kapag nakainom ng tuba ay hindi humihinto sa pag inom hangga't hindi bumabagsak sa kalasingan.Nakatulog na marahil ito dahil sa pagkalasing.Hindi sumagot ang pinsan niya, bagkus ay tumungga lang ito ng tuba kaya napakamot siya sa ulo. Mukhang lasing na ang pinsan niya.Pumasok siya sa kwarto niya at humiga. Nakangiti na nagpapadyak siya ng paa at tila batang nagtitili sa sobrang tuwa.Puno talaga ng kaba ang dibdib niya kanina sa pag aakala na pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Ba
[Lance]Malakas na sinuntok niya ang puno dahilan para magdugo ang kanyang kamao. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na 'yon kay Letlet kagabi. Paano kung umiwas ito sa kanya? Matakot?Muli n'yang sinuntok ang puno na nasa harapan. "Damn, Lance! What's happening to you?!" Aniya sa sarili, hindi niya alintana ang sakit at pagdurugo ng kamao niya.Ang dami n'yang tanong sa sarili. Bakit hindi niya tinanggap ang hamon ni Balug? Takot nga ba siya na magustuhan ito ni Letlet? Bakit? Ano naman sa kanya 'yon? Hindi ba dapat ay wala na siyang pakialam ro'n? Pekeng pinsan lang naman siya kaya ano ang pakialam niya?Nang marinig niya na may mahal na si Letlet ay hindi niya matanggap at halos madurog ang dibdib niya. Kaya nagawa n'yang uminom araw-araw ng tuba at iwasan ito, pero sa huli ay hindi niya rin napigilan ang sarili na huwag itong sundan palagi.Dahil natatakot siya na makipagkita ito sa taong mahal nito kaya palagi siyang nakamasid rito.Sumandal siya sa puno at pumikit.
[Letlet]Tulala at wala sa sarili. Simula ng may mangyaring halikan sa pagitan nila ng kanyang pinsan na si Lucian ay tila walang laman ang katawan niya.Pati yata ang kaluluwa niya ay tinakasan na siya."Letlet, mahal ko!" Awtomatikong gumalaw ang kamay niya at kinuha ang tsinelas niya, saka iyon hinampas sa mukha ni Balug ng tangkain siya nitong yakapin."Grabe ka talaga sa akin, mahal ko. Di bale, mahal pa rin naman kita kahit ganyan ka." Nakangiti pa na sabi ni Balug na para bang hindi nasaktan. "Bakit ang aga mo naman yata rito sa bahay, Letlet? Miss mo ba ako—" Mabilis na lumayo ito ng hahampasin niya sana uli ng tsinelas."Manahimik ka nga d'yan kung ayaw mong hampasin kita ng paulit-ulit." Banta niya.Iniwas niya ang tingin kay Birang ng mapansin na nakataas ang kila nito habang nakatingin sa kanya, na para bang binabasa nito ang reaksyon niya."Bakit parang wala ka sa sarili ngayon?" Nilapit pa ni Birang ang mukha sa mukha niya. "Wala sa sarili tapos umiiyak kanina. Hmmm... S
[Letlet]Gusto n'yang sabihin sa Kuya Lucian niya na huwag siyang palaging tingnan nito. Paano ay wala itong ginawa kundi tingnan siya ng malagkit. Mabuti nalang at hindi 'yon napapansin ng kanilang Lola Asun. Narito sila ngayon sa bahay at kasalukuyang nanananghalian. At katulad dati ay magkaharap sila ng binata.Iniwas niya ang tingin sa binata ng biglang sumagi sa isip niya ang mainit na halikan sa pagitan nila kahapon. "Letlet, nakikinig ka ba?" Seryosong tanong ng Lola niya."Po?" Bumuntong-hininga ang matanda. "Kinausap ako ni Mario. Siya na ang kumausap sa akin tungkol sa inyong dalawa ni Balug. Ang akin lang, nasa tamang edad ka na at maaari ng magpakasal. Bilang Lola mo ay naisip ko na mainam na kung kay Balug ka nalang mapupunta kaysa sa kaninong binata rito sa Isla. Malapit naman ang pamilya natin—"Gulat silang napatingin sa Kuya Lucian niya ng malakas nitong ibagsak ang kamao sa mesa.Nakaramdam siya ng kaba at takot.Sa sobrang dilim ng mukha ng binata ay tila papatay
[Letlet]Siya lang daw ang gusto nito!Pinamulahan siya ng mukha."Pwede bang huwag mo ako tawagin 'kuya' kapag tayong dalawa lang?" Kagat ang labi na tumango siya."Damn! Ang labi mo talaga ang kahinaan ko." Ani Lucian at muling sinakop ang labi niya.Nilayo niya ang labi sa binata. "Kuya Lucian —L-Lucian pala," Nagyuko siya ng ulo. "G-Gusto mo ako kahit na hindi ako imported na tulad mo?" Naalala niya ang sinabi ni Birang.Malabo na magustuhan ng tulad nito ang kagaya nila.Hinawakan nito ang baba niya at saka itinaas. Ang mata nito na nakatingin sa kanya ngayon ay punong-puno ng emosyon na hindi niya mapangalanan.Pagmamahal ba ang mayro'n sa tingin nito?"Wala akong pakialam kahit na maging langit at lupa ang layo ng agwat natin sa buhay, sweetheart. Ilang beses ko bang sasabihin na ikaw lang ang..." Lumunok si Lucian, kita niya ang bahagyang pamumula ng tenga nito. "Ikaw lang ang nagustuhan ko ng ganito... Hindi lang kita gusto... M-Mahal kita." Umawang ang labi niya sa pagkabig
[Letlet]"Ano ba, Lucian?! Buksan mo nga 'tong pinto?" Malakas na utos ng kanyang Lola. "Lucian?!"Narinig niya ang pagbukas ng pinto. "Lola Asun, bumalik kayo. May nakalimutan ka po ba?" Kalmadong tanong ni Lucian.Samantalang siya, narito sa ilalim ng papag at nanginginig sa sobrang kaba na baka mahuli sila."Ay oo, nakalimutan ko ang pitaka ko. Nasaan nga pala si Letlet?" Rinig niya na tanong ng Lola niya."Hindi niyo ba nasalubong, Lola? Kakaalis lang niya. Nagpaalam siya sa akin na pupuntahan si Birang." Pagsisinungaling pa ng binata.'Patawad po, Lola' Paulit-ulit na usal ng isip niya."Anong pinuntahan si Birang? Aba'y nakita ko si Birang bago ako bumalik rito, hindi niya kasama si Letlet."Namutla siya.Baka mabuko sila ng Lola niya!"Lucian, ayos ka lang ba? Pinagpapawisan ka?" Nag aalalang tanong ni Lola Asun kay Lucian. Nanlaki ang mata niya ng makita ang paa ni Lola Asun malapit sa ulo niya—Pumasok sa kwarto ang Lola niya!"A-Ayos lang ako, Lola. Huwag ninyo akong alalaha
[Lance]Naghintay siya na magsabi si Letlet na biro lang ang sinabi nito pero hindi 'yon nangyari. Walang bakas ng pagbibiro sa luhaan nitong mukha."Nagbibiro ka ba?" Hindi niya napigilang tanong.Sinamaan siya ng tingin ni Letlet. "Lucian naman! Sa tingin mo ba magbibiro ako sa ganitong sitwasyon?" Hindi siya nagsalita.Tsk. Ano ang sasabihin niya? Na 'Oo' at naniniwala siya? Kapag sinabi naman n'yang hindi ay baka magalit pa 'to sa kanya?"Noong limang taong gulang ako ay pumalaot daw kami sabi ni Lola Asun. T-Tapos bigla nalang may dumating na mga masamang tsokoy at... at pinatay sina nanay at tatay." Katulad kanina ay umiiyak na naman ang dalaga. "D-Dahil sa takot ko sa nangyari ay wala akong maalala. K-Kahit mga mukha ng magulang ko ay hindi ko matandaan." Tumingin si Letlet sa kanya. "K-Kaya mas lalo akong nasasaktan, kasi hindi ko man lang naalala ang mukha ng mga magulang ko sa tuwing araw ng kamatayan nila."Niyakap nalang niya ang nobya. Kung gano'n ay wala pala itong maala
[Lance]His arm felt numb while chopping wood. He stretched out his arm so could see the movement of his muscular arm. Nabaling ang atensyon niya kay Rogelio ng makita itong may dalang banyera, na may lamang mga fresh na seefood."Magandang umaga, Lucian. Nari'yan ba si Letlet at Lola Asun?" Tanong ng binata, na agad n'yang tinanguhan.Kagabi pa hindi mawala sa isip niya ang tungkol sa pag alis sa isla para kausapin ang abuelo niya. Gusto n'yang sabihin lahat rito ang tungkol sa mga nangyari sa kanya.Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng galit sa kanyang Uncle Ben. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa nitong balakin na patayin siya.Sisiguraduhin niya na maipapakulong nila ito sa oras na makabalik siya. Hindi niya hahayaan na maging malaya ito sa kabila ng ginawa sa kanya. Saka paano kung hindi lang siya ang magawang saktan nito? Paano kung idamay nito sa Letlet?Humigpit ang hawak niya sa palakol.Mayro'n pa siyang kailangang gawin bago umalis ng isla at umamin