Share

CHAPTER 5

CHAPTER 5

PERILOUS ASUNCION's POV

NAIWAN akong nakanganga habang nakahawak sa dibdib ko. I can't explain kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Ano ba ang nangyari sakin? Bakit ba ako nagkaganito? Hindi naman ako ganito noon a? Anong pinagbago?

Arghhh! Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis. This is really confusing the hell out of me.

Napagdesisyonan ko lamang itong ikain, baka sakaling pag-kakain ako ay mawala na siya sa sistema ko. Leste naman oh.

Teka nga, pakialam ko naman sa tanginang gagong 'yun?

Naglakad ako papunta sa cafeteria, pero napatigil ko ng may narinig akong tawanan, isang demonyong tumatawa.

Dala narin sa curios, pumunta ako sa likod ng building. Ewan ko nga ba pero parang may na-sense akong gulo. Napangise nalamang ako.

Time to watch some scenery.

Nagtago ako sa tuktok ng puno, may lahi akong tarzan kaya kahit na maglaban pa kami ng kalaban ko sa tuktok mismo ng kahoy, ay hindi talaga ako matatakot.

What can I say, I'm a talented person.

Nakita ko naman ang mga lalaking nakangise na parang aso habang kinukutya nila ang isang babae.

Somehow, the girl felt like familiar like I've already meet her before.

Napalaki ang mga mata ko, Si Smiley Girl pala 'to, 'yung babaeng nakausap ko sa Cafeteria kanina.

"Miss, Sumama ka nalang sa'min para hindi ka masaktan."Nakangiseng sabi ng isang lalaki habang si Smiley Girl naman ay parang takot na takot halos hindi na maipaliwag ang itsura niya.

"Oo nga, Miss.. sumama ka nalang para hindi ka na masaktan."Pagsasang-ayon naman ng isang lalaki.

Hindi naman sa nakikialam pero pakialamera talaga ako pagdating sa gulo.

Bahala na, ipaliwanag ko nalang to mamaya kay Nay Linda.

"How sweet." Nakangiting sabi ko sa kanila na ikinalingon nila sakin habang laglag panga.

"Saan ka galing?"Nanlaki ang kaniyang mga mata na tiningnan ako sa taas, nasa tuktok nga ako ng Puno.

"Heaven?"Sarkastikong sabi ko sa kaniya na ikinangise naman ng lalaking 'to.

"Kung sinuswerte nga naman. Sasali ka ba, Miss?"Nakangiseng tanong ng isang manyakol na lalaki.

"Bakit, naglalaro ba kayo?"Pilosopang tanong ko sa kaniya na ikinawala ng kaniyang ngise.

Nagbackflip ako sa pagbaba sa puno.

I walked like a majesty towards them.

"Bakit niyo siya pinipilit? Bakit ba hilig niyong mamimilit ng tao eh kung alam niyo namang ayaw nila?"Malamig na sabi ko sa kanila na ikinatawa ng isang mukhang natokhang ang mukha.

"Miss, inutusan kaming dalhin 'tong magandang dilag na'to sa boss namin."Sabi niya na ikinatawa ko. A cold chuckle.

"Really. Ano bang nagawa ng babaeng to? Bigyan niyo ako ng magandang rason at pag nagustuhan ko yun ako na mismo ang maghahatid sa kaniya sa boss niyo."Malamig na sabi ko and I crossed my arms.

"Binusted niya ang Boss namin. Galit na galit si boss at gusto niyang maparusahan ang babaeng to sa pambabusted sa kaniya."Sabi ng isang lalaki na ikinatawa ko.

Seriously? Dahil lang dun? Susmeyo. Mapride pala ang boss nila.

Tumingin naman silang lahat sakin pati si Smiley Girl.

"Seriously? 'Yun lang? Baka naman pangit yang boss niyo kaya binusted sa magandang dilag na 'to."Natatawang sabi ko na may halong pang-aasar.

"Walanghiya ka-"Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng itaas ko ang aking kamay, ibig sabihin tumahimik.

"Ano naman ang gagawin ng boss niyo sa babaeng 'to?"Tanong ko sa kanila at yung isang lalaki ang sumagot.

"Papahirapan, kung hindi madala sa santong dasalan idaan 'yan sa dahas. Tapos papaligayahin naman ang babaeng 'yan hanggang sa magsawa kami at patayin siya pagkatapos."Sabi nito at binatukan naman siya ng isang Natokhang na mukha ng lakaki.

"Gago! Ba't sinabi mo ang plano sa kaniya?"Naiinis na sabi nito na ikinakamot naman niya sa kaniyang batok.

"Bawal ba?"Inosenting tanong nito na para bang hindi ito nakagawa ng kasalanan.

"Oo bawal na bawal. Patayin nalang natin yang babaeng 'yan."Inis na sabi ng lalaking kasama niya akya napakamot naman ito sa kaniyang sariling batok.

Mukha tuloy silang tanga na nagpaplano habang kami ni Smiley face ay mahinang naglalakad.

"Putcha! Nakatakas sila!"Sigaw ng isang lalaki na ikinatawa ko ng malakas.

Napatakbo tuloy kaming dalawa, napatigil ako sa pagtatakbo ng may nabangga ako. Isang cemento. Isang napakalaking semento.

"Ba't may semento dito?"Mahinang bulong ko sabay himas ng noo ko.

"What's happening here?"Isang malamig na baritono ang narinig ko muna sa cemento---cemento?

Napa-angat ako ng tingin, napalaki ang mga mata ko ng makita ko si Mr. President.

"Hinahabol po kasi kami ng mga gagongmanyak-slash-rapist."Kinakabahang sabi ni Smiley Girl.

Anong kami? Ikaw lang kaya ang hinahabol. Duh. Sumali lang naman ako kasi parang exciting e.

"Ayun sila!"Sigaw ng isang lalaki habang pumunta sa harap ko.

Forksheet! Wala na talaga kaming tatakasan.

Walang emosyon ko silang hinarap.

"What do you want?"Tanong ko sa kanila na ikinatawa naman nila.

"You. Ikaw ang gusto namin kasama ng babaeng yan."Sabi nito at manyak na tumingin habang dinilaan nito ang sarili nitong labi na ikinangiwi ko.

Parang nasusuka ako sa mga nakita ko. Eww. So fucking gross.

"Is that so?"Malamig na sabi ni President na nasa likod na nila.

Wait..Paano napunta si President diyan?

"P....p...presi...dent??"

Nauutal nilang sabi na para bang na stiff neck ang mga ito halos hindi na makalingon.

"Go to the punishroom. NOW!"

Malamig ngunit may halong pagkadiing sabi niya na ikinawalan ng kulay ng tatlong lalaki.

"H....ho?"

"Do you hear me? Go to the punishroom now."Mahinahong sabi ni President ngunit hindi parin maialis dito ang matatalim nitong pagtitig sa lalaki na ikinasindak ng mga ito.

Takot na takot silang tumakbo papuntang punishroom daw. Ewan ko ba kung ano meron don, si President lang daw ang nakakaalam.

Pabida talaga ang tanginang 'to. Psh. Kala mo naman ikagwapo niya yan.

Well, gwapo naman talaga siya kaso nakakatangina lang ang kaniyang ugali, minsan sarap niyang ibalibag. Letse.

Tumingin naman siya sakin.

"Are you okay?"Tanong nito sakin.

"Yep. I'm perfecly okay."Nakangiting sabi niya habang nakatitig parin sakin, hindi ko maiwasang hindi mailang.

Tumikhim ako at saka binalingan si Smiley Girl.

"Are you okay? Did they hurt you?"Mahinahong tanong ko sa kaniya pero yumakap lamang siya sakin habang umiyak.

"Takot na takot ako kanina, a-akala ko s-sasaktan nila ako or mas worse pa. Thank you.. kung hindi dahil sayo malamang nasa nagahasa na ako."Sabi niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak.

"Nah . It's okay and besides don't thank me, paborito ko lang talagang makialam lalo na't gulo ito."Nakangiting sabi ko sa kaniya at bumitaw naman siya sa pagyakap sakin.

"Mr. President. Thank you."Sabi ni Smiley girl at tumango lamang si Pres.

Lumakad siya palapit sakin at bumulong.

"Next time, becareful."Mahinang bulong niya sapat na para marinig ko.

Umalis na siya habang nakapamulsa.

Forksheet ka talaga Pres!

"Anong relasyon niyo ni Pres?"Nakangiting tanong niya sakin na para pang tinutukso niya ako kaya hindi ko mapigilang hindi umirap dahil sa reaksiyon niya.

"Wala."

Malamig na sabi ko pero nanatili parin ang pang-aasar niyang ngite.

"Okay.. if you say so."Nakangiting sabi niya na ikina-inis ko naman.

"Wala nga sabi eh!"Inis na sabi ko na ikinatawa naman niya

"Chill. Wala naman akong sinabi."Natatawang sabi niya na ikina-irap ko

"Whatever."I said and I rolled my eyes in annoyance.

Nauna akong naglakad sa kaniya at naramdaman ko naman siyang sumunod sakin at hinawakannniya yung braso ko.

"What are you doing?"Taas kilay na tanong ko sa kaniya at nag-peace sign lamang siya

"From now own, Best friend na kita."Nakangiting sabi niya sakin na ikina-irap ko.

Seriously?

"Whatever. I don't care."

Mataray na sabi ko na ikinatawa naman niya

"Pero.. hindi mo ba type na magsuot ng pambabaeng damit?"Tanong niya sakin na ikinatigil ko

"What? So are you saying na panlalaki ang lagi kong sinusuot?"Tanong ko sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata at sabay iling.

"No it's not like that. Kasi naman palagi kang naka jeans at loose shirt na malalaki ang suot mo."Nakangusong sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Okay. It's just that.. may mga kwentong mahirap talagang ibahagi sa iba lalo na't ito ang dahilan kung bakit nawasak ang isang pamilya."Malamig na sabi ko at yumakap lamang siya sakin

I don't know pero komportable akong ibahagi sa kaniya ang nangyari sa buhay ko.

Napailing ko. Madadamay lamang siya sa gulo kong buhay. I don't want to loose someone again.

"I'm sorry. But you and I couldn't be friends."Mahinang sabi ko sa kaniya na ikinatigil niya naman.

"Why not?"Takhang tanong niya sakin pero nginitian ko lamang siya.

"Some people choose to stay away from the one who's close to their heart in order to protect the one they treasure."Sabi ko sa kaniya at iniwan ko na siya doon.

It's for the better.

•End of Chapter 5•

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status