Home / Mafia / HIS LOYAL WIFE / HIS LOYAL WIFE 5

Share

HIS LOYAL WIFE 5

Author: Black_Jaypei
last update Last Updated: 2024-06-28 06:04:26

“I've been searching for you, what the fuck are you doing here?!”

Bulaslas ni Z nang makatayo sa ibaba nitong walking house. May pawis sa noo niya pero agad itong na alis ng suklayin niya ito gamit ang daliri.

“Sinabi ko bang hanapin mo kami?”

Bahagya akong lumihis ng tingin sa kaniya at inihili si Zy habang nakaupo dito sa silya na gawa sa kawayan.

“Hindi pero kanina ka pa hinahanap ni Delia! Kakain na! Alam mo pa VIP ka.”

Nagulat ako ng umakyat siya at umupo sa kaharap kong silya. Pinakatitigan niya ako kaya yumuko na lang ako upang titigan si Zy habang hinahaplos ang kamay nito.

“Tsk! Let's go.”

Kung hindi nakakahiya kay Delia hindi na ako sasama sa pagkain ng hapunan. Naghihintay na sila sa amin. Nagdahilan na lang ako na nakatulog kami ni Zy sa cottage. Nalaman na rin nila na sa lovers cottage kami tumuloy ni Zy.

“Babes, can you teach me with this?”

May plastic gloves siya sa mga kamay niya. Kakain kasi kami ng nakakamay. Inihila ako ni Z ng silya sa tabi ni Delia bago siya umikot at umupo sa tabi ni Obrey at tinuruan itong kumain ng nakakamay.

“Kahit saan ka ba magpunta bitbit mo si Baby?” Delia is referring to my son sleeping on my arms. Ngumiti ako at tumango. Wala si Manang dito kaya walang mag-aalaga sa kaniya ngayong kakain ako.

“Sabagay, kung ganiyan rin ka gwapo ang anak ko hindi ko rin basta-basta ipagkakatiwala sa iba!” Pinangigilan nito ang paa ni Zy.

“Ang ingay mo kumain ka na lang, Honey.”

Sinubuan siya ni Benedict. “Hm, I like that honey,” Itinuro ni Delia ng barbeque.

Kinuha naman ito ni Benedict at sinubuan si Delia. Napangiti ako habang nakatitig sa kanila kasi masaya ako kay Delia na natagpuan niya na ang lalaking magmamahal sa kaniya at tat-tratuhin siya ng tama!

Dumapo ang tingin ko kay Z. Masaya silang kumakain ni Obrey nagbubulongan pa nga sila kaya ng dumapo ang mata niya sa akin agad akong umiwas ng tingin.

Since, hindi naman ako makakain ng maayos nito. Barbeque at hotdog lang ang kinain ko. Okay na 'to sa akin as dinner. Hindi naman ako breastfeed kaya okay lang na walang snacks sa gabi.

“Pasensya na talaga, Mary ah? Hindi ko naman kasi alam.”

Kanina pa siya sorry ng sorry about what happened doon sa room na ipinaubaya ko kay Obrey. Ang sabi pa sa akin ni Delia para sa akin talaga 'yong room na 'yon kasi ako lang ang friends na inimbita niya most of the guys are Benedict's friends that's why Obrey also there.

“Okay lang 'yon! Alam ko naman na walang TV sa ibang bansa.”

Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Nalaman niya na kasi ang buong katutuhan. Nagtataka kasi siya na malaman niyang asawa ko si Z tapos may anak ito kay Obrey.

Natakot nga ako na baka isa rin siya sa mga taong ang baba ang tingin sa akin pero pasalamat ako na hindi nagbago ang tingin niya sa akin.

“Nasasaktan ako para sa'yo, Mary! Kung nandito lang ako ng mga panahong 'yon sana may kakampi at ako mismo ang lulunod kay Kayla sa kakapalan ng mukha!”

“Matagal na ang nangyari, si Zy na ang priority ko ngayon.”

“Kung ako ang nasa sitwasyon mo sigurado akong hindi ko matitiis na makikita ang asawa ko na may kasamang iba kaya bilib naman ako sa'yo na natatagalan mo ang ganito.”

Kami na lang ang na iwan ni Delia dito sa mesa lahat sila may kaniya-kaniyang channel na tulad ni Z at Obrey kasama ang anak nila. Iyong asawa ni Delia pagsabi nitong girl's talk kinuha sa akin si Zy dahil belong daw ito sa for the boys kaya ito ang nagbabantay nakikipagkwentuhan sa tatlo pang lalaki na kasama namin.

Nang lumalim na ang gabi, malamig na ang simoy ng hangin kaya kahit gusto ko pa makipag-kwentuhan kay Delia dinala ko na sa cottage si Zy dahil ayokong malamigan ito at magkasakit. Bilin-bilin pa naman ni Manang na wag long pababayaan si Zy lalo pa first time nito magbeach.

Malamig dito sa cottage at hindi na kailangan ng aircon. Binalot ko si Zy nang panlamig para hindi siya ginawin o magkasakit. Siniguro ko rin na lock ang mga bintana at pinto. Kahit na kasi sabihing safe place ito hindi ko pa rin maiwasang kabahan kasi first time ko na mag-stay sa ganito.

Matutulog na ako ng marinig ko ang tatlong beses na katok sa pinto. Gumalaw rin ang seradura na animo'y may nagbubukas nito kaya kinabahan ako ng sobra.

Pinagsisihan ko tuloy napinili kong mag-stay dito na dapat special na ang kinuha ko para kung may hindi man magandang mangyayari ay may matatawagan akong staff!

Mabuti na lang hindi naman 'yon na ulit kaya sa tingin ko ay guni-guni ko lang. Imbes na isipin 'yon ay niyakap ko na lang si Zy at nakatulog ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko naman kailangan pang magtimpla ng milk kung sakaling magising siya dahil nagtimpla na ako, papadedehin ko na lang siya kapag gutom na.

Nagising ako ng marinig ko ang malakas na kalabog mula sa sala nitong walking house na tinawag na lover's cottage! Nakakatakot na talaga dito pero sa tingin ko ay tiyan ko lang ang narinig kong kumukulo!

Tiningnan ko ang oras, alas 3 na nang madaling araw. Bumangon ako at kinuha ang cup noddles sa bag ko. Girl scout yata ako kaya may mga instant foods akong dalawa.

May heater naman dito at nag-init ako ng tubig. Kompleto ang gamit sa kusina kaya hindi ko na kailangan pang lumabas para makakain.

Nagtimpla na rin ako ng choco para may panulak ako sa noddles.

Nakatulog ulit ako pagkatapos kung kumain. Kinabukasan nagising ako na mataas na ang sinag ng araw at umiiyak na si Zy sa tabihan ko.

Inasikaso ko muna si Zy, pinalitan ng damit at nilinisan bago ko pinadede ng bagong timplang gatas. Inasikaso ko naman ang sarili ko ng makatulog ito. Naghilamos ako at nagpalit ng damit.

Nagsuot ako ng black two piece pero dahil sa iniwang bakas ni Z ay hindi ako pwedeng lumabas ng ganito kaya pinatungan ko ng isang black see-through dress.

Hindi naman nahalata 'yong marks dahil itim naman ang suot ko kaya. Napatingin ako sa pinto ng ng marinig ang katok.

“Are you up?”

Napairap ako. Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon ng hindi tinitingnan ang nasa labas na si Z.

“You need to feel the sun kisses, baby!”

Binuhat ko si Zy upang ilabas pero agad akong natigilan ng may mabanga ako at mabilis na pumalibot sa maliit kong bewang ang kamay niya.

“I'd love to give your Mom a good morning kisses, baby.” Hinalikan ni Z sa labi si Zy mula sa likuran ko. “Good morning, baby.”

Nakatingin sa mata kong sambit niya at ginawaran ako ng halik sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya kaya mahina siyang tumawa at umulit pa siya ng isa.

“Flowers?”

Inilabas niya ang two pieces fresh white roses.

Napangiti ako ng makita ang bulaklak kaya tinanggap ko ito at nakangiting binigyan ko siya ng halik sa pisngi bago lumabas ng cottages.

First time ko kasing makatanggap ng flowers mula sa kaniya na siya pa mismo ang nag-abot sa akin. Ang totoo niyan, hindi ako mahilig sa bulaklak. Madaming nagbibigay sa akin no'ng school days ko. Every valentines ang daming nagbibigay sa akin high school to college pero wala akong gusto sa dami ng bulaklak.

Siguro, paborito ko na ngayon ang roses madalas ito kasi ang ibinibigay sa akin ni Z, iba't-ibang kulay nga lang.

“Sun kisses, Zy is saying hello!”

Nakangiting kinaway ko ang kamay ng anak ko at papikit-pikit ang mata nito dahil sa sinag ng araw.

Malapit na mag 7 AM ang lamig pa rin ng simoy ng hangin kaya feeling ko tagos hangang sa kalamnan ko ang lamig mabuti na lang makapal ang isinuot ko kay Z hindi siya lalamigin.

Napatingin ako sa katabi ko ng tumikhim ito. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin kaya natatakpan ang mukha ko.

“Thank you dito!”

Iwinagayway ko ang roses na hawak ko. Tumango naman siya at namulsa habang diretsong nakatingin sa tahimik na karagatan.

“Wala pala ditong mabibilhan ng bulaklak mabuti na lang may nakita akong roses doon sa landscapes. Dalawa na ang pinitas ko para sa kahapon na wala kang na tanggap.”

“Sira ka ba? Binigyan mo ako ng bulaklak mula sa nakaw? Alam mo ba na bawal pumitas doon?!”

Ihahampas ko na sa kaniya ang bulaklak pero agad naman niya akong napigilan pero hinampas ko pa rin siya 'yon nga lang nakahilag.

“Hey! Hey! I know. I know. Binayaran ko naman 'yong pinitasan ko niyan. 2k each. Kaya hindi nakaw 'yan!”

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa ginawa niya o mas lalong maiinis. Paano na lang kung tourist ang makapulot no'n at hindi 'yong caretaker?

“Good morning bro!” Sulpot ng topless na lalaki at umakbay kay Z. “Hi, byotipol! Good morning...”

“G-Good morning din.” Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na hinahangin.

Ang gwapo pala ng lalaking 'to sa umaga! Magkasing-taas lang sila ni Z. Kung sa itsura ang pag-uusapan hindi sila nagkakalayo ni Z pareho silang gwapo at sa katawan naman ganu'n din!

“Percy. I'm Zyron's best friend. Wala ba siyang na iku-kwento sa'yo na gwapo niyang kaibigan?”

Napangiti ako sa kaniya. Sinikmuraan siya ni Z hindi naman suntok pero alam kung masakit 'yon!

“Hoy! Kung usapang gwapo, ako ang una sa list!” Sigaw naman ng lalaking lumalangoy sa dagat. Nang umahon ito napalunok ako dahil may abs! Gwapo din!

“Linta!”

Sumisigaw na lumapit ito sa amin kaya halos mabasa niya kami sa tilamsik mabuti na lang humarang si Z at inambangan niya ito ng batok.

“Putangina naman, Cjay! Napakabading nito! Oo naman! Shit!”

“Na saan ang linta?! Ah! Ah!”

Nagpupunas si Percy ng mukha niya na nabasa ni Cjay. Si Cjay naman patuloy sa paglundag akala mo naman may nakadikit sa kaniya.

“Sa likod ni Zyron, nakakapit.”

Mabilis akong napalayo kay Z nang mapagtanto ko na ako ang tinutuloy ng lalaking papalapit sa amin. Naka-bench shorts ito at sando.

“Glen. Asawa 'yan ni Zyron!” Inambangan ng suntok ni Cjay ang lalaking tinawag niyang Glen.

“Oo, alam ko. Asawang inagaw!”

Napayuko na lang ako dahil emphasize ang salitang inagaw. Masama din ang tingin nito sa akin sa kanilang lahat siya lang ang hindi natutuwa na makita ako dito.

“Ano bang problema mo?”

“Ikaw? Bakit ka nagagalit?!”

Itinulak ni Percy si Glen kaya gumanti naman ito. Silang dalawa ang nagkakainitan.

“Eh binabastos mo ang asawa ni Zyron sa tingin mo matutuwa ako sa ginagawa mo?”

“Bakit pare? May balak ka rin bang ikama ang babaeng 'yan? Kung sa bagay, mas magaan ang loob mo sa mga babae kaysa ditong kay Zyron kaya hindi malabong maagaw ka niyan sa shota mo!”

Tumakbo ako palayo sa kanila ng magsuntukan ang dalawa, imbes na awatin pinagsasabong pa ni Cjay na upakan daw si Glen. Sa pagtakbo ko mahulog ko ang bulaklak at hindi ko nalaman kong saan ang focus ko kasi Zy na hindi ko siya mabitawan.

Nang makarating ako sa may duyan kung saan walang tao. Niyakap ko si Zy habang naglalandas sa pisngi ko ang masaganang luha. Akala ko tapos na ang issue na 'to pero hindi ko naman alam na mismong kaibigan ni Z pa ang maghuhukay ng mga ibinabaon ko.

Ang hirap-hirap kasing ibaon sa limot 'yong mga ganu'ng bagay. Iyong mga panghuhusga nila sa akin. Oo, dapat nga na hindi ako affected dahil alam ko sa sarili ko ang totoo pero sa tuwing ako ang usapan.

Nanliliit ako at hindi pa rin mawala sa akin ang pakiramdam kong paano husgahan ng buong mundo! Alam mo 'yong pakiramdam na bawat makasalubong may nakatingin sa'yo na hinuhusgahan ka.

Iyong marinig mo silang pinag-uusapan ka at halos lahat nang masamang salita ginamit na sa'yo kapag pinutulan mo, ikaw pa rin ang talo dahil marami sila, nag-iisa kang pinagtatanggol ang sarili mo.

Bumabalik sa akin 'yong panahon na wala akong makapitan kundi ang sarili ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko dahil mismong magulang itinakwil ako! Kinamumuhian ako ng mga itinuring kung kaibigan at sa dami nila si Delia lang ang nanatiling kaibigan.

“Ayos ka lang?” Nilapitan ako ni Delia at niyakap. “Nagising ako na nagsasapakan si Glen at Percy. Pagpasensyahan mo na 'yon, ganu'n lang talaga 'yon magsalita pero mabait naman.”

“Wala naman sa'kin 'yon eh... Natatakot lang ako na kapag malaki na si Zy marinig niya ang ganu'ng bagay sigurado akong kamumuhian rin ako ng anak ko...”

“Mary...”

“Huwag ka na lang lalapit sa lalaking 'yon, basta kapag inulit niya pa ang ginawa niya kaming dalawa na ni Percy ang makakalaban niya.”

Nandito rin pala si Benedict kaya nahihiyang tinuyo ko ang pisngi ko. “Wag ka nang mahiya sa akin. Kaibigan ka ng asawa ko at pamangkin ko ang anak mo, kaya hindi ako nagdadalawang-isip na ipagtanggol ka dahil mahalaga ka sa asawa ko, ang mahalaga sa kaniya mahalaga na rin sa akin.”

Masasabi ko na talagang nasa karapat-dapat na lalaki na talaga si Delia. Masaya ako na nakatagpo siya ng isang Benedict na magmamahal sa kaniya at bibigyan siya ng importansya.

Hindi ako sumabay sa pagkain ng almusal sa kanila. Hindi naman sa wala akong gana, ayoko lang na makita si Glen at sumabog siya kapag nakita ako.

Naglakad-lakad lang ako kasama si Zy hangang sa makarating ako sa isang Coffe shop. Kumain ako ng almusal dito at saglit na tumambay.

“Mary! Ikaw ba 'yan?”

Nilingon ko ang lalaking kumakaway habang tumatakbo papalapit sa akin. Nanlaki pa ang mata ko nang makilala si Vico!

“Mary, ikaw nga!”

“Vico?!”

Sa hindi malamang dahilan natuwa ako ng makita ko siya. Bakit ba kasi palagi siyang dumarating sa tuwing masama ang loob ko? Hindi ko tuloy maiwasang mapasaya kapag kasama siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Manar Makasasa
tanga mo kc dika pa umalis jn sa poder ng asawa mo.harap harapan ka ng niloloko anjn kparin
goodnovel comment avatar
Sexylove
tama na ang kamartyran..kung d ka kayang irespeto, irespeto mo sarili mo..iwas sa mga toxic na nilalang
goodnovel comment avatar
Leziel Mae Tenebro Bose
oh my God naiyak tlaga,kawawa naman c mary huhuhu ang sakit sa puso
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HIS LOYAL WIFE    FAREWELL MESSAGE

    𝐃 𝐈 𝐒 𝐂 𝐋 𝐀 𝐈 𝐌 𝐄 𝐑 This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, event and incident are either product of the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or death. Events, places, businesses is entirely coincidental. *** This book or any portion thereof may not be reproduced or use in manner whatsoever without the express written permission of the author. Any infringement of copyright is punishable by law. PLAGIARISM IS A CRIME. _ _ _ 𝐉 𝐀 𝐘 𝐏 𝐄 𝐈 ' 𝐒 M E S S A G E Hello, Everyone! I hope this message find you well. ’Marhay na aldaw!’ First of all, I can proudly said; HIS LOYAL WIFE (HLW) officially reached the finish line! You can read the whole and complete story of Zyron and Marylee! Ang pagmamahal, hindi ipinapakita sa ibang mapaparaan, hindi rin dapat na itinatago. Ang pagmamahal ay ipinapadama at ipinapakita sa pamamaraan na makikita kung gaano kahalaga ang isang tao para sa'yo.

  • HIS LOYAL WIFE    EPILOGUE

    Ang maglakad sa altar na nakasuot ng mamahalin at mahabang gown na puti ay hindi na bago sa akin. Ngunit ang nararamdaman ko ay tulad pa rin ng unang beses na ihaharap ako ni Zyron sa altar. Nasa gitna kami ng karagatan sakay ng isang malaki at bagong biling barko ni Zyron, ginaganap ang aming kasal. Hindi madali ang naging simula nang aming pagsasama ni Zyron. Hindi namin inaasahan na ang 'yong isang gabing pinagsaluhan namin ang magbubuklod sa amin sa panghabang-buhay. Ang maikasal sa kaniya ng gabing 'yon ay hindi ko inaasahan ngunit nangyari sa isang kisap-mata. Nagkaroon kami ng anak na naging tulay na buohin ang aming pamilya. We meet, I run—because I thought we are not marriage anymore. Look at now, we are here again, promising and cherish our loved. Saksi ang aming pamilya, mga anak namin, ang Mommy at Uncle Sen, ang Mommy at Daddy ni Zyron. Ang kapatid naming si Vico, sila Zymon at Obrey, ang mga kaibigan niyang palaging nandiyan para sa amin. Hindi rin nawala si C

  • HIS LOYAL WIFE    HIS LOYAL WIFE 50

    “Lumayas ka dito! Doon ka sa Mrs. Lopez mo!” Hinampas ko siya ng hinubad niyang coat. Sinasalo niya ang hampas ko habang umaatras. “Baby, kalma! Kalma!” Sinalo niya ang kamay ko at kinuha ang coat niya. “Wala lang 'yon! Okay? Sinadya niya 'yong gawin dahil nakita ka niyang dumating.” He explained. “Malaman ko lang talaga na may relasyon kayong dalawa, iiwan kita Zyron! Hinding-hindi mo makikita ang mga bata!” Banta ko sa kaniya at ibinato sa mukha niya ang coat niya. “Tang Ina naman oh! Akala ko ba three months lang ang paglilihi bakit kahit eight months na si baby napaka-selosa mo pa din?!” Maktol niya at umupo sa couch. Napakurap-kurap ako ng makita si Cjay at Vico na nakatayo sa sulok ng sala, pinagmamasdan nila kami ni Zyron. “Nariyan pala kayo?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawa. Napakamot sa ulo si Cjay at umiwas ng tingin sa akin at si Vico naman ngumiti ng pilit. “Ah... Oo! Hi, Mary!” “Armalite rin pala bunganga mo? Buti napagtitiisan pa ni Kuya.” Pilit na ngum

  • HIS LOYAL WIFE    HIS LOYAL WIFE 49

    Kinabukasan, nagising ako na tinatamad na bumangon. Nakita ko si Zyron na nakatayo sa harap ng salamin, inaayos ang suot na necktie. “Are you leaving?” I asked him while I'm still on the bed. “Hey! How do you feel?” Nilapitan niya sa kama at ginawaran ng halik sa pisngi at noo. “Good morning, baby.” “Morning...” I close her eyes and I felt his lips on my cheek again. “Baby, I'm so worried about you. I ask Cjay to bring the doctor here, you don't have to worry about the kids—Henya will staying here for a while. All you need to do is to rest, okay?” “Okay. I'm sure, wala akong sakit. Madalas lang akong mahilo at masama ang pakiramdam ko nitong nakaraan.” “I want to make sure.” He kiss my hand. “I cook breakfast. Ipapadala ko na lang kay Henya para hindi ka bumaba.” “Dito ka lang. I want you here, Zyron.” My eyes is pleading. “Baby, I'll be right back.” Alam kong abala siya ngayon dahil sa nalalapit na pagbukas ng kaniyang hotel pero sa tuwing iniisip ko na makakasama niya si Mrs.

  • HIS LOYAL WIFE    HIS LOYAL WIFE 48

    “Baba... Baba. Baba...” I woke up because of my son's tender voice that music sounds to my ears. Tumama ang mata ko kay Rohan na nakaupo sa may uluhan ko habang hinahaplos ang buhok ko. He look sad but he smile when he saw I open eyes. “Baba!” “Why you're here?” Inilibot ko ang paningin sa kwarto. Walang ibang tao sa kwarto maliban sa aming mag-ama. Umaga na pero hindi niya pa rin ako pinapansin, nakakainis! “Baba sick?” Worried flash on his beautiful eyes. “Nah. Let's go shower?” I kiss his cheek. “Va bene!” I chuckled as I heard his Italian language. Binuhat ko siya at dinala sa banyo. Imbes na makipagtalo sa kaniya natulog na lang ako. Nagseselos ako at naghihintay lang naman ako ng lambing pero hangang ngayon hindi niya pa rin ako nilalapitan. Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong yakapin at halikan. I miss her didn't she miss me too? If you are wondering why we end up together? It's a long story but I make quick and simple. Three days after rejected my propo

  • HIS LOYAL WIFE    HIS LOYAL WIFE 47

    ***FIVE YEARS LATER*** “Baba! Baba?! Baba!” A cute voice of my son filled my ears and interrupt the man who discussing in front of me. Inikot ko ang sviwel chair na kinauupuan ko upang harapin ang anak ko. Hindi nga ako nagkamali, nakatayo siya sa may pinto na mahaba ang nguso at galit ang mga mata—na minana niya sa kaniyang Mama. Nasa likod niya ang sekretarya ko na nakayuko. “I'm sorry, Sir.” Ikinumpas ko ang kaliwang kamay ko tanda na umalis na ang sekretarya bago kumumpas muli ang kamay ko tanda na lumapit sa akin ang anak ko. “Baba!” Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at bakas sa mukha niya ang tuwa. Dinala niya ang sarili sa kandungan ko at yumakap. Pinagmamasdan ako ni Benedict, Glen at Cjay na nandito rin sa loob ng conference room. “Baba's busy.” I whispered on him before I kiss his cheek. “Baba, Sono annoiato.” He answered with the Italian accent and language. “Mister Zacarious, do he is your son to Miss Roxanne?” Mister Portem asked, isa sa mga ka m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status