Share

Chapter 148

Author: Cathy
last update Huling Na-update: 2025-05-17 22:47:07

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

"SAAN mo ako dadalhin? Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako!" paasik na wika ko kay Lucian. Bahala na siya kung mas lalo siyang magalit sa akin. Wala na akong pakialam pa.

Pagod na ako sa kakaibang ugali ng lalaking ito eh. Bakit ba nagbago na naman ang isip niya? Tahimik na ang dati kong buhay tapos heto na naman. Balik na naman ba kami sa dati? Haysst!

"Sa lugar kung saan alam kong walang ibang lalaki na magtatangka na agawin ka sa akin."seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. Nababaliw na nga talaga siguro ang lalaking ito.

Sa totoo lang, kanina pa ako naguguluhan eh. Kanina ko pa iniisip kung gaano katotoo ang sinabi niya sa akin kanina na pag-aari niya daw ang condo unit na tinitirhan ko. Imposible kasi talaga dahll ang alam ko si Sapphire ang nagmamay-ari noon eh.

Wala sa sariling muli akong napatingin kay Lucian. Nakapikit ang mga mata niya pero salubong ang kilay niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hin
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 149

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS ng ilang minuto pagkalabas ni Lucian ng silid, dali-dali akong bumaba ng kama at may pagmamadali sa kilos na naglakad ako patungo sa pintuan ng silid at dahan-dahan na pinihit ang door knob at laking tuwa ko nang mapansin ko na hindi iyun naka-lock. Kung ganoon, mukhang wala naman yatang balak si Lucian na gawin akong bihag eh. Hinayaan nitong bukas ang pintuan so ibig sabihin, pwede akong lumabas at iyun na mga ang ginawa ko. Lumabas ako ng silid at direchong tinahak ang hagdan pababa para lang matigilan nang may biglang nagsalita sa likuran. "Saan ka pupunta?" wika ng isang seryosong boses. Napatigil ako sa paghakbang at kinakabahan na napalingon at hindi maiwasan na makaramdam ng kaba nang tumampad sa paningin ko ang seryosong hitsura ni Lucian "Sa ibaba. Maghahanap....I mean iinom sana ako ng malamig na tubig." kinakabahan kong sagot sa kanya. Napansin kong seryoso lang itong tumitig sa akin at mabilis na naglakad palapit. "Since,

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 148

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "SAAN mo ako dadalhin? Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako!" paasik na wika ko kay Lucian. Bahala na siya kung mas lalo siyang magalit sa akin. Wala na akong pakialam pa. Pagod na ako sa kakaibang ugali ng lalaking ito eh. Bakit ba nagbago na naman ang isip niya? Tahimik na ang dati kong buhay tapos heto na naman. Balik na naman ba kami sa dati? Haysst! "Sa lugar kung saan alam kong walang ibang lalaki na magtatangka na agawin ka sa akin."seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. Nababaliw na nga talaga siguro ang lalaking ito. Sa totoo lang, kanina pa ako naguguluhan eh. Kanina ko pa iniisip kung gaano katotoo ang sinabi niya sa akin kanina na pag-aari niya daw ang condo unit na tinitirhan ko. Imposible kasi talaga dahll ang alam ko si Sapphire ang nagmamay-ari noon eh. Wala sa sariling muli akong napatingin kay Lucian. Nakapikit ang mga mata niya pero salubong ang kilay niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hin

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 147

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "CONDO mo? Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong kay Lucian. Paanong naging condo niya gayung ang alam ko si Sapphire ang dahilan kaya ako tumira dito. "Kakasabi ko lang sa iyo kanina na hindi ka pwedeng mag entertain ng kahit na sinong lalaki, Precious. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko, akin ka lang at walang ibang magmamay-ari sa iyo kundi ako lang." seryosong bigkas niya. "No! Hindi ako pumapayag. Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pa. Na papalayain mo na ako at hindi mo ako guguluhin kahit kailan." seryosong sambit ko. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at seryoso niya akong tinitigan. "Noon iyun, nagbago na ang isip ko ngayun. Lalo ka at alam kong balak kang ligawan ng gagong ito!" galit niyang sambit at muli niya na namang sinapak si David na siyang dahilan kaya mahilo-hilo itong napahiga sa sahig. "Lucian, ano ba? Pamangkin mo si David bakit mo ba siya sinasakyan?" halos pasigaw kong

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 146

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV ARE you sure ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sapphire habang nandito kami sa loob ng kanyang kotse. Pauwi na ako ng condo at nagboluntaryo na naman ito na ihahatid niya daw ako. "No...hindi ako okay. Siguro, kailangan ko nang magresign sa trabaho." seryosong sambit ko. Oo...iyan ang plano ko ngayun kaysa naman patuloy kong titiisin ang ginagawang panggugulo ni Lucian sa buhay ko. Ayaw ko nang dumating sa punto na baka mamalayan ko na naman na muli niya akong nabihag. "Ha? bakit naman? Sayang naman kung basta ka na lang aalis ng trabaho, Amber." seryosong sambit niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumitig sa kawalan. "Hindi ako titigilan ni Lucian." seryosong sambit ko. "Si Sir Lucian? Teka lang...bakit siya ang dahilan? May ginawa ba siyang mga bagay-bagay na hindi mo nagustuhan?" seryosong tanong niya sa akin. "Wa-wala naman kaya lang kilala ko siya noon pa man. Alam ko kung anong klaseng ugali

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 145

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PARANG bomba na sumabog sa pandinig ko ang sinsabing iyun sa akin ni Lucian. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong muli sa kanya . Kung ganoon, may dahilan talaga siya kung bakit siya ganito ngayun sa akin. May plano na naman siya Akala ko talaga tuluyan niya na akong papalayain pero hindi pala. Nagbago na naman ang lahat at alam kong mahirap siyang iwasan. "Hi-hindi na mangyayari ulit ang mga nangyari na noon, Lucian. Wala na akong balak pang muling balikan ang mga nangyari na noon " lakas loob kong sambit. Kailangàn kong panindigan ang lahat -lahat para sa katahimikan ng buhay ko. Nakakaramdam lang ako ng tunay na katahimikan simula noong pinalaya niya ako. "Why? Because of David? Nagkabalikan na ba kayo?" seryosong tanong niya. Nahihimigan ko din sa boses niya ang pait at lungkot. Kaagad naman akong umiling. "Walang kinalaman si David sa kung ano mang desisyon na gagawin ko sa buhay ko kaya huwag mo siyang idamay." seryosong sambit ko. Is

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 144

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS namin mag-usap ni Lucian sa phone, hindi na ako makapag concentrate muli sa aking trabaho. Bigla kasi akong nakakaramdam ng pag-alala sa posibleng mangyari mamaya pagdating ni Lucian. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naging reaction niya noong nalaman niya na sumama ako kay David na kumain ng lunch. Kung totoosin, wala na dapat siyang pakialam pa sa buhay ko dahil matagal naman na kaming hiwalay at nangako na din ito sa akin na hindi niya na ako pakikialaman pa. "Amber, Amber, dumating na si Sir Lucian." hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala na nakatitig sa monitor ng aking computer. Bigla na lang kasi akong kinalabit ni Sapphire at tulala akong napatitig sa kanya "Ha?" gulat kong bigkas. Natawa naman ito " Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka ba tulala?' nakangiti nitong sambit. Hindi naman ako nakaimik. "Ayos lang iyan. Hayaan mo iyang mga kasamahan natin na kainggitan ka. Palibhasa kasi napapansin lang

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   CHAPTER 143

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "SA--sana hindi na lang kita niluko. Siguro, kung hindi sa maling desisyon ko, hangang ngayun masaya pa rin tayo. Nangako ako sa iyo noon na ikaw lang pero hindi ko natupad iyun." muli niyang sambit habang puno ng emosyon ang kanyang mukha at patuloy sa pagpatak ang luha mula sa kanyang mga mata. "Kung maibabalik ko lang ang lahat...hindi sana kita sinaktan." muli niyang sambit. "David, please...tapos na ang lahat ng iyun. Napatawad na kita." seryoso kong sambit. Isang malungkot na ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya habang nakatitig sa akin "Yeah...napatawad mo na ako pero hindi ibig sabihin noon na mahal mo pa rin ako diba?" seryosong sambit niya. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya! "Gusto ko nang kalimutan ang lahat-lahat! Hindi ako ang babaeng karapat- dapat sa iyo kaya dapat lang na kalimutan mo na ako." seryoso kong bigkas. Napansin ko ang pait na nakaguhit sa mga mata niya habang hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 142

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na lang pinansin ang mga patutsada ng mga kasamahan ko dito sa department namin na sila Anne, Mary at Susan. Iniisip ko na lang na siguro inggit lang talaga sila sa akin. Nandiyan naman si Sapphire na noon pa man kaibigan ko na never akong hinusgahan. "Lunch time! Let's go!" narinig kong sambit ni Susan. Wala sa sariling nag-angat ako ng tingin at napatingin sa kanila. Napansin kong naghahanda na sila sa pagbaba sa cafeteria para kumain ng lunch. "Ikaw Sapphire, sasama ka ba sa amin?" nakangiting tanong ni Anne kay Sapphire. Napansin kong naptingin din sa akin si Sapphire kaya naman kaagad na din akong nagsalita. "Sumama ka na sa kanila, Sapphire." nakangiti kong bigkas. "Paano ka? HIndi ka ba sasabay sa amin?" nagtatakang tanong nito sa akin. Sasagot sana ako kaya lang siyang pagdating naman ni David. "Amber, lunch time na. Let's go!" narinig kong sambit nito. Napansin kong lahat ng mga kasamahan ko napatingin sa kanya. Kitang kita ko

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 141

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ako materialistic na tao kaya naman itinabi ko na muna ang mga pinadeliver na mga items sa akin ni Lucian. Maliban sa mga pagkain, wala akong balak na pakialaman ang mga bagay na ibinigay niya sa akin. Gusto kong isauli sa kanya lahat iyun dahil hindi ko matatangap. Ayaw ko din kasing isipin nito na gustong gusto ko ang ginagawa niya at natutuwa ako Naging maayos na ang panahon kinabukasan kaya naman maaga pa lang gumayak na ako papasok ng opsina. Sumisikat na din naman ang araw na para bang nagdahilan lang ang langit kahapon ng hapon at gabi dahil sa lakas ng ulan. Nag grab na lang ako at mabilis akong nakarating ng opisina. Kaagad akong pumasok sa loob nang hindi ko maiwasan na magtaka dahil habang naglalakad ako patungo sa elevator, napapansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng ibang mga empleyado ng ibat ibang department. "Siya ba iyun napapabalita na bagong apple of the eye ni Mr. Ferrero? Sabagay, maganda naman pala eh. No wonder na gus

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status