Share

HIS POSSESSIVE WAYS (TAGLISH)
HIS POSSESSIVE WAYS (TAGLISH)
Author: Pseudonym

Chapter 1

"Fix yourself, we will visit Grandpa." Bigla akong napaiktad sa boses na iyon.

Tumingin ako at nakita kong si Zach iyon, nakapamulsa at gwapong-gwapo na nakatingin sakin. Pero malamig iyon at parang sinusuri ako o ewan.

Mabilis akong tumayo at inayos ang aking buhok. "Mauna ka na." Sabi ko sa kaniya.

Tumingin lang ito ng malamig. Alam niya kasing ayaw ko ng may nakakakitang magkasama kami, mahal ko pa ang trabaho ko no!

Kahit naman nagsasama kami sa iisang bubong ay hindi ako umaasa sa yaman nito. Binabayaran ko lang ang utang na loob ko sa lolo nito. Ulila na akong lubos, inampon at pinag-aral ako ni Don Carlo Buenavista, ang lolo ni Zach. Hiningi nitong pakasalan ko ang kaniyang apo, hindi ako makatanggi dahil sa utang na loob kaya pumayag narin ako. Kahit ayaw ko sa lalakeng ito ay wala naman akong magagawa.

"Tsk." Iyon lang ang sabi nito bago nauna nang umalis. Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang bag ko at lumabas na rin sa silid aralan.

Alas singko na ng hapon kaya nagsisiuwian narin ang mga studyante. Pagkalabas ko sa University ay pumunta ako sa nakaparadang Ferrari na sasakyan ni Zach. Luminga-linga pa ako para masiguradong walang makakakita sa akin na estudyante o di kaya teacher. Nang masiguro kong wala ay agad na akong pumasok.

Dapat mag ingat ano, mahirap na baka may makakita sa amin at kung ano-ano ang isipin nito tungkol sa aming dalawa ni Zach.

_

Tahimik lang ako habang nakaupo sa driver seat ng magsalita ito "Do you have crush on Theo?" Malamig ang boses nito na parang galit.

"W-Wala." Napapikit ako.

Lagi nalang akong nauutal pag kinakausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit, basta kinakabahan lang ako at nakakahiya na rin.

"Really? Then why you keep asking him whenever we're late?" Nakangisi nitong tanong habang minamaniobra ang sasakyan.

Nagyuko ako ng ulo. "Kasi siya lang ang matinong kausap." Mahinang turan ko. Ayokong tignan ang kaniyang gwapong mukha dahil sigurado akong galit na naman ito sa akin.

Lagi naman ganito si Zach, kada salita ko ay nagagalit ito, laging nakaarko ang kilay na parang sinusungitan ako. Laging malamig ang titig sa akin. Hindi ko maintindihan kong bakit ba ganyan siya sakin.

Pero baka siguro'y dahil pinilit siya ng kaniyang lolo na pakasalan ako. Baka ayaw niya sa akin kaya siya galit na galit. Malamang! Napilitan din kasi itong hiwalayan ang kasalukuyan nitong nobya dahil sabi ni Don Carlo ay maging mabuting asawa raw ito sa akin pero hindi naman! Napaka bossy nga niya eh!

"Do I look like joke to you then?" Napakagat ako ng labi.

'Paano eh, lagi mo akong sinusungitan!' gusto kong sabihin sa kaniya. Pero wag na at baka iwan niya ako dito sa gitna ng highway. Ayokong mag lakad o mag commute pauwi, sayang yong pamasahe kapag nag commute ako eh.

"I'm talking to you Megan." Dominanteng sabi nito at bakas sa boses ang pagkainis. Huminga ako ng malalim para iwaksi ang kabang nararamdaman ko.

Isang taon ang tanda ko sa kaniya pero kung makapag Megan akala mo'y limang taon ang tanda sa akin! Isa pa ay Teacher niya ako dapat ay hindi ako nito kinakausap sa ganitong tono!

Lumingon ako sa kaniya para sana magsalita "S-Sorry..." umurong ang dila ko nang makita ang lamig ng mga mata nito.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang luha ko dahil sa inaakto niya sa akin. Nah! Magpasalamat nalang ako at hindi niya ako sinasaktan physically.

_

"You already know what to do right." Tumango ako sa bilin na iyon ni Zach nang makarating kami sa mansion ng mga Buenavista.

Lumabas na ito sa sasakyan tsaka ako hinintay, ni hindi manlang ako pinagbuksan!

Hinapit ako nito sa baywang at sabay kaming pumasok sa malaking pinto. Kinakabahan ako... Kinakabahan ako hindi dahil makikita ko ulit si Don Carlo kundi kinakabahan ako sa uri ng yapos sa akin ni Zach.

Madamot iyon at mapagangkin, ang namumutok nitong muscles ay walang awang nakapulupot sa aking maliit na baywang. Amoy na amoy ko pa ang panlalake niyang pabango na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Parang may kumikiliti sa aking tiyan! Kilig ba ang tawag doon? Huh? Kinikilig ba ako sa lalaking ito?

"Hija! Apo!" Napangiti ako nang sumalubong sa amin si Don Carlo, may ngiting nakapaskil sa labi nito at mukhang tuwang-tuwa sa pagdating nila.

Nakasakay ito sa wheelchair, sobrang tanda na pero mababakas parin ang kagwapohan nito.

"Don Carlo." Nagmano ako sa matanda bilang paggalang.

"Grandpa." Casual na bati naman ni Zach.

Gusto kong umirap, ni wala manlang kalambing-lambing sa boses nito.

"Sabi kong Lolo nalang Ija." Natutuwang sabi ni Don Carlo. Ako naman ay biglang nahiya at tumango nalang.

Ramdam ko ang paggapang muli ng kamay ni Zach sa aking baywang dahilan para mapaiktad ako. "Eherm." Tikhim nito.

Tumingin ako sa kaniya pero seryoso lang ang mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin, mag a-acting naba kami?

"Why did you invite us Grandpa?" Diretsyong tanong ni Zach na iginigiya ako ngayon sa hapag.

"Why not Hijo? Gusto ko lang kayong makasama." Wiling turan ng matanda.

Ngumiti naman ako nang dumako ang tingin nito sa kamay ng kaniyang apo na nakayapos sa aking baywang.

"Kamusta? May laman naba iyan?" Turo ng matanda sa akin tiyan nang makaupo kami.

Bigla ay namula ang aking pisngi.

'Paano naman ito magkakalaman ni hindi nga ako mahawakan ng apo niyo Lolo' gusto kung isatinig iyon pero 'wag nalang.

"Soon, Grandpa. Megan's still enjoying her teaching. She's not ready yet." Nakagat ko ang loob ng aking pisngi. Ang galing talaga magdahilan!

"Really, Megan?" Malungkot na tanong ng matanda sa akin.

"Umh.. We'll try Lolo." Mahinang sabi ko.

Hindi na humingi pa ng abiso sa lalaking madiin na ang kapit sa aking baywang. Kahit nakaupo na sa hapag ang isang kamay nito ay nasa baywang ko parin!

"Ayon! Galingan mo Zach, gusto ko nang magkaapo sa tuhod."

"*cough *cough"

"Sorry po, sorry." Naubo ako sa sinabi ng matanda. Galingan? Ni tingin nga ng magaan ay hindi nito maibigay sa akin! Ang hawakan pa kaya ako o ang makipagtalik pa sa akin? Imposible!

"Careful," rinig kong sabi ni Zach habang hinahagod ang aking likod. Ramdam ko ang paginit ng aking mga pisngi, kakaiba talaga ang hatid na hawak at haplos nito. Para akong kinokoryente!

"T-Thank you." Mahinang sabi ko nang makabawi ako sa pagubo. Hindi naman ito sumagot at naiwas lang ng tingin.

Ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Marami pang naging usapan si Zach at Don Carlo, tumatango naman ako pag tinatanong ako ng matanda. At syempre ay acting sweet ang lalaking katabi ko, kung hindi ay magtatampo ang Lolo nito.

Natapos ang dinner nang matiwasay, nagpaalam na kami kay Don Carlo at kasalukuyan kaming nasa daan ngayon. Tahimik lang at walang nagsasalita.

"Azet will be helding a flied trip, are you comin'?" Napalingon ako kay Zach nang magsalita ito. Himala! Ang tingin nito ay nakatutok lang sa daan, pero alam kong hinihintay niya ang sagot ko.

"Oo." Hindi ko alam pero maikli lang ang nga sagot ko dito. Baka kasi magalit siya pag nagsalita ako ng marami.

"I heard Mr. Cruz was courting you?" He interogate. Malamig ang boses nito at nandoon na naman ang inis.

Tumungo ako, si Mr. Cruz ay kapwa ko guro, binata at bata pa. Isang Physics Teacher sa Azet.

"Aren't you going to talk Megan?" Naiinip nito sabi nang lumalim ang iniisip ko.

"Uhmm.. H-Hindi ko naman pinayagan." Mahinang sabi ko.

"Siguraduhin mo lang, you don't want me to be angry. I'm telling you." Malamig nitong sabi.

Huminga ako ng malalim bago tumango. Ganito naman siya lagi, akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang mga pagsuntok-suntok niya sa mga kapwa niya studyanteng nagkakainterest sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status