Share

Chapter 6

"Does it hurts?" Kapagkuwa'y tanong nito. Umiling ako na akala mo ay nakikita niya, tutok parin kasi ito sa ginagawa. Ni hindi manlang ako pinagkaabalahang tignan! 

"H-Hindi naman.. Nangawit lang" mahinang bulong ko tsaka napapikit. Napakasarap kasi nun sa pakiramdam, medyo madiin at may pagkasuyo. 

"Next time you'll eat a lot. You're too thin, hindi naman kita ginugutom pero ang payat-payat mo." Seryosong sabi nito habang hindi parin tumitingin sa akin. 

Napakagat ako ng labi.

B-Bakit parang ang sweet naman ngayon ni Zach? Hindi ako sanay. 

"Nadurog pa ata kita, tss." Iling-iling nitong sabi. 

Ilang sandali pa ay natapos na ito, hinawakan niya ang kamay ko bago ito humiga muli sa sofa tsaka ako hinila pahiga sa kaniya. 

"Z-Zach..." Tawag ko rito ng mapahiga ako sa matigas nitong dibdib. I bit my lower lip when I felt his hard wood in my navel. Namumukol iyon at parang sobrang laki!

"I'm still sleepy." Bagot nitong sabi bago isinubsob ang aking ulo sa dibdib nito. 

"But--" 

"No more buts baby o baka gusto mong ako nalang ang mahiga sayo?" Sungit nito sa'kin. Gusto ko lang namang sabihing gutom na ako! 

Umiling nalang ako at hinayaan nalang siya sa pagyakap sa akin. Paano ba iyan? Nagugutom na ako, ni hindi nanga ako makatulog. Tsaka paano ako makakatulog kung may tumutusok na matigas na bagay sa puson ko? Talaga nga naman oo. 

"Sleep Megan." Narinig kong sabi nito pagkaraan ng ilang sandali. Sinusundot-sundot ko kasi ang nipple niya. Nakakainis eh!

"I can't sleep." 

"Just close your eyes then sleep." Napanguso ako. Hindi na nga ako makatulog, ang kulit naman! 

"I can't--" 

"You sleep or I'll eat you?" Ramdam ko ang pagpisil nito sa aking baywang. Anong 'I'll eat you?' 

Bigla ay parang nagkamatis ang aking mga pisngi dahil sa pula nang matanto ko ang sinasabi nito. Napasubsob ako ng wala sa oras sa kaniyang dibdib dahil sa pagkapahiya. 

Narinig ko pa ang mahina nitong tawa kaya mas lalo ako nagsumiksik sa kaniya. Ang bastos talaga ng bunganga ng lalaking ito. Hindi ko inakala! 

Hinayaan ko nalang siya at ipikit ko narin ang aking mga mata. Pagkagising ko ay wala maayos na ang higa ko sa sofa at wala narin siya. Tumingin ako sa bintana at nakita kong natatalo na ng dilim ang liwanag. Palubog na ang araw! 

Naginat ako. "Ahh!" Sobrang sarap ng tulog ko. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa pader. Shocks! Alas sais na pala ng hapon! Kaya pala gutom na gutom na ako! 

Sigurado akong hirap na akong makatulog nito mamaya, maghapon ba naman kaming natulog ng lalaking iyon. 

Well... Speaking of Zach, nasaan naba ang lalaking iyon? Huh? Ba't ko naman hahanapin ang damulag na iyon? Na kung makalingkis ay akala mo'y ako ang Nanay! 

"Hmmm..." Ang iniisip kong iyon ay biglang napalis nang makaamoy ako ng mabangong aroma galing sa kitchen. 

Ura-urada akong tumayo at nagtungo roon. Nakita ko ang isang pigura ng lalaking nakatalikod sa akin. Busy ito sa paghalo ng kung ano sa niluluto nito. 

Napangiti ako ng maliit nang matanto kong si Zach pala iyon. Marunong pala itong magluto? Nakakatuwa naman! 

Naka boxer shorts lang ito at nakasuot ng pink na apron. Yong apron ko! 

Inalis ko ang ngiti ng biglang haharap ito sa akin. "You're awake." Sabi nito na tila hindi naman nagulat na gising na ako. 

"Uhmm... Ano iyan?" Koryusong tanong ko. 

"Chicken alla Daviola, an Italian dish." Tipid nitong sabi. 

Napatango-tango naman ako kahit hindi ko naman talaga naintindihan. Ang mahalaga naman ay alam kong manok iyon! 

Marunong pala ito magluto, sabagay... Tita Yessa was a Chef, baka namana nito ang kasanayan ng mama nito sa pagluluto. Tsaka may lahi din itong Italian. Si Don Carlo ay Italian in origin. Nag convert lang ito into Filipino citizenship dahil sa pumanaw na nitong esposa na si Donya Thalia. 

"Come on, sit down. I know you are hungry." sabi nito bago ako pinaghila ng upuan sa hapag. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi para pigilan ang aking emosyon. 

Para akong kinikilig na ewan. Natatawa kasi ako sa itsura niya ngayon, ang Hello Kitty kong apron ay parang wala lang sa kaniya. Hindi naman nakakabakla tignan kundi ang cute lang. 

Natutuwa ako at hindi ito maarte sa ganoong bagay, may mga ibang lalake kasi na ayaw ng pink. Nakakabalka raw tignan! Psh!

Nagulat ako nang sandukan ako nito ng kanin at ulam pagkaupo ko. Napakarami niyon! 

"Zach, sobrang dami naman ata? Hehe." Reklamo ko. 

Tumingin ito sa akin, nakaarko na naman ang kilay at tila galit na naman, Napaka sungit talaga!

"Kumain ka ng marami, ang payat-payat mo." Maawtoridad nitong utos sa akin. Napangusi nalang ako. Paano eh, punong-puno ang palato ko, halos magsitapunan na ang kanin doon. 

"Hindi ako payat. Sexy ang tawag dito Mr. Buenavista." Kontra ko sa sinabi niya. 

Hindi ko alam pero nabawasan na ang takot ko sa lalaking ito. Subukan lang niya akong saktan, ipagkakalat ko talaga sa mga kaibigan niya umiyak ito! 

"Sexy my ass. Kakain ka o kakainin kita?" Bigla ay namula ako sa sinabi nito. 

Bastos talaga! 

Kahit naiinis ay kumain nalang ako. Nang magreklamo pa ako dahil busog na ako ay hindi niya ako sinagot pero nakatitig lang ito sa akin. Nailang tuloy ako. Pero kahit ganon ay tinapos ko nalang ang pagkain ng mabilis kahit hindi ko na kaya. 

Ako na dapat ang maghuhugas ng sabi nitong siya nalang daw. Nagpumilit pa ako pero nagalit lang ang loko. Kaya hinayaan ko nalang at naligo na. 

Huminga ako ng malalim, what was just happened? Si Zach ba talaga iyong kasama ko maghapon? O panaginip lang ang lahat ng ito? Pero sana ay totoo nalang. I kinda like that side of his personality. Kahit bossy at demanding at least may pag ka-sweet na kahit papaano. 

Though we haven't talked about our merriage but i'm hoping that it will work. I'm praying... Sana ay mag work ang marriage namin. 

Pagkatapos kong maligo ay lumabas muna ako ng kwarto, roba lang ang suot ko dahil alam ko namang wala si Zach. Umaalis kasi iyon pag gabi kasama ng mga kaibigan niya at nagpupunta ang mga ito sa bar. Nambababae! 

Alas syete palang naman ng gabi at siguradong madaling araw na ako nito anantukin kaya manood nalang ako ng favorite kong movie 'A Walk to Remember' para pampalipas oras. Nag order din ako ng dalawang box ng pizza para masaya! 

Habang nanonood ay nagbukas muna ako ng social media. Napairap ako nang makita ko iyong post ni Jax sa I*******m, nasa isang couch ang mga ito may kasamang mga babae na nakakandong sa kanila, syempre kasama rin ang aking magaling na asawa.

Nagbasa ako ng mga comment sa comment section.

'Tang*na tagala itong si Larson ang lakas ng loob mag post. HAHAHA'- Kai

'Sh*t! Captain Zach, where bar is that? Wait me there!'- Bretney

'Obob ka talaga Jax, sana maka graduate pa tayo 'no? obobs ka'- Elijah

'T*nga, di 'yan'- Jax

'Dapat ako nalang Mr. Buenavista, you know my place naman'- Hanny

'Busy siya kay Trixie, ako nalang Hanny kung gusto mo HAHAHA'- Jax

'Awts... My babe, I'm on my way'- Nicole

'Dalian mo raw Nicole, nangangati na si Captain' - Jax

Napairap ako sa nabasa ko. Si Nicole ang current ex ng aking asawa. 

'Paging mga mamsir, marami na namang mapuputakan ngayong gabi. HAHAHA'- Ronald

'Wait ka namin dito, bro' - Jax

Nakakainis! Sabi ko na ngaba eh. Kating-kati ako mag comment. Buset kang Buenavista ka! 

Dahil sa inis ay hindi ko na namalayang nag ta-type na pala ako ng comment sa post ni Jax. 

'Ma'am Gallarde will know this!' Inis na type ko. Si ma'am Gallarde ay ang Principal ng school. Pero kahit alam ko namang hindi masususpende ang mga batang ito ay nag comment parin ako. Gusto ko pa sanang i-mention si Ma'am Win na Dean pero 'wag na! Useless din naman. 

'Oooh f*ck! Yari kayo kay Ms. Vegas' nagreply si Kai sa comment ko. 

'Sh*t! Galit na galit usto manaket. HAHAHA peace yow mam!'- Jett

'Tang-*na kasi 'tong si @Jaxpogi e, baka ibagsak tayo ni Ms. sa sub niya. Obob ka talaga Jax'- Waytt

'Ma'am @callmeMegan pagusapan naman natin 'to oh'- Jax

Napairap akong muli. Hindi na ako makapag consentrate sa pinapanood ko dahil tutok lang ako sa mga reply sa comment ko. 

'Yari ka @ZachBuenavista'- Elijah

'F*ck you! @Jaxpogi'- Zach

Bigla ay kinabahan ako dahil nag comment si Zach. Akala ko ba nambabae sila ngayon? Bakit naman nakikiusyuso pa sila sa comment ko? 

'I'm going home, baby' - Zach

Nailapag ko ang cellphone ko sa ceter table dahil sa pagkagulat sa nabasa ko. Sh*t ka Zach!

Dali-dali akong pumunta sa pinto nang makarinig ako ng nagdoorbell. Iyong pizza pala na inorder ko. Kinuha ko iyon at nagbayad na. 

Bumalik ako sa sofa at inilapag ang pizza sa center table bago na kumain doon. Napaiktad pa ako nang tumunog iyong selpon ko ng malakas.

Tinignan ko iyon. Si Zach tumatawag! Nagdalawang isip pa akong sagutin pero sa huli ay sinagot ko nalang din.

"H-Hello?" "Megan..."

"I'm going home."

"What are you doing?"

"I-I'm watching a movie." Hindi ko alam kung bakit nagbubulungan kami. Sobrang hina ng boses niya.

"Okay, do you want me to buy something?" Seryosong tanong niya sa kabilang linya.

"Uhmm.. Can you buy some softdrinks? I ordered pizza already." Sabi ko.

Masarap kasi i-partner ang pizza sa softdrinks.

"Softdrinks then anything else baby?"

"W-Wala na." Sabi ko nalang bago pinatay na ang tawag niya. Ba't ang sweet naman niya ata? 'Di ko naman siya isusumbong kay Don Carlo kung iyon ang iniisip niya.

Psh! Mambababae na nga lantaran pa.

Itinutok ko nalang ang atensyon ko sa panonood at hindi ko na binnuksan pa ang phone ko. Paglipas ng ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto ng unit, siguri ay si Zach na iyon.

Hindi ko na siya nilingon kasi ang ganda ng movie nasa parte na ako nagdidate ang dalawang bida. Nakakakilig!

Ramdam ko ang pag lubog ng kabilang gilid ko tanda nang umupo doon si Zach, amoy ko ang panlalaking pabango nito.

Dumukwang ito para halikan ako sa leeg, yumapos pa ang mga kamay nito sa aking baywang pagkalapag niya ng tatlong tig 1.5 na softsdrinks pero hinayaan ko lang siya at hindi pinanasin.

"Megan..." Bulong nito sa aking tainga.

"Yes?" Tinaas ko pa ang kilay ko pero hindi ako lumingon sa kaniya at tutok lang sa panonood.

"I'm talking to you Megan."

"Look at me."

"Ba't mo pinatay?!" Napalingon ako sa kaniya, galit naman ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"I'm talking to you." Matigas na sabi nito.

"So?" Inis na sabi ko. 

Bwiset! Ang ganda na nung pinapanood ko eh! "You're not giving me an attention, dang it!" Galit na sabi nito bago ako marahas na hinalikan.

Bahagya ko siyang itinulak pero ang lakas niya. Nalalasahan ko pa ang alak na ininom niya!

"Z-Zach..." Bumaba ang halik nito sa aking leeg papunta sa aking mga dibdib.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status