Share

HIS UNMITIGATED DISASTER
HIS UNMITIGATED DISASTER
Penulis: Red Solace

CHAPTER 1 (TUKSO)

"I'd like to propose a toast for Cleo and Mark. Here's to joyful years ahead. You may grow old together." Somewhere along the dinner, Logan announced in a drastic gesture. Arogante nitong itinaas ang baso. Mejo lasing na ang lalaki. "Masaya kaming makita kayong magkasamang muli. Sana ay wala nang mangyayaring hiwalayan pa." Patuloy nito. Nakangiti pa rin ngunit parang may nahihimigan si Mark na sarkasmo sa binitiwan nitong salita. And a hint of jealousy, too.

Nagkatawanan ang grupo na magkakaharap sa outdoor dinning, except for Mark. And his girlfriend Cleo who seemed to be very, very offended. At bago naupo si Logan ay nahuli niya ang makahulugang sulyap nito kay Cleo.

To everyone's shock, Cleo sprang from her seat angrily. "Thank you Logan! And you can go to hell!" Bulyaw nito. She strutted to the guest house.

Naiwang tigagal ang lahat. Maliban kay Logan na patakbong humabol kay Cleo.

"Wait...Cleo, it was a joke. Ano ka ba." Anito.

Pinanuod niya ang dalawa na parang magkasintahan na may LQ, paakyat sa ikalawang palapag ng guest house kung nasaan ang kuwarto nila ni Cleo.

"Cleo! Loosen up, will you? Ano bang ikinakagalit mo dun sa sinabi ko? I just wish you the best, that's all."

"Oh sure you do! Fuck you, Logan!" Followed by a loud sound of a door slamming shut.

Parang iisang mata na tumingin ang lahat kay Mark. Probably wondering why he did not make any attempt to help the situation.

Para saan pa?

Masyado na siyang pinamumukhaan ng dalawa. They can both go to hell. Heck do he care. Best Friends my ass. Sinong niloloko nila?

He scornfully shot a glance at the stairs where the two retreated earlier. Walang Logan na bumaba matapos itong pagbagsakan ng pinto ni Cleo.

He let out a sharp breath, trying to calm his nerves before grabbing a bottle of champaign from the beer bucket. He'd better get out of here, bago pa siya lamunin ng inis sa drama nina Cleo at ang bestfriend kuno nitong si Logan.

"Mark..." Dinig niyang tawag ni Lance. He waved his hand. He wanted them to leave him alone. Dahil ano ba ang maipapayo ng mga ito sa kanya? They are all in the same boat here. Sinking and facing an equal threat of drowning. Ang pinagkaiba lang siguro nila, he is more than willing to let go...kung ganun lang kadali ang lahat.

Hiwalayan, ha? Kailan pa sila naghiwalay ni Cleo? Iyon ba ang pinapalabas ng girlfriend niya para malaya nitong nagagawa ang gusto?

Shit!

He headed to the bay walk. Pero naalala niya, ayon sa isometric map ng guest house, may marine lake doon sa likod mismo nitong guest house. Secluded iyon dahil hindi na raw iyon kasama sa teretoryo ng Casa del Rio.

Sana lang ay walang naligaw na love birds doon.

Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon kaya gusto niyang mapag-isa.

Buong akala niya, may pag-asa pa silang maayos ni Cleo kaya pumayag siyang sumama sa bakasiyong ito. Pinaasa lang ba siya ni Cleo? Or this is just one of her scheme to push him away?

Pero hindi na siguro 'yun mahalaga sa ngayon. Punong-puno na siya. So if she wants him gone, why not go away? Maganda siyang lalaki. Pangmodelo. Bakit siya magtitiis sa isang relasiyon na hindi masaya kung puwede naman siyang maghanap ng iba?

Napailing si Mark. At natawa. He delicately uncorked the bottle with his hand. Hindi siya sanay uminom but today, lulunurin niya ang sarili sa alak. Sakaling makatulong ito para matauhan siya lalo. He was chugging straight from the bottle...habang naglalakad. Nangangalahati na ang laman ng bote nang marating niya ang pakay. Parang bahay ng diwata dahil sa kumukutikutitap na yellow string lights.

Inaninag niya ang loob. The swings appeared to be empty...

He entered the pavilion.

At muntik na mabuway sa gulat nang may anino na biglang kumilos sa isang swing.

"Jesus freaking Christ!" Kapit agad siya sa poste.

"Whose there?" Anang babae. Umayos ito ng upo.

"Don't panic. I'm Mark. From one of the couples staying in Casa del Rio." Pilit niyang inaninag ang mukha ng babae. Hindi niya ito mabosesan.

"Mark? The handsome, tall guy...yung boyfriend ng bestfriend ng asawa ko." Tumawa ang babae. Tumayo. She met him on his way in. Saka niya ito nakilala nang tamaan ng liwanag ang mukha nito. Namumula ang mga mata na tila galing sa pag-iyak.

"Sandi...kaya pala wala ka noong dinner. What are doing here?"

"Nagpapalipas ng sama ng loob, I guess. Wait, you're drinking?"

She snatched the bottle from him.

"Kunti lang." A hiccup scaped his mouth. And a burp. Masarap pala ang champagne. Parang coke. He slumped on the swing across Sandy.

"Lagot ka dito kay Cleo. Isusumbong kita." Biro nito.

Natawa lang si Mark. "Sure...Sabihin mo rin, she can come kiss my ass."

Sandi gasped jokingly. Saka natawa. "Saan galing yang tapang mo, ha?"

Itinuro niya ang hawak nitong bote ng alak.

"Chug. Chug. Chug. Chug." Hamon pa niya.

Which she did. Inisang tungga nito ang natira niyang alak at basta na lang nito itinapon sa labas ng pavilion ang bote. They heard the bottle crashing against the pavement.

"Hey. Why did you that?" Angil niya.

"That's how shattered my heart is, Mark. You know that?" Parang naiiyak na natatawa ito. "Come, look."

Binuksan nito ang flashlight ng cellphone at itinutok ang ilaw sa labas kung saan nito itinapon ang bote. He was surprise to see other more broken bottles on the pavement.

"Ikaw ang may gawa niyan?" Aniya. Hindi makapaniwala. Nayon lang niya makitang umasta ng ganito si Sandi. Saka pa lang niya matantong may tama na rin ang babae.

"Why? It felt good." Nakangiti itong bumalik sa swing. "For once, at least masasabi kong may nasira din ako at hindi lang ako ang sirang-sirang-sira."

Hindi nakaimik si Mark.

"I'm bored." Anito makalipas ang sandaling katahimikan.

"I can drive you home." Dahil iyon lang naman talaga ang puwedeng gawin. Walang dahilan na mag-stay pa siya rito and it seems ganun din si Sandi. Nagmimistula lang itong hangin sa harapan ni Logan...dahil kay Cleo ito laging nakabuntot. Iyon marahil ang dahilan kaya narito ang babae at naglalasing.

"I can hang around a little bit...enjoy this chance alone. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Got any ciggarete?" Anito.

"I quit." But he regret not having one to offer her. Hindi niya maipaliwanag kung bakit dismayado siyang hindi maibigay ang kailangan nito. "Ihanap kita kung gusto mo."

"No it's fine. Bakit ka nga pala nandito? Teka, huwag mong sabihin na nag-away din kayo ni Cleo? Tang'na Mark. You just got back with her and here you are...drinking with a beautiful chick na puwede niyang pagselosan."

Tumawa si Mark. "Wala kaming problema. I'm fine. She's fine. Everybody is fine. Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya pinapalabas na naghiwalay kami. We never broke up!"

"Ang toxic ng ganito, ano?"

Ipinilig nito ang ulo saka tumitig sa kanya. Para namang binalot ng kakaibang init ang kanyang puso nang magtagpo ang mga mata nila ng babae. Nabanaag niya ang lungkot doon. Ang pait.

And if she could sense his pain, she would know she's not alone. Magkaiba ang puno't dulo ngunit pareho lang sila ng tinatawid na tulay. Nasa kanila na kung itutuloy pa ba ang pagtawid o bibitaw na lang.

Kung para sa kanya, maigi nang bumitaw habang maaga pa. Habang may pagkakataon pang hanapin kung may iba pang nakatadhana sa kanila.

"Natameme ka diyan?" Anito.

"W-wala. May iniisip lang ako."

"Halata nga. Saan ka na nakarating?"

"Sa North Pole."

"Of all places, bakit doon? Malamig doon. Kasinglamig ng pag-ibig nila sa atin." Hagalpak ito sa sariling joke.

"Saan ba dapat?"

"Somewhere tropical para hot." Humagikhik ito. Tumayo. "Bitin yung alak."

Sumuray ito nang naglalakad palabas ng pavilion.

"San ka pupunta?" Maagap niya itong hinabol para alalayan.

"Find someone to fuck." Anito. Hindi naman tumutol nang hawakan niya ito sa baewang at isampay ang isang braso sa kanyang balikat.

Tumawa si Mark. "Seriously?" His senses is coming to life after getting this close to Sandi. Lalo at backless ang suot nitong evening gown. He could feel the softness of her bare skin on his. Nakakadarang.

"Seriously. I haven't get laid in like three months and I'm in so much need of...shit. I need sex, Mark."

Napalunok si Mark. When was the last time he got intimate with Chloe? Two, three months ago? Higit pa yata. Chloe did not even let him score during their anniversary. Nag-effort pa siyang bilhin ang paborito nitong wine...with bouquet of flowers. Pero nauwi lang yun sa away dahil late na nga itong umuwi, ito pa ang galit. At wala siyang natanggap na sorry hanggang ngayon. Lalong naghimagsik ang kalooban ni Mark.

"L-lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto mo."

"My room is...san nga ba iyon?" Malapit na sila sa guest house. They could hear laughter coming from there. Napahinto sa paglakad si Sandi. "Forget my room. Let's find some place to spend the night away from these idiots."

"Pero lasing ka na."

"I still have energy in store for sex. Lika, samahan mo ako maghanap ng lalaking babagay sa akin. Yung kahit mabuntis ako, siguradong hindi nakakahiya ang itsura ng magiging anak namin." She grabbed his hand in an attempt to leave.

Hindi na nakapagtimpi pa si Mark, hinaltak niya si Sandi at niyakap. Paharap itong sumadsad sa katawan niya, eyes wide from shock. Her face so close to his that he could kiss her right now...kung nagmamadali lang siya. But he wanted her to want her. Kaya pinalandas niya ang kamay sa kabuan ng likod nito bago bumaba ang titig niya sa nakaawang nitong labi. "You are provoking me...Sandi." He swallowed hard.

"No...I..." Natuliro na rin ito. Marahil ay doon lang na-realize na puwede siyang matukso sa sinasabi nito. Ramdam niyang biglang uminit ang katawan nito. Her breathing became somewhat laboured. "I'm sorry. Di ko...Ang ganda mo...alam mo ba yun?"

"No...ang ganda mo." He said softly, totally consumed by intimate desire. He planted a tiny kiss on Sandi's bare shoulder.

Nang wala siyang maramdamang pagtutol dito ay umakyat ang halik niya sa leeg nito. Tuluyan na ring nadarang si Sandi, umangkla sa balikat niya mga braso nito at ito na ang kusang humalik sa kanya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status