MasukThird Person POV..
“D-Daddy… tama na po,” naluluhang pakiusap ni Anastasia habang mahigpit na hinahawakan ang braso ng ama. Nanginginig ang buong katawan niya. Ang mga luha ay walang tigil na dumadaloy pababa sa pisngi. “let's go home…. please dad…”
Dahil sa nanginginig at desperadong tinig ng anak, unti-unting bumagal ang mabigat na paghinga ni Asmodeus. Nanatili pa rin siyang nakatayo nang tuwid, pero ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa baril ay unti-unting lumuwag. Mariin niyang tinitigan si Atlas nang matagal tila sinusukat kung gaano kalaki ang galit na nararamdaman niya bago dahan-dahang ibinaba ang baril.
Ganoon din ang ginawa ni Azrael. Ibinaba niya ang sarili niyang baril na nakatutok kay Asmodeus, pero hindi nawala ang tensyon sa balikat niya. Nanatiling magkaharap ang dalawang ama, parehong handang magpatayan kanina lang..
Tahimik ang buong silid. Tanging ang hikbi ni Anastasia ang naririnig, at ang mabagal, mabigat na paghinga ng mga lalaki.
Sa huli, niyakap ni Asmodeus ang anak nang mahigpit. Isang braso ang ipinalibot niya sa balikat ni Anastasia, pinipilit protektahan ito kahit mula sa sariling galit. Walang ibang salitang binitiwan. Sabay silang lumisan sa teritoryo ni Azrael, dahan-dahan, para bang may bigat na dala-dala ang bawat hakbang.
Palabas pa lang sila ng malaking pintuan ng mansiyon nang marinig nila ang malamig, seryosong boses ni Azrael.
“Asmodeus…” sambit niya, tinig na mababa pero malinaw. “Sisiguraduhin kong pananagutan ng anak kong si Atlas ang anak mo.”
Pagkasabi niyon, bumaling siya kay Anastasia. Nakayuko pa rin ang dalaga, nahihiya, takot, at tila ayaw nang makita ang sinuman.
Sa kabilang panig, mahina ngunit mariing bumulong s Atlas:
“I can’t believe it…”
Agad siyang tumalikod. Mabilis ang mga hakbang niya papunta sa labas, para bang hindi na niya kayang manatili ni isang segundo pa sa loob ng bahay na iyon. Hindi niya pinansin ang tawag ng ina.
“Atlas!” sigaw ni Sienna, tinig na puno ng pag-aalala at gulat. Pero walang sagot. Nawala na siya sa paningin.
Tahimik na nakamasid ang mga kaibigan ni Anastasia sa buong tagpo.
Si Arabella, bunsong kapatid ni Atlas, ay may nakakalokong ngisi sa labi—tila nasisiyahan sa kaguluhan.
Si Ellise ay walang kibo, ang mukha’y walang ekspresyon, pero ang mga mata’y nanlalim.
Si Zamaria naman ay halatang may pag-aalala, nakatingin kay Anastasia na para bang gusto niyang tumakbo papunta rito at yakapin.
Paglabas nila at pag-upo sa kotse, agad humarap si Zamara sa anak na nakaupo sa backseat, katabi ang bunsong si Alejandro. Nanginginig pa rin ang kamay niya nang abutin niya ang braso ni Anastasia.
“Anastasia… okay ka lang, ha?” tanong niya, tinig na nanginginig sa pagkabahala. “Baby, magsalita ka naman…”
“Opo, Mommy,” mahinang tugon ni Anastasia. Bahagyang yumuko siya, ayaw tumingin sa mga magulang. Pinipigilan niyang umiyak ulit. Ang mga daliri niya’y mahigpit na nakakuyom sa gilid ng upuan.
Tahimik lang si Asmodeus habang nagmamaneho. Nakatuon ang tingin sa daan, pero kitang-kita ang tensyon sa panga niya. Hindi pa rin nawawala ang galit pinipigil lang.
Bigla, mula sa backseat, isang malamig na boses ang tumagpas sa katahimikan ng kotse.
“Do you want me to kill him, Dad?”
Tanong ni Alejandro. Walang emosyon ang tinig. Walang galit, walang takot puro kalmado at malamig. Mahigpit ang kapit niya sa upuan, kitang-kita ang ugat sa kamay. Ang mga mata’y walang awa, nakatingin sa likod ng ulo ng ama.
Natigilan si Zamara..
Hindi lumingon si Asmodeus. Pero humigpit ang kapit niya sa manibela hanggang maputi ang mga daliri. Nang magsalita, mababa at kalmado ang tinig—pero bawat salita’y may tahimik, mapanganib na banta.
“Not yet, son.”
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Alejandro. Isang ngiting halos sinister, parang pangako ng isang bagay na hindi pa natatapos. Patuloy na tumakbo ang kotse sa gabi, dala ang mga lihim at ang babala ng karahasang maaaring dumating.
“Alejandro!” sigaw ni Zamara, halos mabasag ang boses sa gulat at galit. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa bunso. “Anong sinasabi mo?! Huwag kang ganyan!”
“Why, Mom?” malamig na sagot ni Alejandro, walang bakas ng takot o pag-aalinlangan. Diretso ang tingin sa ina. “Shouldn’t he be dead? After what he did to Ate?”
Napatitig si Zamara sa anak, hindi makapaniwala. Ang mukha niya’y pinaghalong takot, galit, at sakit. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin kay Asmodeus—parang gusto niyang isisi sa asawa ang asal ng anak. Ang mga mata niya’y nagtatanong: Ito ba ang itinuro mo sa kanya? Ito ba ang ginawa mong halimbawa?
Ngunit si Asmodeus ay napangisi lang. Bahagyang umangat ang sulok ng labi isang ngiting malamig, mapanganib, at tila nagustuhan pa ang narinig. Hindi niya sinaway si Alejandro. Sapat na ang ngiting iyon para iparamdam na hindi niya tututulan ang balak… sa tamang oras.
Tahimik si Anastasia sa likuran. Ramdam ang panginginig ng kanyang mga kamay. Pilit niyang pinipigilan ang luha habang nakatitig sa sariling mga tuhod. Ang bawat salita ni Alejandro ay parang kutsilyong tumatarak sa dibdib niya. Hindi niya inakala na aabot sa ganito.
Dahan-dahan siyang napatingin sa ama. Nakita niya ang ngiti sa labi nito at iyon ang mas nakakatakot kaysa sa kahit anong galit. Walang sigaw. Walang sermon. Pero sapat iyon para maramdaman ni Anastasia na totoo ang banta. Na handa talaga ang kapatid niya… at posibleng ang ama rin.
“Mommy…” mahina niyang tawag, halos pabulong. Nanginginig ang tinig.
Lumingon si Zamara at agad hinawakan ang kamay ng anak, mariing pinisil iyon. Sinubukan niyang ngumiti, pero hindi naging natural.
“Don’t worry, baby… I won’t let anything happen to him,” mahina niyang sabi—kahit siya mismo’y hindi sigurado kung kaya niya talagang tuparin iyon. “Wala mangyayari, okay? Nandito ako.”
Sa likuran, nakasandal si Alejandro, nakatitig sa labas ng bintana. Sa mga mata niya’y may bahid ng pagtataka. Hindi niya maintindihan kung bakit natatakot ang ate at ang ina… samantalang para sa kanya, normal lang iyon. Kung may nanakit sa pamilya, dapat may bayad.
Third Person POV...
Sa kabilang panig ng lungsod, sa loob ng madilim na silid-tulugan, patuloy na pinagmamasdan ni Atlas ang fiancée niyang walang tigil sa pagtaas-baba sa ibabaw niya.
Mainit ang katawan ni Jennifer. Basang-basa ang balat sa pawis. Ang mahabang buhok ay magulo, nakadikit sa noo at leeg. Ang mga ungol niya’y nanginginig, puno ng sarap.
“A-Atlas…” ungol niya nang maabot niya ang rurok. Ang mga kuko’y tumagos nang bahagya sa balikat ng lalaki. Agad niya itong hinalikan nang mainit, desperado, para bang gusto niyang lunukin ang buong galit na nararamdaman ni Atlas.
Agad na pinagpalit ni Atlas ang posisyon nila. Isang malakas na galaw, at nasa ilalim na si Jennifer. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga hita nito, ibinuka nang todo. Halos hindi niya makontrol ang bugso ng damdamin. Mabilis, malalim, at walang awa ang bawat ulos.
Natatawa si Jennifer sa biglang aggressiveness ng lalaki tila nasisiyahan pa sa init at galit na ibinibigay nito.
Mainit ang hininga ni Atlas. Mabilis ang bawat galaw—hindi lang dahil sa pagnanasa, kundi dahil sa galit. Galit na kanina pa niya pinipigilan, galit na gusto niyang ilabas kahit sa katawan ng ibang babae.
Sa isip niya, paulit-ulit ang imahe ni Anastasia.
Ang mga luhang ginamit nitong panlaban.
Ang nanginginig na boses na nagbintang sa kanya.
Ang mukha nitong takot pero may halong pananalig na maniniwala ang lahat sa kanya.
At ang kaguluhang nagwasak sa tiwala ng lahat sa kanya.
“Ginagawa mo akong tanga…” bulong niya, halos pabulong sa hangin, habang pinipilit kalimutan ang lahat. Pero kahit anong galit, kahit anong bilis ng ulos, hindi niya magawang burahin ang mukha ni Anastasia sa isip.
Nang matapos at makaraos siya, agad na lumayo si Atlas. Para bang bigla siyang naubusan ng lakas. Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama, tumalikod kay Jennifer na marahang yumakap mula sa likod, hinahalikan ang balikat niya.
Kinuha niya ang sigarilyo sa mesa, sinindihan, at marahang humithit. Ang unang usok ay dumulas palabas ng labi kasabay ng mabigat na buntong-hininga. Napapikit siya. Pinilit niyang patahimikin ang isip.
“Bakit ba bad trip ka?” malambing na tanong ni Jennifer, sabay patong ng baba sa balikat niya. Ang mainit niyang dibdib ay nakadikit sa likod ni Atlas. “May problema ba? Malapit na tayong ikasal… huwag mong sabihing aatras ka.”
Hindi agad sumagot si Atlas. Matagal niyang pinanood ang usok na unti-unting naglaho sa hangin—tulad ng mga pangarap niyang nabura ng mga kasinungalingan.
“Wala…” mahina niyang sagot. Pero sa likod ng tinig niya’y malinaw ang bigat. “Wala lang.”
Muli lumitaw ang mukha ni Anastasia sa isip—ang mga matang puno ng luha, ang nanginginig na labi, ang paraang yumakap ito sa ama nito kanina para humingi ng awa...
Humithit siya ulit, saka marahang tumayo.
Napakunot ang noo ni Jennifer. “Atlas…” mahina nitong tawag, pero hindi siya nito nilingon.
Sa isip ni Atlas, alam niyang walang nangyari sa kanila ni Anastasia.
Sinadya lang siyang iset-up.
Isang plano.
Isang bitag na mahusay na isinagawa.
Naalala niya ang inumin na ibinigay sa kanya ni Ellise kagabi. Ang lasa. Ang biglang pagbigat ng katawan. Ang unti-unting paglaho ng malay.
Napakuyom ang kamao niya. Naglagablab ang galit sa loob, mainit, para bang may apoy na kumakalat sa dibdib.
“Damn it…” mahina niyang mura.
Bumalik sa isip ang mga eksena ng umagang iyon—
ang takot sa mga mata ni Anastasia,
ang mga paratang,
ang suntok ng ama niya,
ang sigaw ng ina,
at ang mga matang nanonood na agad humusga nang hindi man lang nagtanong.
Ngunit sa gitna ng lahat, isang bagay ang mas nagpasakit:
ang katotohanang kahit ang mismong magulang niya… ay hindi siya pinaniwalaan.
Ngayon, bawat hinga niya ay may halong galit.
Galit kay Anastasia.
Galit kay Ellise.
Galit sa sarili, dahil hinayaan niyang mangyari iyon.
Galit sa lahat ng naniwala agad sa luha ng isang babae.
Tahimik niyang pinatay ang sigarilyo sa ashtray. Ang usok ay unti-unting naglaho, pero ang galit… hindi.
Lumapit si Atlas kay Jennifer. Walang kahit anong emosyon sa mukha. Tahimik niyang hinila ito patayo, mahigpit ngunit kontrolado ang bawat galaw. Walang sabi-sabi. Isinama niya ito patungo sa banyo.
Si Jennifer naman ay agad na nagpaubaya. Alam niyang masama ang loob ni Atlas, ngunit hindi niya alam kung bakit. Sanay na siya sa ganitong sandali—ito ang paraan ng lalaki para mapawi ang galit o mawala ang init ng ulo.
Ang makipagtalik.
At ngayong gabi, handa siyang tanggapin ang lahat ng galit na iyon… kahit hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling.
THIRD POV... Dumating ang araw ng kasal isang engrandeng selebrasyon para sa panganay na anak nina Azrael at Asmodues. Pagkatapos ng seremonya, ang reception ay ginanap sa isang luxury hotel na pagmamay-ari ni Atlas mismo.Ngunit sa bawat galaw ng mga bisita, isang bagay ang sumasakit sa kanyang puso ni isang sulyap, hindi man lang siya tinitignan ni Atlas. Parang invisible siya, parang wala sa eksena ang kanyang presensya. Ang bawat ngiti niya kay Atlas ay walang tugon, bawat titig niya ay wala itong pakialam.Suot ang kanyang eleganteng gown, tumayo si Anastasia at dahan-dahang lumapit sa kanyang ama.Nararamdaman niya ang bigat ng kanyang sariling kawalan. Napansin niya ang titig ng ama kay Atlas matindi, Marahil ay napansin din ng kanyang ama ang pag-iwas ni Atlas sa kanya,."Daddy..." mahina at pilit na masiglang tawag ni Anastasia, habang sinusubukan ipako ang ngiti sa labi.Lumingon si Asmodues, at sa kanyang mga mata ay may bahid ng lungkot parang may bigat na hindi maipaliwa
Tahimik na nagsusuklay si Anastasia, ang mga mata niya nakatuon sa salamin, ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata nang pumasok ang ama sa kwarto.“Daddy…” nakangiting bati niya, ngunit may bahid ng hiya at pag-aalala sa tinig.“How’s my baby girl?” Malambing ngunit may lungkot na nakatago sa mga mata ni Asmodeus.“Hindi na ako bata, Dad,” nakangiting sagot ni Anastasia, pilit pinapantay ang kanyang tono sa ngiti.Tipid itong ngumiti at tumango saka umupo sa tabi ni anastasia“Ang Tito mo, si Azrael, tumawag kanina sa akin…” Napayuko si Anastasia, ang dibdib niya bahagyang bumagal sa kaba.“Pumayag na daw si Atlas sa kasal.”Mabilis na tumingin si Anastasia sa kanyang ama. Ang puso niya ay sabik at takot na sabay—hindi niya alam kung matutuwa o matatakot sa balita.“Gusto mo ba talaga siya, anak?” May bahid ng lungkot at pag-aalala sa boses ni Asmodeus, habang pinipilit niyang itago ang sarili niyang emosyon.Marahang tumango si Anastasia, ang mga labi niya bahagyang nanginginig.
Third Person POV.. “D-Daddy… tama na po,” naluluhang pakiusap ni Anastasia habang mahigpit na hinahawakan ang braso ng ama. Nanginginig ang buong katawan niya. Ang mga luha ay walang tigil na dumadaloy pababa sa pisngi. “let's go home…. please dad…”Dahil sa nanginginig at desperadong tinig ng anak, unti-unting bumagal ang mabigat na paghinga ni Asmodeus. Nanatili pa rin siyang nakatayo nang tuwid, pero ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa baril ay unti-unting lumuwag. Mariin niyang tinitigan si Atlas nang matagal tila sinusukat kung gaano kalaki ang galit na nararamdaman niya bago dahan-dahang ibinaba ang baril.Ganoon din ang ginawa ni Azrael. Ibinaba niya ang sarili niyang baril na nakatutok kay Asmodeus, pero hindi nawala ang tensyon sa balikat niya. Nanatiling magkaharap ang dalawang ama, parehong handang magpatayan kanina lang.. Tahimik ang buong silid. Tanging ang hikbi ni Anastasia ang naririnig, at ang mabagal, mabigat na paghinga ng mga lalaki.Sa huli, niyakap n
Third's POV.. "S-Sigurado ka bang mabisa talaga 'to, Ellise?" tanong ni Anastasia sa kaibigan niya, halatang may kaba sa boses."Syempre! Makakatulog nang mahimbing si Atlas dahil dito," nakangising sagot ni Ellise habang kumikindat. Itinaas niya ang hawak na pampatulog na siya mismo ang nagbigay kay Anastasia.Bahagyang napalunok si Anastasia habang tinitingnan iyon. Kahit alam niyang kailangan niya itong gawin, hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa magiging resulta."Ngayon, ang tanong..." bahagyang tumagilid ang ulo ni Ellise, may mapaglarong ngisi sa labi. "Paano mo naman mapapainom kay Atlas 'yan?"Napatingin si Anastasia sa maliit na bote na hawak niya, habang pilit na iniisip kung paano niya maisasagawa ang plano."May bonding sila ni Kuya Elijah sa mansion ni Atlas," dagdag ni Ellise, sabay lapit sa kanya. "Gusto mo, tulungan kita?"Nag-alinlangan si Anastasia. Alam niyang delikado ang gagawin niya, pero sa isip niya, ito na lang ang pagkakataon para makuha ang gusto niya.T







