LOGINTahimik na nagsusuklay si Anastasia, ang mga mata niya nakatuon sa salamin, ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata nang pumasok ang ama sa kwarto.
“Daddy…” nakangiting bati niya, ngunit may bahid ng hiya at pag-aalala sa tinig.
“How’s my baby girl?” Malambing ngunit may lungkot na nakatago sa mga mata ni Asmodeus.
“Hindi na ako bata, Dad,” nakangiting sagot ni Anastasia, pilit pinapantay ang kanyang tono sa ngiti.
Tipid itong ngumiti at tumango saka umupo sa tabi ni anastasia
“Ang Tito mo, si Azrael, tumawag kanina sa akin…” Napayuko si Anastasia, ang dibdib niya bahagyang bumagal sa kaba.
“Pumayag na daw si Atlas sa kasal.”
Mabilis na tumingin si Anastasia sa kanyang ama. Ang puso niya ay sabik at takot na sabay—hindi niya alam kung matutuwa o matatakot sa balita.
“Gusto mo ba talaga siya, anak?” May bahid ng lungkot at pag-aalala sa boses ni Asmodeus, habang pinipilit niyang itago ang sarili niyang emosyon.
Marahang tumango si Anastasia, ang mga labi niya bahagyang nanginginig.
Ngumiti ng tipid si Asmodeus, ngunit ramdam ang bigat sa kanyang mga mata.
“Fine…”
“Bukas pupunta sila dito para manmanhikan…” Malumanay na sinabi ni Asmodues, ngunit ramdam ang lungkot sa kanyang tinig.
Napayuko si Anastasia, pinipilit itago ang excitement na namumuo sa dibdib niya.
“Hindi ako pabor, anak,” malumanay ngunit seryoso ang tono ni Asmodeus, "pag gusto mong umatras, sabihin mo lang…”
“Dad… m-mahal ko po si Atlas,” napaiyak na sabi ni Anastasia, ang mga mata niya nangingilid sa luha.
Ngumiti ng tipid si Asmodeus, pinipilit itago ang sarili niyang emosyon, ngunit ramdam ni Anastasia ang pagmamahal sa ngiti ng kanyang ama.
Kinabukasan…
Nag-ayos nang maigi si Anastasia sa kwarto, kasama ang kaibigang si Melly.
“Melly, maganda na ba ako?” tanong ni Anastasia, may bahid ng kaba sa tinig.
“Oo naman, sobrang ganda mo,” ngiti ni Melly, tinitingnan ang kaibigan mula ulo hanggang paa.
“Tingin mo, magugustuhan ba ako ni Atlas?” May halong kaba at kilig ang tanong ni Anastasia.
Umiling si Melly, alam niyang parang mahilig si Atlas sa mga babaeng liberated at may confidence.
Napangiti si Melly at nagkomento, “Dream come true ka na, Anastasia… Parang kelan lang, hanggang tingin ka lang sa kanya, tapos ngayon—nasa punto ka na na magkakaroon kayo ng future.” Natatawang sabi ni Melly, puno ng excitement para sa kaibigan.
Mayamaya, may kumatok sa p***o.
“Ma’am, pinapatawag na po kayo sa baba,” maingat na sabi ng kasambahay.
Melly… Kabadong boses, halatang humihingi ng suporta sa kaibigan:
“Kaya mo ‘yan, Anastasia…”
Napangiti si Anastasia nang bahagya, ngunit ramdam ang tibok ng puso niya na tila tatawid sa kanyang dibdib.
Huminga siya nang malalim, pinipilit pakalmahin ang kaba at excitement na unti-unting sumasakop sa kanya.
Bawat hakbang pababa ng hagdan ay mabigat sa kaba at puno ng anticipation—ang puso niya’y sabik at natatakot sabay-sabay.
Pumikit siya ng sandali, hinawakan ang dibdib, at marahang ngumiti sa sarili bago tuluyang bumaba.
Bawat hakbang pababa ng hagdan ay mabigat sa kaba at puno ng anticipation—ang puso niya’y sabik at natatakot sabay-sabay.
Pumikit siya ng sandali, hinawakan ang kamay ni Melly sa loob ng puso, at marahang ngumiti sa sarili bago tuluyang bumaba.
Si Aziel, Eros, Ismael, Aldrin, Arabella… at siyempre, ang lalaking matagal ko nang pinapangarap, si Atlas.
Napayuko ako, ngunit agad kong naramdaman ang matinding titig niya mula ulo hanggang paa.
Ang mga mata niya’y malalim at matindi, halatang sinusuri, pinapansin ang bawat galaw ko, at ramdam ko ang kombinasyon ng curiosity at intensity sa kanyang tingin.
Hindi ko alam kung matatakot, mamamangha, o masisindak…
Ngunit hindi ko rin maiwasang maramdaman ang kakaibang kilig sa dibdib ko, kasabay ng kaba na unti-unting lumalakas.
“Good afternoon po,” bati ni Anastasia kay Azrael at Sienna, na parehong nakangiti sa kanya nang may halong warmth at pride.
Maya-maya, nagsimulang mag-usap ang mga magulang, habang ang mga anak ay tahimik lang, nakatingin sa paligid at sa isa’t isa.
Si Anastasia, nakaupo mismo sa tapat ni Atlas, ay kabado.
Ramdam niya ang matinding titig ng lalaki sa kanya—parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
Ang dibdib niya’y mabilis ang tibok, at bawat sandali ay tila humahaba habang iniisip niya kung ano ang iniisip ni Azrael.
Piliting pinananatili ni Anastasia ang ngiti sa labi, ngunit halata ang kaba sa mga mata at pagkilos niya.
“Sa Linggo ang kasal… apat na araw simula ngayon,” anunsyo ng mga magulang, halatang napagkasunduan na ang lahat.
Nang magpapaalam na sina Azrael, biglang nagsalita si Atlas, ang tinig niya’y matatag at may bahid ng determinasyon:
“May I speak to my bride-to-be alone?”
Tahimik ang paligid sa sandaling iyon. Ramdam ni Anastasia ang bigat ng titig ng lahat sa kanya, at ang kaunting kaba ay muling bumabalik.
“Bakit hindi mo siya kausapin dito mismo sa harap namin?” malamig na tanong ni Asmodeus, habang mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ni Zamara.
“Daddy, okay lang po,” nakangiting sagot ni Anastasia. Tumayo siya at tumingin kay Atlas.
“Sumunod ka sa akin,” utos niya, at naglakad silang palayo sa mga magulang.
Dinala siya ni Anastasia sa opisina ng ama. Pagkasara ng p***o, marahas na hinawakan ni Atlas ang leeg ni Anastasia at idinikit sa p***o.
“A-Atlas…!!!” Halos di makahinga si Anastasia sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.
“Ano, masaya ka na ba?!” gigil na tanong ni Atlas, mas lalo pang pinadiin ang pagkakasakal niya kay Anastasia.
Ngunit maya-maya, binitawan din siya ni Atlas nang makita ang luha sa mga mata ni Anastasia.
Ubo siya Ng ubo nang palayain ni Atlas, ang dibdib niya’y mabilis ang tibok habang sinusubukan niyang huminga muli.
“Wag kang umasa na magiging masaya ka, Anastasia, sa piling ko,” malamig na sabi ni Atlas, may bahid ng galit at determinasyon.
“Sisiguraduhin ko na bawat araw na kasama mo ako… ay pagsisisihan mo.”
“Ang pang-seset-up mo sa akin… hindi ko mapapalagpas,” dagdag pa niya, saka mabilis na lumabas ng opisina.
Si Anastasia naman ay nanatiling nakaupo sa sahig, pigil na pigil ang pagiyak, kaso Hindi talaga kaya...
Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Atlas sa kanya — ang biglaang pagsakal, ang sobrang higpit ng hawak, na nag-iwan ng takot at labis na panghihina sa kanyang dibdib.
Maliwanag pa ang araw nang bumisita ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Atlas at Anastasia sa ospital.Mas dumami ang tao sa silid, at mas napuno ito ng tawanan at halakhakan.Si Asmodeus, na dati ay parang laging seryoso, ngayon ay hindi maalis ang ngiti sa mukha habang buhat-buhat ang munting apo.Si Azrael kinarga din ang isang sanggol, Mainit, masaya, at puno ng buhay ang kwarto.Pero gaya ng lahat ng bisita, napagod din sila sa katatawa at kakakwento.“Babalik Kami bukas.”Nagpaalam sila isa-isa, humalik sa noo ni Anastasia, at muling tiningnan ang munting anghel bago lumabas.At unti-unting naging tahimik ang kwarto.Lumipas ang ilang minuto, Si Atlas?Pansamantalang lumabas para bumili ng diapers at ilang kailangan pa.“Saglit lang ako, love.” sabi niya.“Babalik agad ako.”Ngumiti si Anastasia.“Ingat.”Pagkaalis ni Atlas, naiwan si Anastasia na mag-isa kasama ang anak — tahimik, payapaMayamaya ReMay kumatok at marahang pumasok..Si Phoebe, nakasuot ng simpleng bl
Lumipas pa ang isang buwan..."YES!!!" malakas na sigaw ni Atlas-parang nanalo sa sugal o raffle-nang kumpirmahin ng doktor na two months pregnant na si Anastasia.Napahawak si Anastasia sa noo niya, halos maiwan na lang siya sa upuan sa hiya.Samantalang si Atlas?Walang pakialam kahit tumitingin na ang ibang pasyente sa kanya na parang baliw na tuwang-tuwa.Lumapit ito kay Anastasia, halos manginig sa saya."I hope it's a girl, Anastasia..." sabi pa nito nang may sobrang excitement.Namula si Anastasia. Nakangiti... pero nahihiya.Lalo na't narinig iyon ng mga tao sa waiting area, na ngayon ay pabulong nang nagbubulungan.At bago pa siya makasagot, yumuko si Atlas sa tenga niya at bumulong:"Mamaya pag-uwi... kailangan nating kompletuhin ang parts ni bab-"Malakas ang kurot na pinakawalan ni Anastasia sa tagiliran niya."Hey-Anastasia!" daing ni Atlas, hawak ang tagiliran pero ngiting-ngiti pa rin.Hindi niya alintana kahit pinagtitinginan pa sila lalo.Tumango ang doktor, natatawa.
Parehong napakurap ang mga mata ng kambal na limang taong gulang habang nakaharap sa lalaking nakatitig sa kanila. Ilang sandali pa'y unti-unti itong ngumiti.Tumingin sina Raze at Red kay Anastasia, na ngayon ay nakangiti rin habang nakaakbay sa kanya ang kanilang ama.""He is your grandfather-the father of your dad," Anastasia introduced softly."Red, Raze, this is your grandfather... Grandpa Azrael."Bahagyang yumuko si Azrael at ibinuka ang mga bisig, nag-aanyaya ng yakap para sa kambal.Napatigil muna ang kambal sa harap niya, halatang hindi sigurado kung yayakap o hindi.Tahimik lang na naghintay si Azrael, nakaluhod ang isang tuhod at nakabukas ang mga palad.Nang sa wakas ay lumapit ang una-si Raze-sumunod na rin si Red, at dahan-dahan silang niyakap ni Azrael sa kanyang bisig."It's as if my little Atlas and Aziel have returned."aniya, may bahagyang lungkot sa tinig.Sumang-ayon din ang lola nilang si Sienna.."Naku... ang gwapo-gwapo n'yo naman," halos maluha-luhang sabi ni
Kasalukuyan silang magkayakap sa sala ng suite ni Atlas.Parang ngayon lang ang totoong honeymoon nila, makalipas ang limang taon—ang init ng katawan niya, ang tibok ng puso ni Anastasia, parang lahat ng oras,Taon at araw na nawala ay bumalik sa isang saglit.Biglang tumunog ang telepono ni Atlas.Hindi niya ito pinansin, patuloy na pinapanood ang movie habang hawak ang katawan ni Anastasia.“Sagutin mo, Atlas. Baka importante,” bulong ni Anastasia, humihila sa kanya ng bahagya.“Mas importante ka,” sagot niya, na may ngiti sa kanyang mga labi.Napangiti si Anastasia, at tumilingala sa kanya. Hinawakan niya ang malapad na dibdib ni Atlas, hinahaplos gamit ang hintuturo, parang nag-iiwan ng lihim na mensahe sa bawat galaw.“Yung kambal baka ang papasaway sa mansion mo…” bulong niya, may halong kiliti.“Mansion natin, Anastasia,” sagot niya, at ngumiti ng bahagya, hawak pa rin ang kanya.Wala paring tigil ang pagtunong ng phone..Si Anastasia na ang nag-abot ng phone kay Atlas. Nang mak
Anastasia's POV Napatingin ako sa anak-anakan ni Atlas—si Jamaica. Anak ito ng nakilala lang niya sa Boracay, sa isang gabing nagkainuman, at may nabuo… at ngayon, kaharap namin siya dito, sa isang restaurant.Halos hindi makatingin si Jennifer. Halos hindi makaharap ang mga mata niya sa amin. Puno ng luha, nag-aalangan siyang umamin. Una, ayaw talaga umamin kung hindi pa maipakita ni Atlas ang DNA test.“Huwag kang mag-alala,” seryoso niyang sabi, “dadalhin parin niya ang apelyido ko… Sa mata ko, anak ko siya, Jennifer.”Napayuko si Jennifer, pagkatapos ay bumaling sa akin. Puno ng sakit ang mga mata niya, at alam kong may kasalanan din ako. Ako ang unang nang-agaw. Hinawakan ko ang kamay niya, pero inagaw niya. Galit parin, pero tahimik na.“Sorry, Jennifer… sa nangyari noong nakaraan,” sabi ko dito, at ramdam ang bigat ng nakaraan sa ginawa ko..Kasalanan ko ang lahat, kaya Sila nasira.Humikbi si Jennifer, at sa unang pagkakataon, tumingin siya kay Jamaica, na walang kamuwang-muw
Kinabukasan…Dahil sa pagod sa magdamag na pagtatalik nila ni Atlas, tinanghali ng gising si Anastasia. Si Atlas, tila sinulit ang bawat sandali ng kanilang muling pagsasama, pinapawi ang ilang taong lumipas na hiwalay sila.Napasinghap si Anastasia habang inaabot ang unan—wala na sa tabi niya ang lalaki.Huh…?May naririnig siyang kaluskos at ingay sa kusina. Dahil hindi mapakali, dahan-dahan siyang sumilip mula sa nakaawang na pinto.At doon niya nakita ang eksena.Ang kambal—si Red at Raze—nakaupo sa mesa. Si Raze, naka-cross arms, nakatitig … Kay atlas.Nakasuot pa ng Apron, at seryosong-seryosong nagluluto ng……isang pancake na kulay dark brown na...Inilapag niya iyon sa plato ni Red, parang proud na proud pa.“Mas magaling magluto si Mommy!” reklamo ni Red, naka-ismid. “Gigisingin ko si Mommy!”Agad umiling si Atlas. “Huwag niyo gisingin ang Mommy niyo. Natutulog pa. Pagod ‘yun…”Sabay lingon ng kambal.“Huh!? Pagod si Mommy, Dad?? Bakit?”Napakamot ng ulo si Atlas, parang hin







