LOGINTahimik na nagbabasa ng kaniyang libro si Mayumi nang may tumabi sa bench na kaniyang kinauupuan. Nasa unibersidad siya noon dahil may pasok.
Hindi niya ito pinansin. She was engrossed in what she was reading. Saka, para sa lahat naman ang mga bench na roon sa ilalim ng mga punong acacia kaya wala siyang pakialam kung may katabi siya.
Mabilis na dumalaan ang ilang minuto na ang tanging atensyon niya ay sa libro pa rin nakatutok. Kahit alam niyang tambayan din ng ibang estudyante o guro ang mga bench na naroon, pakiramdam niya, nag-iisa pa rin siya. Distractions were the least she could think of at that place. Bukod sa malamig ang simog ng hangin, she felt at peace there.
When she was about to turn the page of the book she was reading, she was stunned when a big hand extended in front of her. May hawak itong isang resealable plasctic na may sandwiches sa loob. Doon niya nilingon ang katabi sa nangungunot na noo. Subalit, kagyat din iyong nawala nang makilala kung sino ang naroon.
Umayos siya ng upo, dahil sa mga sandaling iyon, magkakrus ang mga binti niya sa ibabaw ng bench. Sumandal siya at pakunwang inayos ang salamin sa mga mata.
“You want one?” alok nito.
Bahagya niya itong nilingon, kasabay ng mabilis na paghagod ng tingin sa itsura nito. He’s wearing a black shirt under his leather jacket. Naka-maong pants ito at boots. Sa itsura pa lang nito, aakalain ng ilan na estudyante lang ang lalaki.
Tiningnan niya ito sa sandali sa mukha. “No, thanks. Katatapos ko lang kumain,” mahinang wika niya at muling ibinalik ang pansin sa binabasa kahit alam niyang imposible na iyong mangyari.
Hindi umimik ang katabi niya, pero radam niyang sumandal ito sa kinauupuan nila. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay kita niya ring nag-de-kuatro ito at iniugoy-ugoy ang isang paa.
She heard him open the resealable plastic. Para bang sinadya nitong lakasan iyon at ipaabot sa kaniyang pandinig. Then, he got one and extended his arm once again to her. Napatingin siyang muli rito.
“I told you; I am done. Kung gusto mong kumain dito, okay lang. Hindi naman kita babawalan, pero p’wede bang huwag mo akong guluhin sa pagbabasa ko?” turan niya sa matatag na tinig. Propesor niya ang lalaki kaya ayaw niyang maging bastos dito.
“I knew you haven’t eaten.” Ngumiti ito sa kaniya saka kumagat sa sandwich na nasa kamay nito.
Nangunot ang noo niya. “At paano mo naman nasabi?”
Nilunok muna nito ang laman ng bibig bago sumagot, “Dahil kanina ka pa narito at kanina pa rin akong narito.” Muli itong kumagat ng sandwich.
Napakiling ang ulo niya. “What are you? Stalker?”
Umiling ito. Hindi ito makaimik dahil puno pa ang bibig.
“But how did you know that I haven’t eaten anything yet?” tanong niya.
“I just saw.”
Tumango-tango siya. “You just saw? So, you’re staring at me the whole time. That’s stalking.”
Muli itong umiling. “Magkaiba ang dalawang salitang iyon, kahit na ang kahulugan ng mga ito. Saw is nakita, while stalking is always following you wherever you go. And I never did that— I won’t ever do that. Ang tawag sa nangyayari ngayon ay nagkataon lamang na may mga mata ako, at ang mga mata ko, sa iyo nakatingin. That’s the best explanation for that,” mahabang wika nito.
Napataas ang isa niyang kilay. Magaling mangatwiran ang lalaki, pero hindi siya bibigay basta-basta rito.
“Thanks, but no thanks, Professor Mallari.”
Ito naman ang nagtaas ng isang kilay. “So, you knew me, huh? I thought you don’t.”
Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin dito. “I’m sorry, prof. Pero wala naman sigurong hindi nakakikila sa iyo sa campus na ito. You’re a Mallari,” katwiran niya na diniinan pa ang apelyido nito. Pagkatapos, inayos niya ang librong binabasa at akmang ilalagay iyon sa bag nang magsalita itong muli.
“I know that I am a bit famous because of that name. Ngunit, magtatampo ang nanay ko kapag hindi ko naubos ang sandwiches na ito.”
Napalingon siya rito. Ngumiti naman ito sa kaniya, iyong tipong may halong pagmamakaawa. “My nanay made these. Sabi niya, i-share ko raw sa ibang tao ang iba— pero tinanggihan mo.” May lungkot sa mga matang tiningnan nito ang plastic.
Bigla siyang nakaramdam ng sundot ng konsensya kahit hindi naman dapat. “I—” Huminga siya nang malalim. “Okay. I will have one.”
Unti-unting nagliwanag ang mukha nito. “Alright. My nanay would be happy if she knew that there’s nothing left. Alam mo na, hindi ko gustong nagtatampo ang nanay ko. Pero hilig niya talaga na pabaunan kami ng kung ano-ano kapag papasok. Para daw hindi kami malipasan ng gutom.”
Napangiti siya. “She’s a treasure, I must say,” komento niya habang dumudukot sa plastic na bitbit nito.
“Yes, she is. She’s a heaven sent to us,” masayang sambit nito saka muling kumagat ng sandwich. Ganoon din naman ang ginawa niya na ikipanlaki ng kaniyang mga mata.
Natawa ito habang ngumunguya. “Like it?”
Tumango siya habang inuubos ang laman ng bibig. “This is the best tuna sandwich I’ve ever tasted! Sorry, mom,” mabilis niyang bawi na para bang naroon ang sariling ina.
“Well, wala naman siya rito kaya hindi niya malalaman ang sinabi mo.”
Malapad siyang napangiti. At hindi niya alam kung bakit kay bilis ng kabog ng kaniyang dibdib, lalo na nang makita kung paano ito ngumiti sa kaniya. Para itong isang commercial model ng toothpaste. Pantay-pantay ang mapuputing ngipin, na para bang hindi man lang nasasayaran ng kahit anong pagkain. His eyes were also twinkling. Naniningkit ang mga iyon kaya halos hindi na niya makita pa.
“May dumi ba ako sa mukha?” Kinapa pa nito ang magkabilang pisngi.
Natauhan naman siya at mabilis na nag-iwas ng mga mata. “W-wala . . .” Muntik pa siyang masamid dahil may laman pa pala ang kaniyang bibig.
“Akala ko naman mayroon. Kung makatitig ka kasi para kang nakakita ng multo,” wika pa nito.
“M-multo? No! Malayo naman ang itsura mo sa multo,” nabiglang tugon niya. Huli na para bawiin pa iyon dahil narinig na nito, at hanggang tenga na ang mga ngiti nito.
His lips twitched. “Talaga? Gwapo ba ako?”
Doon siya nasamid. Agad naman siya nitong inabutan ng bottled water na ito na rin mismo ang nagbukas. Madali niya iyong ininom nang hindi na nag-iisip pa.
Mas lumapad ang ngisi ng lalaki na ramdam niya ang ginagawang pagtitig sa kaniya. Nang lingunin niya ito, iiling-iling pa ito.
“W-what?” nauutal niyang tanong. Kahit hindi niya nakikita ang sarili, alam niyang pulang-pula na ang mukha niya.
“Nothing. Ngayon ko lang napatunayan na hindi ka pala maselan,” kibit-balikat nitong tugon.
Napatingin siya sa hawak na bote. Namilog ang mga mata niya nang maintindihan ang ibig nitong sabihin.
“You purposely did that!” inis niyang turan saka padarag na ibinalik dito ang boteng hawak. Muntikan pang matapon ang natitirang laman niyon.
Mababali ang leeg na umiling ito. “No! Wala lang akong extra dito kaya iyan na lang ang ibinigay ko, kaysa naman tuluyan kang mabilaukan.” Ngingisi-ngising tinakpan nito ang bote. “But do you know that that’s unintentional kiss?”
Umakyat na yatang lahat ng dugo niya sa mukha sa narinig. At kahit hindi siya kaputian, alam niyang kitang-kita iyon ng lalaki.
“T-that’s not a kiss. Hindi naman lumapat ang labi ko sa—”
“Lumapat. See this?” May kaunting lipgloss pa kasing nakabakat doon.
Wala siyang nagawa kung hindi ang mag-iwas na lang ng tingin. At sa sandaling iyon na magkasama sila, nalaman na agad niya ang iba nitong katangian. The man beside her was Mama’s boy and a great teaser. Ilan sa mga katangiang iniiwasan niya sa isang lalaki.
However, she was not really pissed knowing some of his personalities. Para pa ngang mas nagustuhan niya iyon, taliwas sa itinatak niya sa isip. Eversince, she likes a serious type of man— like her father. Pero ang lalaking katabi niya ay hindi ganoon, at ramdam niyang nag-e-enjoy siya kahit papaano sa company nito.
“Do you want some?” Nakita niya ang pag-aro nitong muli ng kamay sa harapan niya. Hawak na naman nito ang resealable plastic na may sandwich.
Matagal niya iyong tiningnan, nagdadalawang-isip kung tatanggapin ba niya o hindi. Masarap naman kasi talaga ang sandwich na gawa ng nanay nito. Hindi maikakailang kaya siguro napagbabaon niyon ang lalaki kahit pa nga malaki na ito.
“Come on. Kung gusto mo, sa iyo na ito lahat. Hindi naman magagalit si Nanay na hindi ako ang umubos. Mas matutuwa siya kasi may ibang taong nakagusto ng gawa niya,” katwiran pa nito.
Nahihiya man, subalit nagawa niyang kunin ang nasa kamay nito. “S-salamat. Pakisabi sa nanay mo na masarap talaga.” Iyon na lang ang masasabi niya kapalit ng pagmamagandang loob nito— may halo mang biro.
“I will. Don’t worry,” nakangiting wika nito saka nilingon ang libro niyang hawak. “You’re reading about making movies?”
Napatingin din siya sa librong hawak bago tumango. “Yeah.”
“Hmmm . . . That’s interesting to know. You’re into film studies?” tanong nitong muli. Hindi yata alam ng lalaki na estudyante siya nito.
“Yes.” Tumango-tango siya.
“May pagkakapareho pala tayo kung ganoon. Mabuti naman.”
Mabilis siyang napabaling dito. “Huh?”
Nakangiting umiling ito. “Nothing.” Tumingin ito sa relong suot. “Ang bilis naman ng oras,” anito saka siya binalingan. “I have to go. May klase pa ako. Enjoy your snacks.” Kumindat pa ito bago siya iniwan doon.
Tulalang sinundan niya ng tingin ang lalaki. ’Di yata at parang unti-unting lumalalim ang interes niya rito!
Ang gusto ni Mayumi ay isang simpleng kasal lang kasama ang mga mahal nila sa buhay sa komunidad ng mga Dumagat. Tinupad naman iyon ni Kuatro, kaya lang, dahil nga mahilig sumunod sa tradisyon ang kasintahan niya, sinunod nila kung paano ba magpakasal ang mga Dumagat.Una, hiningi muna ni Kuatro ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga magulang. Namanhikan ang buong pamilya nito sa kanila sa Maynila, at ganoon din kay Ka Esmael na siyang itinuring niyang pangalawang ama. Nagbigay rin si Kuatro ng tinatawag na dowry o bigay-kaya. Subalit hindi para sa kaniyang mga magulang, dahil kalabisan na raw kung hihingi pa ang mga ito ng kung anuman kay Kuatro, sapagkat labis-labis na raw ang ginawa nito para sa kanilang pamilya.Nagbigay ng dowry si Kuatro sa tribo ng mga Dumagat. Ayaw na rin sana iyong tanggapin ni Ka Esmael pero mapilit ang lalaki. Kung ano-anong hayop na puwedeng pakinabangan ang ibinigay nito kagaya ng mga
Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay nagbibihis na si Mayumi. Iniisip niya kung ano ang isusuot niya habang pinagmamasdan ang limang pirasong bestida na mayroon siya. Hindi siya nagpakadala ng maraming damit dahil dumadalaw naman sila sa lungsod, dalawang beses sa isang buwan.Inihagod niya ang isang daliri sa ilalim ng kaniyang baba. Simple lang naman ang mga damit na nasa harapan niya. Just like what always Kuatro wanted her to wear— which, she also likes.“Hmm . . .” Dinampot niya ang kulay berdeng bestida na bulaklakin. Hanggang talampakan niya ang haba niyon at sleeveless. Labas din ang maganda niyang leeg at collarbone dahil may katamtamang lalim ang korte ng leeg niyon.May garter iyon sa bandang beywang at medyo magarbo ang laylayan. Mahangin sa labas kaya tama lang na iyon ang suotin niya para kung sakali mang liparin ay hindi nakakahiyang mahantad ang kaniyang kaloob-looban.M
“Teacher Umi, pinabibigay ni Sir Kuatro,” salubong kay Mayumi ni Tonton pagpasok niya sa ipinagawa ni Kuatro na pansamantalang silid-aralan ng mga bata sa komunidad ng mga Dumagat.May limang buwan na silang nagtuturo doon. Mabilis na ipinaayos ni Kuatro ang lahat ng papeles ng ipinatatayong eskwelahan ni Amelie. Ipinarehistro din ng mga ito iyon sa DepEd para mapabilang sa mga paaralang nasa ilalim ng ahensya, at para matawag na lihetimong paaralan na may normal school days, may guro, at mga mag-aaral. Hindi naman na problema ang mga kagamitan doon dahil ang mga galanteng kaibigan ni Kuatro ay nag-donate ng kung ano-anong school equipment’s, pati na computers at internet.Napangiti si Mayumi nang tanggapin ang dalawang tangkay ng ligaw na bulaklak. Kulay dilaw iyon at may kasama pang manibalang na indian mango.“Teacher Umi, nanliligaw ba sa iyo si Sir Kuatro?” usisa pa ni Tonton. Sila lang
Kuatro understood Mayumi’s intention clearly. Kailangan muna nilang paghilumin ang lahat bago muling buksan ang panibagong yugto ng buhay nila. Hinayaan naman siya nitong samahan itong tawirin iyon, kaya masaya na siya roon. Iyon lang naman talaga ang tanging gusto niya— ang damayan ito sa lahat ng sandali.Pagkatapos ng isang linggong immersion ni Amelie sa tribo ng mga Dumagat, bumalik sila sa Maynila kasama si Mayumi. Dahil ayos na naman ang lahat, nagdesisyon itong puntahan muna ang mga magulang nito para makausap, at para makapagpaalam na rin. Desidido itong ituloy ang planong pagtulong sa komunidad ng mga Dumagat at ganoon din siya.“Oh my God! Is that really you, darling?” Naluluhang mabilis na niyakap ng ina ni Mayumi ang babae.“Mom! I’m so sorry!” umiiyak na wika ni Mayumi.“No, hija. Kami ang dapat na humingi ng tawad sa iyo,” anang ama
“F*ck!” bulalas ni Kuatro.Luhaang napatingin siya rito. “I’m s-so sorry. H-hindi ko siya naprotektahan sa kalupitan ni Ferdinand. I-I’m so sorry, Kuatro. I-I’m so sorry . . .” paulit-ulit niyang paghingi ng tawad dito kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Mabilis siya nitong niyakap. Dama niya ang nag-uumapaw na galit na nadarama nito. “Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin. Dapat siguro sinabi ko na agad sa iyo ang lahat noon tungkol sa panloloko ng mga Palanca sa inyo. Nagpakakampante ako— na hindi naman dapat. I’m sorry, hindi kita naprotektahan sa kaniya— kayo ng anak natin. I’m so sorry, Mayumi . . .” nanginginig ang tinig na wika nito.Hindi na siya nakasagot pa nang maramdaman ang mainit na likidong bumabasa sa kaniyang likuran. She didn’t want to see him crying— suffering. Ngunit papaano nga ba iyon maiiwasan kung ganoong pareho silang nasasaktan sa mga nangyari? She knew Kuatro wanted to ease her burden
Hindi sumagot si Mayumi. Alam niyang nagtataka ang lalaking ilang beses na niyang tinangkang takbuhan pagkatapos niyang umalis dahil sa takot niya. Natakot siya noon sa maaaring gawin dito ni Ferdinand.“Mayumi?” untag nito sa kaniya nang tumigil siya sa pagtawa.Nahahapong umiling-iling siya bago dahan-dahang naupo sa malaking ugat ng punong acacia kung saan sila naroroon. Ginaya siya ni Kuatro. Naupo ito sa tabi niya, pagkuwa’y ginagap ang kaniyang kamay.“Please tell me you’re okay.” Nakikiusap ang mga matang nakatitig ito sa kaniya.“I am not okay, Kuatro. Lalo na ngayon at natagpuan mo na ako. Lahat-lahat ng mga nangyari noon, muli na namang bumalik sa akin. Lahat ng mga nais kong kalimutan, muli ko na namang naalala,” mahinang sambit niya.Huminga ito nang malalim. “I am here to help. I here to listen. Kung anuman ang mg







