ALDRICH:
MATAPOS KONG maihatid si Monica sa school nito ay tumuloy na ako ng ADC tower. Napapailing na lamang ako na nagsusungit na naman ito sa akin. Ganun naman siya lagi sa tuwing may babae akong naiuuwi ng unit.Anong magagawa ko? Babae naman ang mismong lumalapit sa akin na iniaalay ang sarili nila at handang maging parausan ko. Lalake lang ako. Wala naman sigurong masama kung maglibang din ako. Isa pa, wala naman akong inaagrabyado. Kagat ng kinakama ko, kagustuhan nila iyon. At willing naman silang magpakamot e. Ako naman? Go with the flow lang.After I've fūck them? Tapos ang usapan. Balik kami sa dati na parang hindi nagkatikiman. Ganun kasimple. Akala ko sanay na si Monica na ganun ako e. Pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa akin. Minsan iniiwasan ko namang mag-uwi ng babae dahil baka nababastusan na ito sa amin. Dalaga na si Monica. Baka nga may kasintahan na rin 'yon e.Napatigil ako sa sumagi sa isipan. Napapalunok ng laway na tila may bumukil na bato sa lalamunan ko na maisipang baka may kasintahan na nga si Monica na hindi niya lang sinasabi. Fūck!Sa ganda nga naman nun imposibleng walang makapansin na lalake sa school nila! Napa-uturn ako na bumalik sa university ng mga ito."Damn, Aldrich! Ano ngayon, kung magkaka-nobyo na siya? Hindi na bata si Monica!" singhal ko sa sarili.Pero heto at nasa harapan na ako ng room ni Monica. Nakakainis! Parang may sariling isip ang mga paa ko na nagtungo dito sa room niya! Pinagtitinginan na tuloy ako.Napasilip ako sa may pinto na hinanap ito mula sa loob. Napapakagat ako ng labi na hindi ito mahagilap ng paningin."Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yon?" inis kong bulong na napakunotnoo.Nagpantig ang panga ko na mahagip siya sa wakas ng paningin ko sa sulok na may kausap na lalake. Masayang nagku-kwentuhan na....Magkahawak-kamay!?Kuyom ang kamao na pumasok ako ng classroom ng mga ito. Dahilan para mapairit ang mga classmates nito pero wala akong pakialam. Diretso akong naglakad sa gawi nito na napakurap-kurap na makita ako at kaagad napatayo na binitawan ang kamay ng lalakeng kakwentuhan."A-Aldrich? Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" nauutal nitong tanong na napapasulyap sa mga kaklase.Tila kinakahiya pa ako nito sa itsura niya. Nagbubulungan na rin ang mga kaklase nito na nakamata sa aming dalawa."Get your things," walang emosyong saad ko.Natutulala naman itong dinampot ang kanyang bag at ilang libro na kinuha ko at inakay na ito palabas ng classroom nito na sinadyang akbayan ito."Ano ba kasi 'yon? Hindi pa nga nagsisimula ang klase ko e!" reklamo nito pagkasakay ng kotse.Hindi ako umimik na pinasilab na lamang ang sasakyan. Nakamata naman itong nagtataka. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagagalit? Nakakainis!HANGGANG dito sa opisina ko ay nakabusangot ito. Napapairap. Naiintindihan ko naman. Ang hindi ko maintindihan ay ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako at ayoko ng pabalikin siya doon na malamang may boyfriend nga siya na kaklase niya."Hi, babe," napaangat kami ng mukha na bumukas ang pinto at niluwal non ang isang supistikadang babae.Para itong modelo na naglakad palapit sa akin dito sa lamesa ko na may matamis na ngiti sa kanyang pulang-pulang mga labi sa kapal ng lipstick nito.Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong napahalukipkip si Monica na napataas ng kilay na nakatitig dito sa babaeng hindi ko alam kung sino at saan nanggaling!"Nakakatampo ka," paglalambing nitong nagpakandong na ikinamilog ng mga mata ko!Yumapos ito sa batok ko na napapahalik na kung saan-saan! Napakapit ako sa armrest ng upuan ko na naninigas at hindi makakilos! Kita kong napaismid at ikot ng mga mata si Monica sa amin. Hindi na bago sa akin ang nakikita ditong pagsusungit lalo na kung may gantong mga babaeng sumusulpot kapag magkasama kami o kaya ay mga naiuuwi ko."Hey," malanding pag-untag nito na ikinaiktad ko sa paghaplos nito sa pisngi ko."Yes? Um, what's your name again?" casual kong tanong.Napanguso ito na parang batang nagtatampo sa harapan ko. Hindi naman niya bagay."Kainis ka. I'm Cielo, that girl you've been with, the whole night," sagot nitong ikinaawang ng labi ko.Napahagikhik itong napahaplos sa pisngi ko hanggang baba ko at isinara ang bibig kong nakanganga. Naipilig ko ang ulo. Hindi ko na kasi matandaan ang itsura ng babaeng nakaniig ko magdamag. Basta ang sinisigurado ko lang ay high class ang mga ito. Magaganda, matatangkad, sexy, kilala at magaling sa kama. Open minded sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa sēx."Um! Why are you here? Hindi mo ba nakita 'yong tip mo sa unit? Nasa bedside table lang naman 'yon a," saad ko.Napasulyap ako kay Monica na tumayo at nagtungo ng pantry."Oh, dear, I want caramel macchiato, please?!" pahabol nitong sigaw kay Monica.Natigilan itong napalingon dito sa gawi namin. Napangisi na naglakad palapit habang matamis na nakangiti sa kanya itong babaeng nakakandong sa akin."Excuse me, are you talking to me?" sarkastikong tanong nito na naituro ang sarili."Yeah. Who else?" takang tanong naman ni Cielo dito dahilan para matawa si Monica ng pagak na napailing.Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay kahit sinong kakampihan ko sa kanilang dalawa ay dehado ako! Napabaling ito ng paningin sa akin. Nagtaas ng isang kilay na hinihintay may sabihin ako."Kung gusto mo ng kape, babaeng parot sa pula ng tuka mo, pwes pumunta ka sa coffeeshop! Naliligaw ka ba, ha? Kasi ang alam ko, opisina ito. Baka akala mo e, bar ito. Hindi welcome ang mga ipokrita ditong nagbebenta ng katawan," asik nitong nang-uuyam ang tono at tingin.Lihim akong napangiti sa sinaad nito. Ang tapang talaga e. Walang sinasanto. Ramdam kong nag-react ang katawan ni Cielo. Nanigas ito na nagngitngit ang mga ngipin!"How dare you! Do you think I'm a slūt, ha!?" nanginginig ang boses na asik nitong napatayo.Napangisi lang naman si Monica na nakataas ang kilay. Tila aliw na aliw itong pinapausok ang butas ng ilong nitong kaharap at hindi manlang mabakasan ng takot o pangamba sa kinakabangga!"Ikaw ang nagsabi niyan. Well, kung sabagay," pang-aasar pa nito na tinignan si Cielo pataas pababa na nang-uuyam ang tingin at napapailing."You're absolutely look like a slūt. Ganyang-ganyan sila manamit e. Kita na lahat," pang-uuyam pa nito."You--""Hwag mo akong naduro-duro!" asik nito na tinabig ang kamay ni Cielo na dinuro ito. Napangisi itong humalukipkip."Paalisin mo na nga ang parot na 'yan, Aldrich. Napakaingay. Baka hindi ako makapagtimpi, gawin kong mop ang dila niyan," ismid pa nito na parang siya pa ang boss sa aming dalawa.Napabungisngis ako na ikinalingon sa akin ni Cielo. Nagtatanong ang mga mata."As you can see, she's not my secretary or any staff here, Cielo. Lumabas ka na. Ibang magalit ang isang 'yan," pagsang-ayon ko sa sinaad ni Monica na napalapat ng labing pinamulaan ng pisngi."W-what do you mean? Who is she, then?" nauutal nitong tanong."She's my--"I'm his future wife, parot. Kuha mo? Labas na, hwag ka dito magkalat," pagtutuloy nitong ikinamilog ng mga mata ko.ALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin
LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo
LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni
ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi
ALDEN:PARA AKONG matatakasan ng bait na paulit-ulit nagfa-flat line ang heart beat ni Lara sa monitor. Kahit paulit-ulit siyang nare-revive ng mga doctor ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko! Maging si Andrea ay paulit-ulit din nagfa-flat line ang heart beat na tila kung anong nararamdaman ng isa? Mararamdaman din ng isa. Kaya naman paulit-ulit ding nahihimatay si Mommy Lira na nakikita ang kambal nitong nag-aagaw buhay!LUMIPAS ANG mga araw na nanatili sa ICU si Lara at Andrea. Pareho pa ring alanganin ang lagay. Critical pa rin ang mga ito at walang kasiguraduhan na makakaligtas sila. Kaya naman pinayuhan na kami ng mga doctor na ihanda ang sarili sa maaaring sapitin ng dalawa. Ang mga aparatus at machine na lang kasing nakakonekta sa kanilang katawan ang nagdudugtong ng kanilang buhay. Na kung hindi na nila kayanin ay tuluyan na silang mawawala sa amin.Bagay na kinakatakot ko.Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin sa gantong paraan. Mas kakayanin ko pang mapunta s
LARA:NAPANGITI AKO na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko.Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano!Puro buhangin lang na pino at kulay puti ang nakikita ng mga mata ko. Mataas ang sikat ng araw pero nakakapagtakang wala akong madamang gutom, uhaw, pagod o kahit ang mainit na sikat sana nitong tumatama sa akin!Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan-dahang tumayo na iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba kasi ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito?" magkasunod kong tanong sa sarili.PALAKAD-LAKAD ako sa walang hanggang disyerto. Hindi ko na nga alam kung saang direksiyon ang tatahakin ko. Natigilan ako na sa 'di kalayuan ay may natanawan akong babae. Nakatalikod ito sa gawi ko. Mahaba ang buhok nito na nakalugay. Abot hanggang kanyang baywang na unat na unat. Katulad ko ay nakaputing b