ALDRICH:
HINDI AKO MAKA-FOCUS sa mga inaaral kong proposal ng ibang kumpanya na nililigawan ang ADC tower na mag-invest sa kanilang kumpanya.Hindi maalis-alis sa isipan. ko ang naging bangayan ni Monica at Cielo kanina dito. Mabuti na lang at nasa labas lang ang mga bodyguard ko. Isang salita ko lang ay papasok na sila.Abala naman ito sa laptop na nag-aaral sa tabi ko. Nagsusungit na naman na hindi ako pinapansin. Napapailing na lamang ako sa isip-isip kung gaano ito ka-attitude na Yaya ko. Madalas nga niyan ay parang siya na ang boss sa aming dalawa.Minsanan nga lang ako nitong tawaging Sir e. Madalas ay Aldrich lang ang tawag sa akin. Hindi rin niya ako tinatawag na Kuya. At aminado akong nagugustuhan ko ang ugali niyang iyon."Hoy," untag nito na bahagyang sinipa ang binti ko."Ouch, ano ka ba. Para kang hindi babae," ingos ko na napabusangot.Napahagikhik naman itong lalong ikinabusangot ko."Bili ka ng pagkain. Nagugutom na ako dito," utos nito.Napataas ako ng kilay na pinapaikot-ikot ang pen na hawak ko. Hindi rin naman ito nagpatalo na tinaasan din ako ng kilay. Napapakurap na tila boss ko kung makaasta!"Bakit ako?""Alangan namang ako?" baliktanong nito.Napakamot ako sa ulo na iiling-iling na dinampot ang wireless telephone ko sa mesa. Ngiting tagumpay naman itong matiim na nakatitig."Yes, Sir?" bungad ni Mis Dahlia. Ang secretary ko."Um, Dahlia, pabili naman ng lunch good for two, here in my office," utos ko."Yes, Sir! Right away po," masiglang saad nito.Pagkababa ko ng telephone ay bumaling na ako dito."Happy?""Yeah..sobra," nangingiting sagot nito na ikinailing ko.Magkasama na kami ni Monica mula pagkabata. Kaya naman kumportable na ito sa akin na hindi boss o amo ang tingin at trato kundi parang kabarkada niya lang ako. Hindi naman 'yon issue sa akin. Masaya ako sa kung anong relationship na meron kami. Na tipong hindi kami nagkakailangan kahit saang anggulo. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at aminado akong nasanay na rin akong kasa-kasama ko siya sa tanang buhay ko.Hindi ko yata ma-imagine ang buhay ko na wala ito sa tabi ko."Aldrich," panggugulo na naman nito."Ano?" ingos ko na sa papeles na pinipirmahan ko nakabaling ang paningin."Magpapaalam sana ako e. Sa weekend," saad nito.Natigilan ako na nabitawan ang pen na hawak. Dahan-dahan akong napalingon dito na nakakunotnoo. Kimi itong ngumiti na matamang ding nakatitig sa akin."Bakit? Saan ka na naman pupunta?" medyo masungit kong tanong."May lakad kami ng kaibigan ko e," balewalang sagot nito.Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko sa sinagot nito.Naalala ko naman ang lalakeng ka-holding hands nito kanina sa classroom nila. Ang saya nilang nagku-kwentuhan na parang sila lang ang tao sa paligid.Naningkit ang mga mata kong nakatitig dito. Napataas ito ng kilay na humalukipkip."At bakit parang tinitiris mo na naman ako sa isipan mo, hmm?" masungit nitong tanong."May boyfriend ka na ba?" wala sa sariling tanong ko.Namilog ang mga mata namin sa sinaad ko."Fūck" mahinang mura ko na naisatinig ang nasa isipan!Nakakainis!"Boyfriend?""Um, yeah. Nagbo-boyfriend ka na noh?"Naipilig nito ang ulo. Maya pa'y napahagalpak ito ng tawa na napailing. Napabusangot akong nalulukot ang mukha sa pagtawa nito."Ano naman, hmm? Ikaw nga kung magpalit ka ng babae mo e para ka lang nagpapalit ng brief mo araw-araw," ingos nito.Napatikhim ako na nagseryoso sa pangungumpirma nitong may kasintahan na nga ito. May kung anong parte sa puso ko ang hindi natuwa.Ay mali. Buong puso ko pala. Hindi natutuwa."Magkaiba naman kasi tayo, Nics. Lalake ako, okay? Walang mawawala sa akin. Pero ikaw, babae ka. Kapag nakuha ka ng isang lalake at napagsawaan? Itatapon ka na lang sa isang tabi," panenermon ko dito."Katulad ng ginagawa mo sa mga babae mo, ganun ba? Na para silang basahan. Matapos mong pakinabangan ay itatapon mo na lang kung saan. Parang 'yong mga condom mo lang na minsanan mo lang gamitin at itatapon na lang sa gilid," pabalang sagot nito na ikinalunok ko.Para kasing may iba pa itong ibig sabihin sa sinaad. Na para siyangnanunumbat?"Exactly, Nics. Kaya ikaw, hwag ka nga kung kani-kanino makikipaglapit lalo na kung lalake," panenermon ko.Napanguso ito na pinapakibot-kibot. Parang batang nagtatampo ang itsura. Napapairap na naman sa akin na akala mo naman masama ang sinabi ko dito."Hindi lahat ng lalake katulad mong babaero. Marami pa rin dyan ang matitino," ismid nito.Napahinga ako ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha.Hindi ko naman siya masisisi kung ganon ang tingin niya sa akin. Pero nag-aalala lang naman ako sa kanya. Ayoko lang na danasin niya ang masaktan at gawing parausan ng kung sino mang ponchopilato ang magtatangka.Makakapatay ako kapag nagkataon.KAPWA KAMI natahimik. Hanggang sa pagdating ng tanghalian namin na binili ni Mis Dahlia ay hindi kami nag-iimikan. Magkasalo pa rin naman kaming kumain. Napapailing na lamang ako sa isipan ko.Para kasi kaming magkasintahan na nagkakatampuhan.Maghapon itong abala sa laptop nito. Inabala ko rin ang sarili sa trabaho. Hindi naman ito umiimik kaya tahimik lang din ako.Napaangat ako ng mukha ng mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa na unregistered number ang caller.Bigla akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib. Napatayo ako na nagtungo ng glass wall at nagpamulsa ng isang kamay na sinagot ang caller. Dama ko naman na nakamata sa likuran ko si Monica at kita sa kaharap kong salamin na nakatitig ito sa akin."Yes?" pormal kong tanong sa caller."Mr Aldrich Di Caprio, right?" sagot ng baritonong boses sa kabilang linya.Napalunok ako. Pilit pina-normal ang boses at mukha kahit na sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko."Speaking,""This is my first and last warning to you, young man. Stay. Away. From. My. Wife," may kadiinang pagbabanta nito.Naipilig ko ang ulo na inaalisa sa isipan ang sinaad nito.Natahimik ako at hindi makaapuhap ng isasagot."Is that clear? I'm watching you, Mr Di Caprio. One wrong move, and you'll face my bullet," muling pagbabanta nito bago ibinaba ang linya.Tulala ako na naipilig ang ulo. Inaalisa sa isipan ang mga sinaad nito. Sa uri ng pananali niya ay parang kilalang-kilala niya ako at hindi manlang natatakot banggahin ang isang katulad ko. Fūck!Sino naman kaya ang caller na 'yon? Ang lakas ng loob pagbantaan ako. Pero ang tanongsino ba ang asawang tinutukoy Niya!?ALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin
LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo
LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni
ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi
ALDEN:PARA AKONG matatakasan ng bait na paulit-ulit nagfa-flat line ang heart beat ni Lara sa monitor. Kahit paulit-ulit siyang nare-revive ng mga doctor ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko! Maging si Andrea ay paulit-ulit din nagfa-flat line ang heart beat na tila kung anong nararamdaman ng isa? Mararamdaman din ng isa. Kaya naman paulit-ulit ding nahihimatay si Mommy Lira na nakikita ang kambal nitong nag-aagaw buhay!LUMIPAS ANG mga araw na nanatili sa ICU si Lara at Andrea. Pareho pa ring alanganin ang lagay. Critical pa rin ang mga ito at walang kasiguraduhan na makakaligtas sila. Kaya naman pinayuhan na kami ng mga doctor na ihanda ang sarili sa maaaring sapitin ng dalawa. Ang mga aparatus at machine na lang kasing nakakonekta sa kanilang katawan ang nagdudugtong ng kanilang buhay. Na kung hindi na nila kayanin ay tuluyan na silang mawawala sa amin.Bagay na kinakatakot ko.Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin sa gantong paraan. Mas kakayanin ko pang mapunta s
LARA:NAPANGITI AKO na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko.Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano!Puro buhangin lang na pino at kulay puti ang nakikita ng mga mata ko. Mataas ang sikat ng araw pero nakakapagtakang wala akong madamang gutom, uhaw, pagod o kahit ang mainit na sikat sana nitong tumatama sa akin!Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan-dahang tumayo na iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba kasi ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito?" magkasunod kong tanong sa sarili.PALAKAD-LAKAD ako sa walang hanggang disyerto. Hindi ko na nga alam kung saang direksiyon ang tatahakin ko. Natigilan ako na sa 'di kalayuan ay may natanawan akong babae. Nakatalikod ito sa gawi ko. Mahaba ang buhok nito na nakalugay. Abot hanggang kanyang baywang na unat na unat. Katulad ko ay nakaputing b