หน้าหลัก / Romance / Hahamakin Ko ang Lahat / Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 46

แชร์

Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 46

ผู้เขียน: MIKS DELOSO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-05 03:19:53

Kundi dahil isang maling segundo lang ang kailangan para gumuho ang plano.

Habang umaandar ang sasakyan, kinuha ni Dante ang makapal na folder mula sa glove compartment at iniabot kay Lorie.

“Dito nakalagay ang lahat,” aniya.

“Bank trails, shell companies, at mga dokumentong pinirmahan ng daddy mo bago siya namatay.”

Napahigpit ang kapit ni Lorie sa folder—parang hawak niya ang katotohanang matagal nang ninakaw sa kanya.

“Alam ko ang tungkol sa shadow accounts,” mahina niyang sabi.

“Hindi lang iyon.”

Lumapit nang kaunti si Dante, ibinaba ang boses na halos pabulong.

“May listahan ng mga pangalan. Lahat ng taong tumulong kay Amor. Mga consort niya. Mga dummy. Mga tauhang bayaran para mailusot ang illegal transfers.”

Parang sinampal ng malamig na hangin si Lorie.

Huminga siya nang malalim.

“Kaya kami naaksidente…” bumibitaw ang boses

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 57

    Tahimik na ang silid matapos ang maiinit na oras na nagdaan. Ang ilaw ay bahagyang nakapatay, ang kurtina ay gumagalaw sa bawat hinga ng hangin mula sa bukas na bintana. Sa gitna ng katahimikan, naroon pa rin si Lorie—nakasiksik sa loob ng wardrobe cabinet, halos hindi humihinga, ang buong katawan ay naninigas sa takot at galit.Mahigpit ang kapit niya sa cellphone. Patuloy pa rin ang pag-record.Hindi pa tapos ang bangungot.Sa labas ng cabinet, naroon sina Jason at Necy, magkatabi sa kama. Ang anyo nila ay parang magkasintahang walang konsensiya, parang walang sinirang buhay, parang walang inagawang pamilya.At doon, sa gitna ng katahimikan, muling nagsalita si Necy.“Jason…” mahina ngunit puno ng pananabik at pagkainip ang boses nito. “Ano ba talaga ang plano mo kay Lorie? Paano naman ako, babe?”Napapikit si Lorie.Parang kutsilyong tumusok sa kanyang dibdib ang bawat salita.“Hanggang kailan pa ako maghihintay?” dugtong ni Necy habang mas hinihigpitan ang yakap kay Jason. “Sawa n

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 56

    Habang ang dilim ng gabi ay patuloy na bumabalot sa mansion, si Lorie ay nagsimula nang magbago. Ang mga mata niyang matagal nang nagkunwaring bulag ay muling binuksan ng galit at determinasyon. Ang bawat hakbang na tinatahak niya ay isang pahayag—hindi siya magiging biktima magpakailanman. Hindi na siya ang babae na maghihintay at magtitiis. Sa gabing iyon, si Lorie ay isang babaeng puno ng intensiyon, na handang magsimula ng isang laban para sa katarungan at paghihiganti.Mabilis niyang tinahak ang madilim na hallway, at ang kanyang mga hakbang ay tila sinusundan ng mga anino ng mga kasinungalingan na matagal na niyang pinapasan. Ngunit sa bawat hakbang, sa bawat galit na tumitimo sa kanyang puso, lalong tumitibay ang kanyang hangarin—hindi siya titigil hangga’t hindi natutuklasan ang katotohanan at ang mga taong responsible sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay nagbabayad para sa kanilang kasalanan.Dumating siya sa study room ni Jason. Walang t

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 55

    Habang ang gabi ay patuloy na sumasakop sa mansion, si Lorie ay hindi na nagpatuloy sa pagpapanggap. Ang mga mata niya, na matagal nang nagkunwaring bulag, ay muling nagkaroon ng lakas, at ang bawat hakbang na tinatahak niya ay puno ng intensiyon at determinasyon. Hindi na siya ang bulag na babae na malungkot na naghihintay ng katarungan. Si Lorie ngayon ay isang babaeng puno ng galit at paghihiganti, at ang oras ng kanyang pagbabalik ay dumating na.Mabilis at tahimik, pumasok siya sa study room ni Jason. Wala siyang nakitang tao, at ang mga tahimik na tunog ng kanyang mga hakbang ay nagbigay daan sa kanyang pakiramdam ng lakas. Alam niyang matagal na niyang hinahanap ang mga kasinungalingan na nakatago sa loob ng mga pader ng kanilang tahanan. Lahat ng mga lihim ni Jason at Necy ay nag-uumpisa nang magsanib sa kanyang isipan, at ang mga pangalan ng mga taong kasangkot ay nagiging malinaw na.Nakaupo sa desk ni Jason, si Lorie ay mabilis na naghanap ng mga papeles. Ang mga sulat, mga

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 54

    Habang ang dilim ng gabi ay bumabalot sa mansion, si Lorie ay patuloy sa pagpapanggap na bulag, ang mga mata niyang tila may asim ng pag-iwas, ngunit ang mga pandama niya ay mas matalim kaysa kailanman. Minsan, para bang ang kanyang mga mata ay nakapikit pa rin sa sakit at galit na pinipilit niyang itago sa bawat araw na lumilipas. Hindi niya kayang itago ang nararamdaman niyang pagkamuhi kay Jason at kay Necy. Ang magkasama nilang buhay sa ilalim ng isang bubong ay tila isang malaking pagsisinungaling, isang kahihiyan na hindi na niya kayang tanggapin.Sa kanyang kwarto, nang dumating na naman si Necy na may dalang gatas, ang mga galos sa puso ni Lorie ay muling nagbabalik. Patuloy na ipinagpapanggap ni Lorie ang pagkabulag niya, ngunit ang bawat hakbang na ginagawa ni Necy sa loob ng kanilang tahanan ay isang patunay na wala nang natira sa kanilang dating pagmamahalan ni Jason. Walang pagtanggap, walang halaga, at walang respeto. Kinalimutan na siya ni Jason, at ang pinakamalupit na

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 53

    "Nadulas lang ako, Necy. Nag-aaral ako maglakad gamit ang blind stick, pinagaralan ko sa rehabilitation para maging independent," sagot ni Lorie, sabay alis ng tingin mula sa kanyang blind stick at pagpapakita ng isang magaan na ngiti, kahit pa puno ng sakit at hinagpis ang kanyang mga mata."Ganun ba?" tanong ni Necy, na para bang may hindi maipaliwanag na saya sa kanyang tono. "Next time, mag-ingat ka. Andito naman ako para alalayan ka." May pagkukunwaring concern sa boses ni Necy, ngunit sa mga mata ni Lorie, kitang-kita ang tunay na motibo. Habang nagsasalita, hindi maiwasan ni Necy na magpatuloy ang tingin kay David, ang bagong hardinero, na parang hindi makapaniwala sa hitsura nito."May bago pala tayong hardinero. Buti na lang andiyan si David, kundi nahulog na ako sa veranda," dagdag ni Lorie, ang tinig niya'y tila magaan ngunit may halong pangungutya, at hindi napansin ni Necy ang nakatagong ibig sabihin ng kanyang mga salita.Tinitigan ni Lorie si Necy at iniwasan ang kanyan

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 52

    Habang tahimik na naglalakad sa malawak na koridor ng mansion, ang mga mata ni Lorie ay nakapikit, ang bawat hakbang ay mabagal at maingat. Ngunit sa likod ng mga mata niyang nagpipigil ng mga luha at sakit, ang kanyang puso ay puno ng tapang at galit. Hindi siya titigil. Hindi siya magpapatawad sa lahat ng kasinungalingan na ipinataw sa kanya ng mga Curry, lalo na si Jason at ang kabit nitong si Necy."Hindi ko na kayang magpatawad," ang bulong ni Lorie sa sarili habang ang mga hakbang niya ay patuloy na umuusad. "Walang makakapigil sa akin. Kung ito lang ang paraan para makuha ko ang katotohanan, maghahanap ako ng ebidensiya. Magbabayad sila."Ang mga mata ni Lorie, bagamat kakabalik lang ng kanyang paningin, ay patuloy pa ring nagpapanggap na bulag. Ang mga mata niyang puno ng emosyon—sakit, galit, at paghihiganti—ay nagsisilbing proteksyon laban sa mga taong patuloy na nagtutulak sa kanya sa ilalim ng kanilang mga kasinungalingan. Hindi niya kayang ipakita sa kanila ang lahat ng n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status