Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-02-15 08:31:59

Mabilis akong lumabas ng opisina niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Ramdam ko pa rin ang init ng titig niya, ang bahagyang pagdampi ng balat niya sa akin, at higit sa lahat—ang mga salitang binitiwan niya.

"Sa loob ng isang linggo, magiging akin ka rin."

Napakuyom ako ng kamao.

No. Hindi ko hahayaan.

Pagdating ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon, pinipilit pakalmahin ang sarili. Masyado nang delikado ang sitwasyon ko. Kung gusto kong makatakas, kailangan kong kumilos bago maging huli ang lahat.

Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Tulad ng inaasahan, may ilang lalaking nakabantay sa paligid—siguradong utos ni Krim. Napatakip ako sa bibig, pilit nilalabanan ang bumibigat na pakiramdam sa dibdib ko.

"Paano ako makakalaya kung hindi niya ako bibigyan ng pagkakataon?"

Ilang segundo akong nanatili roon bago ako pumikit at huminga nang malalim.

Hindi ako pwedeng sumuko.

Hindi ako magiging isa sa mga babaeng madali niyang makokokontrol.

Bubuksan ko ang bawat posibleng paraan para makaalis sa impyernong ito.

At hindi ako papayag na sa dulo ng isang linggong ito… maging kanya ako.

Dahil wala akong magagawa sa ngayon, pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

Nagpalit ako ng damit at lumabas ng kwarto para bumaba sa hardin. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Pero paglabas ko pa lang, agad akong sinalubong ni Logan.

"Madam, saan po kayo pupunta?" mahinahon niyang tanong.

Napailing ako. "Bakit? Hindi ba ako pwedeng lumabas ng bahay na ito nang hindi nagpapaalam?"

"Pasensya na po, pero utos ni Sir Krim na hindi kayo maaaring lumabas nang walang kasama."

"Putang ina naman!"

Napairap ako, pero alam kong wala akong laban. Hindi ako pwedeng sumimangot at umasta na parang spoiled brat, dahil siguradong mas lalo lang akong pagbabantayan.

Kaya sa halip na sumagot nang may inis, pinilit kong gawing natural ang tono ko. "Fine. Sa garden lang ako. Pwede ba ‘yun?"

Tumango si Logan. "Oo, madam. Susundan ko lang po kayo mula sa malayo."

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa garden, agad akong naupo sa isa sa mga bench.

Tahimik.

———

Pagdating ko sa garden, hindi ko napigilang maglabas ng malalim na hininga. Ang presensya niya ay parang mabigat na kadena na unti-unting humihigpit sa leeg ko.

Nang ibaba ko ang tingin ko, doon ko lang napansin na nakakuyom ang mga kamao ko. Galit. Inis. At isang damdamin na hindi ko matukoy—isang bagay na mas kinatatakutan ko kaysa sa takot mismo.

Bakit siya ganyan?

Bakit ganoon siya makatingin—parang kaya niyang basahin ang buong pagkatao ko nang hindi ko namamalayan?

"Madam?"

Napalingon ako kay Logan, ang itinakdang bodyguard ko. Nakatayo siya sa tabi ng bench maingat na nagmamasid sa bawat kilos ko.

"Anong problema?" tanong ko, mas matigas ang tono kaysa sa inaasahan ko.

Wala siyang sinabi. Sa halip, marahan lang siyang tumango, na parang sinasabi niyang alam niya kung gaano kabigat ang sitwasyon ko.

Napailing ako at naglakad na papunta sa kwarto ko. Kahit saan ako lumingon, pakiramdam ko may nakatingin sa akin—mga matang hindi ko alam kung dapat kong katakutan o dapat kong iwasan.

Hindi ko na kailangang sabihin na si Krim iyon.

Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Pilit kong nilalabanan ang mga emosyon na gustong kumawala.

Pero paano?

Paano ko lalabanan ang isang taong sanay mangontrol ng kahit sino?

Isang linggo.

May isang linggo pa ako para makahanap ng paraan.

Kung totoo ang sinabi niyang hindi niya ako ikukulong, ibig sabihin may puwang para makatakas ako, ‘di ba?

Pero paano?

Pilit kong inisa-isa ang mga posibilidad. Hindi pwedeng basta-basta akong aalis—hindi ko rin pwedeng gamitin ang mga kasambahay, dahil siguradong may mata si Krim sa bawat sulok ng mansion na ito.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

Galit. Pagod. Takot.

Pero may isa pang bagay na hindi ko matukoy.

At iyon ang mas kinakatakutan ko.

Dahil sa kabila ng lahat, sa kabila ng pananakot niya, sa kabila ng galit ko sa kanya… may bahagi sa akin na naaakit sa kanya.

Damn it.

Hindi ko pwedeng hayaan na mahulog ako sa bitag niya.

---

Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pinto.

"Madam, oras na po ng almusal," boses ni Amelia, gaya ng dati.

Dahil wala naman akong choice, bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sa pagbaba ko sa hagdanan, agad kong napansin ang presensya ni Logan na tahimik na nagbabantay sa gilid.

At doon ko naalala ang isa pang problema.

Hindi lang si Krim ang kailangan kong pag-isipan—nandito rin ang bodyguard niya na siguradong susundan ako saan man ako magpunta.

Nang makarating ako sa dining area, nakita kong naroon na si Krim. Tulad ng dati, kalmado siyang nakaupo habang iniinom ang kanyang kape, walang bakas ng pagmamadali o inis sa mukha niya.

Hindi ko alam kung mas mabuti ba iyon o mas nakakainis.

“Umupo ka.”

Malamig at diretso niyang utos.

At gaya ng dati, wala akong choice kundi sundin siya.

Tahimik ang paligid habang kumakain kami. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakailang—ang katahimikan o ang presensya niya.

Hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Bukas, may pupuntahan tayo."

Napakunot ang noo ko. "Saan?"

Tumingin siya sa akin, at kahit hindi pa niya sinasabi, alam kong hindi ko magugustuhan ang sagot niya.

"Sa isang party."

Muntik kong ibuga ang iniinom kong kape.

"Ano?!"

‌"Isasama kita. At gusto kong malaman mong hindi ka lang basta magiging bisita," aniya, walang bakas ng emosyon sa mukha niya. "Ipapakilala kita bilang asawa ko."

Napatayo ako, hindi na napigilan ang galit na bumalot sa katawan ko.

"Hindi mo pwedeng gawin ‘yan, Krim!"

Tumagilid ang ulo niya, at ang mapanganib na ngiti niya ay muling lumitaw.

"Anong hindi ko pwedeng gawin, Samantha?" bumaba ang tono ng boses niya, puno ng panunuya. "Hindi ba't totoo naman? Asawa kita."

"Sa papel lang!" madiin kong sagot. "Huwag mong gamitin ‘yon para ikulong ako sa buhay mo!"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi niya ako hinawakan, pero sapat na ang presensya niya para mapaatras ako.

"Sabi mo dati, hindi kita kontrolado, ‘hindi ba?" aniya, mababa ang boses. "Kung gano’n, hayaan mong ipakita ko sa’yo kung ano ang kaya kong gawin kapag binitawan hindi ako nagtitimpi."

Napalunok ako.

At sa sandaling iyon, napagtanto kong wala pa pala akong nakikitang tunay na ugali ni Krim.

Ngunit alam kong malapit ko nang makita.

At alam kong hindi ko magugustuhan ang matutuklasan ko.

———

Kinuyom ko ang mga kamao ko, pilit pinapatay ang takot na nagsisimulang gumapang sa dibdib ko.

"Hindi mo ako pag-aari, Krim," mariin kong sabi, pilit pinatatatag ang boses ko.

Muli siyang ngumiti, pero hindi ito isang ngiti ng saya—isa itong mapanganib na ngiti, puno ng kumpiyansa at isang bagay na hindi ko matukoy.

"Hindi mo pa rin naiintindihan, Samantha," bulong niya, habang inilapit ang mukha niya sa akin. "Hindi ito tungkol sa kung sino ang may-ari at sino ang pag-aari. Ito ay tungkol sa kung paano mo tatanggapin ang katotohanang hindi ka na pwedeng tumakas."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

Hinintay kong marinig ang anumang kasinungalingan sa boses niya, ang kahit anong senyales na pinaglalaruan lang niya ako.

Pero wala.

Ang malamig niyang titig at ang boses niyang puno ng paniniwala ay sapat na para guluhin ang buong sistema ko.

Itinulak ko siya palayo. "Tingnan na lang natin kung paano mo mapipigilan ang isang taong ayaw nang manatili sa hawla mo," bulong ko bago ako tumalikod at tuluyang lumabas sa silid.

Isang hakbang pa lang palayo sa kanya, alam kong nagkamali ako.

Alam kong hinding-hindi niya ako hahayaang tumakbo nang gano’n lang.

———

Nang makarating ako sa kwarto ko, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Pilit kong nilalabanan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang pagiging dominante ni Krim o ang katotohanang hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may bahagi sa akin na naaakit sa kanya.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, pilit na pinoproseso ang lahat.

May isang linggo pa ako bago ang party na sinasabi niya.

May isang linggo pa akong oras para mag-isip ng paraan.

Pero paano?

Pinagmasdan ko ang chandelier sa kisame. Hindi ko kailangang magmadali—hindi rin pwedeng mag padalos-dalos. Isang maling galaw lang, siguradong mas mahihirapan akong makaalis sa lugar na ito.

Kung makakahanap lang ako ng paraan upang makumbinsi siyang bigyan ako ng kahit kaunting kalayaan—o kahit pahintulutan lang akong lumabas nang hindi masyadong binabantayan—baka may tsansa akong makatakas.

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Kung ang pagiging sunod-sunuran muna ang paraan upang makahanap ng butas, wala akong ibang choice kundi gawin ito.

——

Kinabukasan, bumaba ako para mag-agahan. Sa pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto, agad akong sinalubong ng presensya ni Logan. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid, pero alam kong kahit isang maling galaw ko lang, agad siyang kikilos.

Kaya sa halip na ituloy ang balak ko, naglakad nalang ako papunta sa dining area na parang walang nangyari kahapon.

Nang dumating ako sa hapag-kainan, naroon na si Krim, gaya ng dati. Nakaupo siya sa dulo ng mesa, kalmado at hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin nang umupo ako.

Pero alam kong alam niyang naroon ako.

Tahimik lang ang paligid habang kumakain kami. Wala akong balak magsalita, at parang gano’n din siya.

Pero hindi nagtagal, siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Mabuti naman at hindi mo naisipang tumakas?," aniya, walang emosyon ang boses.

Tumingin ako sa kanya, pilit na itinatago ang iritasyon. "Wala naman akong mapupuntahan, hindi ba?"

Nakangiti siyang tumango. "At least alam mong walang saysay ang pagmamatigas mo."

Napangiti ako nang mapait. "O baka naman naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon."

Napawi ang ngiti niya, at sa unang pagkakataon, nakita kong lumalim ang tingin niya—hindi na ito mayabang o mapanukso, kundi parang may halong pagtitimpi.

Parang sinusukat niya kung hanggang saan niya ko kayang kontrolin.

"Bukas ng alas-otso ng gabi, maghanda ka," aniya, tahimik pero puno ng bigat ang boses.

"Isusuot mo ang gown na ipapadala ko sa kwarto mo. Ayokong makarinig ng reklamo, Samantha."

Nagtagis ang bagang ko, pero tumango na lang ako.

Wala akong choice.

Hindi pa ko pwedeng kumilos ngayon.

———

Pagsapit ng gabi kinabukasan, dumating sa kwarto ko ang isang kahon.

Dahan-dahan kong binuksan iyon at tumambad sa akin ang isang eleganteng itim na gown—masyadong mamahalin, masyadong elegante. Alam kong hindi basta simpleng party lang ang pupuntahan namin.

May mas malaking dahilan kung bakit gusto akong isama ni Krim.

At iyon ang dapat kong malaman.

Pagkatapos kong maghanda, narinig ko ang marahang katok sa pinto.

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Logan.

"Madam, hinihintay na po kayo ni Sir Krim."

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad kami pababa, hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin ngayong gabi—pero isang bagay lang ang sigurado ako.

Ito ang magiging simula ng mas malaking pagbabago sa buhay ko.

At kailangang handa ako.

———

Pagdating namin sa sasakyan, nakita kong naroon na si Krim. Nakatayo siya sa tabi ng isang itim na luxury car, nakasuot ng isang sleek na itim na suit na lalong nagbigay buhay sa malaki niyang pangangatawan.

Napahinto ako.

Hindi ko maitanggi—kahit gusto kong kamuhian siya, hindi ko maikakailang may aking siyan kagwapuhan at hindi mo basta matitinag.

Napansin niyang nakatingin ako kaya nagtaas siya ng kilay. "Ano, hindi ka pa ba sasakay?"

Napasinghap ako at agad na lumapit sa sasakyan. Mabilis akong pumasok, sinisiguradong hindi niya mapansin ang kahit anong reaksyon sa mukha ko.

Hindi pwedeng makuha niya ang kahit anong senyales ng kahinaan.

Habang umaandar ang sasakyan, tahimik lang kami. Pero kahit walang nagsasalita, ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa tabi ko.

Hanggang sa hindi ko na kinaya ang katahimikan.

"Anong party ito?" tanong ko, pilit pinapanatiling normal ang boses ko.

"Business party," sagot niya, diretsong nakatingin sa harapan. "At gusto kong ipakilala ka bilang asawa ko."

Napangisi ako nang mapait. "Alam mo bang sa tuwing sinasabi mo ‘yan, para akong nasusuka?"

Lumingon siya sa akin, at sa isang iglap, hawak na niya ang baba ko, pinipilit akong tumingin sa kanya.

"Nakakainis, hindi ba?" bulong niya, may halong panunukso ang boses. "Ang malaman mong wala kang kontrol sa kung ano ang mangyayari sa'yo?"

Nanigas ako.

Alam niyang galit ako.

At gusto niyang makita kung kailan ako mawawalan ng kontrol sa sarili ko.

Pero hindi ako bibigay.

Kahit gaano ako kagalit, hindi ko siya pagbibigyan ng kasiyahang makita akong mahina.

Bumitaw siya, at ngumiti nang bahagya. "Mabuti. Akala ko magpapakawala ka na naman ng drama mo."

Napatikom ang kamao ko.

"Hindi pa ako tapos sa'yo, Krim," bulong ko sa sarili ko.

At alam kong narinig niya iyon.

———

Pagdating namin sa venue, agad akong sinalubong ng mga mata ng mga tao.

Mga mayayaman, makapangyarihan, at halatang nagtataka kung sino ako.

Ngunit bago pa man sila makapagtanong, ipinatong ni Krim ang kamay niya sa likod ko at hinarap ang lahat.

"I’d like you all to meet my wife, Samantha."

Gusto kong ipakita ang pagkainis ko, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Sa halip, ngumiti ako—isang ngiting hindi nila malalaman kung totoo o isang babala.

Dahil kung may isang bagay na natutunan ko kay Krim…

Ito ay ang larong ito ay hindi basta-basta natatapos.

At kung gusto niyang gawing laro ito…

Siguradong hindi ako papatalo.

———

Naglakad kami papasok sa engrandeng bulwagan na punong-puno ng mahahalagang personalidad—mga negosyante, pulitiko, at mga taong halatang hindi lamang impluwensya ang puhunan, kundi pati lihim.

Pakiramdam ko, para akong itinapon sa gitna ng isang patibong, pero hindi ko maaaring ipakita na wala akong alam.

Napansin kong may ilang babae sa sulok na lihim na nakatingin sa akin, tila nagtatanong kung sino ako para mapunta sa tabi ni Krim. Ang iba naman, halatang may alam na—mga matang puno ng pag-uusisa at pagkukunwaring kaswal na pagtingin.

"Gusto mo bang uminom?" bulong ni Krim sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon ngayong gabi, hinayaan kong makita niya ang inis sa mga mata ko.

"Wag kang mag-alala," dagdag niya, bahagyang nakangiti. "Hindi kita lalasunin."

Hindi ako sumagot. Sa halip, kinuha ko ang unang basong inabot ng waiter at ininom iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Hindi siya nagulat. Hindi rin siya mukhang natutuwa.

Sa halip, nakikita ko ang bahagyang pagliit ng mata niya—isang tanda na muli niya akong sinusuri.

"Tama na ‘yang pagpapakita ng tapang mo," aniya, masyadong mahina ang boses para marinig ng iba. "Mas nakakagiliw kang panoorin kapag hindi mo alam kung paano magpapanggap."

Huminga ako nang malalim.

"At ikaw," sagot ko, pinapanatili ang isang mapait na ngiti, "masyado kang sigurado na ako ang nadadala sa laro mo."

Bago pa siya makasagot, isang matandang lalaki ang lumapit sa amin—halatang makapangyarihan, halatang hindi basta-basta.

"Krim," aniya, nakangiti ngunit may bahid ng malamig na intensyon sa mukha. "At ito siguro ang madalas kong marinig na pinag-uusapan nitong mga nakaraang araw?"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Krim sa likod ko. Hindi ito halatang marahas, ngunit sapat na para malaman kong hindi siya pwedeng pakitaan ng kahinaan sa harap ng taong ito.

"Meet my wife, Samantha," aniya, na para bang tinatapos na ang usapan bago pa man ito magsimula.

Ngumiti ang matanda, ngunit alam kong hindi ito ngiting inosente.

"A pleasure," sagot niya, bago ako tinapunan ng isang sulyap na tila ba sinusukat ako mula ulo hanggang paa.

"Ano ang totoong dahilan kung bakit mo ako dinala rito?" bulong ko kay Krim habang ang matanda ay bumaling upang kausapin ang iba pang bisita.

"Hindi mo ba naiisip?" balik niya, at doon ko lang napansin na ngayon lang siya muling ngumiti nang ganito—hindi mapanukso, hindi mapanlinlang, kundi isang ngiti ng isang taong may hawak ng susi sa isang palaisipan na hindi ko pa nauunawaan.

"Tinuturuan kitang lumangoy, Samantha," bulong niya, inilalapit ang mukha niya sa akin. "Dahil simula ngayong gabi, nasa gitna ka na ng dagat ng mga pating."

At doon ko lang napagtanto—hindi lang basta kasal-kasalan ang nilalaro niya.

May mas malaking giyerang hindi ko pa nakikita.

At sa isang iglap, ako ang naging bagong piyesa sa kanyang laro.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 45

    Sumabog ang isang bote ng antiseptic sa lamesa, tumilapon ang mga gamit ni Dr. Renz. Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang tunog ng bala na dumaan ilang pulgada lang mula sa ulo ko. "PUTANGINA! MAGTAGO KAYO!" sigaw ni Zion habang mabilis na nagtatago sa isang lumang metal cabinet. Agad kong hinila si Elara pababa sa sahig, kahit nanghihina siya, pilit niyang ginamit ang huling lakas niya para gumapang papunta sa mas ligtas na pwesto. Si Dr. Renz naman, mabilis na sumubsob sa ilalim ng lamesa, hinahabol ang sariling paghinga. "Paanong—paanong nahanap nila tayo?" hingal na tanong ni Elara habang mahigpit na hawak ang sugatang braso niya. "May tracker si Kiyo?" hula ko, nanginginig ang kamay kong humawak sa baril ko. "O baka may nakasunod sa van natin!" Pero wala na kaming oras para pag-isipan pa ‘yon. MULING PUMUTOK ANG MGA

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 44

    Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 43

    Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma

  • Hating My Possessive Husband    Authors Note

    Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status