Share

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny
Author: MeteorComets

Simula

“Meldy! Meldy!” Nagmamadaling lumabas si Meldy mula sa bahay niya ng marinig ang pangalan niyang sinisigaw ni Pacio—ang binatang sakit sa ulo at mahilig mangupit.

“Pacio, bakit?” natigilan siya ng makita si Pacio na umiiyak habang hawak ng dalawang gwardya ang braso nito.

Anong ginagawa ng gwardiya ni Eliot Santisas dito? Nagtatakang turan ni Meldy.

“Ikaw ba si Meldy?” kinabahan siya bigla ng marinig ang pangalan niya.

“Ako nga po. Bakit po?”

Nagulat siya ng bigla siyang lapitan ng gwardya at hinawakan siya sa braso niya. “Teka po, b-bakit po?”

“Inutusan mo raw ang binatang ito na magnakaw ng alak sa Rancho de Santisas.”

Nanlaki ang mata ni Meldy at tumingin kay Pacio na humihingi ng tawad ang mata. Nanggigigil siya at gustong masuntok si Pacio pero hindi niya magawa dahil kinaladkad na siya ng dalawang gwardya.

“Meldy, labyu!” Sigaw ni Pacio at tumakbo paalis.

“Hayup ka Pacio!!!!”

Kinaladkad pa rin siya ng mga gwardya.

“Teka lang po, hindi ako nagnakaw!”

Pero hindi na siya pinakinggan pa. Isinakay siya sa isang magarang limousine, hindi tuloy alam ni Meldy kung dapat ba siyang magpasalamat o hindi na hinuli siya lalo’t hindi pa siya nakakasakay ng limousine sa tanang buhay niya.

Sa isang malaking bahay sa bayan kung saan siya nakatira, dinala siya doon ng dalawang gwardya. Nangangatog na sa takot at kaba si Meldy dahil alam niyang dadalhin siya ng mga gwardiya kay Eliot Santisas, ang kilalang mayamang negosyante sa bayan ng San Lazaro.

Pagbukas ng pinto ng bahay, agad na lumabas ang dalawang gwardya, naiwan si Meldy. Yumuko siya agad lalo na nang makita niya ang bulto ng katawan ni Eliot na nakatalikod sa kaniya.

“M-Magandang araw po-"

“Meldy Penuela, 26 years old, graduating student at dating nagpa-part time sa maliit na sari-sari store.” Napalunok siya ng biglang sabihin yun ni Eliot.

“N-Nagta-trabaho pa rin po ako d-doon, sir,” kabadong aniya.

“Is that so?” napaangat nang tingin si Meldy at nakasalubong niya ang malamig na titig ni Eliot sa kaniya. Kahit kabado siya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi pagnasaan ito.

Ang gwapo. Halos ipagsigawan niya na.

Nakita niyang may tinawagan si Eliot. “This is Eliot Santisas. Yes. I’d like you to fire someone for me. Her name? Oh. It’s Meldy Penuela.”

Nanlaki ang mata ni at kinabahan.

“Wala ka ng trabaho,” sabi ni Eliot sa kaniya.

Lumuhod siya agad sa harapan ni Eliot. “S-Sir, h-hindi po ako ang nag-utos na nakawin ang wine niyo.”

Pero hindi naniwala si Eliot.

“Alam mo ba kung gaano kamahal ang wine na ninakaw ng kaibigan mo?”

Tumingin si Meldy sa kaniya. “Magkano po sir. B-Babayaran ko po.”

“Really? Okay.. That wine cost 100,000 per bottle. Tapos isang box ang kinuha ng kaibigan mo. Sa isang box na yun, may sampung bote, 100,000 times 10, ilan ang babayaran mo?”

Gustong maluha ni Meldy nang tumatak sa utak niya ang 1M. Mapapatay talaga kita Pacio. Bulong niya.

“Galit ako sa mga taong makakati ang kamay. Sa presinto ka na magpaliwanag.”

Biglang kinabahan si Meldy. “Sir, maniwala po kayo sa’kin. Hindi po talaga ako.”

Bago pa man makareact si Eliot, isang bata na may pitong taong gulang ang dumating sa sala kung nasaan sila at tumakbo palapit kay Meldy at niyakap siya.

“Mama!” Sabi ng bata na malapad na ngumiti sa harapan ni Meldy na ikinagulat niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
maganda umpisa palang...
goodnovel comment avatar
MeteorComets
Hi. This is your Miss A. Thank you for reading I Put A Leash On My Boss and thank you dahil pati ito sinundan niyo at balak basahin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status