Share

Chapter 3

Mainit po ba ma'am?" Nagtatakang tanong ni Cynthia nang makita na pawisan si Kathy.

"Ha!? Oo."

"Saan ka po ba nanggaling? Akala ko ba puntahan mo lang si Mr. De Guzman saglit?" Tanong ni Cynthia.

Bumuntong hininga si Kathy. "Matanong ko lang sa iyo Cynthia."

"Ano po yun ma'am?"

"May ex ka rin ba?"

"Oo naman po. Bat mo natanong." Kunot noong sagot ni Cynthia.

"Kung saka-sakali, okay lang ba sa iyo na maging ka trabaho mo siya?"

"Depende po kung paano nagwakas ang relationship namin. Kung in good terms, oo naman, walang masama na maging ka trabaho ko siya."

"Eh paano kung hindi in good terms ang ending ng relationship niyo? Halimbawa pinagpalit ka sa iba at napahiya ka.. yung tipong ganoon?"

"Bakit niyo po natanong ma'am? Ex niyo po ba si Mr. De Guzman?"

"Halimbawa lang Cynthia. Mabigyan mo nga ng company t-shirt si Mr. De Guzman, basa daw sa pawis ang damit eh."

Nagtataka man ay tumalima si Cynthia. Kumuha siya sa drawer ng t-shirt na may logo ng KK21 bago pumunta sa opisina ni Mr.Dr Guzman.

"Mr. De Guzman, nagpadala po ng t-shirt si Miss Reyes. Pwede po kayong magpalit."

"Salamat Cynthia." Sagot ni Gerald pagkatanggap sa t-shirt. "Pakisabi kay Miss Reyes na pwede na niya akong kausapin. Isusuot ko na lang tong t-shirt ng kumpanya."

Tumango si Cynthia at nilisan ang opisina ng bagong hirang na Senior Project Manager.

" Ma'am, pwede mo na daw kausapin si Mr. De Guzman."

Napatingin si Kathy kay Cynthia." Nakabihis na ba siya?"

"Opo."

"Good. Samahan mo ako."

Walang reklamo na sumama si Kathy sa boss niya. Saglit lang ay nasa opisina na sila ni Mr. De Guzman.

"The t-shirt fits me perfectly. Mukhang may pang uniporme na ako araw-araw ah." Saad ni Gerald.

Napalunok naman si Kathy. Ang guwapo kasi tignan ni Gerald sa company t-shirt nila. Mas naging prominente tignan ang mukha nito sa simpleng t-shirt lang. Body fit pa ang t-shirt kaya kita ang fit na katawan nito.

Maging si Cynthia ay napahanga din sa kakisigan ni Gerald. "Naku po Mr. De Guzman, sigurado ka po ba sa pinasok mo? Mukhang pang Mr. Universe lang ang aura natin ah." Di mapigilan na bulalas ni Cynthia, obvious na kinikilig ito.

Tinignan ni Kathy ng masama si Cynthia kaya napatigil ito.

"Sorry po." Bulong ni Cynthia bago bumaling uli kay Gerald. "Narito kami ni boss para sa briefing. Buti na lang engineer din ang big boss natin para di mahirap kausapin." Saad ni Cynthia.

"Tama na yan Cynthia. Ang point lang ni Cynthia ay may isang kumpanya kasi na pinamahalaan ng di marunong at ngayon ay pabagsak na. Ayaw kong matulad tayo sa kanila. Tamang tama ang dating mo. I expect you to be well experienced sa field na to.." Sabi ni Kathy. Biglang sumabad na naman ang negative thoughts niya, tama Well experienced nga siya sa panloloko sa iyo. Napaismid siya bigla at bumolong, "Tama na!"

Napakunot-noo naman si Gerald habang nakatitig kay Kathy.

Gerald, wag mo akong titigan. Ganyan na ganyan ang paraan kung paano ka tumingin sa akin dati hangang sa tuluyang naglaho ang pagmamahal mo sa akin at napalitan ng pandidiri. Di na ako ma huhulog pang muli sa iyo. Kahit kailan! Pangako ni Kathy sa sarili bago ito nagfocus muli sa puntirya niya kung bakit siya andun.

Naglakad si Kathy patungo sa lamesa ng bagong opisina ni Gerald habang nakasunod ang mga mata ni Gerald dito. Di matanggal ang mga titig niya sa makurbang katawan ni Kathy.

Mas lalong gumanda ang katawan at mukha nito. Di maiwasan ni Gerald na mapatitig sa mapuputi at makikinis na mga hita ni Kathy hangang sa dumako ang titig niya sa maumbok na puwet nito at maliit na beywang. Ang mahaba nitong buhok ay naka ponytail kaya kita ang maliit nitong leeg.

Napalunok si Gerald habang paharap sa kanya si Kathy. Napatitig siya sa mayayaman na dibdib nito at sunod naman ay sa mga labi nito. Di niya maintindihan kung bakit sa bawat buka ng labi ni Kathy ay nais niyang hagkan ito. Maya-maya lang ay biglang nagsikip ang kanyang pantalon. Namula siya bigla at hindi niya alam kung paano takpan ang nagagalit niyang junior.

Ano bang nangyayari sa akin? Tanong ni Gerald sa sarili.

"Do you understand?" Tanong ni Kathy na nagpa balik kay Gerald sa realidad.

Ano daw yun? Walang maintindihan si Gerald sa sinabi ni Kathy dahil ang pokus niya ay tinawag na ng pangangailangan. Di niya masisi ang sarili niya dahil napaka hot ng magiging boss niya. Di niya tuloy maiwasan na sariwain sa isipan ang mga maiinit na sandali na kanilang napagsaluhan noong sila pa. Matagal man yun ay parang nangyari kahapon lang. Di niya mapigilan ang sarili na naisin na muli itong yakapin. Nagsisisi ba siya na kanya sana ito ngayon pero sinayang niya lang?

"Are you okay Mr. De Guzman?" Tanong muli ni Kathy nang hindi makasagot si Gerald sa una niyang tanong.

"Ha? Ah oo naman po. I'm fine. Medyo nanibago lang ako sa environment but I am fine. Makakaasa ka Miss Reyes that you have the right person for this position. At no, hindi tayo babagsak na tulad ng nabanggit mong isang company." Sa wakas ay nakapag salita na si Gerald.

"Very good! Kung ganoon ay get yourself familiar with your office. Asahan mong I will check on you anytime kahit walang pasabi."

"No problem with me. You're welcome back.. I mean you are always welcome sa opisina ko. You're my boss."

"Mabuti! Kung ganoon ay tayo na Cynthia." Saad ni Kathy sa secretary niyang parang wala sa sarili habang nakatitig kay Gerald. "I said let's go!"

Tuluyan nang na gising si Cynthia nang hilain ito ni Kathy palabas sa office ni Gerald.

Nang nasa labas na sila, sinita ni Kathy si Cynthia.

"What is happening to you?" Bwisit na tanong ni Kathy.

"Sorry po ma'am. Ang guwapo lang po kasi talaga ni Mr. De Guzman." Namumula ang pisngi na bulong ni Cynthia.

"Ano yun? Paulit po ang sinabi mo. Wag mo ako binubwisit babae ka!"

"Di ka naman mabiro ma'am. Obvious namang sa iyo siya may gusto." Nakasimangot na sagot ni Cynthia.

"Anong sinasabi mo? May asawa na yung tao!"

"Di ibig sabihin na di siya tigasan sa iyo ma'am!"

Napatingin sa paligid si Kathy. "Ang bunganga mo. Anong pinagsasabi nito?"

Napabungisngis na lang si Cynthia habang nakasunod sa di niya maintindihan kung bakit biglang nagagalit na boss niya. Pa menopause na yata. Hay sayang ang matris dahil Di man lang nagamit!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status