Share

Chapter 32

Pagkatapos mag-almusal ay pinuntahan ni Kathy ang mag asawang Alan at Elena. Tuwang tuwa ang dalawa nang makita si Kathy.

"Ma'am Kathy pasensiya na hindi ka namin nasalubong kahapon. Pumunta kasi kami sa bayan para bumili ng mga supply." Kaagad na sabi ni Alan kay Kathy.

"Okay lang yun Alan. Kumusta kayo dito? Hindi ba kayo na boboring dito?"

"Naku po ma'am, masaya kaming manirahan dito sa bukid." Sagot naman ni Elena.

"Mabuti kung ganoon. Oo nga pala, pasalubong ko sa inyong mag-asawa." Sabi ni Kathy sabay abot sa paper bag na bitbit niya.

"Nakakahiya naman sa inyo ma'am, nag-abala pa kayo."

"Maliit na bagay lang po yan kung ikukumpara sa kasipagan niyo. Kita nga niyo kung gaano kaganda ang mga pananim niyo dito."

Napangiti ang mag - asawa at sabay na nagpasalamat.

"Oo nga pala, matanong ko lang. Kilala ba ninyo ang kapitbahay natin?" Tanong ni Kathy at kita niya ang biglang paglaho ng mga ngiti ng mag-asawa.

"Ah ma'am, sa loob po tayo mag-usap." Tila aligagang sagot ni Alan.

Inaya n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status