Share

23-HIDING SOMETHING

(Cami POV)

End of 4rth subject kaya breaktime na! Lumabas na ako ng room para bumili ng makakain sa canteen.

Hindi ko nakita si Dylan ngayong umaga. Siguro kasama na naman si Stan at boys' walk na naman siguro sila.

Si Gabe din hindi pumasok. Kumusta na kaya ang mokong na yon? Nakakamiss lang ang kakulitan niya!

Saktong paglabas ko nang elevator nung mahagip ng tingin ko si Gabe at may kasama siyang magandang babae.

"Waaaaah Gabey. Over here!" Tawag ko kaway kaway.

Tiningnan ako nito at tinalikuran. Inakbayan ang kasama niyang babae papalayo!

Napasinghap ako.

Aba! Porket may kasamang chic deadma na agad ako? Parang wala naman kaming pinagsamahan!

"Arghhhh nakakaasar siya grabe!" Bakit parang naiinis ako?

Napaatras ako nung may bumangga saakin.

"ANO BA!?WALA KA BANG NAKIKITANG TAO?!" Singhal ko sa nakabangga saakin.

"Miss, nasa gitna ka kaya ng daan, natural lang na mabangga ka!" Sagot nung lalaking naka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status