Share

Chapter 15

Marshall POV

"Ouen!" pagkarating na pagkarating ko sa gymnasium ay kiniwelyuhan ko kaagad siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makagalaw. 

"T-teka, ano bang ginagawa mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Para akong nakuryente sa paghawak niya kaya agad ko yung nabitawan at tulalang napatingin sa kaniya. 

What the.. 

What was that

"Ano bang problema mo?" natameme ako at hindi ko magawang makapagsalita. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko para magsalita pero di ko alam kung bakit ganito 'to kahirap ngayon. 

What's happening!

"Para kang tanga" malumanay na ani niya at hinawakan ulit ang kamay ko at sinuri ito. 

"Bakit puro dugo 'to" kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga natuyong dugo sa kamay ko. 

H-he's not angry? 

What the hck, w-what's that? 

B-bakit may nakikita akong bulaklak sa paligid ng ulo niya. 

"H-heck" binawi ko ang kamay ko ay tumakbo paalis sa gymnasium, nasalubong ko pa si Koshiro na masama ang tingin sa akin. Pumunta muna ako sa field para umupo sa bench.

Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug

Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. 

A-ano yun, n-nababaliw na ba ako? 

Napapraning? 

Natatanga? 

Nagugutom? 

"Marshall, akala ko ba nagpapractice ka?!" napatalon ako ng marinig ang sigaw ni Kalix sa tainga ko.

"T-tapos na ako" 

"Anong mukha yan, mukha kang nakakita ng multo"

"Kalix, m-may nakikita ka bang bulak lak sa paligid ng ulo ko?" 

"Pinagsasabi mo? Kadiri ka talaga" sabi niya at umalis habang nagkakamot ng ulo. 

What if.... 

Hindi, hindi totoo yung nasa isip ko.

~~~~~~

"Gusto kita, Ouen!" sigaw ko sa harapan niya. Nakita kong namula siya at inilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod. 

"Gusto rin kita, Marshall" mahinhin niyang pagkakasabi. Napangiti ako ng malaki at ngumuso para halikan siya. 

Malapit na, malapit na..... 

~~~~~

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng mahulog ako sa bench na hinihigaan ko. 

Bakit gano'n yung panaginip ko???? 

Nababaliw na talaga ako

"Marshall" napatingin ako sa gilid ko nang nakitang nakatayo doon si Koshiro. 

"Why?" I asked and immediately stand up. 

"Don't do that again" he said while irritated is visible in his eyes. 

"Yung alin? 'yung pagkahulog ko ba? Sureee" 

"No, don't touch him again" aniya habang magkasalubong ang kilay. 

"S-sige?" 

"Marshall! Kailangan mong magpractice nang magpractice bukas na ang sports fest!" sigaw ni Kalix na biglang sumulpot sa tabi ko at ipiningot ang tainga ko. 

"Ano ba?! Oo na nga e'!" sigaw ko para sa pag sang ayon sa kaniya ngunit hindi niya pa rin binitawan ang tainga ko at idinala sa billiard hall na habang nakapingot sa akin.

"Kainis! Magpapractice na nga e'!" 

"Huwag ka ngang sumigaw! Nahahawa ka na sa kasisigaw nila!" sigaw din niya

"Ikaw din naman sumisigaw ah!" 

"Tumahimik nga kayong dalawa, pag untugin ko kayo e'"

"Anong sabi mong pandak ka? Umalis ka nga dito at baka----" tumigil ako sa pagsasalita at inisip kung ano ang magiging suusnod na linya ko. 

"baka????" hintay na tanong nila Jaleb at Kalix. 

"Baka punasan mo rin kami ng kulangot?" tanong ni Kalix

"Oo, ayun nga" nagmamalaking ani ko at inilagay ang dalawang kamay sa bewang. 

"Umalis ka na nga dito, Jaleb. Magpapractice pa ako" 

"Maniningil kasi ako ng utang kuya" 

"Kanino naman?" tanong ko

"Sa iyo, iba ka talaga. Kapag bayaran na ng utang nagkukunwari kang hindi mo alam" nakabusangot na sabi niya. 

"Magkano ba yun ah?" 

"Sampu" 

"Anong sampu? Limang piso lang yun ah! Bakit ang laki ng tubo?!"

"May interest na yun, isang buwan mong hindi binayaran" 

"Mga tagapagmana ba talaga kayo ng magulang ninyo? Mukha kasing namumulubi kayo" sabi ni Kalix habang umiiling iling. 

__

Ouen POV

"Ouen" napatingin ako kay Koshiro na seryosong nakatingin sa akin. Ano bang problema ng mga tao ngayon at para silang nasisiraan ng bait. Pachill chill lang sila, bukas na kaya yung sports fest. 

"Pipi ka ba?" 

"Sorry naman. Bakit ba?" 

"Mag 18 ka na pagkatapos ng sports fest diba?" 

"Hindi, mag 17 palang" 

"Tsk, mas alam ko pa edad mo kaysa sa iyo. Wala ka talagang utak" 

"Hoy, totoo naman kasing 16 palang ako!" 

"I saw your requirements. Gurang ka na ba at makakalimutin ka na" napatigil naman ako sa sinabi niya at inalala kung ilang taon na ba ako. Kapag birthday ko kasi walang edad na nakalagay. 

Napapitik naman ako sa hangin na ikinaatras niya sa gulat. 

"Oo nga, normal lang naman makalimutan birthday. Ano ba para ka namang others" 

"Tsk.." 

"Anong nangyari sa mukha mo?" 

"This?" turo niya sa mga pasa niya "It's your fault" dugtong niya

"Huwag ka ngang imbento"

"Nagamot naman na 'to. Huwag mo nalang pansinin, mawawala rin 'to" umupo ako sa bench na nasa harap ko at tumabi naman siya sa akin.

"Nga pala" aniya ko at lumapit sa kaniya na kaagad niyang ikinaatras

"Huwag ka ngang lumapit" 

"Arte, may ibubulong lang ako"

"Wala namang makakarinig" 

"Nakahihiya kasi, baka may makarinig" tumango tango nalang siya napabuntong hininga. Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya at bumulong. 

"Pwede bang pautang ng 500" bulong ko sa kaniya ng nakapikit, ayaw kong makita reaksyon niya. When i didn't receive any reaction, I opened my eyes and saw him looking at me intently, 2 centimeter lang ang layo ng mukha naming dalawa sa isa't isa. 

Inilayo ko naman ng kaunti ang sarili ko at tinanong ulit siya. 

"Magpapautang ka ba?" bumalik ang natural na emosyon niya.

"Saan mo ba gagamitin?" 

"Nasira ko kasi kanina yung wig na gagamitin ko bukas" aniya ko habang nagmamakaawang tinignan siya. He chuckled and bit his lower lip, restraining his self not to laugh. 

Napatigil ako sa reaksyon niya, hindi ko alam pero ang sarap niya titigan na nakangiti. Napangiti na rin ako at inakbayan siya. 

"Yes na ba yan???" 

"Hmm" pag sang ayon niya habang nakangiti. 

"Yownn, that's what I'm waiting for! Tara naaa!" napakunot ang noo niya dahil sa huli kong sinabi. 

"Anong tara na?" 

"Samahan mo kong bumili sa mall" 

"Tsk, ayaw ko nga. Bibigyan nalang kita ng pera" napahawak naman ako sa baba ko at tumango tango. 

"Okayyy, akin na. Kay Leiyh nalang ako magpapasama" nakangiting sagot ko. Nawala ang gana sa mukha niya dahil sa sinabi ko. 

"Tara na" aniya at nauna nang maglakad papunta sa dinaanan namin noong tumakas kami. 

Pagkalabas namin ay walang kotse. 

"Nasaan na ang kotse?" 

"May gumamit ata"

"May malapit ba ditong paradahan?" tanong ko sa kaniya

"Meron, kaya mo bang maglakad ng 12 minutes" 

"Oo nam---" hindi na niya hinintay ang sagot ko at nagsimula nang maglakad. 

"Koshiro Takeuchi" banggit ko sa pangalan niya

"Ang astig ng name mo, halatang japanese ka talaga. Japanese siguro dad mo" 

"Alam mo, ang ganda ganda ng ate mo. Para siyang pang miss universe" 

"Ouen Preston Callanta" pagpapakilala ko sa kaniya at huminto sa harap niya. 

"Hindi ko naman tinanong" 

"Kj talaga dapat si Leiy---" 

"Koshiro Kazan Takeuchi" napatigil ako sa paglalakad ng banggitin niya ang buong pangalan niya. 

"Wow, hindi ko alam na may maiaastig pa ang pangalan mo. Ikaw anong masasabi mo sa pangalan ko? Ang pogi ng pangalan ko, mana sa may ari" 

"Ang pangit ng pangalan mo, hindi ko alam na may mas ipapangit pa name mo" aniya habang patuloy pa ring naglakakad

"Napakasama talaga ng ugali mo. Alam ko namang naangasan ko na ang mukha mo pero dapat hindi nasisira ang pagkakaibigan sa inggit" nainis ako ng bigla siyang tumawa. Like hello? may nakakatawa ba? 

"Tss, kanina ka pa tawa nang tawa. Wala namang nakakatawa sa sinasabi ko" 

"Don't mind it" aniya habang patawa tawa. Napasinghal ako sa sinabi niya, harap harapang insulto ba 'to. 

"Pansin ko lang, hindi ka masyadong palangiti. Lagi kang seryoso, nakakunot ang noo at nakangisi, parang yan lang ang emosyon na madalas naming nakikita." natahimik naman siya

"Tsaka, lagi kang nagdadalawang isip sa sasabihin mo pero yung masama palagi ang lumalabas sa bibig mo. Baka naman, yung choices mo sa isip mo, extreme na panlalait" 

"Hindi ba nangangalay bunganga mo?" tanong niya habang kinakamot ang batok

"Hindi eh, so yun na nga. Ang pogi mo ngumiti, kaya sana huwag ka ng ngumiti" 

"Bakit naman?" curios na tanong niya

"Kasi nalalamangan ako, dUh" napatakip ako sa bibig ko dahil sa huli kong sinabi. Anong dUh, masyadong babae ang boses ko, teka feeling ko noong nakaraan medyo matigas pa ang boses ko. 

"Ano ulit, dUh?" nakangising pag ulit ni Koshiro

"Tumahimik ka nga" 

"Day by day, your voice is starting to look feminine, hmm nagdadalaga ka na---Manong, sa bayan po" aniya, hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa ingay dito. 

"Ano nga ulit sinabi mo?" 

"Wala, pumasok ka na" pagpakapasok ko ay sumunod naman siya at tumabi sa akin. Halos mapasuka na ako sa amoy ng tricycle, grabe hindi man lang ba nililinisan ng driver 'to. Hindi pa naman ako makababa dahil pinaandar na. 

"Are you okay?" he asked

"Okay lang naman, hindi ko lang gusto ang amoy ng tricycle" hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ng hapitin niya ako papalapit sa kaniya at isinuksok ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang panlalaking amoy niya na mas nakapagpula ng pisngi ko. 

Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya, ang sarap pakinggan. 

Gusto kong humilaway, pero hindi ko magawang gumalaw bagkus mas ipinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kaniya. Nanatili kami ng ilang minuto sa pwestong yun. 

"Ouen" bulong niya

"Bakit?" 

"Pwede bang bumaba ka na sa tricycle?" dali dali naman akong bumaba at hindi siya tinignan hanggang sa makapasok na kami sa mall. 

"Nahihiya ka ba?" 

"Hindi ah! Why would I??? Buti sana kung babae ka" agaran kong pagtanggi, napairap nalang ako nang tumawa siya. Sinundan ko lang siya sa paglalakad, mas kabisa niya ang mall na 'to kaya alam niya kung nasaan ang bilihan ng wig. 

"Try this" inilagay niya sa ulo ko ang pekeng buhok na abot hanggang dibdib ko at medyo wavy sa dulo. 

"Okay ba??" I asked and saw a small smile flashed on his lips. 

"Para kang panot, hahaha" sinamaan ko siya nang tingin at tumingin sa salamin. Mukha nga akong panot. 

"Ganito po yan isuot" aniya ng staff at iniayos ang wig sa ulo ko. "Ayan, ang ganda niyo naman po kapag naging babae. Nahiya yung kuko ko sa paa" dugtong niya at ikinawit ang braso niya sa braso ko. Hindi ko nalang pinansin ang gawa niya at tinignan ulit ang mukha ko sa salamin. 

Ganito siguro ako kaganda at malayang nakagagalaw kapag nalaman ko kung ano talaga ang kasarian. Bobo naman kasi, sariling kasarian hindi alam. 

"Kukunin namin yan, here's my card" lumapit ako kay Koshiro habang hindi pa rin tinatanggal ang wig ko sa ulo. 

"Ang astig 'no?" 

"Yeah, kain na muna tayo" ibinigay ko na muna sa staff ang nabili namin at ng ibinigay na niya ay nauna na akong lumabas.

"Sa Jollibee nalang tayo kumain" 

"Sige sige, basta libre mo ah? Pambawi sa pagsusungit mo" tumango siya at nagsimula nang maglakad. Lumingon lingon ako para ilibot ang paningin ko sa buong mall, ang ganda naman ng mall dito. 

Napatingin ako sa dress na nakadisplay sa loob ng store, transparent kasi ang glass kaya kitang kita ko. Kulay pula at hanggang tuhod ang haba nito, may mga design 'to sa magkabilang gilid, ang cute. 

"Tsk, tara na nga" inis na ani ni Koshiro ng malaman niyang hindi pala ako nakasunod sa kaniya. Hinawakan niya ang kwelyo ng polo ko sa likod at tinulak ako ng mahina para maglakad. 

"Ouen!" niliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang tumawag sa akin sa entrance. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status