Share

Chapter 16

KABANATA 16

••••••

Ouen POV

"Ouen!" niliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang tumawag sa akin sa entrance. 

Nakita ko ang dalawang mokong na kumakaway na parang bata at nangunguna si Jaleb na ang laki ng ngiti. 

"Oh? Bakit kayo nandito?" 

"Bibili kami ng panghanda sa celebration, diba nga magaling na kapatid ni Leiyh" sagot ni Ryan

"Ahh, sama muna kayo sa amin. Sasama ako sa inyo mamaya sa pagbili, ililibre tayo ni Koshiro" 

"Wait what, you're the only one I'll tr----" pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni Koshiro at sumingit. 

"Payag siya, tara na! Saan ba Jollibee dito?" nauna na kaming maglakad nila Ryan at Jaleb. Naiwang mag isa doon si Koshiro, hindi ko alam kung sumunod siya, pero alam kong susunod siya dahil siya ang manlilibre sa amin. 

__

"Excited na ako sa sports fest. Ano kayang itsura ni Kuya Ouen kapag may suot siyang pambabae" 

"Huwag ka nga, ang baboy niya tignan sa imagination ko, HAHAHAHA" bagsak kong ibinaba ang hawak kong tinidor dahil sa sinabi ni Ryan. 

"Tignan nalang natin. Kapag nanalo talaga ako, huwag kang hihingi ng balato ah" 

"Joke lang" binaling niya naman ang tingin niya kay Jaleb para maiwasan ang masamang tingin ko sa kaniya. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain. 

"Excited na excited ka, taga cheer lang naman tayo do'n" aniya ni Ryan kay Jaleb. Umiling iling naman si Jaleb at ibinaba ang hawak niyang chicken joy. 

"Bukas kasi ang university kapag may sports fest. Ibig sabihin, maraming girlssss" 

"Talaga?? Teka nga, ang bilis mo naman makamove on kay Patricia" 

"Wala ka kasing alam" tahimik lang akong nakamasid sa kanila at pinapakiramdaman ang sarili kung may mararamdaman ba akong excitement sa pinag uusapan nila. 

Ngunit, wala na. Kahit katiting ay hindi ako makaramdam ng kahit anong galak. Napatigil ako sa pagkain ng mapansin kong nakatingin sa akin si Koshiro. Kanina pa 'to weird. Ngiti nang ngiti, tawa nang tawa at kung ano ano pang emosyon na ngayon ko lang nakita. 

"Bakit?" bulong ko, umiling lang siya at ngumiti. Tinapos ko nalang ang pagkain ko at sinundan sila. 

Nang makapasok kami sa bibilhan namin ay nawala na sila sa paningin ko, hinati nila ang bibilhin. Hindi na kami nakihati ni Koshiro dahil kaya na na Jaleb at Ryan yun. 

Magkaribal sila Ryan at Jaleb ngayon close na sila? 

I bet mga 1 month lang sila nagkagusto do'n, ang bilis mag move on e', mas mabilis pa sa kupido. 

"Kanina ka pa tahimik" napatingin ako kay Koshiro na bored na bored na nakatayo katabi ko. 

"Wala kasi akong pera pambili" 

"If you want, I can buy this mall para kukuhanin mo nalang ang gusto mo" mayabang niyang sagot. Ang yabang naman nito. 

"No need, Kaya kong bumili ng lala na triple pa ang presyo sa mall na 'to" 

"Lala" pumunta siya sa harapan ko and smiled playfully. 

"Do you really think I'm that ignorant to not know what is lala" napahawak ako sa noo ko ng pitikin niya ito. Kanina pa to namumuro sa akin. Kung wala lang akong utang kanina ko pa 'to nasakal. Binaling ko nalang ang tingin ko kayla Ryan na katatapos lang bumili at maraming bitbit. 

"Tulungan na kita" aniya ko pero pasimple kong kinuha ang hansel na dala niya. 

"Hawakan mo tong dalawang bag, hansel lang naman kinuha mo" napakamot nalang ako sa ulo at kinuha ang dalawang plastic bag na hawak niya. 

"Ako na" hindi ko alam kung bakit bigla nalang kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang mga kamay namin dahil kinuha niya ang hawak kong mga plastic. Napahigpit ang hawak ko sa isang balot ng hansel nang magkatinginan kami, iniwas ko naman kaagad ang tingin at tumabi kayla Jaleb. 

Ano bang nangyayari? 

"Pst, kuya may pupuntahan kasi ako. Pwede bang ikaw nalang humawak nito?" 

"Sige" nagpaalam na siya pagkatapos kong kunin ang dala niyang tatlong plastic bag. 

___

Jaleb POV

My face immediately shift in a serious face. Pumasok ako sa Men's Fashion at bumili ng suit at doon ko na rin sinuot. I was about to leave the mall nang makita ko si Patricia--flirting with someone. Hindi ko nalang siya pinansin at sumakay sa kotse ko. 

"Jaleb!" I throw a bored look nang makitang kumakatok si Patricia sa salamin ng kotse ko. 

"Let me explain, kahit ngayon lang" may pinindot akong button sa gilid ko at automatic namang nagbukas ang pintuan ng kotse. 

"1 minute" 

"Isa nga ako sa tauhan niya at balak na patayin ka para sa pera, but I swear simula noong nakilala kita hindi ko na napigilang magkagusto sa iyo. K----" 

"Time's up" I sighed and looked at her. Damn this woman, damn this feelings for her, damn for believing me that she likes me. Hindi na ako magpapauto sa kaniya. "It didn't change a fact that you planned to kill me, who knows kung yun pa rin ang balak mo" 

"Gusto nga kita, kaya hindi ko babalakin na patayin ka" ngumiti ako sa kaniya at nilapit ang mukha sa tainga niya. I planted small kisses on her earlobe and start licking her earlobe. Napangisi ako at inayos ang buhok niya na nakaharang at muling bumulong sa kaniya. 

"How sweet. Leave." I said in a cold voice at inayos ang nagulo kong buhok ko. 

Isinandal ko ang noo ko sa manibela at inis na tinignan ang palayong si Patricia. 

You'll gonna regret this. 

You'll gonna pay for using me. 

Hindi niya lang ako binalik na patayin, inuto niya rin ako para sabihin ko sa kaniya ang lahat nang nalalaman ko sa company namin. At ngayon nakita ko siyang may kalandian? 

Ipinaandar ko nalang ang kotse ko at nagmaneho papunta sa kapatid ko. Tinignan ko ang backseat at napabuntong hininga nang makita ko ang suitcase. 

May kapatid talaga ako, ipinatapon lang siya dahil wala raw siyang silbi at anak siya sa labas ni eomma. 

"Hyung" 

"Nasaan na?" ibinigay ko naman sa kaniya ang suitcase na hawak ko. 

"Thanks, kumain ka na ba?" 

"Oo, galing ka ring school?" tanong ko. Tumango nalang siya at niyaya akong pumasok sa hindi kalakihan niyang bahay. 

"Kumusta naman ang paghahanap?" 

"Yung babaeng nabuking noong nakaraan, hindi siya ang hinahanap natin. Sa inyo ba?" 

"Wala, lalaki lahat. Halos hubaran ko na lahat, pero wala talagang babae sa JH University" sagot niya "Hindi ka ba napapagod kahahanap sa babaeng yun? Baka sa kahahanap mo, mapahamak ka" 

"Maingat ako. Ikaw ba ang naglagay ng bomba sa Leiven?" 

"Oo, inutusan ko si Leiyh" 

"Hyung!" 

"What? Tinutulungan ko lang naman ang kaibigan mo. Besides, treat lang naman ang bombang yun" 

"Bakit sa dinami-dami ng uutusan mo yung kaibigan ko pa?!" nagkibit balikat lang siya at blankong emosyong tinignan ako. 

"Huwag mong sabihing aatras ka na sa plano, dahil lang sa ginamit ko kaibigan mo" hindi nalang ako sumagot at napasabunot sa ulo ko. 

"Tsk, masyado ka pa ngang bata. Ano nga bang magagawa ng 17 years old sa sitwasyong 'to" 

"Kaya ko, huwag mo lang ulit gagamitin ang kaibigan ko" 

"Kaya hanggang ngayon ay napakahina mo pa rin. Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo. Hindi mo alam kung sino ang totoo at peke sa mga kaibigan mo" 

"Hindi pwedeng manalo ang Leiven sa sports fest, alam mo naman siguro ang mangyayari kapag nanalo ang Leiven."

"Hyung, hindi kaya sumusobra na tayo?" 

"Bullshit!" napayuko ako nang hampasin niya ang lamesa. 

"Hanggang kailan ka ba magtatanga tangahan? Ang akala ko mas lalakas ka na dahil ginusto kang patayin ng babaeng gusto mo" napahilamos nalang ako dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam, naguguluhan na ako. 

"Ouen Preston Callanta" napakurap ako ng ilang beses dahil sa binanggit niyang pangalan. 

"He's the next target. Ouen is suspicious, lalo na't nakita ko sa background niya na walang babae sa clan nila" 

"Hy---" 

"Alis na" aniya at pumasok sa kwarto niya buhat buhat ang suitcase. 

Ano bang pinasok ko? 

Nawala ang pagkagulo sa utak ko nang maalala lahat nang nangyari

Sarkastiko akong napatawa ng makita ang picture frame na nasa gitna ng dingding. 

Bumalik ako sa mall at pinalitan ng uniform ang suot kong suit. Bumili na rin ako ng kakailanganin ko para sa plano ko bukas.

Pumunta na akong university at tinago ang dala dala ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa university ay nagulat ako ng biglangmay pumito sa harap ko.

"Dito pala dumadaan ang mga estudyante" napakamot ako sa ulo ko at nag peace sign. 

"Palagpasin niyo na po ako, please" umiling iling ang siya at hinigit ako.

"Bibigyan kita ng candy, manong guard, 'wag mo lang ako isumbong, please po" 

"Mukha bang guard ako sa paningin mo. I'm Henry, your new teacher in PE. Mukhang hindi ka pumapasok sa klase ko kaya hindi mo ko kilala" napanguso nalang ako dahil tama ang sinabi niya. Hindi naman ako sumali sa sports fest kaya wala akong palusot. 

"Good afternoon, sir" bati ng teacher kay sir Henry 

"Good afternoon" binitawan niya na ako pagkarating namin sa gym. 

"First warning, kapag nahuli ulit kita. Dadalhin na talaga kita sa guidance" 

"Thank you po" tumakbo na kaagad ako papunta kanila Ouen ng palagpasin niya ako.

"Jaleb, saan ka pumunta?" 

"Sa tabi tabi lang. Bakit hindi kayo nagpapractice?" 

"Pahinga, bukas na ang sports fest kaya maaga kaming pinagpahinga" tumango tango nalang ako at napalabi. 

"Ano pala ipapakita mong talent?" nacreepyhan ako ng ngumiti siya ng malaki. 

"Magic" aniya at kinumpas kumpas pa ang kamay sa hangin. Napanganga nalang ako sa ginawa niya, parang hindi ko na kailangang gumawa ng paraan para masira ang pageant. 

"Dejk, hindi pa ako nakakaisip e" 

"Si Kuya Leiyh?" 

"Sasayaw siya, hindi ko pa nga nakikita siyang sumayaw. Kapag nagpapractice kasi siya pinapaalis ako. Tulungan mo nga akong mag isip kung ano ang magiging talent ko" 

"Hmm, dancing na rin kaya?"

"Teka, tignan mo ah" sumayaw naman siya sa harap ko at napayuko nalang ako para pigilan ang tawa ko. Mukha siyang uod na binudburan ng asin. 

"T-tama na. Hmm, singing?" agad naman siyang pumwesto at ginawang mic ang kamay niya. 

"Kunin mo na ang lahat sa akin, 'wag lang an----" 

"Iba nalang" 

"Wala ka bang ibang talent?" umiling siya at nagbuntong hininga. 

"Pag iisipan ko nalang mamaya kapag matutulog na ako. Punta na ako sa dorm ah" paalam niya, sumunod naman ako sa kaniya. 

"Samahan na kita kuya" 

"Kumusta ka na pala, Jaleb?" 

"Okay naman" 

"Kapag kailangan mo ng tulong o makakausap, lapit ka lang sa akin ah" napatingin ako sa kaniya at naramdaman kong sinsero siya sa sinabi niya. 

"Teka, diba magcecelebrate tayo dahil magaling na kapatid ni Leiyh?" napaisip naman ako at nagkatinginan kami ni Kuya. Sabay kaming tumakbo papunta sa kabilang building. 

"Saan ba kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinihintay" 

"May ginawa lang kami. Buti luto na, hihintayin nalang ba natin si Leiyh?" 

"Oo, buti nauna kayong pumunta dito" 

Paupo na sana ako nang makitang nagkatinginan at kaagad nag iwasan ng tingin sila kuya koshiro at kuya ouen. Naupo nalang ako sa tabi ni kuya ouen at isinandal ang ulo ko sa sofa. 

"Sorry kung nalate ako ng dating" aniya ni kuya leiyh habang nakangiting pumasok. 

"Okay lang, tara kain na" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status