Share

Chapter 16

"Eveone, malapit na birthday mo di'ba? Any plans?" 

Napaangat ako ng ulo. Kakadating lang ni Collete ay iyon kaagad ang ibinungad niya sa akin. 

"I don't know? Kain na lang tayo no'n?" 

Sabay-sabay silang napaungot kaya naman ay napabuntong hininga na lang ako. What's special about it? Tapos naman na ang debut ko, hindi ko na kailangan pang gumastos ng malaki. Sa ngayon ay mas gusto ko silang makasama. 

"How about a beach house party?" 

"Sagot mo na naman ang gastusin?" ngumiwi ako kay Lyndsey. Kulang na lang ay maiisipan ko nang siya ang nanay ko. She always come up with a good plan, the problem is she always pay for the expenses. Minsan ay nagtataka na lang ako kung nauubusan ba siya ng pera. 

"Ayaw mo 'yon? Libre ang pa-birthday?" hirit ni Devika. 

"Kahit kailan talaga abusado ka!" tinampal ni Eleanor ang braso ni Devika. 

"What? Biyaya kaya 'yon! Tatanggihan mo pa?" 

"Devika has a point though." 

My eyes widened and looked at her. She was playing with her food at the same time talking to us. 

"O, di'ba! Tama ako, Ivory, di'ba!?" 

"Pasakit talaga kayo sa ulo," Eleanor said while shaking her head. 

"Ano na? Game?" 

"Hoy! Desisyon kayo!" Ipinatong ni Eleanor ang paa sa lamesa na kaagad tinapik ni Collete. 

"We're eating, Eleanor. Have some manners." Nakanguso na ito ngayon. Eleanor just gave her a piece sign and fixed her position. 

"Pumayag ka na, please? I'll invite some comrades too!" Umiling ako sa kaniya. I can always ask my parents about this. Iyon ay kung susuportahan nila ang gusto ko. If they don't want it it's fine, I have my bank account anyway. 

"Talaga? Very good! More momols to come!" 

"Bunganga mo!" Eleanor hissed, nandidiri pa niya itong tinignan. 

"La? Joke lang! Hindi nga ako marunong lumaplap, e!" 

Sumilay ang ngisi namin, napairap lamang ito na para bang sanay na. 

"Kay Klein ka magpaturo," ani Ivory. Napuno ng tawanan ang lamesa namin. Sumimangot si Devika at saka kumagat sa chicken.

We stopped laughing when Collete suddenly spoke. 

"Guys, what's momol?" 

Natahimik kaming lahat. She was looking at us intensely like she was really interested about it. Puno ang mata niya ng kuryosidad. 

Bigla na lamang tumawa si Devika habang nagkagat labi si Lyndsey upang pigilan ang tawa. 

"Why are you laughing? Gusto ko lang malaman, ih!" 

Eleanor faked her cough and decided to pass the water on Devika because she choked on her food. 

"Tanginang tanong 'yan!" Devika said when she finally recovered. 

Collete is nice and a caring person. Iyon nga lang ay inosente at ignorante ito sa ibang bagay. I think she's like this because of her strict parents. Kawawa naman ang isang 'to. 

Napahawak sa sintido si Lyndsey at umiiling na tinitigan si Collete. "Seriously? We need to teach you!" 

"Ehehe, really? Sige, excited na 'ko." Bahagya pa itong pumalakpak. Napaismid ako, kailangan na nga. Delikado kapag habang buhay siyang ganiyan. 

"But what is momol?" ulit niya pa. 

"Anak ng pating talaga, oh!" Natampal ni Eleanor ang noo. 

"Just answer her goddamn question! Hindi titigil 'yan," sabi ni Ivory gamit ang pinakamababang tono. 

"Well, momol means when you kiss with someone you like," kibit balikat na sagot ni Lyndsey. Nakahinga naman ako ng maluwag, mabuti na 'yon at hindi masyadong malaswa pakinggan. 

"Kiss with someone you like ka d'yan?! Pinaganda mo pa! It means to make out with someone! May nararamdaman ka man o wala! Pwede!" untag ni Devika. 

"For short, laplapan," apila naman ni Ivory. Napahalakhak kami dahil doon. 

Ngunit muli na namang naputol nang may kumalabit sa balikat ko. I was stunned when I saw him, he wasn't alone, kasama niya ang iilang kaibigan. 

"I'll drive you home later, is that okay?" 

It's been a while since our last meet. Ilang buwan na rin ang nakakalipas. We always exchanging messages and calls. We often see each other because the first semester will about to end which is exactly three days ahead from today, marami kaming dapat tapusin. 

"Hindi ka ba busy?" 

"Actually, I'm done. I'll just pass them tomorrow. Lets go out for a bit?" 

Kahit kailan talaga ay hindi siya pumalya sa mga gawain. Wala man lang bahid ng stress sa kaniyang mukha. He became more handsome and seeing him wearing a uniform hits different. 

"Xav, I'm not sure. May tinatapos pa kasi ako, e." Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Hindi naman ako masyadong nahihirapan, sadyang marami lang. He smiled at me and gave me a pat on my head. 

"It's okay, maybe next time. Message me if you need help."

"Hmm, you ate na?" 

"Kakain pa lang. Why wanna join me? You miss me that much?" Ngumisi siya. Mahina kong tinampal ang kaniyang braso. 

"Ang landi mo!" 

He chuckled. "Sa'yo lang lalandi." 

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at saka matawa. I didn't expect him to say that. Akala ko ay chat lang malakas ang loob niya. 

"We? You better go, your friends are waiting." Sinilip ko pa ang mga kaibigan niya. They all waved at me. 

"Okay, we'll talk later." 

I froze when he leaned forward and tilted his head before kissed me on my right cheek. Ngumiti lang ito sa akin at tumalikod para sumama sa mga kaibigan niya.

Pagkaalis nila'y naramdaman ko na ang pagyugyog ng katabi ko sa aking balikat. 

"Shit! Are you two dating?!" Lyndsey squealed. 

Umiling ako. "Ano ka ba! We're just friends! At saka si Adiel pa rin." 

Ang kaninang masayang ngiti nila ay bumaluktot. Binato ako ni Devika nang sunod-sunod gamit ang nilukot na tissue. 

"Tanga mo. Ang bobo mo!" singhal niya sa akin. 

"Wait, let me explain!" Tinaasan niya ako ng kilay. 

"I still like him but not how I used to." 

Ilang beses ko siyang nakakasalubong sa gate. It surprised me that he doesn't excite me that much anymore but I do still get jealous when Sara's around. Minsan ay nakikita ko rin sila sa mga gig namin. 

"So, that means Xavion has a chance?"

Tumingin ako sa direksyon ng kanilang lamesa. Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa kaibigan. 

"I guess so." 

No one dared to talk. They just nodded and continued eating. Napabuntong hininga ako, dapat maging klaro na ang lahat. If not my life will be fucked up and I don't want that to happen. What are we anyway? Flings? 

"Guys, I have something to tell you," panimula ni Devika. Patapos na kami kumain at naudlot iyon para makinig sa kaniya. 

"What is it?" Lyndsey asked. 

"I'm leaving." 

Napatawa si Eleanor. "Bakit? Ma-la-late ka na ba sa class mo?" 

"No." 

My eyes squinted. Base from her looks, she's sad? Mabigat ang aura niya ngayon. And now I'm staring at her deeply, her eyes also look tired. What exactly happened to her? 

"I get it," nakayukong sabi ni Collete. 

"You're leaving us? Right?" 

There was a sudden pain that stabbed my chest. Nanunubig ang mata niyang nakatingin sa amin. 

"Aalis ako pagkatapos ng birthday mo, Eveone."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Ivory asked. Mas malamig ang pananalita nito ngayon. 

"I'm sorry," umiiyak na sagot nito. 

"Dapat talaga ay nakalabas na ako ng bansa bago ako mag-college. But I told my tito to give me a half a year to spend more time with you guys." 

I felt a tear fell off down to my cheeks. Is she leaving because of him? Ginagawa niya ba 'to upang makalimutan ang nangyari nine months ago? 

"Let's enjoy and have some fun, okay?" Ivory was trying to hold back her tears. 

Tulala ako hanggang sa makabalik sa klase. Si Devika ang tumatakbo sa utak ko. Iniisip ko kung anong magiging buhay namin kapag umalis na siya. Habang gumagawa rin sa klase ng iilang dapat ipasa ay walang pagkakataon na nawala siya sa isip ko. 

"Hey, kumusta ka na?" I flinched when someone sat beside me. I'm outside, sa bench. Pauwi na rin ang mga students. 

Amoy pa lang ay alam ko na kung sino ito. Bumaling ako kay Adiel. 

"Ayos lang, ikaw?" 

"I'm fine." 

"What is it this time?" Malayo ang business and ad department dito. Hindi siya basta na lang pupunta rito. I liked him so much before that every facts about him was my priority to know. 

"May plano kasi kaming lumabas at gumala sa mall bukas. Minsan na lang din kita maka-bonding, so I'm thinking that you could join us." 

Him with Sara and their circle of friends? Will I survive?

Tumango ako. "Okay." 

Wether I like him or not, he knows that I can't say no to him. Maganda rin naman ang pinagsamahan namin. Natapos ko na rin naman ang mga importante ipapasa. 

"Great, I'll send you the details, see you!" nag-fistbump pa kami bago siya tuluyang tumayo at naglakad paalis. Akmang makakalayo na ito nang matigilan siya. 

It was Xavion standing infront of him. He's blocking Adiel's way. 

"Xavion," I whispered. 

He fixed his gazed at me for a moment. The next thing he did made me stiffened. 

He turned around and walked away. 

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status