Home / Romance / Heiress Bodyguard / Chapter 4: Last Hope

Share

Chapter 4: Last Hope

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2024-03-01 22:09:18

NAPAPIKIT SI JOHN nang marinig ang hatol sa kanya sa araw ng court-martial na iyon. Hudyat na tapos na ang iniingatang dangal. Nahatulan na siya ngayon ng habang buhay na pagkakulong dahil sa krimeng hindi niya  naman ginawa.

Pero anong magagawa niya? Walang katarungan para sa kagaya niyang mahirap at walang koneksyon sa gobyerno. 

Sino lang ba siya? Siya lang naman si John Serrano, isang sundalo na mula sa mahirap na pamilya. Kaya niyang lumaban gamit ang baril, pero wala siyang kakayahang lumaban gamit ang pera at kapangyarihan. 'Yan ang masaklap na katotohanan sa kagaya niyang mahirap lamang.

Malungkot siyang napatingin sa kanyang ina na noo'y hilam na ng luha. Inuusal nito ang kanyang pangalan habang sapo ang dibdib kaya parang may tumatarak na itak sa kanyang dibdib habang tinitingnan ang ina.

Pangarap niya lang na mapasaya ang pamilya niya kaya siya nagsundalo. Ah, isa na rin pala, para makalimot. Pero hindi niya akalaing ito rin ang magdudulot ng kalungkutan sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina.

Hindi na niya tuloy alam kung saan siya lulugar. Noong simpleng mamamayan lang siya, maraming nangungutya sa buhay nila  dahil sa hirap ng buhay at dahil sa maraming utang. Iniwan pa siya at pinagpalit ng kanyang long time girlfriend  dahil wala raw itong magandang buhay na mapapala sa kanya. Ngayong nakaluwag naman sila dahil sa pagpasok niya sa army, ito naman ang problema nila. Magiging katawa-tawa na namin dahil nakulong siya– habang buhay pa.

"A-anak." 

Napatingin siya sa ina niya. Kasalukuyan na siyang iginigiya ng mga officer para ibalik sa kulungan niya.

"N-Nay,"

"Hindi ako naniniwalang ginawa mo 'yon, anak, kaya ‘wag mong iisipin na nag-iisa ka, huh?" Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil.

"Salamat, 'Nay." Ngumiti siya rito. Hindi niya pwedeng ipakita sa ina na nasasaktan siya sa kapalarang ito.

"B-baka, na-frame up ka, anak. Hindi kaya?"

"Hayaan na lang natin ang abogado ko, 'Nay. Sa ngayon, gusto ko, bumalik ka ng Bicol. Kaya ko na ang sarili ko."

"P-pero, a-anak. Wala kang–"

"Ma'am, kailangan na pong ibalik ang anak niyo sa kulungan,"  ani ng isang opisyal kay Nanay.

Tumingin siya sa abogado niya. Naibilin na niya rito na pauwiin na ang Nanay niya kaagad. Wala naman itong ibang kasama dito kaya kailangan na rin nitong umuwi sa probinsya. Lalo lamang siyang malulungkot kapag naisip ang ina.

Hindi na niya nilingon ang ina. Ayaw niyang naririnig ang paghikbi nito. Sabagay, kahit na makita niya itong umiyak, walang luha na kakawala dahil wala siyang mahagilap na pakiramdam sa dibdib. Galit sa kanyang dibdib, oo. Galit para sa mga taong makapangyarihan. Galit para sa mga taong ginagamit ang mga mahihirap para sa sariling ambisyon. 

Napatigil siya nang harangin siya ng isa niyang kasamahan.

“Sarhento, hindi ba natin ipapaalam kay Chief Hernandez? Paano kung magtanong siya?”

“Iwasan niyo na lang magpakita sa kanya. O ‘di kaya sabihin niyo, na-deploy ako sa kung saan.”

“Sige, Sarhento. Pero hindi kami titigil sa paghahanap sa taong pinapahanap niyo sa amin.”

“Salamat, Sigrid.” Sabay talikod sa dating kasamahan. Namumula na rin kasi ang mata nito kaya hindi niya kayang tumingin dito.

Hangga’t maaari, ayaw niyang iniistorbo ang dating superior na si Astin. Tahimik na ito kasama ang pamilya nito. Saka, wala siyang laban sa mga nakaupong opisyal ngayon. Wala na rin sa serbisyo si Astin kaya wala rin itong magagawa.

KAAGAD siyang sumampa sa pinakataas na higaan nang makapasok sa kanyang selda.

“Anong nangyari, boss?” tanong sa kanya ng matandang kasama niya sa kulungang iyon. Kaharap niya ito ng higaan.

“Lagi namang talo kapag mahihirap lang,” wala sa sariling sabi niya habang seryosong nakatingin sa kisame. Nakaunan din siya sa kanyang mga kamay. 

“Sabagay, wala namang bago pagdating sa hustisya dito sa Pilipinas. Kapag wala kang kapangyarihan, aapak-apakan ka. Mailap ang hustisya para sa atin.”

Hindi na siya umimik. Ipinikit niya na lang ang kanyang mga mata. 

Napansin ng matanda ang pananahimik niya kaya hindi na rin ito nagsalita.

Ang bilis lang ng pangyayari sa totoo lang. At ang bilis din ng hustisya para sa pamilya ni Major General Melchor Lim. Nahatulan kaagad siya ng habang buhay na pagkakulong.

Sa totoo lang, wala siyang kaalam-alam sa buong pangyayari. Basta pagdating niya sa tinutuluyan niyang unit may naghihintay na sa kanya para siya’y arestuhin.

Isa siya sa napili para bantayan ang seguridad ng Heneral para sa visit nito sa bansang Malaysia. At hindi niya akalaing magiging bangungot pala iyon sa kanya.

Kaya tama ang Nanay niya, frame-up ang nangyari, at hindi niya alam kung sino ang gumawa noon. Baka ang kalaban ng heneral.

Napamulat siya kapagkuwan at napaupo sa kanyang maliit na kama. Pero kung makikita niya sana si Kana, maaring makatulong sa kanya ang testimonya nito na magdamag silang magkasama nang gabing iyon. 

Napabuntonghininga siya kapagkuwan. Walang balita tungkol sa kanya ang dating kasamahan hanggang ngayon kaya wala talagang pag-asa.

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Wala na rin siyang bisita simula nang mahatulan siya. Siguro, nasa misyon ang mga dating kasamahan. 

Kasalukuyan siyang nagpapahinga noon sa selda niya nang makatanggap ng dalaw. Mabilis ang naging kilos niya na pinuntahan ito. Sana ang huling pag-asa na nga niya ito. 

“Pare!” nakangiting tawag niya sa kaibigan nang makilala ito. 

Si Sigrid De Los Santos ang isa sa nakasama nila noon ni Astin.

“Kumusta?” masayang tanong tanong niya rito.

“Ayos lang ako, pare. Ikaw?” 

Natawa siya nang mapakla. “Ayos naman?” at patanong pa nga niyang sagot.

“Pasensya na, pare, pero wala pa ring balita sa pinapahanap mo.” Napalis ang mapaklang ngiti ni John.

“G-ganoon ba,” aniya.

“Oo. Wala ka man lang bang hawak na litrato niya sa telepono mo?”

Umiling siya rito. Si Kana, maraming pictures nila. Pero siya, wala.

“Yon na lang ang pag-asa natin. Ang daming Kana sa Pilipinas kasi. Nahihirapan na ang mga binayaran ko para dito.” Binigyan niya ito ng pera para lang mag-imbestiga, pero wala. 

Bakit ba kasi hindi man lang siya nagtanong ng apelyido nito? Kahit na ang lugar ni Kana? Mukhang mabubulok na siya sa kulungan.

“Mukhang kailangan na nating ipaalam kay Chief, Sarhento. Malay mo, makatulong siya—”

“‘Wag, please!” 

“Paano kung hindi natin mahanap ang babaeng iyon? Paano ka na? Mabubulok ka na lang dito?”

Napatitig siya sa tauhan niya. Nahihiya siya kay Astin sa totoo lang. Kasi naman binigo niya ito. Nangako siyang iingatan niya ang grupo nila pero heto, nawala siya sa serbisyo. Hindi niya na rin alam ang mukhang ihaharap dito dahil maraming ebidensyang nakaturo sa kanya. Malinis na malinis kung tingnan. Saka wala na nga ito sa serbisyo kaya mahirap na abalahin ito.

Umalis ang dating kasamahan niya. Pero pinaalala niya ulit dito na ‘wag sabihin kay Astin dahil gumagawa siya nang paraan. Ang totoo niyan, nawawalan na siya nang pag-asa.

AVA NAH

Ang pride ni John, grabe. hahahahah. Bahala kang mabulok dyan nga hahah. baka may hindi pa po nakabasa ng story ni Astin, search niyo po dito, SOLDIER'S FIRST LOVE Thanks much!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (21)
goodnovel comment avatar
Adah Dino
ang gnda nmn nito story nila pati ung ky astin at laura
goodnovel comment avatar
Anita Valde
hwag ipairal ang pride mo John
goodnovel comment avatar
Dianne Kharengiel Manuel Segobre
true..exciting..Hahaha..., baka buntis c kana.....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Heiress Bodyguard   Chapter 68: Special Chapter / Teaser

    Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama

  • Heiress Bodyguard   Chapter 67: Wakas

    KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 66: Honeymoon time

    Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din

  • Heiress Bodyguard   Chapter 65: Finally

    “O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 64: Who hugged him?

    HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in

  • Heiress Bodyguard   Chapter 63: Do you know which room it is?

    “Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status