Home / Romance / Heiress Bodyguard / Chapter 3: Fainted

Share

Chapter 3: Fainted

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2024-02-26 22:53:54

“KUMUSTA ang bakasyon, anak?” nakangiting tanong kay Kana ng inang si Keana.

Naitago tuloy ni Kana ang ngiti sa labi niya. Inaalala pa niya ang gabi na iyon ng mga sandaling iyon. Nasa sun lounger siya noon at kakatapos lang niyang mag-swimming. Gusto niyang matulog mamaya, at makakatulog lang siya kapag sobrang pagod. Epekto ni Serrano kaya hirap siyang kumuha ng tulog nitong nagdaan sa Malaysia. 

Hindi niya maikuwento sa ina ang lahat dahil pagagalitan siya nito. Ang alam pa naman nito gala lang ang pinunta nilang magkakaibigan.

“Okay naman po, Mom. Masaya.” Tumingin siya sa likod nito, hindi nito kasama ang ama. “Si Daddy po?”

Bumuntonghininga ang ina. “As usual, nasa trabaho.” 

Well, saan pa nga ba ito naglalagi? Kung hindi sa trabaho nito. Minsan lang umuwi ang ama dahil sa trabaho nito sa gobyerno. Isang sundalo kasi ang ama na may mataas na katungkulan kaya ganoon na lang ang responsibilidad nito sa bansa.

Napatitig siya sa ina kapagkuwan. 

“Mom,” tawag niya rito.

“Yes, anak?” Sabay pang tumaas ang kilay ng ina.

“Um, pwede ba akong magbukas ng bar?”

Napakunot ng noo ang ina. “Bar?” Mukhang hindi ito makapaniwala.

“Yes, Mom.”

“Magnenegosyo ka?”

Napalabi siya nang marinig ang tono ng ina.

“Y-yeah.”

“Hindi mo nga matanggap-tanggap ang posisyon sa kumpanya ng Daddy mo, kahit sa kumpanya ko, tapos magbubukas ka ng bar?” Nag-iiba na ang ihip ng hangin kaya napalunok siya.

“Mom, iba naman po— ”

“Anong iba, Kana? Huh? Ano bang naisip mo at gusto mong magtayo ng bar, huh? Hindi ba’t negosyo din ‘yan?” 

Hindi siya nakasagot. Bakit nga ba naisip niya? Dahil kay Serrano? Baka magawi ito sa bar niya, ganoon?

Shit! 

“Basta, hindi ako pumapayag, Kana! Kahit na kausapin mo pa ang Daddy mo tungkol dito, ako ang masusunod! At hindi pwede!” Biglang tumalikod ang ina sa kanya. May mga sinasabi pa ito pero hindi na niya maintindihan. 

Sinundan na lang niya nang tingin ang inang papalayo.

Hindi siya pinansin ng ina ng mga sumunod na araw na ipinagtaka ng ama pag-uwi nito.

“What happened here, manang?” dinig niyang tanong nito sa kasambahay nila. “Bakit parang hindi nagpapansinan ang Ma’am mo at ang senyorita mo?”

Nasa tabi niya noon si Manang nang mangyari ang pagpaalam niya sa ina dahil pinagbabalat siya nito ng apple. At nasaksihan din nito kung paano siya tinalikuran ng ina noon.

Tumingin sa kanya ang kasambahay.

“Ah—eh, Sir, s-si Senyorita po ang makakapagsabi.” Sabay yuko nito at tumalikod na. Nagse-serve ito ng pagkain kasi.

“Dad, let’s eat first. Okay?” Tumingin siya sa ina na parang hindi narinig ang ama na nagtanong. Nguya lang ito ng nguya. Tumatango rin kapag gusto nito ang kinakain.

Akmang tatawagin ng ama ang ina nang salpakan nito ng steak na nasa tinidor nito ang bunganga nito. Napilitang nguyain na lang ng ama ang sinubo ng ina. Naiiling pa ito nang tingnan siya. 

Pagkatapos nilang kumain ay pinatawag siya ng ama sa study nito. Pero bago siya makarating sa pintuan ng study ng Daddy niya ay inunahan siya ng ina sa pagpasok. Mukhang tututol nga ang ina sa gusto niya. Akala niya, pagkakataon niya ito para mapapayag ang ama.

Ilang araw o buwan na lang siya sa mundong ito kaya sana tuparin ng mga ito ang mga wishes niya.

“Love.” Sinalubong ng ama ang ina nang makita ito. Ngumiti ito sa kanya bago iginiya ang ina sa swivel chair nito.

Makikita ang gabundok na files na mula sa kumpanya ng ama. After nito kasi sa trabaho bilang sundalo, businessman naman ito pag-uwi. 

Tinabi ng ama ang papeles nito at naupo doon dahil nga sa okupado ng ina ang upuan nito.

“So,” bungad ng ama nang makaupo siya bakanteng silya sa harapan ng mesa nito. Naupo na rin ito sa gilid ng mesa nito.

Akmang magsasalita siya nang unahan siya ng ina.

“She wants to open up a business. And guess what? Bar, love! Bar! My God!” At ayon tumaas na ang boses ng ina. Tumingin sa kanya ang ama na nakataas ang kilay. 

Ang dami pang sinabi ang ina kaya naintindihan ng ama kung bakit pumasok ito at kailangang kumontra sa magiging desisyon ng ama in the future.

Since nagsalita na ang ina at may laman ang mga sinabi nito. Masasabi niyang may pagbabanta rin iyon at kailangang masindak na ang ama. 

“Baby?” Nang marinig ang tawag ng ama, nagkaroon nang pag-asa kay Kana. Pwede niyang lambingin ang ama!

“D-Dad, m-matagal ko na pong pangarap ito. I promise hindi naman po gaya nang ibang bar. Live music bar—”

“Live music bar like ZL Lounge?” tanong ng ama.

Napangiwi si Kana. Kaso halos bilyonaryo at sikat na mga personalidad ang pumupunta doon. Bihira lang mga sundalo. High-end kasi at ang mga alak ay hindi basta-basta, hindi afford ng nga gaya ni Serrano. Ang naisip niyang i-serve na mga cocktails ay mga mura lang. 

“Hindi basta-basta ang sinasabi mong negosyo, anak. Ang dami nang nagsusulputang bar ngayon at marami nang kakompetensya. Kaya bakit hindi na lang sa opisina ka magtrabaho para may katulong naman ako.”

Napabuntong hininga si Kana. Mukhang sa side ito ng ina, hindi rin siya pagbibigyan.

“Walang ibang magmamana ng negosyo namin kung hindi ikaw.”

“Dad, hindi ko ‘yan pinangarap. Kaya hindi ko kinuha ang kursong gusto niyo para sa akin. Never kong inimagine ang sarili ko na nakaupo lang sa swivel chair facing with a pile of documents. Wala akong tiyaga.”

Natawa ang ama. “Hindi mo pinangarap pero heto gusto mong mag-open up ng business. Ano ‘yon, after mong buksan, hahayaan mong malugi? Then wala ang puso mo sa pagnenegosyo, anak. Magsasayang ka lang ng pera.” 

Hindi nakaimik si Kana. Bakit nga ba kasi hindi niya pinag-isipan ang mga sasabihin sa ama para makumbinsi?

“You need to review everything na ipapasa sa ‘yo ng staff mo. Regarding sa stocks, pag-purchase ng mga goods na ise-serve mo or even the salary of your employee. At the end of the month, need mo ring i-check ang mga financial status mo which same lang sa mga ginagawa sa opisina. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong palitan ako sa kumpanya? Or kahit sa publishing house ng Mommy mo?”

Sa mga narinig mula sa ama, it seems mabibigo siya. 

“O-okay. I’m sorry po.”

Lumabi si Kana pagkuwa’y tumayo. Nagpakawala din siya nang hangin. Halata na sa mukha niya ang pagiging dismayado. Mukhang wala namang magbabago, hindi siya pagbibigyan ng magulang, kaya bakit pa siya narito.

“Anak,” boses iyon ng ina. Pero nagbingi-bingihan siya. 

Masama bang pasayahin ang sarili? Hindi naman, ‘di ba? Kung alam ba ng magulang niya na mamamatay na siya pagbibigyan siya ng mga ito?

Kahit na hindi sabihin ni Kana, alam ng magulang niya na sumama ang loob nito. Ngayon lang ito binigo ng magulang kaya siguradong mahihirapan ang mga ito na kausapin siya.

Sa loob ng dalawang linggo, hindi umuwi si Kana sa bahay nila. Sa condo unit niya na niregalo noon ng ama siya nag-stay. At kung hindi bar hopping, gala ang inaatupag nilang magkakaibigan. Dahil ayaw namang gumastos ni Kana ng pera na mula sa magulang, binenta niya ang ilang alahas niya para may pangtustos sa mga ginagawa niya.

Kakasakay lang ni Francy Lou noon sa sasakyan niya. Pero iba agad ang bungad nito.

“Besh, tumawag si Tita kanina if magkasama tayo. Nasa opisina ako kaya ang sabi ko hindi. Nakailang tawag daw siya sa condo mo pero hindi mo raw siya sinasagot. Gusto niya lang sabihing umuwi ka raw bukas dahil kakausapin ka raw nila ni Tito.”

Napasimangot si Kana. “From now on, ‘wag mo nang sagutin ang tawag ni Mommy. Okay? Masisira lang ang mood ko. Ayokong mamatay na malungkot,” pagkasabi ay iginiya ang sasakyan palayo sa opisina ni Francy.

Kahit nga sasakyan niya, binenta niya at bumili ng iba para hindi makilala ng magulang niya. 

“Pero pamilya mo sila, besh. Hindi ba dapat kinakausap mo sila? What if sabihin mo ang totoo, malay mo ibigay nila ang gusto mo.”

Tumingin siya saglit sa kaibigan bago muling tinuon ang tingin sa kalsada. “Kung mahal nila ako, pagbibigyan nila ako whether may sakit ako o wala.”

“Pero mahal na mahal ka naman nila, a. Saka pwede mo namang tanggapin ang posisyon sa kumpanya ng Daddy mo, pero kamo, basta suportahan ka sa pag-open ng bar. ‘Di ba, magandang ideya ‘yon? Napasaya mo na ang magulang mo, napasaya mo pa ang sarili mo. What do you think, besh?”

Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. Well, pwede naman. Kaso, baka hindi niya matutukan ang bar. Sa dami laging dinadala ng secretary ng ama gabi-gabi, my God na lang talaga.

Sa isang magarang kainan sila dumiretso pagkatapos ay sa bar naman. Doon, nagkita-kita sila ng iba pang mga kaibigan. Pero nasa kalagitnaan pa lang ng gabi nang makaramdam siya nang pagkahilo samantalang nakadalawang espresso martini pa lang siya. 

“Kana! Saan ka pupunta?” sigaw ni Cassandra na noo’y kasama niya sa dancefloor.

Tinaas lang ni Kana ang kamay para sabihing wait dahil babalik din siya. Pakiramdam niya kasi may humahalukay na rin sa kanyang tiyan plus pa ang nararamdamang pagkahilo. Iniisip niyang baka na-over na siya sa alak dahil madalas silang uminom nitong nakaraan.

Mabilis na pinakawalan ni Kana sa sink ang pinipigilang suka. Pero ramdam niyang mas tumitindi ang pagkahilo kaya pinikit niya ang mata habang sumusuka para hindi maramdaman. Pero sumasagi rin sa isipan niya na dahil ito sa sakit niya. Kailangan ba niyang bumalik ulit sa doctor para masuri? 

Ang buong akala ni Kana, hindi na mararamdaman ang pagkahilo. Pero pagkatapos na magmumog at linising ang bibig ay muling bumalik ang pagkahilo na ikinasapo niya sa ulo. Doon na siya nakaramdam nang kaba. Sunod-sunod na rin ang mga katanungan sa isipan niya. At ang hiling niya lang ng mga sandaling iyon ay sana magawa niya pang umuwi ng bahay— sa magulang niya bago bawiin ng Maykapal ang buhay niya.

Hindi na napigilan ni Kana ang nararamdamang iyon, hanggang sa unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman. Pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya ang sunod-sunod na pagtawag ng pangalan niya mula kay Mera at Lily na noo’y papasok pa lang ng restroom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
buntis Ka kana wala kng sakit
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
Naku mukhang buntis pa c Kana..
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
baka buntis ka na Kana Kay Serrano
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Heiress Bodyguard   Chapter 68: Special Chapter / Teaser

    Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama

  • Heiress Bodyguard   Chapter 67: Wakas

    KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 66: Honeymoon time

    Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din

  • Heiress Bodyguard   Chapter 65: Finally

    “O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 64: Who hugged him?

    HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in

  • Heiress Bodyguard   Chapter 63: Do you know which room it is?

    “Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status