Share

Chapter 2

Penulis: nohchidaelia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-20 13:30:07

“The stars are in favor to you today. You can possibly meet the person that's been fated to you by the fate itself. Take care of yourself from every ill-fated things just like accidents.”

Napahinto ako sa paglalakad. My eyes grew wider when the realization hits me.

“Oh my gosh!” Impit na tili ko. “Hindi kaya...?”

A smile appeared on my lips as Kiel's image flooded on my mind. Wala na akong pakialam sa kakaibang tingin na ibinibigay ng mga tao sa akin. Nang magsimula ulit ako sa paglalakad ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Mukhang pabor nga ang mga bituin sa akin ngayong araw.

“Mabuti naman at nandito ka na. We only have ten minutes to prepare.”

Tumango ako sa sinabing iyon ni Katie at tsaka nagsimulang tumulong sa pagse-set-up ng mga gagamitin namin sa presentation.

“Sorry talaga at late ako Katie.” Sabi ko.

“Huwag mo ng isipin pa iyon. Ang isipin mo ngayon ay ito. Kailangan na nating matapos ito bago dumating ang huling bisita ni boss.” Sagot ni Katie habang naglalagay ng folder sa tapat ng mga upuan.

“Pabor nga siguro sa akin ang mga bituin ngayong araw. Come to think of it. Akala ko ako na talaga ang pinakahuli na dadating dito pero akalain mo iyon mahuhuli pa palang dadating ang isa sa mga bisita ni boss. Am I lucky or what?”

“Maybe. Dahil kung nagkataon na naunang dumating kaysa sayo ang isa sa mga bisita ni boss, I'm sure na hindi ka uuwi nang hindi pinapatawag ni boss sa office niya. Alam mo naman kung gaano ka-importante ang meeting na ito, hindi ba? Kailangan natin silang mapa-impress sa presentation natin for our sake and our boss' sake.” Sinapo ni Katie ang ulo niya gamit ang dalawang kamay niya. “Para na akong mababaliw dahil sa stress!”

Sabay kaming napalingon ni Katie sa may pinto nang marinig namin na bumukas iyon. Isang lalaking nakacorporate attire ang pumasok at kaagad na lumapit sa amin.

“Good morning ladies!” Nakangiting bati nito sa amin. “Marie, I heard na na-late kang dumating ngayon. Hmm. Nanood ka na naman ba ng K-dramas mo kagabi?”

Busted!

“Kailangan pa bang sabihin iyan boss?”

“Just as I thought. Hinay-hinay sa pagpupuyat, okay? Ayokong magkasakit ang isa sa mga elite employees ng company ko.”

Sumaludo naman ako kay boss.

“Yes boss!”

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ipinapakita nitong concern sa mga employee niya.

Isaiah Kaiden Pierre, owner of PGC Productions, was the nicest boss that I had ever met in my entire corporate life. Sa lahat ng kompanyang napasukan ko, kay Sir Kaiden ko lang nadama ang kagustuhan kong magtrabaho ng matagal. Bukod kasi sa sahod at benefits na binibigay ng PGC Productions ay isa din sa mga dahilan ang paraan ng pakikitungo ni Sir Kaiden sa amin kung bakit gusto ko siya bilang boss ko. Tinatrato niyang parang sarili niyang pamilya ang mga employees niya. Nakikipagbiruan din siya sa amin minsan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi pa rin nawawala ang pagiging strict niya bilang boss namin. He dealt with his work professionally. He followed his own company rules and instructed us the way a true leader should do.

“You what?! Akala ko ba excited ka lang masyado kaya hindi ka nakatulog kaagad kagabi?”

Lagot!

Nakalimutan ko na nandito nga rin pala si Katie. Napangiwi ako nang makita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Huwag ka ng magalit Katie.” Sabi ni Sir Kaiden. “The most important thing is that she came here before the meeting starts.” Lumapit si Sir Kaiden kay Katie at inakbayan niya ito. “And one more thing. Marie won't like it if she sees you frowning like that. You know already what I mean.”

“Yah! What's the meaning of this Kaiden?”

Kaagad kaming napalingon kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Mabilis na lumapit sa amin ang taong iyon at pilit na tinatanggal ang kamay ni Sir Kaiden na naka-akbay sa balikat ni Katie at nang matanggal niya iyon ay masama itong tumingin kay Sir Kaiden.

“Bakit ka naka-akbay kay Katie? Don't you know that according to United Nations document, ang pang-aakbay ay consider na as sexual harassment? That you can be put behind the bars within one to six months and pay the penalty of more than twenty thousand pesos?” Sunod-sunod na tanong ni Sir Drake kay Sir Kaiden.

Itinaas ni Sir Kaiden ang dalawa niyang kamay at sumusuko na parang isang kriminal. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

“I am very much aware of that Drake. And for your information, I'm not harassing my employee. And between the two of us, it seems like you're the one who will be charged with sexual harassment.”

“And why?”

“Kung makayakap ka kasi kay Katie parang wala ng bukas.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na matawa nang makita ko kung paanong pasimpleng itinulak ni Katie si Sir Drake. Nakita ko rin ang ginawang pag-iling ni Sir Kaiden dahil doon.

“Anyway, why are you here? You left Ashton in my office?” Tanong ni Sir Kaiden kay Sir Drake.

“They are coming here anyway. Umuna lang ako kasi naririndi na ako sa pangungulit ni Ashton sa akin.” Sagot ni Sir Drake pagkatapos niyang kunin at buklatin ang isang folder na nilagay namin kanina sa tapat ng mga upuan.

“Dumating na si Hiro? At teka, pangungulit?”

Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto at nasaksihan namin ang sinasabi ni Sir Drake na “pangungulit” ni Sir Ashton.

“Sana sinabi mo sa akin na magha-happy-happy ka para nakasama ako. You know that I'm already bored in my house.”

“How many times should I have to tell you that I'm late because I didn't get off from the jeep at the exact waiting shed. Sa ibang babaan pa ako nakababa.”

“Hindi ka sumasakay ng jeep Hiro.”

“And I already did which is useless pa din kasi late na akong nakarating dito.”

“Masama ang magsinungaling. Nasa polo mo ang ebidensiya.”

“I already told you that I got this lipstick stain accidentally. And could you please stop grinning? It's annoying.”

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I knew that face. I even recognized his voice! At nang magtama ang mga tingin namin ay muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.

“Oh my gosh! What are you doing Marie?!”

Ang malakas na sigaw ni Katie ang gumising sa akin mula sa pagkatulala. Dahil doon ay kaagad kong napansin ang mabilis na pagkabura ng mga letra at salita sa ginawa naming presentation. I pressed the delete button unconsciously! 

Oh my god!

Inilapat ko ang likod ko sa sandalan at tsaka bumuntong-hininga. Pagod na pagod ang pakiramdam ko pagkatapos ng presentation. At dahil sa mga nangyari sa presentation ay gusto ko na lang na pagdudahan kung pabor nga ba sa akin ang mga bituin ngayong araw na ito. Napangiwi ako nang maalala ko ang aksidenteng pagbura ko ng mga letra at salita sa presentation. Hanggang sa mga sandaling ito ay naaalala ko pa rin ang naging reaksiyon ng mga kasama ko nang makitang halos naubos ang lahat ng pinaghirapan naming i-encode sa presentation na gagamitin namin. I did admit that I was clumsy, but not at work. Sa tagal ko ng nagtatrabaho ay iyon ang kauna-unahang kapalpakan na nagawa ko. Ang malala pa ay sa mismong presentation day ko nagawa. Kung hindi lang dahil kay Katie at sa back up copy niya ng presentation namin ay 100% sure na may “Trip to Sir Kaiden's office” ako bago umuwi.

Bukod sa pangyayaring iyon ay hindi rin naging maganda ang kinalabasan ng presentation namin. Isa sa mga concepts na ipinakita namin ay hindi pumasa kay Sir Kaiden pati sa mga client. Hindi na ako nabigla nang marinig ko ang bagay na iyon dahil kahit ako ay nag-expect na talaga na ganoon ang makukuha naming results. At ang pinakamalala sa lahat, si Hiro Noah Zadkiel. I didn't expect that the handsome guy at the jeep is one of Sir Kaiden's friends. At kagaya nina Sir Ashton at Sir Drake ay hindi rin basta-bastang tao iyon. Hiro Noah Zadkiel, one of the greatest composer and lyricist slash singer-songwriter worldwide. Siya ang may gawa ng mga kantang ginawan namin ng video concept.

Muli akong bumuntong-hininga.

“Come to think of it. Napagkamalan ko pa talaga siyang twin flame ko. As if naman, ano? Like hello? Hiro Noah Zadkiel iyon Marie. Nasa tuktok iyon. Nasa highest peak, high level! Cannot be reached!” I said to myself as I turned my attention back to my laptop and click some buttons. “Well, better luck next time. Let's move on!”

I opened my VLC media player and clicked Play. Ilang sandali pa ay napuno na ng napakagandang tunog ng piano ang buong silid.

~In a world filled with words, I found my muse,

Every syllable you speak, I can't refuse.

Lines intertwine like our hearts in the night,

With every beat, you turn darkness to light.

Lyrical love, it's a rhythm divine,

Let's dance to the beat, your heart next to mine.~

The song playing was entitled “Lyrical Love”. Ito ang kantang na-assign sa akin para gawan ko ng video concept. Na-inlove kaagad ako sa kanta matapos ko iyong pakinggan. Kaya naman walang kahirap-hirap na nakabuo kaagad ako ng concept para dito.

~Lyrical love, a story untold,

With every heartbeat, it's more precious than gold.

In the rhythm of life, our hearts are the drums,

Together forever, as this melody hums.~

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako nagtaka nang pagkalipas ng ilang sandali ay tuluyan na akong umiyak. Iyon din ang naging una kong reaksiyon nang mapakinggan ko ang kanta. I could feel the happiness that the song conveyed yet I was crying. I don't know why. Pinahid ko ang mukha ko gamit ang isa kong kamay bago ko kunin ang bag ko. Busy ako sa paghahanap sa panyo ko nang maalala ko na ibinigay ko pala iyon kay Kiel. 

“Ano ba yan? Wala rin akong dala na tissue. Kung minamalas ka nga naman oh. Next time talaga na pakikinggan ko itong kanta na ito ay sisiguraduhin ko talaga na may dala akong pamunas.” Sabi ko sa sarili ko.

Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kiel. Nagulat pa siya nang makita niya ako.

“Where's Kaiden? Did he went here?” Tanong niya.

Umiling ako.

“Hindi pa siya bumabalik dito mula noong natapos ang presentation.”

Nang tumango siya sa sinabi ko ay inakala ko na aalis na siya pero nagulat na lang ako nang sinarado niya ang pinto at lumapit siya sa akin. Habang papalapit siya ay nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.

“You. Are you crying?”

“Ah...” Pasimple kong iniwas ang mukha ko at mabilis kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang isa kong kamay. “Hindi Ki—I mean, Sir Hiro.”

Nang tingnan niya ulit ako ay mas lalo pang kumunot ang noo niya.

“As far as I remember, I told you to call me Kiel. Am I right?”

Nataranta ako nang makita ko ang ekspresiyon sa mukha niya.

“A-ano kasi Sir. Papagalitan kasi ako ni Sir Kaiden kapag hindi ko kayo inaddress ng tama. Client namin kayo. Company policy lang po.”

Nakita ko kung paano siya humalukipkip.

“If you don't call me Kiel, I won't continue my contract with your company anymore. I will let the other production company to do the music videos of my songs instead.”

“Eh?!” Reklamo ko. “But Sir, sesesantihin ako ni Sir Kaiden kapag—”

Nakita kong sumulyap siya saglit doon sa nakasaradong pinto.

“If I walk out at that door, I'll immediately go to Kaiden's office to pull out the contract.”

Oh no!

“Huwag! O-oo na. Sige na. A-ano, sorry K-Kiel.”

May ilang sandali na nakatingin lang siya sa akin. I was about to say sorry again when he suddenly grinned.

“Okay.” He said with his eyes full of amusement.

Nakahinga ako ng maluwag. Natakot talaga ako doon sa banta niya. Hindi ko ma-imagine ang mukha ni boss at ni Katie if ever na mawala sa amin ang contract ng dahil lang sa hindi ko pagtawag ng Kiel kay Sir Hiro. I mean, Kiel na nga pala. Bigla akong natigilan.

Teka.....ako lang ba o naisahan talaga ako ng gwapong nilalang na ito?

Pinigilan ko ang sarili ko na simangutan si Kiel. Napatingin siya sa laptop ko. Parang ngayon niya lang napansin ang tunog na nanggagaling doon.

“That's my song playing.”

Tumango ako.

“I was listening to it when you came. In fact, iyan ang reason kung bakit ako umiiyak.”

“I see. I thought you're crying because Kaiden got mad at you and because your presentation about my other songs didn't passed.”

“Mabait si Sir Kaiden. Hindi siya basta-basta nagagalit sa amin kahit pa alam namin na na-disappoint namin siya.”

“I know. Sa sobrang bait ng isang iyon ay may mga pagkakataon na natatakot kami sa kaniya kapag nagagalit siya. Sabi nga ng karamihan, masamang magalit ang mga mababait na tao. But let's come back to it....” Hinila ni Kiel ang isang upuan at kaagad siyang umupo. “You're crying because you are listening to my song?”

Tumango naman ako.

“I am really moved by the song. Kaya nga hindi ako nahirapan sa pag-iisip ng video concept para diyan. Madali kong na-visualize kasi ramdam na ramdam ko iyong emosyon ng kanta. The sweetness and happiness. Yet, I cried. Maybe tears of joy ganun.”

“I was really impressed with your concepts of my other songs. You portrayed the meaning and message of the song very well. I'm really impressed.”

“Thank you.” Unti-unting nanlabo ang paningin ko dahil muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko. “Sorry. Hindi ko lang kasi talaga maiwasan na hindi maiyak kapag naririnig ko iyong kanta.” Sabi ko pa at tsaka ko pinahid ang luha ko.

Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na huwag maiyak sa harapan ni Kiel pero wala akong nagawa. Habang patuloy na tumutunog iyong kanta ay patuloy rin sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko. Panay pahid tuloy ako sa pisngi ko gamit ang isa kong kamay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hello, Twin Flame    Chapter 20

    Pagkatapos ng nangyari ay ilang araw kong hindi pinansin si Kiel. Sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa sa loob ng bahay niya ay kaagad akong umiiwas sa kaniya. Ganun din ang ginagawa ko kapag nasa loob kami ng kompanya. Isang beses ay sinubukan niya akong kausapin pagkalabas ko ng banyo pero binalewala ko lang siya at kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Weekend ngayon kaya naman nagpasya ako na maglinis ng buong bahay niya. Habang nagva-vacuum ako sa kusina ay bigla siyang tumayo sa harapan ko. Kaagad naman akong tumalikod sa kaniya at sa ibang parte ng kusina ako nagpatuloy sa pagva-vacuum. Mabuti nga at hindi niya na ako kinulit pa."Aray!"Kaagad akong napalingon at napalapit sa kaniya nang marinig ko na sumigaw siya. "Bakit, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.Nakita ko naman na hinahawakan niya yung isang daliri niya. "Nasugatan ko ang daliri ko.""Ano?!""I have a gauge in my room.""Sige, dito ka lang. Kukunin ko muna ang gauge sa kwarto mo."Matapos ko

  • Hello, Twin Flame    Chapter 19

    Nang makabalik ako sa opisina namin ay kaagad akong nilapitan ng mga kasama ko. They all comforted me in different ways that they know.“This all happened because of me. I should’ve expected that this would happen and prepared a contingency plan.” Paninisi ko sa sarili ko.“Ay naku, huwag mong sabihin iyan.” Sabi naman ni Zye sa akin.“Nagtataka lang ako. Noong sinubukan nating mag-upload ng file sa server, hindi naman iyon nawala. Maliban na lang kung i-delete natin iyon ng manually.” Sabi ni Katie na ikinatingin ko sa kaniya.“Marie, ano na ang gagawin mo niyan?” Tanong ni Luke sa akin.“May mga clips pa ako para sa music video. I-edit ko na lang ulit.” Sagot ko naman.“I’m afraid that it’s too late now.” Sabi naman ni Yuno.“Iyan din ang sinabi ni Kiel sa akin.” Nakayukong sabi ko.“Sir Hiro.”Kaagad akong nag-angat ng tingin ko nang marinig ko iyon galing sa mga kasama ko. Ngayon ay nasa harapan naming lahat si Kiel.“The competition is due next, next day at 8 AM.” Anunsiyo niya n

  • Hello, Twin Flame    Chapter 18

    Hindi na ako nakauwi sa bahay ni Kiel kagabi at sa bahay ni Stacey na lang ako natulog. Pinahiram na lang ako ng kaibigan ko ng masusuot ko papunta sa trabaho. Pagkarating ko sa kompanya ay kaagad akong pinatawag ni Sir Kaiden sa opisina niya.“I didn’t make coffee for you today. Have some honey water to cure your hangover.” Sabi ni Sir Kaiden sa akin bago niya inilapag sa harapan ko ang isang tasa na may lamang honey water.“Thank you Sir.” Pasasalamat ko naman sa kaniya. “Do I smell like alcohol?” Nahihiyang tanong ko pa. “I didn’t wash my hair last night.”“Hindi ka nakauwi kagabi sa bahay ni Hiro diba?” Tanong niya naman na ikinatango ko. “So, you haven’t got the chance to talk with him. Actually, before this, Hiro and I had a reason for you to quit Silent Hill and join the music video competition.” Sabi pa niya habang ang tinutukoy niya ay yung nangyari kahapon bago ako pumunta sa bahay ni Stacey.“It’s because of Khiara, right?” Tanong ko naman.“That’s right. But it’s not what

  • Hello, Twin Flame    Chapter 17

    Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Kiel sa trabaho. Busy ako sa kakatype sa keyboard ng PC ko nang bigla siyang kumatok sa bahagyang nakabukas na pinto ng office namin. Lahat kami na nasa loob ng office ay kaagad na napalingon sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagkatok.“Marie, come out for a second.” Pagtawag niya sa akin. Kaagad naman akong tumayo at naglakad palabas ng office.“Did Tita asked you to pass a message to me?” Tanong ko sa kaniya nang makalabas na ako sa office namin.“Paano mo naman nasabi na iyon ang pakay ko sayo?” Tanong din niya sa akin.“If it’s related to work, there’s no need for you to call me here. If ayaw mo naman na marinig ng mga kasama ko ang sasabihin mo, that means it’s a family affair.” I concluded.“It’s not a family affair. You were the one who told me to bring you along when I’m going to meet Khiara, right?” Tanong niya na ikinatango ko. “This afternoon, I need to attend an industry summit on Kaiden’s behalf. Khiara will be there as well. As for y

  • Hello, Twin Flame    Chapter 16

    Months have passed and my relationship with Kiel became much stronger. I already left my apartment and now I’m living with him in his own house. Hindi pa nga sana ako papayag na magsama na kami sa iisang bahay pero ang mga magulang na namin mismo ang nagsabi na mas mabuti na ganun ang gawin naming dalawa. Kahit na magkasama kami ni Kiel na nakatira sa bahay niya ay magkahiwalay pa rin naman ang mga kwarto namin.Pupungas-pungas pa akong lumabas sa kwarto ko habang papunta ako sa banyo para maghilamos nang makasalubong ko si Kiel. “Morning.” Bati ko sa kaniya.“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?” Tanong niya naman sa akin. “Look at your dark circles.”Kaagad ko namang hinawakan ang ilalim ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Binuhat mo ba ako papunta sa kwarto ko kagabi?” Tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalala ko kasi ay umidlip ako saglit kagabi sa may sofa habang nagtatype ako sa laptop ko.“Yes. I don’t want you to sleep on the sofa.” Sagot niya naman.“Thanks. But you broke the

  • Hello, Twin Flame    Chapter 15

    Maaga pa lang ay nagising na ako. Kaagad akong bumangon at inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto ko para maghilamos. Matapos kong maghilamos ay kaagad akong naglakad sa may pintuan ng apartment ko para buksan ang pinto ng sa ganun ay makapasok ang preskong hangin sa loob. Pero nang buksan ko ang pinto ay kaagad na bumungad si Kiel sa harapan ko.“I bought you breakfast and medicine for your allergy. The doctor advised you to eat healthy and light food.” Sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.Tinalikuran ko lang siya at naglakad na ako papunta sa kusina. Kaagad naman siyang sumunod sa akin at nang makarating kami sa kusina ay siya na mismo ang naghain ng binili niyang pagkain. Dahil hindi pa ako nakakapagluto ay kinain ko na lang ang pagkain na binili niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa natapos akong kumain at maligo.Nang maihanda ko na ang sarili ko papunta sa trabaho ay dire-diretso akong naglakad palabas ng apartment ko. Sumunod naman si Kiel

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status