“Here.”
Isang pamilyar na bagay ang nakita kong iniaabot ni Kiel sa akin nang mag-angat ako ng tingin. It was my handkerchief.
“Don't worry. That's still clean so you can use it.”
Kaagad na nalipat ang tingin ko sa suot niya. He was wearing his coat kaya naman hindi ko makita ang lipstick stain na naging resulta ng pagkabangga namin sa jeep.
“Sorry ulit about doon sa nangyari kanina sa jeep.” Sabi ko nang abutin ko ang panyo.
“It was an accident. And just like what I've said earlier, my coat will do the trick. Except kina Kaiden ay wala ng iba pang nakakita sa mantsa.”
Ngumiti ako at tsaka ko pinunasan ang mukha ko.
“I'm just curious though.” Sabi ni Kiel.
“About what?”
“About doon sa concept na hindi pumasa sa amin. I was truly amazed with the other other concepts. They were really something extravagant, to be honest. But what happened to “You and I”? Is there something wrong with that song? Didn't you and your team liked it?”
“Walang mali sa kanta mo na iyon. In fact, ine-expect na namin na mare-reject ang gawa namin. Kasalanan namin iyon. Gusto kong humingi ng pasensiya sayo dahil sa pagkakamali namin.”
Natahimik sandali si Kiel.
“If Kaiden would give a chance to you and your team, anong gagawin niyo?” Tanong niya.
“Nakausap ko ang isa kong kasama sa team about sa original plan niya sa kanta. Nalaman ko na maliban doon sa naipakita naming floating dim lights kanina ay mayroon pa pala iyong kasama na side story.” I could feel myself getting hype up and the ideas started to flow in my mind. Ito palagi ang nararamdaman ko sa tuwing nakikipag-usap ako about sa work. “Balak niyang ipakita iyong story using the girl's point of view. Pinakahighlight doon ay kung paano sila nagmeet ng lalaki. Ipapakita namin kung paano at bakit sila nag-meet."
“At paano niyo gagawin iyon?”
“Nagdecide kami na gumamit ng mga lampara.”
“Lamps? As in the typical lamps?” Kiel leaned forward while seriously looking at me as if we're still doing the presentation that happened earlier. “Why lamps? And how?”
“May eksena kasi kung saan ipapakita na iyong babae ay may dalang lampara habang naglalakad sa madilim na tulay tapos sa hindi kalayuan ay may makikita siyang isang pigura ng tao. Kahit walang dialogue ay alam na kaagad ng mga viewers na magme-meet na ang babae at lalaki.” Paliwanag ko.
“Oh, I see.”
“Iyong majority ng shots ay sa isang tulay. Doon na din mismo magpe-perform ang mapipili na artist. Hindi pa napagdesisyonan kung gagamit ng rain scene kasi nga gagamit pa ng payong ang babae na artist since may dala siyang lampara.”
“Wait.” Pagpigil ni Kiel sa akin nang parang may naalala siya.
“About the fog that you showed in your presentation earlier. Saan niyo iyon ilalagay?”
“Doon sa part ng kanta kung saan maglalakad sa may parteng gubat ang artist, doon na papasok iyong fog. Di ko pa alam ang full details pero I'm sure na na-finalize na ng isa kong kasama sa team ang concept na iyon. Kaso di na namin nagawa kasi nga kulang na kami sa oras.”
Kiel nodded. Nag-isip pa siya saglit bago siya tumingin sa akin.
“You know what? Mas gusto ko ang sinabi mo na concept just now. The message and meaning of the song will be visible in that concept.”
Ngumiti ako. “Kita mo na? I know na magugustuhan mo ang concept. Kaso, hindi nga lang namin iyon naipakita. Sorry talaga. Pero marami ka pa namang ico-compose na kanta. If kami pa rin ang pipiliin mo na gumawa ng video concept ng mga kanta mo ay sinisigurado ko na hindi ka namin madi-disappoint. Sure ako diyan.”
“I'm looking forward to it.” Tumayo si Kiel mula sa kaniyang pagkakaupo. “You're good at what you do. I already know now why Kaiden hired you and let you work in his company.”
Mas lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
“Napakaganda ng pagtrato ni Sir Kaiden sa amin. Kaya maganda rin ang trabaho na binibigay namin sa kaniya at sa mga client. Sana nga bigyan pa rin kami ni Sir Kaiden ng salary increase kahit pa pumalpak kami sa isang kanta.”
“Don't worry. Kaiden will surely do that. Once he said it, he won't take it back. He's a man of words.”
“But honestly speaking. Nakagawa kami ng mga magagandang concept dahil maganda ang mga kanta mo.”
Ngiti ang naging sagot ni Kiel sa sinabi ko. Maya-maya ay bigla na lang siyang naglahad ng isang kamay niya. Dahil doon ay nakakunot ang noo ko nang tumingin ako sa kaniya.
“Thank you.” Sabi niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
“Thank you para saan?”
“For liking my songs. And also for making extravagant video concept for Lyrical Love.”
“Ah...” Natawa pa ako ng bahagya. “Akala ko kung ano na. Trabaho namin iyon kaya okay lang. Thank you din kasi nagustuhan mo ang gawa namin.”
Inabot ko ang kamay niya at tsaka nakipagshake hands. Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak. Nagulat ako kasi ang lambot ng kamay niya. Feeling ko mas malambot pa ang kamay niya kaysa sa kamay ko. Iyong kamay ko kasi ay sigurado akong magaspang. Naramdaman ko ang ginawang pagpisil ni Kiel sa kamay ko. Dahil sa ginawa niyang iyon ay naramdaman ko na naman ang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Bumilis ang tibok ng puso ko at may kung anong parang kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa magkahawak naming kamay. Ang weird nun sa feeling kaya nag-angat ako ng tingin. Kiel's blue, beautiful pair of eyes immediately met my eyes and then my heartbeat became crazier. Bigla akong nataranta dahil doon kaya kaagad kong hinila ang kamay ko.
“Marie?” Nagtatakang tanong ni Kiel. “Are you okay?”
“Ah....o-oo. Okay lang ako.”
“Are you sure? Your face is so red. Are you sick?”
Hahawakan niya na sana ako pero mabilis akong humakbang paatras. Dahil doon ay kumunot ang noo niya.
“Okay lang ako Kiel.”
“But—”
Sabay kaming napalingon kung saan naroon ang cellphone ko nang tumunog iyon bigla. Mabilis ko iyong kinuha at kaagad na sinagot ang tawag.
“Yes?”
[Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa lobby ng kompanya.] Sagot ni Katie mula sa kabilang linya. [Wait. Ba't parang hinihingal ka? Anong nangyari sayo?]
“Guni-guni mo lang iyon.”
Thank you Katie! You're my savior! Mayayakap talaga kita ng mahigpit mamaya dahil sa ginawa mo! Ang galing ng timing!
“Wait lang pababa na ako.”
[Okay. Nandito lang ako sa may reception area. See you!] Sabi ni Katie bago patayin ang tawag.
Huminga ako ng malalim bago i-compose ang sarili ko at muling tumingin kay Kiel na nakatingin lang din sa akin.
“May sundo ka?”
Umiling ako.
“Wala pero naghihintay sa akin ang kaibigan ko sa may lobby. Nakalimutan ko na may usapan pala kami na sabay kaming uuwi ngayon.”
Shinut down ko ang laptop ko at kukunin ko na sana ang bag ko nang maunahan ako ni Kiel.
“I'll walk you to the elevator.” Sabi niya.
Hindi niya ako binigyan ng chance para tumanggi dahil nauna na siyang maglakad. Wala na akong nagawa at sumunod na lang sa kaniya. Saktong bumukas ang elevator nang makarating kami sa tapat nito. Inabot sa akin ni Kiel ang bag ko nang makapasok na ako sa loob ng elevator.
“Salamat. Mauna na ako.” Paalam ko.
Bago magsara ng tuluyan ang elevator ay nakita kong ngumiti sa akin si Kiel. Napahawak kaagad ako sa dibdib ko. My heart was pounding like crazy.
“Ano ba naman yan?! Nakipagshake hands lang ako kay Kiel—wait a second....”
Inalala ko ang mga nangyari sa akin sa araw na ito. Sa iisang jeep kami parehong nakasakay ni Kiel kanina at nagkabanggaan kami. Tapos nagkataon pa na isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Sir Kaiden at client din namin siya. At sa dami ng lugar na pwede niyang paghanapan kay Sir Kaiden ay sa meeting room talaga siya nagpunta kung saan nandoon ako.
Coincidence lang ba iyon? O......fate? Omg!!!
Kung kanina ay sure ako na hindi si Kiel ang twin flame ko after ko malaman kung sino talaga siya, ngayon naman ay hindi ko maiwasan na hindi magdalawang-isip dahil sa mga nangyari.
“Kailangan ko silang makausap about dito.” Sabi ko sa sarili ko pagkatapos kong lumabas ng elevator. “Sa mga ganito na sitwasyon ay sila ang matatakbuhan ko. I need their advice.”
“So, to sum things up, sinasabi mo ba na ang current client niyo ay ang twin flame mo? Ano? Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?”
“Iyan nga rin ang gusto kong itanong sa kaniya eh. I told you, masamang impluwensiya na talaga sa kaniya ang pagbabasa ng horoscope.”
“Akala ko ba hanggang pagtitingin lang ang ginagawa niya. Hindi ko naman akalain na ganiyan na siya kalala.”
“Well, now you know.”
Inilapag ko ang hawak ko na kutsara at tsaka sinimangutan ang dalawa kong kaibigan na nakaupo sa harapan ko.
“Dangsin jeongmal mulyehaeyo, Katie-yah, Stacey-shi.” Wika ko sa salitang Hanggul.
“Ano daw?” Tanong ni Stacey at tsaka siya bumaling kay Katie. “Anong sinabi niya?”
“Ang salbahe daw natin.” Sagot ni Katie.
“Ah, akala ko naman minumura na niya tayo.”
“Just understand her na lang. Feel na feel kasi ni Marie itong kinakainan natin kaya nagsasalita siya ng Hanggul. At tsaka alam mo naman na adik iyan sa K-dramas eh.”
Kasalukuyan kaming nagpapahinga at kumakain sa isang Korean Café. Isa sa mga booth na nandito at kabilang sa mga main attraction ng convention na pinuntahan namin. Habang kumakain kami ay kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Kiel. Sinabi ko rin ang detalye mula sa kung paano kami unang nakita hanggang sa naging pag-uusap namin sa may meeting room.
“Honestly speaking Marie, that is so absurd.” Umiiling na sabi ni Katie. “Dahil lang sa nabangga mo si Sir Hiro sa loob ng jeep ay iniisip mo na ngayon na siya ang twin flame mo?”
“Tama si Katie.” Pagsang-ayon naman ni Stacey. “I mean, ano iyan? Kahit sino na lang ay twin flame mo na kaagad? Paano pala kung kriminal iyong lalaki? Serial killer ganun? O kaya naman may asawa na?”
“Siyempre hindi na kasali iyong mga may tali na sa leeg. Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging kabit ano. Isa pa, hindi lang naman iyong pagkabangga namin ni Kiel ang naging basehan ko eh.” Katuwiran ko naman sa kanilang dalawa.
“Sinong Kiel?” Kunot-noong tanong ni Katie. “Akala ko ba si Sir Hiro ang topic natin?”
“Si Sir Hiro at Kiel ay iisa. Kapag hindi ko kasi siya tinawag sa pangalang iyon ay ipu-pull out niya iyong contract niya sa company na pinagtatrabahuan natin. Edi nalagot tayo kay Sir Kaiden kung nagkataon. Anyway, iyon nga. Hindi lang iyong eksena sa jeep ang basehan ko.”
“Iyong eksena niyo ba sa meeting room ang tinutukoy mo? Jusko Marie! Obvious na maghahanap din siya doon dahil sa meeting room tayo huling nagkita-kita. Nagkataon lang na siya ang unang nakaisip na magpunta roon at nagkataon lang din na nandoon ka.” Halatang pinagdiinan ni Katie ang pagbanggit niya sa salitang nagkataon.
“He carried my bag and walked me to the elevator. Hindi lahat ng lalaki ginagawa iyon ano.” Hirit ko pa.
“He was just being a gentleman. And yeah, hindi lahat ng lalaki ginagawa ang bagay na iyon dahil bibihira na lang ang gentleman sa mundong ito.”
Bumuntong-hininga ako bago isinubo ang kutsarang may laman na ice cream. Wala sa sariling napatingin ako sa kamay ko.
Kung nagkataon lang ang lahat, pati ba iyong naramdaman ko kanina ay nagkataon lang din?
“Listen to me.” Tawag-pansin sa akin ni Stacey. “Tigilan mo na iyang twin flame-twin flame na iyan ha. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak mo dahil diyan eh.”
“Pero...”
“Okay, ganito na lang.” Inilapag ni Katie ang hawak niya na tasa sa may lamesa bago siya seryosong tumingin sa akin. “Kapag nagkrus ulit ang landas niyo ni Sir Hiro ngayong araw, ico-consider ko iyang sinasabi mo.”
“Katie, seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Stacey. “Hindi ba parang tino-tolerate mong lalo si Marie niyan?”
“Nope. In fact, mas madali pa nga natin siyang mapapaniwala sa paraang ito eh.” Full of confidence na sagot ni Katie bago siya tumayo.
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo na rin at sumunod sa kanilang dalawa palabas ng café.
“Paano kung bigla ngang dumating iyong client niyo?” Tanong ulit ni Stacey.
“Don't worry. Malakas ang kutob ko na hindi iyon dadating.” Sagot naman ni Katie.
Hindi na ako sumagot at tahimik na lang na naglakad. Gustuhin ko man na subukan ang sarili kong swerte ay aminado ako na maging ang sarili ko ay may pagdududa rin kung dadating nga si Kiel. Hapon na din naman at anumang sandali ay magpapasya ng umuwi sina Katie at Stacey. Isa pa, hindi si Kiel iyong tipo ng tao na pumupunta sa mga ganitong klase ng event.
He's a famous composer and lyricist slash singer-songwriter after all. Ano naman ang gagawin niya dito?
Pagkatapos ng nangyari ay ilang araw kong hindi pinansin si Kiel. Sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa sa loob ng bahay niya ay kaagad akong umiiwas sa kaniya. Ganun din ang ginagawa ko kapag nasa loob kami ng kompanya. Isang beses ay sinubukan niya akong kausapin pagkalabas ko ng banyo pero binalewala ko lang siya at kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Weekend ngayon kaya naman nagpasya ako na maglinis ng buong bahay niya. Habang nagva-vacuum ako sa kusina ay bigla siyang tumayo sa harapan ko. Kaagad naman akong tumalikod sa kaniya at sa ibang parte ng kusina ako nagpatuloy sa pagva-vacuum. Mabuti nga at hindi niya na ako kinulit pa."Aray!"Kaagad akong napalingon at napalapit sa kaniya nang marinig ko na sumigaw siya. "Bakit, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.Nakita ko naman na hinahawakan niya yung isang daliri niya. "Nasugatan ko ang daliri ko.""Ano?!""I have a gauge in my room.""Sige, dito ka lang. Kukunin ko muna ang gauge sa kwarto mo."Matapos ko
Nang makabalik ako sa opisina namin ay kaagad akong nilapitan ng mga kasama ko. They all comforted me in different ways that they know.“This all happened because of me. I should’ve expected that this would happen and prepared a contingency plan.” Paninisi ko sa sarili ko.“Ay naku, huwag mong sabihin iyan.” Sabi naman ni Zye sa akin.“Nagtataka lang ako. Noong sinubukan nating mag-upload ng file sa server, hindi naman iyon nawala. Maliban na lang kung i-delete natin iyon ng manually.” Sabi ni Katie na ikinatingin ko sa kaniya.“Marie, ano na ang gagawin mo niyan?” Tanong ni Luke sa akin.“May mga clips pa ako para sa music video. I-edit ko na lang ulit.” Sagot ko naman.“I’m afraid that it’s too late now.” Sabi naman ni Yuno.“Iyan din ang sinabi ni Kiel sa akin.” Nakayukong sabi ko.“Sir Hiro.”Kaagad akong nag-angat ng tingin ko nang marinig ko iyon galing sa mga kasama ko. Ngayon ay nasa harapan naming lahat si Kiel.“The competition is due next, next day at 8 AM.” Anunsiyo niya n
Hindi na ako nakauwi sa bahay ni Kiel kagabi at sa bahay ni Stacey na lang ako natulog. Pinahiram na lang ako ng kaibigan ko ng masusuot ko papunta sa trabaho. Pagkarating ko sa kompanya ay kaagad akong pinatawag ni Sir Kaiden sa opisina niya.“I didn’t make coffee for you today. Have some honey water to cure your hangover.” Sabi ni Sir Kaiden sa akin bago niya inilapag sa harapan ko ang isang tasa na may lamang honey water.“Thank you Sir.” Pasasalamat ko naman sa kaniya. “Do I smell like alcohol?” Nahihiyang tanong ko pa. “I didn’t wash my hair last night.”“Hindi ka nakauwi kagabi sa bahay ni Hiro diba?” Tanong niya naman na ikinatango ko. “So, you haven’t got the chance to talk with him. Actually, before this, Hiro and I had a reason for you to quit Silent Hill and join the music video competition.” Sabi pa niya habang ang tinutukoy niya ay yung nangyari kahapon bago ako pumunta sa bahay ni Stacey.“It’s because of Khiara, right?” Tanong ko naman.“That’s right. But it’s not what
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Kiel sa trabaho. Busy ako sa kakatype sa keyboard ng PC ko nang bigla siyang kumatok sa bahagyang nakabukas na pinto ng office namin. Lahat kami na nasa loob ng office ay kaagad na napalingon sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagkatok.“Marie, come out for a second.” Pagtawag niya sa akin. Kaagad naman akong tumayo at naglakad palabas ng office.“Did Tita asked you to pass a message to me?” Tanong ko sa kaniya nang makalabas na ako sa office namin.“Paano mo naman nasabi na iyon ang pakay ko sayo?” Tanong din niya sa akin.“If it’s related to work, there’s no need for you to call me here. If ayaw mo naman na marinig ng mga kasama ko ang sasabihin mo, that means it’s a family affair.” I concluded.“It’s not a family affair. You were the one who told me to bring you along when I’m going to meet Khiara, right?” Tanong niya na ikinatango ko. “This afternoon, I need to attend an industry summit on Kaiden’s behalf. Khiara will be there as well. As for y
Months have passed and my relationship with Kiel became much stronger. I already left my apartment and now I’m living with him in his own house. Hindi pa nga sana ako papayag na magsama na kami sa iisang bahay pero ang mga magulang na namin mismo ang nagsabi na mas mabuti na ganun ang gawin naming dalawa. Kahit na magkasama kami ni Kiel na nakatira sa bahay niya ay magkahiwalay pa rin naman ang mga kwarto namin.Pupungas-pungas pa akong lumabas sa kwarto ko habang papunta ako sa banyo para maghilamos nang makasalubong ko si Kiel. “Morning.” Bati ko sa kaniya.“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?” Tanong niya naman sa akin. “Look at your dark circles.”Kaagad ko namang hinawakan ang ilalim ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Binuhat mo ba ako papunta sa kwarto ko kagabi?” Tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalala ko kasi ay umidlip ako saglit kagabi sa may sofa habang nagtatype ako sa laptop ko.“Yes. I don’t want you to sleep on the sofa.” Sagot niya naman.“Thanks. But you broke the
Maaga pa lang ay nagising na ako. Kaagad akong bumangon at inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto ko para maghilamos. Matapos kong maghilamos ay kaagad akong naglakad sa may pintuan ng apartment ko para buksan ang pinto ng sa ganun ay makapasok ang preskong hangin sa loob. Pero nang buksan ko ang pinto ay kaagad na bumungad si Kiel sa harapan ko.“I bought you breakfast and medicine for your allergy. The doctor advised you to eat healthy and light food.” Sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.Tinalikuran ko lang siya at naglakad na ako papunta sa kusina. Kaagad naman siyang sumunod sa akin at nang makarating kami sa kusina ay siya na mismo ang naghain ng binili niyang pagkain. Dahil hindi pa ako nakakapagluto ay kinain ko na lang ang pagkain na binili niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa natapos akong kumain at maligo.Nang maihanda ko na ang sarili ko papunta sa trabaho ay dire-diretso akong naglakad palabas ng apartment ko. Sumunod naman si Kiel