Share

Kabanata 4

Tatlong oras ang tinagal ko sa byahe pauwing probinsya. Sa mga oras na ito ang gusto ko lang ay ang makauwi, kumuha ng gamit at magpakalayo-layo. Dumiretso ako sa dating mansion kung saan ako tumira bago ako kumuha ng sarili kong condo. Pero naiwan ko ang iilang gamit ko rito sa mansion lalo na ang pasaporte ko at iilang mga dokumento. Wala pa ring pinagbago ito kahit isang buwan din ang lumipas ng kunin kami ng demonyong ‘yon.

Naglakad na ako papasok sa nakabukas na gate hanggang sa dahan-dahan na akong tumungo sa loob ng mansion. Unang bukas palang ng pintuan dito sa living room, bumulaga na agad sa akin ang kinilala kong ama na may katalik na dalagang bahagya lang ang tanda sa akin. Nagulat pa sila ng makita ako at mabilis na nanakbo ang babae paalis. Gusto kong matawa dahil tila walang pakialam ito kong kumusta na ang mga anak niya sa lalaking iyon. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy ako paakyat sa ikalawang palapag.

“Bakit ka narito? Nasaan ang kapatid mo?” tanong niya sa akin.

Ngayon lang din naging malinaw ang lahat, all this time palagi na lang pala akong nakikihati sa pagmamahal ng iba. Masyado akong nagpabulag dahil sa kakapuringgit na pagmamahal ipinakita sa akin kahit na sa huli ay ginamit lang din ako.

“Bakit mo pa inaalam kung maligaya ka naman rito at tila ay wala ka rin namang pakialam.” malamig kong sagot.

“Kailan kapa natutong sumagot ng pabalang sa akin, Savannah! Hindi kita pinalaki ng ganiyan!” may kasamang galit sa boses niya.

Hinarap ko siya at malamig na tinitigan na bahagyang kinatuod niya.

“Hindi mo naman ako pinalaki, pa, pinalaki ko ang sarili ko na wala ang tulong mo,”

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Pagkatapos kong ibudbod ang lahat ng pera na meron ako mabigyan ka lang ng magandang buhay! Tapos ito lamang ang igaganti mo?” umuusok na rin ang magkabilang tainga niya sa tindi ng galit niya.

Blanko lamang ang tingin ko sa kaniya at sandaling huminga ng malalim, “Remind lang kita pa, ang lahat ng pera na ibinigay mo sa akin ay pinangbayad ko sa mga utang mo. Utang mo na ako ang gumuyod para lang mabayaran lahat. Habang ang anak mong palamunin na puro arte lang ang alam ay panay party!” singhal ko sa kaniya.

“Sinusumbatan mo talaga akong bastarda ka!”

“Nagpapaliwanag lang ako, pa, by the way congratulations dahil ang anak mo ang pinili ng pinagkakautangan mo.” pagkasabi ko nito ay tumalikod na ako.

Dinig ko pa ang tawag niya sa akin pero hindi ko na ito pinansin. Pumasok ako agad sa kwarto ko at kinuha ang isang itim na bag pack. Inilagay ko lahat ng kailangan ko roon. Ang singkwentamil na naitabi ko sa maliit kong alkansya na hindi ko akalain na magagamit ko. Ang pasaporte ko at iilang dokumento.

Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi ibinigay sa akin ng lalaking umampon ang apelyido niya. Hindi ako ganoon katanga para hindi malaman na peke ang lahat ng dokumentong pinakita niya sa akin. After ten years, dala-dala ko pa rin talaga ang apelyido ng bahay ampunan.

Pati ang lumang loptop at cellphone ko ay inilagay ko sa loob ng bag. Hindi na ako nagdala ng damit dahil marami ako nito sa condo ko.

“Savannah, totoo ba ang sinasabi mo na pinili niya ang anak ko para maging reyna niya?” sambit niya matapos makapasok sa loob ng kwarto ko.

Galak na galak ang boses niya pero hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy lamang ako palabas ng kwarto ko. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin pero mas binilisan ko ang paglalakad palabas ng bahay.

Namutla ako ng mabuksan ko na ang pintuan. Hindi ko inaasahan ang lalaking bubungad sa akin ngayon. Paano? Paano niya ako nahanap ng ganito kabilis?

“Are you ready for your punishment, doll? I told you hindi ka makakatakas sa akin,” seryoso niyang sambit habang blanko ang tingin sa akin.

Napaawang pa ang maninipis kong labi habang nakatitig sa kaniya.

“Lord!”

Bigkas ni papa na nasa likuran ko ngayon. Bahagya pa ako nito itinulak para mas maharapan niya si Hendrix. Napangiwi ako ng tumama ako sa kanto ng pinto pero hindi ko pinakita 'yon.

“Lord, totoo ba na napili mo ang anak ko para mapangasawa mo?”

Pinanood ko lang sila. Hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa likuran ni Hendrix at nakita ko si Gabe na naka-peace sign pa sa akin. Inirapan ko lang siya dahil panigurado ay siya ang may kasalanan kung bakit natunton agad ako. Panigurado may tracking device ang sasakyan niya.

“Who told you that?” malamig nitong sambit.

Kahit ako nangatog ako sa lamig ng boses niya at parang ibang Hendrix ang kaharap namin ngayon. Wala na ang malokong Hendrix.

“Si Savannah, kong ganoon ay may ibibigay ka bang bride price sa akin? Pwede ba akong humiling? Kakapalan ko na ang mukha ko, gusto ko sanang ibalik mo ang dating kumpaniya ko.” makapal na sabi ni papa.

Miski ako ay napangiwi sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Hindi man lang ba siya nagdalawang isip sa winika niya?

“No, wala pa akong napipili na magiging asawa ko. Get the f*ck out may susunduin lang ako,”

Napataas ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na hindi pa siya nakakapili? Ano 'to lokohan? Mas humigpit ang hawak ko sa dala kong bag. Hindi ko na kinaya kaya sapilitan akong lumabas.

Hindi pa ako tuluyan nakakalayo ng maramdaman ko ang malaking kamay na humawak sa braso ko.

“Where are you going? Hindi pa ako tapos makipag-usap sayo,”

Binaklas ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

“Savannah! Huwag mong bastusin ang Lord! Wala ka talagang modo!” sigaw ni papa sa akin.

Pero hindi ko siya pinansin dahil ang atensyon ko ay na sa lalaking ito.

“Ano bang kailangan mo sa akin at tumungo kapa talaga rito para lang kausapin ako?” untag ko.

Pero kaysa sagutin agad ako ang una niyang ginawa ay ang sinuotan ako ng posas sa kanang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi makapaniwalang tinignan siya. Nagtatanong ang mga mata kong tumitig sa kaniya pero patuloy parin sa pagiging blanko ang mukha niya.

“Lets go home, sa bahay tayo mag-uusap.” bulong niya sa akin.

“Lord, kumusta ang anak ko? At tungkol din pala sa hinihingi kong pabor tungkol sa kumpanya ko aong masasabi mo?” Humarang sa harapan namin si papa na para bang wala syang pakialam kong nakaposas ako ngayon sa demonyong ito.

“Your daughter is fine. umalis ka muna sa harapan ko, Mr. Solidad,” may pagbabanta sa boses ni Hendrix ng sabihin ito.

“Kailan ang magiging kasal nyo? Sasama na ako pauwi sainyo dahil dapat lang na tumira na ako sa Del Fierro Empire!” parang nahihibang na sabi ni papa sa amin.

“T*ngina.” dinig kong bulong ni Gabe sa likuran namin.

Ramdam ko ang nararamdaman niya dahil miski ako ay nahihiya sa ginagawa at pinagsasabi ni papa. Hindi na ito tinubuan ng kahihiyan sa katawan ng sabihin niya ang kalokohang salitang iyon. Pero hindi dapat ang ama ko ang iniisip ko, kundi dapat ang buhay ko kung paano ako makakawala sa posas na ‘to.

“Gusto kong makita ang anak ko, lord,” dagdag pa niya.

Pinanood ko lamang kung paano siya tinignan ni Hendrix at pagkuwan ay tinanguan si Gabe. Abot hanggang langit ang ngiti ni papa ng alalayan siya ni Gabe papasok sa sasakyan.

“Maaari mo na ba akong pakawaalan? Hindi ako sasama sayo, utang na loob marami pa akong dapat akisuhin,” mlamig kong turan dito.

“No.”

“Anong no? ano bang kailangan mo sa akin? pwede bang pakawalan mo na ako!” mahinang singhal ko sa kanya.

“Sa bahay tayo mag-uusap,”

Hinila na ako nito patungo sa sasakyan na ginamit ko pauwi rito ngunit naglaban ako. Hindi ako makakapayag na makisama pa sa kanila. Hindi ako second option na kung kailan niya gustong laruin ay maari. Kumunot ang noo nito sa akin ngunit pinatigas ko ang pagkakatayo ko upang hindi niya ako mahila.

“Hindi ako sasama sayo,” matigas kong wika.

“I don’t need your permission, sasama ka sa akin sa ayaw mo man o gusto,”

“Ano pa bang gusto mo! Kasama mo na ang kapatid ko bakit pati ako ay gusto mong manatili sa tabi mo? Nag-iisip ka ba? Hindi ka maaring umangkin ng dalawang babae!” frustrated kong sigaw sa kanya.

“Nagseselos ka ba?” he blurted out.

“A-Ano? nakasinghot ka ba ng katol?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Bakit ako magseselos? Sino banng dapat kong pagselosan, si Sabrina? utot nila.

“Nababaliw kana!”

“No, pero simula ng matikman ko ang bawat parte ng katawan mo, Oo, nabaliw ako.” seryoso nyang sagot sa akin na nagpapanganga pa.

“You’re crazy,” kinakabahan kong bulong at umiwas ng tingin dahil tagos hanggang balun-balunan ko ang mga tingin niya.

“Kaya sasama ka sa akin pauwi sa imperyo ko dahil hindi ko masisikmura na makita ka sa ibang lalaki.” pinal nyang sabi, sabay buhat sa akin.

“Ibaba mo nga ako! Ano ba! Tulong!” malakas kong tili dahil sapilitan ako nitong ipinasok sa loob ng sasakyan nya.

Saka sya pumwesto sa driver seat habang nakaposas pa rin ang mga kamay namin. Inis na inis akong nanglaban pero wala akong nagawa dahil hindi ko magawang kumawala sa posas na ito. Hinayaan ko syang dalhin nya kong ulit sa pamamahay nya. Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan, sa harapan ang tingin nya habang ako ay sa labas ng bintana ang tingin.

Sandali pa kaming dumaan sa isang fast food chain at hindi ko pinanood kung ano man ang mga inorder nya.

“Here,kumain ka alam ko wala kapang kain simula kagabi,” aniya at inabot sa akin ang isang mineral water at burger.

Hindi na ako nag-inarte dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko, dahil hindi pa ako kumain simula kagabi tapos ay sapilitan pa akong umuwi dito. Kahit papaano ay nawala ang init ng ulo ko dahil nagkalaman ang sikmura ko kahit kaunti lang.

“Drink this,” aniya at inabot sa akin ang isang bote ng gamot.

Wala sa loob ko itong kinuha at ng mabasa ko kung ano ito ay napangiti ako ng mapait. Contraceptive pills ‘yang inabot niya sa akin.

“Tingin mo ba may mabubuo sa isang gabing ‘yon, Mr. Del Fierro?” malamig pa sa yelong tanong ko.

“I didn’t used protection that night dahil biglaan lang din na gawin ko ang bagay na ‘yon. Drink that medicine ayoko makabuo ng anak sa ngayon, Ms. Capepe,” formal nitong sagot sa tanong ko.

“What if ayokong inumin ito may magagawa ka ba?”

“I will abort that child if may mabuo man,” walang gana nyang sagot.

Naibaba ko ang bote ng contraceptive sa kandungan ko at sandaling pinroseso ang sinabi nya. Gustong pumatak ang luha ko pero pinigiln ko ito dahil ayokong maging mahina sa harapan niya.

“You're a beast…” bulong ko na alam kong umabot sa pandinig nya.

“I don’t care. Ayokong isilang mo ang mga anak ko sa magulo pang mundo ko,” tugon niya.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos ng usapan na ‘yon. Ininom ko na rin ang pills na inabot nya sa akin. Ibang klaseng araw ang naganap sa akin ngayon. Dala ng pagod ko ay unti-unti akong pumikit, naramdaman ko na lamang ang isang malambot na bagay na dumikit sa noo ko. At ang salitang hindi ko na pinansin pa.

“I’m sorry,”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status