Share

Kabanata 3

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi lamang iyon dahil nilalamig din ako dala ng parang wala akong suot na pang-itaas. Awtomatikong bumuklat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang malaking paiting ng batang babae na may puting birth mark crown sa likuran. Nawindang ako sa angking ganda ng batang ito. Pina-ikot ko pa ang paningin ko sa paligid at napansin ko na wala ako sa bahay.

Napahawak ako sa sintido ko dahil bigla itong kumirot kaya napapikit akong muli dala ng kirot at pagkahilo. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto at ng tignan ko ito ay bumungad sa akin ang isang katulong na babae. May suot itong uniporme at may naka-imbrade dito na ‘Del Fierro Empire’.

“Mabuti at gising ka na, Senorita,” magalang nitong sambit at bahagyang yumuko sa akin upang magbigay galang.

Teka, na saan ba ako? Sa design palang ng paligid at sa katulong na ito ay para akong nasa isang palasyo.

“Mawalang galang na po, nasaan po ako? Anong klaseng lugar ito?” magalang ko ring tanong sa kaniya.

“Nasa Del Fierro Empire ka,” sagot niya sa akin ngunit nanatiling nakayuko ang ulo niya.

“Kung ganun, narito ba si Hendrix? Pwede mo ba akong dalhin sa kaniya?”

“Kinalulungkot kong ibalita, Senorita. Ang lord ay kasama ang kanyang fiance,” sagot nito sa akin na pinagtaka ko.

Anong sinabi niya? Fiance, nino? Kahit na hindi ganoon kalinaw ang mga alaala ko kagabi ay naalala ko lahat. Kung paano namin pinagsaluhan ang gabi at kong paano siya nangako sa akin na paninindigan niya ako pagkatapos n’on.

“Pwede ko bang malaman kong sinong fiance ang tinutukoy mo?”

Ngayong mga oras ay nagtaas na ito ng tingin sa akin at mahigpit rin ang pagkakapit ko sa comforter na nagtatago sa kahubaran ko. Wala akong nabasang panghuhusga sa mga mata niya ngunit dumaan naman ang lungkot rito.

“Ang reyna, Sabrina Solidad,”

Nagulat ako ngunit hindi ko iyon pinahalata. Kung ganoon ay nagdesisyon na siya na si Sabrina ang pakakasalan niya? Paano naman ako? Paano ang pangako niya kagabi? ganoon na lamang ba iyon?

“Pwede niyo po ba akong bigyan ng maisusuot na damit? At pwede niyo po ba akong ihatid palabas ng lugar na ito?” malamig kong tanong.

Tumango ito sa akin at sandaling umalis sa harapan ko. Pagbalik niya ay may dala itong puting dress at isang simpleng doll shoes. Kinuha ko ito at pinaalis mo na siya upang makapagbihis ako. Unang galaw palang ng paa ko ay naramdaman ko ang hapdi ng gitnang parte ko. Bumulaga din sa akin ang dugo sa puting bedsheet tanda na wala na talaga ang iniingatan ko. Gusto kong umiyak ngunit hindi ako pwede maging mahina dahil kailangan kong bawiin ang sa akin.

Paano nagawang kunin ni Sabrina ang loob ni Hendrix? Paano? Ang babaeng ‘yon na puro kasamaan lamang ang alam.

Matapos kong maayos ang sarili ko ay lumabas na ako ng silid kung saan ako nagising. Bumungad sa akin ang isang mahabang pasilyo. Nalula ako sa mga painting na nakadikit sa bawat pader at mga antique na sa tingin ko ay may malaking halaga. Naglakad ako ng dahan-dahan dahil rin sa masakit na nararamdaman ko.

Bago pa ako tuluyan makapunta sa kaliwang panig ng mansion na ito ay nasulyapan ko ang itim na sports car sa labas. Nang lumabas ang sakay nito sa loob ay tuluyang nawala ng ngiti ko. Napakapit ng mahigpit ang kamay ko sa suot kong dress. Hindi ko na rin namalayan ng pumatak ang luha ko.

“Huwag mong iyakan, agawin mo.” sambit ng tao sa likuran ko.

Nang lingunin ko ito ay ang lalaki palang may puting buhok at gwapong mukha. Tulad ng katulong na kanina na nakausap ko, nakasuot rin ito ng itim na uniporme na may tatak na ‘Del Fierro Empire’.

“Sino ka?” balewala ko sa sinambit niya.

“Gabe Devera ang family doctor ng Del Fierro Empire,” pagpapakilala niya sa akin.

Nakipag-kamay ako sa kaniya bilang pag respeto. Ngunit agad din akong umiwas ng tingin at muling binalik ang tingin ko sa dalawang tao na ngayon ay nagtatawanan na.

“Anong pakiramdam na ang lalaking kumuha sa dangal mo ay pakakasalan ang ibang babae?”

Hindi ako kumibo sa sinabi niya, pakiramdam ko hindi ako okay. Bumigat ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko.

“May sasakyan ka ba?” wala sa loob kong tanong.

Sa kanila pa rin ang tingin ko at ngayon ay magkayakap na sila at naghahalikan. Hindi ko na kinaya kaya ako na ang umiwas ng tingin. Hindi lingid sa akin na simula noong araw na sinambit niya na naghahanap siya ng mapapangasawa ay iba na ang pakiramdam ko sa kanya. Parang nagising kung ano mang pagmamahal ang nasa puso ko na matagal natulog.

“Of course, anong klasing tanong ‘yan?” masungit nyang sambit sa akin.

“Pwede mo ba akong ihatid?” direktahan kong wika.

Pinanlakihan niya ako ng mata at pinektusan bigla na kinasakit ko.

“Para saan ‘yon? Baliw kaba! Ang sakit n‘on!” reklamo ko habang hinihimas ang noo kong pinitik niya.

Lumapit siya sa akin na pinagtaka ko, kaya hindi agad ako nakalayo. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa malapit sa labi ko. Pero ang loko ay tumawa lang siya sa akin ng may panunuya.

“Huwag mong sabihin na na-in love kana sa akin?” diretsahan kong tanong.

“Huwag kang umasa! Oo, maganda ka pero hindi ako taga salo ng mga taong hindi pinili!” bara niya sa akin.

“Ah, talaga ba?” walang gana kong sabi at muling binalik ang tingin sa labas.

Nagulat ako dahil sa amin na nakatingin si Hendrix at Sabrina. Hindi ko mabasa ang iniisip ni Hendrix pero masama ang tingin niya sa akin.

“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” bulong ni Gabe sa gilid ko.

“Malamang, nakatingin sila sa atin ngayon na para bang masamang elemento tayo.”

Tamad kong sagot sa kaniya. Tinalikuran ko na sila at hinila na lang si Gabe.

“Saan mo naman ako balak dalhin, Ms. Capepe?”

Napahinto ako sa paglalakad dahil binanggit niya ang buong pangalan ko. Nanlalaki ang mata ko at dahan-dahan lumingon sa kaniya at gusto ko talagang burahin ang nakakairitang ngisi niya.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko!” mahina pero madiin kong sambit.

“May records ka sa akin malamang! Isa rin ako sa nag-imbistiga sayo! May nalaman nga ako na hindi alam ni Del Fierro,” mas lumapad pa ang pagkakangisi niya sa akin.

Binitawan ko na ang manggas ng damit niya at tinalikuran siya. Kung ibabase sa itsura mukha siyang seryoso pero hindi pala, maloko ang isang ito.

Naglakad na ako palayo sa kaniya ngunit naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Isang minuto narating ko rin ang living area ng mansion na 'to. Pagbaba ko sa spiral staircase ng mansion na ito ay bumulaga sa akin ang dalawa.

Kung minamalas ka nga naman, iniiwasan mo nga sila pa 'tong lumalapit. Lalagpasan ko na sana sila ng biglang magsalita si Sabrina.

“Savannah, anong ginagawa mo rito?” malambing ang pagkakatanong niya pero gusto ko masuka.

Blanko ang tingin ipinukol ko sa kaniya bago lumipat kay Hendrix na blanko rin ang tingin nya sa akin. Pero nginisian ko lamang siya na nagpatigas sa buong katawan niya. Dumaan ang kaba sa mukha niya na mas lalong nagpangisi sa akin.

Dapat lang na kabahan ka.

“Bakit hindi mo itanong sa fiance mo?”

“What do you mean?” kunwareng nalilito niyang tanong pero napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kanang balikat at inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.

“Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Sabrina. Tigilan mo ako sa kaartehan mo. Alam ko ang bawat halukay ng pagkatao mo.” bulong ko.

“W-What? I'm sorry, k-kong mas gusto ako ni Hendrix,” bigla itong naghesterikal.

Kusang nawala ang kaninang ngisi ko. Miski si Gabe na nasa tabi ko ay dinig ko ang hasik niya, akala ko ay ako lamang ang nakakahalata sa larong ginagawa ng babaeng ito.

“I‘m sorry din kong may nangyari sa amin,”

Sinamahan ko pa ito ng iyak na nagpatigil sa pagd-drama niya.

“Savannah.” pagbabanta sa akin ni Hendrix.

“You‘re lying!” tumaas na ang boses ni Sabrina at nagsisimula na itong maghesterikal ng malala.

“Babe! She's lying right?! Walang nangyari sainyo!” nauwi na talaga siya sa paghehesterikal.

“What the f*ck did you done, Savannah!” nanggagalaiting bulyaw nito sa akin.

Saglit akong napaatras pero naramdaman ko si Gabe na tinapik ang likuran ko. Anytime, papatak na ang luha ko kaya nagmamakaawa akong tumingin kay Gabe. Naunawaan naman niya ang gusto kong iparating kaya inalalayan ako nitong makaalis sa sitwasiyong 'yon.

“Calm down,” bulong sa akin ni Gabe.

Ngunit hindi pa kami tuluyan nakakalapit sa pintuan ng dumagundong ang boses ni Hendrix.

“Leave and I will f*cking punish you, Savannah!”

Muling akong tumingin kay Gabe na blanko na rin ang mukha.

“Del Fierro, baka naman nagiging sugapa kana sa babae ngayon? Kasama mo na ang fiance mo tapos gusto mo pang angkinin ‘tong si doll? Seriously?” nanunuya ang tinig ni Gabe pero ramdam ko ang kaseryosohan dito.

Bakit parang pakiramdam ko ay matagal ko ng kilala si Gabe? Bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya?

“Shut up! Devera! Savannah, magbibilang ako ng tatlo kapag hindi ka lumapit sa akin alam mo na ang mangyayari sayo.” pagbabanta nitong muli sa akin na mas lalong nagpanginig sa buong katawan ko.

Napakagat ako sa sarili kong labi dahil aminado akong natatakot ako ngayon sa kaniya. Kahit isang buwan palang kami magkakilala, iba siya magalit kumpara sa ibang tao. Kapag sinabi niya ay sinabi niya.

Ramdaman ko ang paghawak ni Gabe sa kaliwang kamay ko. Pinagsaklop niya ito sa kamay niya na mas lalong nagpataranta sa akin. Dahil narinig ko ang ingay ng sapatos ni Hendrix patungo sa amin.

“Don‘t look,” bulong nito.

“B-Babe... Bakit hindi mo na lang hayaan si Savannah! Ako ang fiance mo diba? Pinili mo na ako bakit—”

“Shut the f*ck up! Huwag mo akong turuan! I don't f*cking care kung ikaw ang pinili ko para maging asawa. Savannah is f*cking mine!”

Napapikit ako ng muling dumagundong ang boses niya sa buong mansion. Hindi pa rin ako humarap sa kaniya at nanatiling nakatalikod. Huminga ako ng malalim bagong nagkusang naglakad papalayo sa kanilang lahat.

Dahil sinubukan pa niya akong tawagan ng biglang akong tumakbo papaalis sa lugar na ‘yon. Bago ako tuluyang makaalis nai-abot ni Gabe sa akin ang susi ng sasakyan niya. Mabilis ko itong pinindut at nang tumunog ang sasakyan, mabilis akong pumasok rito at pinaandar ito. Nakita ko pang humabol si Hendrix ngunit mabilis ko itong pinaharurot paalis.

“I hate you!” puno ng sakit kong sigaw.

Ano ‘yon? Mix signal? Fiance niya ang kapatid ko tapos ay sa kaniya rin ako? Palagi na lamang ba akong second place? Pangalawa? Tagasalo ng mga pinagsawaan ng iba?

I hate this life! I hate you, Hendrix dahil ginulo mo ang buong sistema ko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status