Nagising ako na mag-isa na lang ako sa kwarto. Wala na rin si Hendrix sa tabi ko marahil ay umalis na siya kaninang madaling araw pa dahil ng sipatin ko ang malaking orasan sa harap ko ay ala-sais palang ng umaga. Ngayon lang ako ulit nakatulog ng mahimbing, nakakahiya man aminin pero kumportable ako sa bawat yakap at haplos niya sa akin. Nakakatamad man pero pinilit kong bumangon dala na rin ng kailangan kong magluto ng sarili kong almusal. Paglabas ko palang ng pinto ng silid ko bumungad sa akin ang iilang lalaki na naglilinis sa silid ni Gabe. Mga basag na salamin ang mga iyon dahil siguro sa pagbaril ni Hendrix kagabi. Lalagpasan kona sana sila ng masulyapan ko si Gabe na may pasa sa isang mata niya. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil mukha siyang pusa na inalila ng lubos. Hindi rin siya nakasuot ng uniporme nito dahil simpleng hoodie jacket at maong na short ang suot. Bumagay talaga sa kaniya dahil mukha siyang korean. Idagdag pa ang kulay ng buhok niya at kulay ng mata. Nag
Tulad nga ng sinabi ni Gabe ay paglabas nito sa silod niya ay gwapong-gwapo ito sa suot niyang simpleng itim na hoodie jacket at jeans. Naka-cap din ito kaya masasabi kong mukha siya kpop artist dahil sa ayos niya ngayon. Pagbaba niya sa hagdan sa harapan ko ito tumigil at sinipat ang buong kabuo-an ko. Napa-arko ang magkabilang kilay ko ng samaan niya ako ng tingin—este ang suot kong damit. Simpleng oversized shirt at short shorts na sinamahan ko ng sneaker na shoes ang suot ko. Tulad niya may sumbrero din ako sa ulo at may dala akong bagpack sa likuran ko kung nasaan ang pagkain na iniluto ko at may makain ako doon.“Ang sabi ko magbihis ka hindi ko sinabing magsuot ka ng pambata!” hasik niya sa akin. Napalabi ako dahil mukha bang pambata ang suot ko? Sa nakikita ko ay ayos naman ito saka sa opisina lang naman niya eh. “Ito lang ang maayos kong damit isa pa hindi naman ako pupunta sa party para pagandahin ang suot ko hindi ba?” katwiran ko sa kaniya. “Fine! Tara na nga at naghihi
Unang araw ko pa lang sa trabaho pero tambak na ang mga trabaho ko. Lalo na ang pagsasalansan ng mga reports simula pa noong panahon ng kastila. Ako rin ang umayos sa mga maling report ng kumpanya at ang daming kapalpakan ng dating sekretarya niya ang nilinis ko. Hindi pa ri mawala ang inis ko sa tuwing naalala ang nangyari kanina, hindi na rin ako inistorbo ni Hendrix marahil ramdam din niya na ayaw ko siyang makita o makausap. Nag-unat pa ako ng likuran dahil sa maghapong nakaupo at tutok sa screen ng personal computer na nasa harapan ko. Ramdam ko na rin ang pag-iingay ng tiyan ko kaya naman sinipat ko ang orasan sa mesa. Nakita kong alas-dos na pala ng hapon. Mas lalo lamang sumama ang loob ko ng maalalang hindi man lang ako naisip ni Hendrix na dalhan ng makakakain. Nagkusa na akong tumayo atsaka naglakad palabas ang opisina ng makasalubong ko si Gabe. May dala itong tatlong paper bag at isang inumin na galing sa berdeng coffee shop. “Oh, mabuti naman at lumabas kana ng opisi
Savannah’s Point of viewMaaga akong nagtungo sa maliit kong coffee shop dahil nalagasan ako ng trabahador dahil na rin sa kinakaharap na krisis ng negosyo ko. Masakit man sa loob pero wala akong magawa dahil na rin sa hindi na sapat ang napapasahod ko sa kanila. “Sav, dalawang iced americano,” sigaw ni Loila mula sa may counter. Si Loila ang tanging hindi umalis kahit na anumang oras ay maaari nang magsara ang shop ko. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya. Ginawa ko ang sinabi niya, nagtimpla ako ng isang iced americano. Sa maghapong ito, isa pa lang ang naging customer namin. Muli na namang dumagsa ang lungkot sa puso ko dahil matapos ang tatlong taon ay baka ngang magsara na ako. “Heto na ‘yung iced americano, Loila.” sambit ko at inabot sa kanya ang iced americano.Malugod na naman niya itong tinanggap at ibinigay ito sa customer namin. Pinanood namin ni Loila ang huling customer namin ngayon araw.“Magsasara na ba talaga tayo?” malungkot na tanong sa akin
“Ma‘am, kailangan niyo na pong magbihis dahil magagalit po si Lord, kanina pa po niya kayo hinihintay kasama ang kapatid mo,” naiiyak ng sabi nitong katulong na nakatoka sa akin. Hindi ko parin siya pinansin at mas isinubsob ang mukha ko sa malambot na comforter nitong kama ko. Isang buwan na ako rito sa puder ng halimaw na ‘yon at isang buwan na rin akong hindi nasisikatan ng araw. Hindi niya ako pinapayagan lumabas ng walang kasamang body guard dahil ilang beses na akong tumakas. Si Sabrina lang naman ang parang asong ulol na buntot nang buntot sa kaniya at ako ay walang pakialam sa kanya.Ngayong gabing ito ang party ng mga mayayaman na kahit kailan ay hindi ko maiintindihan. Hindi rin ako mahilig sa ganoong party dahil puro pangmamata lamang ang matatanggap ko roon. Hindi ko na muling narinig ang boses ng katulong na hindi ko rin naman alam kong anong pangalan niya. Namimiss ko na talaga umuwi sa condo, isang buwan na rin hindi nadidiligan ang mga babies ko dahil sa halimaw na ‘y
Wala rin palang nagawa ang kaartehan ko dahil tulad ng lagi niyang ginagawa sa akin ang ipilit ang gusto niya. Pero iba na ang suot kong damit ngayon dahil isang simpleng dress na nakatago lahat ng dapat itago.Ang nakakainis pa rito, narito lamang ako sa gilid, sa may tagong lugar kung saan walang masyadong nakakapansin sa akin. Palihim din akong nagmamasid sa paligid at naagaw ng atensyon ko sina Hendrix at Sabrina. Masaya silang nakikipag-usap sa mga bigating business man. Napatitig rin ako kay Sabrina na parang isang karangal-rangal na anak ng isang royal family ang galawan niya. Dahil sa inis at ayaw ko na silang mapanood pang makipagplastikan sa iba, kusa akong umalis sa lugar kong na saan ako. Hindi rin ako makatakas dahil maraming tauhan niya ang nakakalat sa labas ng lugar na ito. Dumiretso ako sa verandang nakita ko. May hagdanan dito sa bandang gilid pababa sa garden, hindi ako nagdalawang isip at bumaba ako rito. Paglabas ko palang ay dumagsa na sa paningin ko ang iba’t i
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi lamang iyon dahil nilalamig din ako dala ng parang wala akong suot na pang-itaas. Awtomatikong bumuklat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang malaking paiting ng batang babae na may puting birth mark crown sa likuran. Nawindang ako sa angking ganda ng batang ito. Pina-ikot ko pa ang paningin ko sa paligid at napansin ko na wala ako sa bahay. Napahawak ako sa sintido ko dahil bigla itong kumirot kaya napapikit akong muli dala ng kirot at pagkahilo. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto at ng tignan ko ito ay bumungad sa akin ang isang katulong na babae. May suot itong uniporme at may naka-imbrade dito na ‘Del Fierro Empire’.“Mabuti at gising ka na, Senorita,” magalang nitong sambit at bahagyang yumuko sa akin upang magbigay galang.Teka, na saan ba ako? Sa design palang ng paligid at sa katulong na ito ay para akong nasa isang palasyo.“Mawalang galang na po, nasaan po ako? Anong klaseng lugar ito?
Tatlong oras ang tinagal ko sa byahe pauwing probinsya. Sa mga oras na ito ang gusto ko lang ay ang makauwi, kumuha ng gamit at magpakalayo-layo. Dumiretso ako sa dating mansion kung saan ako tumira bago ako kumuha ng sarili kong condo. Pero naiwan ko ang iilang gamit ko rito sa mansion lalo na ang pasaporte ko at iilang mga dokumento. Wala pa ring pinagbago ito kahit isang buwan din ang lumipas ng kunin kami ng demonyong ‘yon. Naglakad na ako papasok sa nakabukas na gate hanggang sa dahan-dahan na akong tumungo sa loob ng mansion. Unang bukas palang ng pintuan dito sa living room, bumulaga na agad sa akin ang kinilala kong ama na may katalik na dalagang bahagya lang ang tanda sa akin. Nagulat pa sila ng makita ako at mabilis na nanakbo ang babae paalis. Gusto kong matawa dahil tila walang pakialam ito kong kumusta na ang mga anak niya sa lalaking iyon. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy ako paakyat sa ikalawang palapag. “Bakit ka narito? Nasaan ang kapatid mo?” tanong niya sa