Share

Chapter 012

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-08-05 16:41:48

“Jenna,” tawag ko nang makita ko siyang patungo na sa elevator, may hawak na tumbler at folder sa isang kamay. Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat, halatang hindi inaasahang makita ako roon.

“Oh? Himala, mas nauna pa ako kaysa sa’yo,” sabi niya sabay silip sa relo sa kaliwang pulso.

“Late na tayo, girl,” dagdag pa niya, medyo ibinaba ang boses.

Magkasabay kaming pumasok sa loob ng elevator, kasabay ang ilan pang empleyado na tahimik lang at abala sa kani-kanilang cellphone.

“I accidentally turned off my alarm on my phone, so I didn’t realize the time,” kwento ko habang pinipindot ang floor number, sabay buntong-hininga.

Sa totoo lang, never pa akong na-late sa trabaho at sa wakas, nangyari na ngayon. Mas maaga pa nga akong nagigising kaysa sa alarm clock ko. Pero kasi, magkasama kami ni Sire kagabi sa condo unit niya... at may nangyari na naman—na siyang dahilan kung bakit ako puyat. Ang hirap niyang tanggihan dahil ako naman talaga ang naglagay sa kanya sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aviana
Tsk! Sayang naman si Nathan. Pero Very wrong kasi yung ginawa nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 012

    “Jenna,” tawag ko nang makita ko siyang patungo na sa elevator, may hawak na tumbler at folder sa isang kamay. Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat, halatang hindi inaasahang makita ako roon. “Oh? Himala, mas nauna pa ako kaysa sa’yo,” sabi niya sabay silip sa relo sa kaliwang pulso. “Late na tayo, girl,” dagdag pa niya, medyo ibinaba ang boses. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng elevator, kasabay ang ilan pang empleyado na tahimik lang at abala sa kani-kanilang cellphone. “I accidentally turned off my alarm on my phone, so I didn’t realize the time,” kwento ko habang pinipindot ang floor number, sabay buntong-hininga. Sa totoo lang, never pa akong na-late sa trabaho at sa wakas, nangyari na ngayon. Mas maaga pa nga akong nagigising kaysa sa alarm clock ko. Pero kasi, magkasama kami ni Sire kagabi sa condo unit niya... at may nangyari na naman—na siyang dahilan kung bakit ako puyat. Ang hirap niyang tanggihan dahil ako naman talaga ang naglagay sa kanya sa

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 011

    “Walang supply ng tubig,” ika ni Sire pagkabalik niya sa sala, seryoso ang mukha. Grabe naman ang taong ito, pati tubig, tiningnan talaga. “Water is only available early in the morning. Iyon ang sabi ng may-ari ng apartment. Kailangan kong magising nang maaga para makapag-ipon ako ng tubig,” paliwanag ko sa kanya. Napa-"ah" naman siya bago sabihing, “Ang pangit nitong apartment na ’to,” walang pag-aalinlangang husga niya. Tingnan mo 'tong tao na 'to, walang preno kung magsalita. Natahimik na lamang ako sa kinauupuan. Dahil totoo naman. Pangit talaga ang apartment na ito dahil masikip, pahirapan ang supply ng tubig, at malayo rin sa pinagtatrabahuan ko. Pero wala akong choice. Kailangan kong magtipid kaya humanap ako ng murang apartment. Sandali niya akong muling tinitigan. “You should stay in my condo unit. Hindi kita hahayaan na tumira sa ganitong klaseng apartment, Yeon Na. This is a fvcking terrible room. Ang init. Ang sikip-sikip. Ang dami kong napansin na ipis,” pagpapatul

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 010

    Yllana Subdivision...“Dito ka na lang, Mr. Vemeer,” pigil ko sa kanya. Akmang papasok na sana siya sa masikip na gate ng apartment, pero hinarang ko talaga ang katawan ko para hindi siya makatuloy.Napaayos naman siya ng tayo, bahagyang umangat ang kilay at napakunot ang noo, parang naguguluhan sa pagpigil ko.“Kailangan ba ng gate pass? O may entrance fee bago makapasok?” interesado niyang tanong.“Wala naman. Gabi na rin kasi. Malayo pa biyahe niyo,” palusot ko. Ayaw ko talaga siyang papasukin sa loob. Maigi niya akong tinitigan sa mga mata, kaya parang may namumuong ideya sa isipan niya.“You hiding someone inside?” usisa niya, tuluyan nang napaarko ang kilay.“Someone? Of course not. Tama naman ang sinabi ko. Malayo pa ang biyahe ninyo,” sagot ko, pilit na kalmado. Marahas siyang napabuga ng hangin.“I want to see your unit, Yeon Na,” mahinahong saad niya, sabay bahagyang silip sa loob. Napaatras ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyong masilip ang loob.“This place doesn’t

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 009

    Muling sumugod si Sire, kahit nakahandusay na si Nathan sa malamig na semento ay naisapan niyang daganan ito. Hindi man lang siya nag-atubili. Sunod-sunod niyang ginawaran ng mabibigat na suntok si Nathan sa mukha, tila ba gusto niyang durugin ang lalaki. Labis ang panggigigil niya, nanginginig ang mga kamay, nanlilisik ang mga mata, at bawat bigwas ay may kasamang puot na matagal nang kinimkim. Kung hindi ko siya agad aawatin, baka tuluyan na niyang mapatay si Nathan sa sobrang galit. “S-Sire, tama na!” saway ko sa kanya at agad ko siyang inawat, baka mapatay niya pa si Nathan. Nag-aapoy pa rin sa galit ang mga mata ni Sire habang nakataas ang isang kamao, handang dumapo sa pisngi ng lalaki. Samantalang ako naman ay nakahawak sa kamay niya para pigilan siya. Marahas siyang napabuga ng hangin, na parang sinusubukang pakalmahin ang sarili sa gitna ng bumubulusok na galit. Sandali siyang napatitig sa duguang mukha ni Nathan, saka dahan-dahang tumayo. Akala ko'y sisipain niya si Natha

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 008

    Papauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Napasilip ako sa suot kong relo. It’s already 6:35 pero hindi pa rin ako nakakasakay ng bus pauwi. Ang dami kasing pasahero, punuan ang bus, at kanina pa ako rito sa waiting station. Kanina pang alas-singko ang time-out ko, pero hanggang ngayon ay narito pa rin ako, nag-aantay na may dumaan na bus na may bakante pa. Hindi ko mapigilang mapatingala sa langit. Makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan pa yata. Sana hindi ako maabutan ng ulan. Marahan naman akong napalingon noong may naramdaman akong taong papalapit sa kinaroroonan ko. Si Nathan. Ang taong ayaw kong makasabay pag-uwi. “Hindi ka pa rin nakakasakay?” tanong niya. Medyo napa-distansiya ako mula sa kanya. Masyado naman yata siyang makadikit sa akin. Saglit siyang napangiti sa akin noong napansin niya ang paggalaw ko palayo. Nathan was my classmate. Kaklase ko siya noong college at isa rin sa mga manliligaw na binasted ko noon. Kaya nakakailang talaga, dahil simula noong bina

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 007

    Ilang beses ko na rin siyang pinaalalahanan, pero heto na naman kami.“You should button your shirt, at ayusin mo rin ang damit mo—masyadong lukot,” sabi ko habang nilapitan ko siya at tumayo sa harapan niya nang walang pag-aalinlangan. Baka kasi may biglang pumasok sa opisina niya at makita siyang ganito ang ayos. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong isyu tungkol sa amin.Pero hindi siya gumalaw. Sa halip, tamad siyang nakasandal sa swivel chair niya, hawak ang kalahating baso ng alak sa isang kamay. Inubos niya ang laman nito“Ang aga-aga, umiinom ka na ng alak,” pagpapatuloy ko habang sinisimulan kong i-button ang damit niya.“You don't need to button my shirt. I feel hot and sweaty,” saway niya sa akin kaya napahinto ako saglit.“Yeah, I know you're hot,” sabi ko naman, halos pabulong lang. Hindi niya napigilan ang mapatitig sa akin while I continued buttoning up his shirt.“You too. You're fvcking hot,” puri niya sa akin sa isang namamalat na boses bago siya napakagat sa kanyang pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status