Share

Chapter 018

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-07 01:09:12

Ramdam ko ang pagod pagkababa ko sa taxi dahil masakit ang balikat ko sa bigat ng maletang bitbit ko. Ang karton naman, na may lamang mga lumang gamit at ilang personal na bagay, ay ibinilin ko muna sa guard. Ipapakuha ko na lamang iyon mamaya sa tauhan ni Sire. Wala na akong lakas para buhatin pa iyon ngayon.

Tahimik kong binagtas ang distansiya patungong elevator. Bawat hakbang ko ay tila mabigat. Saglit akong natigilan nang may nahagip ang mata ko. Bahagyang napakunot ang noo ko nang may pamilyar na itsura akong nakita sa loob ng condominium. Isang lalaki, nakasuot ng maayos na polo at naka-slacks, may bitbit na maliit na kahon na tila may lamang electronics.

Sinundan ko siya ng tingin. Patungo siya sa kaliwang direksiyon, papunta sa kabilang wing ng gusali.

Naalala ko ang mukha ng lalaking iyon dahil siya ang bumili ng lahat ng appliances na ibinebenta ko. Pati ‘yung luma kong kotse, siya rin ang bumili. Hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya dahil kakaiba siya sa mga karan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 070

    **Yeon Na** One month ago... “Congratulations, Elise, dahil sa wakas ay buntis ka na,” bati sa akin ni Dr. Anna Montes, ang aking original na OB-GYNE. Napangiti ako, at halos maluha ang mga mata ko sa tuwa. Hindi ko mapigilang tumingin sa monitor ng ultrasound, kung saan malinaw na nakikita ang loob ng aking matres gamit ang transvaginal probe. Sa screen, may lumilitaw na maiitim na bilog, mga gestational sac na tanda ng pagbubuntis. “Nakikita mo itong isa? Ito siya, nasa kanan ng uterine cavity. Tapos itong dalawa naman, magkasama sila sa kabilang side,” paliwanag ni Dra. Anna habang itinuturo ang mga bilog gamit ang pointer ng ultrasound. Bigla namang nawala ang ngiti ko. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Isa? Dalawa? Anong ibig niyang sabihin? “W-what do you mean, Dra?” utal kong tanong. Ramdam kong nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako ng laway. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba, umaasa akong nagkamali lang siya ng salita o baka ako ang namali ng dinig. “Yes, Elise.

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 069

    **Third Person POV** “Henry, saan ka nakakuha ng ganitong halaga? Nang-holdap ka ba?” tanong ni Elaine nang makita ang dalawang bag na inilapag ni Henry sa mesa, puno ng salapi. Ipinakita ni Henry ang mga bag na iyon, walang alinlangan at tila ipinagmamayabang pa ang perang nakuha niya mula sa bearer cheque na pag-aari ni Anette Vemeer para kay Elise. Ninakaw niya ang tseke noong pumunta siya sa opisina ni Sire para mangutang, nang makita niya itong nakatago sa ilalim ng resignation letter ni Elise. Hindi na niya sinubukang alamin kung bakit may tseke roon; ang unang pumasok sa isip niya noon ay nakawin ito. Nalula si Henry sa laki ng halagang nakasaad sa tseke. Mabuti na lamang at bearer cheque iyon kaya madaling nakuha ang pera sa bangko, sa tulong ng kakilala niyang corrupt bank officer. Binayaran niya ito ng limang daang libo upang ilihim ang katotohanan na siya ang kumuha ng pera. “Hindi na importante kung saan ko nakuha ang perang iyan, Elaine. Basta, hindi ako nang-holdap.

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 068

    **Sire** “Bro, are you okay?” tanong sa akin ni Gabriel. Kanina pa kasi akong tulala sa kinauupuan ko. “You’ve been acting like that for the past two weeks,” dagdag pa niya bago sumimsim ng kape. Oo, two weeks na akong natulala dahil sa mga nangyare noon sa birthday celebration ni Conrado. Simula paglarga namin ng Santa Fe hanggang nakarating kami sa mansiyon, hindi ako umiimik; umabot pa ang pagiging wala kong imik hanggang ngayon. “I am fine, Gabriel,” ani ko sa isang mahinang boses. Napasilip naman siya sa mukha ko, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang alinlangan. “You’re not, Sire. I haven’t been able to talk to you properly since two week. Did something wrong happen?” Napatingin ako sa kanya bago naisandal ang likod sa sofa. “Nothing,” tugon ko, pero bakas talaga sa mga mata ko na hindi ako okay. Alam kong ramdam niya rin iyon. I am thinking about Yeon Na. Tuliro ako kakaisip sa kanya. Pakiramdam ko ay ayaw ng brain cells ko mag-function ng mabuti, dahilan para hindi na

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 067

    **Yeon Na** “Here,” ani Lora sa akin pagkabigay niya ng mamahaling maskara. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko habang inaabot iyon mula sa kanya. Nang sa wakas ay natanggap ko na, inilapag ko iyon sa kama kung saan ako nakaupo. “Thank you, Lora,” pasalamat ko sa kanya, pilit na ngumingiti kahit nahihilo pa ako. “You’re welcome, Señorita,” tugon niya habang nakangiti rin, pero ramdam kong may pag-aalala sa mga mata niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya na may halong pag-aalangan. Bahagya akong napahilot ng sentido, mariin kong pinisil ang pagitan ng mga mata ko para maibsan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko. “Nahihilo pa rin ako,” sagot ko sa mahinang boses. Muntik na nga akong tuluyang matumba kanina sa itaas ng stage, at kung hindi lang mabilis akong nasalo ni Gabriel, baka tuluyan na akong natumba. Masama na talaga ang pakiramdam ko kahit hindi pa man nagsisimula ang party. Pakiramdam ko’y parang umiikot ang paligid at unti-unting kumakawala ang lakas k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 066

    Hindi ko naiwasang tanggalin ang suot kong salamin at napapunas rito pati na rin sa mga mata ko dahil parang may napansin akong kakaiba kay Yeon Na. “Pasalamat ka pa nga at hindi ka pinasama ni Dad sa selda,” pagpapatuloy pa niya, medyo slang ang pagkakabitaw ng salita. Napakunot-noo na talaga ako. What happened? Is this some kind of acting or something? Dahil bigla na naman akong naguluhan sa bago kong nasaksihan. “Ikaw… ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, Elise! Huwag mong itago sa maskara na iyan ang pagkawalang-utang na loob mo sa magulang ko!” hiyaw ni Elaine. “Utang na loob?” tanong ni Yeon Na bago siya napangisi at pagak na natawa. “Anong utang na loob ang pinagsasabi mo, babae? Hindi nga kita kilala. Hindi ko rin kilala ang magulang mo,” dagdag pa niya. Bahagyang napaatras si Elaine. “Sinungaling ka, Elise! Huwag ka nang magkaila na hindi mo ako kilala! Na hindi mo kilala ang nagpalaki sa’yo!” muling hiyaw ni Elaine, hiyaw na masakit sa tainga. Hindi na nakapagp

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 065

    Kalabisan na pang-aabuso ang ginawa nila kay Yeon Na. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ang tindi ng pagkakasalaysay nila sa bawat detalye. Kahit inis na inis ako sa mga lumalabas sa kanilang bibig, hindi ko rin maiwasang na mapailing habang pinipigilan ang sarili na matawa. Masaya akong malaman na natamo ni Yeon Na ang katotohanan, lalo na tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Kung kanina’y inis at galit ang naramdaman ko para sa kanya, lalo na sa sinabi ng aking ina tungkol sa pagtanggap niya ng pera mula rito, ngayon ay napalitan iyon ng muling pagrespeto ko sa kanya. Kung tinanggap man ni Yeon Na ang pera, hindi dahil mukhang pera siya, kundi dahil nirerespeto niya ang pagka-trigger ng aking ina sa secret affair namin. Sa mga nalaman ko ngayon, mas lalo tuloy lumalim ang interes ko sa buhay ni Yeon Na. Naipatong ko ang baba ko sa tuhod, habang nakaupo sa malamig na semento, at pinipilit na pakinggan ang bawat pabulong na salita nila. Muling napanatag ang puso’t isipan k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status