Share

Chapter 017

Author: Anne Lars
last update Huling Na-update: 2025-08-06 22:43:27

“Henry, Elise wanted to kill our child,” sumbong ni Elaine sa kanya na parang batang napapaiyak, nanginginig ang boses habang nakakapit sa braso ni Henry. Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sa paghikbi, pero malinaw ang sinabi niyang mapanira at mapanumbat.

W-What?! What the fvck!

Napatitig ako sa kanila, naguguluhan, nagngingitngit.

Ang kapal naman ng mukha niya.

Wala akong balak na patayin ang anak nila. Siya ang sumugod dito sa apartment, dala-dala ang kayabangan niya, para lamang inisin ako.

Siya ang nag-umpisa ng gulo. Siya ang unang dumakma sa buhok ko at nagsimula ng sabunutan.

Tapos ngayon? Ako? Ako ang inaakusahan ngayon ng kung anu-ano, habang siya ay nagpapanggap na inosente at kaawa-awa sa harap ni Henry?

“We need to go to the hospital to save the baby, Elaine,” ani ni Henry, halatang takot na takot at balisa habang yakap-yakap ang nobya niyang nanginginig.

“Yeah, I want to go there to save the baby. Pero hindi mo ba ako ipaghihigante kay Elise? She
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 072

    **Sire** “Did you see your ex-secretary? How cheap, dahil sa flower shop na lang siya nagtatrabaho,” ani Catherine habang nasa biyahe na kami patungo sa memorial park. Nakiusap siya sa akin na samahan ko raw siyang dalawin ang kanyang lolo. Dahil sa the same memorial park lang naman nakalibing ang lolo niya at lola ko, sinamahan ko na lang siya. Habang nagda-drive ako, pasulyap-sulyap siya sa salamin as if checking kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Hindi ko talaga inaakala na makikita ko si Yeon Na sa flower shop na iyon. Gusto ko sana siyang kausapin kanina pero bigla na lang siyang nagtago, at isa pa, kasama ko rin si Catherine, kaya wala rin akong nagawa kundi ang tumunganga na lang sa tabi ng fianceé ko. “Can we not talk about her, Cathy?” request ko, matabang ang boses. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako, knowing na ilang minuto lang ang nakalipas, nagtagpo ulit ang mga mata namin ni Yeon Na. It’s been two months since nag-resign siya sa kompanya ko, at dala

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 071

    “Sigurado ka po ba talaga na dito ka magtatrabaho, ma'am?” tanong sa akin ni Ray habang maingat kong inaayos ang ilang tangkay ng tulips sa paso, at siya naman ay nag-aayos ng mga rosas sa gilid ng estante. Amoy na amoy ang halimuyak ng sariwang bulaklak sa buong flower shop na pagmamay-ari ni Tiya pero matagal nang minamanage ng parents ni Ray. “Yes. Nababagot kasi ako sa apartment dahil wala akong mapagkakaabalahan at hindi rin ako makahanap ng simpleng office work,” sagot ko sa kanya. Sire had me blacklisted from every office in the entire city, except for the Vemeer Company. Even the smallest firms had me on their blacklist. Talagang gusto niya—na kung magtatrabaho man ako ulit, sa kompanya niya ako bumalik. Pero syempre, ayaw ko nang bumalik doon. Mas pipiliin ko na lang magtrabaho kahit sa ganito kasimpleng shop kaysa muling pumasok sa mundo niya. “Pwede naman sa kompanya ng daddy mo ka na lang magtrabaho, doon sa bagong bukas na hardware store sa Sante Fe,” tugon ni Ray. Nap

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 070

    **Yeon Na** One month ago... “Congratulations, Elise, dahil sa wakas ay buntis ka na,” bati sa akin ni Dr. Anna Montes, ang aking original na OB-GYNE. Napangiti ako, at halos maluha ang mga mata ko sa tuwa. Hindi ko mapigilang tumingin sa monitor ng ultrasound, kung saan malinaw na nakikita ang loob ng aking matres gamit ang transvaginal probe. Sa screen, may lumilitaw na maiitim na bilog, mga gestational sac na tanda ng pagbubuntis. “Nakikita mo itong isa? Ito siya, nasa kanan ng uterine cavity. Tapos itong dalawa naman, magkasama sila sa kabilang side,” paliwanag ni Dra. Anna habang itinuturo ang mga bilog gamit ang pointer ng ultrasound. Bigla namang nawala ang ngiti ko. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Isa? Dalawa? Anong ibig niyang sabihin? “W-what do you mean, Dra?” utal kong tanong. Ramdam kong nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako ng laway. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba, umaasa akong nagkamali lang siya ng salita o baka ako ang namali ng dinig. “Yes, Elise.

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 069

    **Third Person POV** “Henry, saan ka nakakuha ng ganitong halaga? Nang-holdap ka ba?” tanong ni Elaine nang makita ang dalawang bag na inilapag ni Henry sa mesa, puno ng salapi. Ipinakita ni Henry ang mga bag na iyon, walang alinlangan at tila ipinagmamayabang pa ang perang nakuha niya mula sa bearer cheque na pag-aari ni Anette Vemeer para kay Elise. Ninakaw niya ang tseke noong pumunta siya sa opisina ni Sire para mangutang, nang makita niya itong nakatago sa ilalim ng resignation letter ni Elise. Hindi na niya sinubukang alamin kung bakit may tseke roon; ang unang pumasok sa isip niya noon ay nakawin ito. Nalula si Henry sa laki ng halagang nakasaad sa tseke. Mabuti na lamang at bearer cheque iyon kaya madaling nakuha ang pera sa bangko, sa tulong ng kakilala niyang corrupt bank officer. Binayaran niya ito ng limang daang libo upang ilihim ang katotohanan na siya ang kumuha ng pera. “Hindi na importante kung saan ko nakuha ang perang iyan, Elaine. Basta, hindi ako nang-holdap.

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 068

    **Sire** “Bro, are you okay?” tanong sa akin ni Gabriel. Kanina pa kasi akong tulala sa kinauupuan ko. “You’ve been acting like that for the past two weeks,” dagdag pa niya bago sumimsim ng kape. Oo, two weeks na akong natulala dahil sa mga nangyare noon sa birthday celebration ni Conrado. Simula paglarga namin ng Santa Fe hanggang nakarating kami sa mansiyon, hindi ako umiimik; umabot pa ang pagiging wala kong imik hanggang ngayon. “I am fine, Gabriel,” ani ko sa isang mahinang boses. Napasilip naman siya sa mukha ko, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang alinlangan. “You’re not, Sire. I haven’t been able to talk to you properly since two week. Did something wrong happen?” Napatingin ako sa kanya bago naisandal ang likod sa sofa. “Nothing,” tugon ko, pero bakas talaga sa mga mata ko na hindi ako okay. Alam kong ramdam niya rin iyon. I am thinking about Yeon Na. Tuliro ako kakaisip sa kanya. Pakiramdam ko ay ayaw ng brain cells ko mag-function ng mabuti, dahilan para hindi na

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 067

    **Yeon Na** “Here,” ani Lora sa akin pagkabigay niya ng mamahaling maskara. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko habang inaabot iyon mula sa kanya. Nang sa wakas ay natanggap ko na, inilapag ko iyon sa kama kung saan ako nakaupo. “Thank you, Lora,” pasalamat ko sa kanya, pilit na ngumingiti kahit nahihilo pa ako. “You’re welcome, Señorita,” tugon niya habang nakangiti rin, pero ramdam kong may pag-aalala sa mga mata niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya na may halong pag-aalangan. Bahagya akong napahilot ng sentido, mariin kong pinisil ang pagitan ng mga mata ko para maibsan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko. “Nahihilo pa rin ako,” sagot ko sa mahinang boses. Muntik na nga akong tuluyang matumba kanina sa itaas ng stage, at kung hindi lang mabilis akong nasalo ni Gabriel, baka tuluyan na akong natumba. Masama na talaga ang pakiramdam ko kahit hindi pa man nagsisimula ang party. Pakiramdam ko’y parang umiikot ang paligid at unti-unting kumakawala ang lakas k

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status