Share

Chapter 079

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-28 14:05:35

Mas lalo inilapit ni Catherine ang sarili sa akin, walang pagdadalawang-isip na niyakap ako, kaya hinayaan ko na lang siya, kahit ramdam ko ang sobrang desperasyon sa bawat higpit ng kanyang mga braso.

“Pagkatapos mailibing ang parents mo, magpakasal na tayo,” aniya. Naisipan ko naman siyang bahagyang ilayo sa akin.

“Hindi pwede,” agarang tanggi ko. Seryoso niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang hindi siya basta-basta uurong sa sinabi niya.

“Bakit hindi? May magagawa ka ba para tanggihan ako?” medyo nakaarko ang kanyang kilay sa sinabi niyang iyon, halatang puno ng kumpiyansa at panghahamon.

“Kamamatay lang ng parents ko, Catherine, tapos kasal ang nasa isip mo?” naiirita kong ani sa kanya habang mabilis akong tumayo mula sa kama. Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng ulo ko.

“Of course, ano pa ba ang dapat nating gawin pagkatapos ng libing nila?” saad niya, hindi alintana ang tono ko. Muli niya akong nilapitan, walang pakialam kung ayaw ko, at marahang hinaplos ang mu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 079

    Mas lalo inilapit ni Catherine ang sarili sa akin, walang pagdadalawang-isip na niyakap ako, kaya hinayaan ko na lang siya, kahit ramdam ko ang sobrang desperasyon sa bawat higpit ng kanyang mga braso. “Pagkatapos mailibing ang parents mo, magpakasal na tayo,” aniya. Naisipan ko naman siyang bahagyang ilayo sa akin. “Hindi pwede,” agarang tanggi ko. Seryoso niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang hindi siya basta-basta uurong sa sinabi niya. “Bakit hindi? May magagawa ka ba para tanggihan ako?” medyo nakaarko ang kanyang kilay sa sinabi niyang iyon, halatang puno ng kumpiyansa at panghahamon. “Kamamatay lang ng parents ko, Catherine, tapos kasal ang nasa isip mo?” naiirita kong ani sa kanya habang mabilis akong tumayo mula sa kama. Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng ulo ko. “Of course, ano pa ba ang dapat nating gawin pagkatapos ng libing nila?” saad niya, hindi alintana ang tono ko. Muli niya akong nilapitan, walang pakialam kung ayaw ko, at marahang hinaplos ang mu

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 078

    **Sire** “Aalis na po ako,” paalam ko sa dalawang matanda, halata ang pagmamadali ko. “Sigurado ka, hijo? Ayos ka na ba?!” pahabol ng babaeng matanda noong tumakbo na ako papunta sa nakaparada kong kotse. Ramdam ko ang pag-aalala nila, pero hindi ko na iyon inalintana. Kailangan kong umuwi sa mansiyon para siguraduhin kung totoo ba ang sinabi ni Sunshine. Hindi ako mapalagay. Hindi ako nag-alinlangan na mag-drive nang mabilis. Hindi ko na inisip ang kapahamakan ng ginagawa ko at ang tanging nasa isip ko lang ay ang makarating. Habang tumatakbo ang kotse sa kalsada, nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela. Everything was going smoothly, until I reached the main crossing, biglang umalingawngaw ang malakas na busina mula sa isang kotse. Parang bumulaga sa akin ang tunog na iyon kaya daglian kong minaniobra ang manibela noong mapansin kong mabilis din ang pagpapatakbo niya. Halos sumadsad sa gilid ang kotse ko. Natulala ako, halos mawalan ng

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 077

    “Fake?” muli siyang natawa ng malakas. “Sige, i-deny mo lang iyang pagka-gold digger mo. Siguro gusto mo pang madagdagan—kaya magkano ang gusto mo? Another ten million? I can pay you that much if it means you’ll finally stay away from my fiancé,” litanya niya. Humigpit ang hawak ko sa mga dokumento, halos malukot na iyon sa sobrang pagkakakuyom ko. Ramdam ko ang init ng palad kong nanginginig sa galit. Napatayo ako at muling sinalubong ng buong tapang ang kanyang mga tingin. “The money you offered is just too little,” sagot ko sa mahinahong boses. “See? Ganoon lang kaliit sa’yo dahil gusto mong magpadagdag—” “Kahit 500 million pa ang i-offer mo sa akin, it’s just a small portion of the inheritance I’m going to receive,” putol ko sa kanya. Mas lumakas pa ang tawa niya, bakas ang pangungutya ng kanyang paghalakhak. Akala niya siguro ay nagbibiro lang ako. “Kahit kumpanya ng pamilya mo ay kaya kong bilhin kung nanaisin ko,” dagdag ko pa, diretso ang titig ko sa kanya. Napapahid nam

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 076

    **Yeon Na** “We should go back,” ani ko kay Ray habang mahigpit ang kapit ko sa strap ng isang bag. Biyaheng na kami patungong Santa Fe. Napagdesisyunan kong sumama kay Dad papuntang America, pero habang tumatagal, parang gusto ko nang umatras. May kung anong kaba sa dibdib ko na hindi ko mapaliwanag. “Nasa kalagitnaan na tayo, Elise,” ani Ray habang nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. Napapikit ako at napatakip ng mga mata, pilit itinatago ang nanginginig kong kamay. “He would hate me—I’m pretty sure. For the second time, I have abandoned him, left him clinging to the hope that I would choose to stay by his side,” saad ko, halos maputol ang boses sa bigat ng emosyon ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat segundo, para bang bawat tibok ng puso ko ay nagsisilbing paalala kung gaano siya masasaktan kapag nalaman niyang wala na ako sa tabi niya. Nilulukob ako ng labis na konsensya sa naging desisyon ko, at hindi ko maalis ang pag-aagaw ng puso’t isip ko kung alin ang susundin ko. Ang i

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 075

    **Sire** Nagising ako dahil sa ingay ng clip fan. Lintek naman itong apartment na pinili ni Yeon Na, ang liit-liit na nga ng espasyo tapos sira pa ang aircon. Kahit antok na antok pa ako, napilitan akong bumaba ng kama, papikit-pikit pa ang mga mata ko at inis na in-unplug ang clip fan. Bumalik ako sa kama, hinila ang kumot pero natigilan ako noong paghila ko, wala na si Yeon Na. Malakas kong hinila iyon at napansin ko na unan na lang pala ang katabi ko sa kama. “What the fvck!” mura ko bago naisipang lumabas ng kwarto. “Yeon Na?!” tawag ko sa pangalan niya. Mabilis akong sumilip sa kusina, sa banyo, sa labas ng unit pero wala siya. Napasabunot na lang ako bigla sa magulo kong buhok nang sumagi sa isipan kong iniwan niya na naman ako nang walang paalam. Ang hirap niyang basahin, parang laging may tinatakasan, laging may lihim na hindi niya kayang sabihin. Mabilis kong pinulot ang damit kong nakakalat sa sahig, nagmamadali akong isuot iyon. Sa pagmamadali kong makaalis sa a

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 074

    Kahit anong pagpupumiglas ko, mas lalo lamang niyang ipinagduldulan ang kanyang sarili sa akin. At nang binitawan niya ang aking mga labi, mabilis niyang hinablot ang aking damit at inis iyong pinunit. Sa lakas ng kanyang braso, nagawa niyang sirain ang dress ko na walang kahirap-hirap. Underwear ko na lang ang natira sa akin noong muli niya akong hinila palapit sa kanya. At kung kanina ay nanlalaban pa ako, ngayon ay walang alinlangang tumutugon na ako sa kanyang mapusok at mainit na mga halik. Bahagya siyang yumuko at inalsa ako nang walang kahirap-hirap. Napaupo siya sa malambot na leather na sofa, at nasa ibabaw niya ako, ang mga tuhod ko’y nakadantay sa magkabilang gilid ng kanyang bewang. Muli kaming nagpatuloy sa halikan, ang kanyang dila’y mapaglarong sumasayaw sa loob ng bibig ko, habang ang kanyang mga kamay ay walang pag-aalinlangang gumagala mula sa aking likod patungo sa aking mga hita. Napabitaw ako sa mga labi niya, tinulungan siyang hubarin ang suot niyang damit.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status