Share

Her Boss Twin Babies
Her Boss Twin Babies
Penulis: Ms. RED

Chapter One

Penulis: Ms. RED
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-17 15:58:27

[Laura Daza Caasi]

Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong, mula sa pamamalimos sa lansangan at pagiging tindera ng basahan sa recto ay naging secretary ako ng isa sa pinaka-malaking kumpanya dito sa Pilipinas?

Naulila ako ng mga magulang ko, limang taong gulang pa lamang ako ng mapunta ako sa bahay ampunan, dahil wala rin naman kaming ibang kamag-anak na maaring kumupkup saakin.

Sa ampunan, mga madre ang nakakasama namin. Para saakin ay hindi masaya sa bahay ampunan. Pero wala akong magagawa kailanagan kong makisama at magtiis para mabuhay lalo pa ngayon at mag-isa nalang ako. Ang mahalaga ay sa lugar na ito ay may pagkakataon akong makapag-aral ngunit pagtungtung ko ng ika-labing anim na baitang ay nasunog ang bahay ampunan.

Naging palaboy ako sa lansangan, namamalimos. Pero natuto akong dumiskarte, yung mga limos na baryang binigay ng mga tao saakin ay siyang inipon ko ng paunti-unti.  Nang sa wakas ay makaipon na ako ng sapat, ibinili ko yun ng maraming basahan na bilog at inilako sa mga driver ng jeep. Sa una ay mahirap dahil maraming naging ka-kumpetensiya, marami akong nakaaway na pareho ko ring nagtitinda pero hindi ako nagpatalo at pinapatuloy parin ang trabaho. Disidido akong matakasana ang buhay na to, gagawin ko ang lahat upang hindi dito magpatuloy ang buhay ko.

Sa pagdaan ng maraming araw at buan ay nagpatuloy ang pag-ganda ng aking kinikita na nagawa ko naring makapag-puhunan ng malaki upang makabili ng maraming basahan at ipalako iyon sa ibang mga bata sa lansangan.

Sa ilalim ako ng hagdan ng malaking overpass nagtayo ng barong-barong. Doon napansin kong maraming dumadaan ng tao, kaya naisip kong maglagay ng maliit na lamesa at magtinda ng candy at tubig na mineral. 

Hindi ko na rin kailangan magtinda ng basahan dahil ipinapatinda ko nalang ito sa ibang bata. Piso dalawa ang puhunan sa isang basahan, pwedeng mabenta ng dalawang piso at singkwenta sentimos, limang piso ang dalawa, sa isang basahang mabebenta nila ay may piso at singkwenta sentimos ako at sakanila ang piso. 

Iisipin niyo siguro na ang liit sentimo. Hindi, narinig ko kasi sa isang chinese ang kasabihang quantity over quality. Marami akong nakilalang negosyante dahil sa lugar na to ay talamak ang pagnenegosyo ng mga dayuhang intsik. Marami akong natutunan sakanila dahil minsan ay iba ang kanilang daldal kapag negosyo na ang pina-uusapan nila ng kanilang customer na nangyari namang naririnig ko dahil sa pagtambay ko sa gilid ng kanilang mga tindahan.

Nanatili ako sa barong-barong ko at nagtinda ng candy at sigarilyo. Nung kumikita na ko ng higit sa dalawang daan kada araw, naisipan kong mag-aral. 

Ang ginawa ko, bago ako pumasok sa umaga ipapamahagi ko muna sa mga bata ang basahang ilalako nila. Tapos sa uwian ng tanghali, magbebenta ako ng candy at sigarilyo. Paulit-ulit lang na ganon, pinapaikot ko lang yung maliit na pera ko.

Umabot ako ng huling taon sa Highschool, natuwa pa nga ko dahil naging cumlaude pa ko. Hindi rin ako nahirapan nung may babayaran na para sa graduation dahil unang year palang pinag-ipunan ko na. Ang saya-saya ko nung araw na yun. 

Akala ko tuloy-tuloy na. Akala ko aayon na saakin ang panahon at pagkakataon hanggang sa hindi inaasahang panguayari ang naganap, ipinalinis ang Maynila, inalis ang mga nagtitinda na nakaharang sa daan. Kasama doon ang maliit kong tindahan ng candy, lahat ng basahang itinitinda ko nabasa gawa ng malakas na tubig na ginamit nila para malinis ang kalsada. 

Walang natira sa pinaghirapan ko. Halos manlambot ang tuhod ko sa sobrang panghihinayang at pagkadismaya. Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. 

Bitbit ang ilang pirasong damit at diploma ko. Naglakad-lakad ako sa tirik na raw ay dama ko na ang pagkalam ng sikmura ko at ngalay kong mga braso. Hanggang sa may babaeng lumapit saakin. Tatakbo na nga sana ako dahil nasanay akong kapag may lumalapit sakin ng ganoon, kadalasan niyayaya akong pumasok sa isang club. 

Pero mali ako, mabait siya. Inalok niya ko ng training daw. Call Center Training, Sabi ko non.. Highschool graduate lang po ako. 

Pero sabi niya okay lang daw, tumatanggap sila ng highschool grad, natuwa pa nga siya nung nalaman niyang cumlaude ako. Malaki daw ang pag-asa kong makapasok sa BPO company. 

Sumama ako kay Ate Hasmin, Nagpakilala kasi siya non sakin nung napansin niyang duda parin ako. Ipinakita niya yung ID niya, Siya si Hasmin Enriquez Istudyante siya sa University Of Manila, Ojt niya lang daw yung pagre-recruit ng magte-training. 

Nung nakarating kami sa building sa Ermita kung saan yung Training Center, natuwa ako agad. Mababait silang lahat, yung mga nag-aasikaso saamin mga istudyante ng mga sikat na University sa Manila. Nainggit nga ko dahil pangarap ko ring makapag-kolehiyo. 

Unang araw ng training, madali lang. Katulad sa klase sa school introduce your self lang.

Nasundan ng pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglima. Huling araw, nakatanggap kami ng certificate patunay na dumaan kami sa Call center training. 

May mga sikat na BPO Company ang pumunta sa building kung saan kami nagte-training. Iinterviewhin daw kami, kung sino ang makapasa tanggap na sa trabaho sakanila. 

Syempre nung time ko na, ginalingan ko. Lahat ng natutunan ko ginamit ko, pero fail. 

Nag-try ako sa isa pang BPO Company na nandon rin sa lugar, natanggap ako.

Naalala ko pa, Umiyak ako non. Hinanap ko si Ate Hasmin at niyakap siya, paulit-ulit na nagpasalamat sakanya dahil bukod sa siya ang nagdala saakin dito, pinatuloy niya rin ako sa bahay nila. 

Isang buwan akong nakitira kila Ate Hasmin, wala namang problema sakanila dahil mababait sila. Pero tatlong buwan lang ay nakahanap nako ng maliit na apartment. Bago ako umalis sakanila gusto ko sanang bayaran yung tatlong buwan, pero ayaw nilang tanggapin, basta daw dumalaw nalang ako paminsan -minsan. 

Hindi ko inasahang malaki ang sweldo sa isang Bpo Company. Sa Sales ako na destino kaya unlimited ang kita ko basta galingan kong magbenta. Sa sobrang sanay ko magbenta, maikling panahon lang na-promote ako.

Makalipas ang dalawang taong pakikipagsapalaran ko sa Industriyang iyon ay sa wakas nagkaroon na ako ng sapat na ipon upang makapag-kolehiyo. 

Kumuha ako ng Night Shift sa trabaho at nag-enroll sa PUP, Business Course ang kinuha ko.

Laging puyat at kung minsan nagkakasakit na ko, pero sa tulong ng proper diet at vitamins kinaya!

Habang nag-aaral ako sa umaga hanggang tangahlali, nagdi-deliver ako ng mga damit, make-up at kung ano-ano pa na binibenta ko sa online. Tapos pagsapit ng gabi hanggang madaling araw, CallCenter Agent ako.

Naging ganon ang takbo ng buhay ko hanggang sa makatapos ako ng Koleheyo.

Na-achieve ko na ang goal ko sa pag-aaral. Maganda ang trabaho ko sa CallCenter at Maganda ang takbo ng Online Sales ko. Malaki narin ang ipon ko.

Dalawang taon pagkatapos kong maka-graduate, nanatili ako sa BPO Industry at pinagpatuloy ang Online Selling ko na lumago na dahil sa mga resellers ko. Lumaki ng lumaki ang kinikita ko, kaya nakapag-pundar ako ng Sarili kong tirahan.

Buong magdamag akong umiyak nung matanggap ko yung susi ng Condo ko. Sinong hindi maiiyak? Dati nasa ilalim lang ako ng hagdan sa lansangan nakatira, tapos ngayon Condo na. Nakabili narin ako ng isang sasakyan, kalat na ang savings ko sa bangko. Nakapag-patayo nako ng tatlong negosyo, at palaki ng palaki ang Online Business ko.

Limang taon akong kita ng kita ng pera. Hanggang sa isang gabi, natulala nalang ako sa sobrang pagod.

Naisip ko.

Para saan lahat ng pinaghihirapan ko? Malaki ang perang kinikita ko, May malaki akong tinutuluyan, Sasakyan at Negosyo... Pero bakit parang hindi naman masaya? Bakit wala akong kasama?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
maganda at saka exciting
goodnovel comment avatar
Adora Miano
Ang sipag naman ng bida ,,,napa wow Ang kwento talaga
goodnovel comment avatar
Patrass Servillon
cumlaude eh high school ka pa lng po..valedictorian siguro..aww cumlaude ist horable mention pala
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Five

    [ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Four

    "She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Three

    [ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Two

    "Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy One

    "Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy

    [ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status