Isang araw na-realize ko na hindi ko na kailangan magpalago ng ari-arian. Hindi ko naman madadala sa hukay ang mga iyon, wala rin akong mapag-iiwanan kung sakaling mamatay ako. Mag-isa lang ako sa buhay, ni Kaibigan nga ay wala ako.
Si Ate Hasmin nasa Ibang bansa na nakatira kasama ang buong pamilya niya.
Nung gabing yun damang-dama ko ang pagiging mag-isa.
Binenta ko ang negosyo ko. Hininto ko ang Online Selling at Nag-resign ako sa pagiging CallCenter Agent.
Sa isip ko non, sapat ang perang naipon ko hanggang sa mamatay ako.
Isang linggo akong nakahilata sa Condo. Kain, Tulog lang. Nagkasakit ako, hindi ko kayang walang ginagawa. Hindi ako sanay na walang trabaho.
Kaya nag-apply ako, cashier sa coffee shop. Pinili ko talaga don kasi chill lang, nakaka-relax, mahilig din kasi ako magbasa ng libro. Kaya tumagal ako don ng Isang taon, nagkaron ako ng mga kaibigan. Sila Rosei, Anica at Enterina, suki sila sa coffee shop na to. Magkakaibigan na talaga silang tatlo, napasali lang ako.
Si Anica may Asawa na siya, kaibigan ko na rin ang asawa niya si Deon. Si Rosei naman may Anak siya dalawa pero hiwalay siya sa Asawa. Si Enterina naman masaya sa buhay niya kasama ang pamilya at anak niyang lalaki.
Kaya napagka-tuwaan nila ang pagiging, single ko sa ganitong edad. 27 turning 28. NBSB parin ako, tsaka alam naman nila kung anong pinagdaanan ko.
Kaya nagpasya akong wag ng maghanap ng Partner. Okay nga yun dahil tahimik ang buhay ko- not until, may isang aroganteng damuho ang nagwala sa Shop, dahil iniwan siya ng Girlfriend niya. At sapilitan akong alukin ng trabaho bilang secretary niya.
Bakit ako nagpapilit? Nagbanta ba naman na tatanggalan ng trabaho ang asawa ni Anica, na nagkataon naman na nagtatrabaho sa kumpanya niya! At eto pa, ipapasara niya daw tong Coffee shop. Abnormal talaga.
Ayan ang Kuwento kaya ako nandito. Kaya ako naging Secretary ng Boss kong Brokenhearted na ata for life.
"Ms.Caasi !" Eto nanaman siya. Maya't-maya ang tawag sakin.
Hinagis ko yung pen ko at padabog na pumasok sa opisina niya.
And there, nakaupo si Eugene Clark Ibanyez. Ang pogi nga pero abnormal kong boss.
"Ano nanaman yun Uge?" Naasar niya akong tiningnan. Wala akong Sir o Po manlang, bakit pa? Sapilitan ang pag-hired sakin dito. Kaya wala siyang pake.
"Alam mo ikaw? Wala kang galang." Lumapit siya sakin at tinuro-turo ako. Ngumiti ako sakanya at lumapit konti sabay...
"A-Aray! Bakit mo ko kinagat?" Hindi ko siya pinansin at pinuntahan ang Pizza na nakalagay sa lamesa.
"Wow Pepperoni!" Kumuha ako ng isa at sinubo yun. Ang sarap talaga~ nag-thumbs up ako kay Uge, dahil pinalagyan niya ng extra Cheese.
"Pahinge." Umupo siya sa sofa katabi ko. Kumuha ako ng pangalawang slice at agad yung nilamon. Sarap talaga
"Sabi ko pahinge!"
"Edi kumuha ka."
"Ayoko. Subuan mo ko." binaba ko yung pizza, kapag ganito na siya nawawalan talaga ako ng pasensya.
"Alam mo, hindi kita maintindihan na talaga. Minsan ang sungit-sungit mo na parang lahat ng masasalubong mo, sasapakin mo." dinuro-duro ko siya na hinampas niya lang.
"Minsan naman para kang kung sinong broken hearted, kung makapag-Emo ka wagas-- hmmp" dumampot ako ng unan at hinampas siya. Ipasak ba naman sa bibig ko yung pagkain. Nilunok ko muna yun at uminom ng softdrinks.
"Alam mo badtrip ka talaga! Pasalamat ka Po--" Opps. Muntik na. Ngumisi siya sakin at mayabang na sinubo yung pizza.
"Pogi? So napo-Pogian ka pala sakin?" See. Buti hindi ko naituloy. Lalaki nanaman ulo niya na malaki na at bilugan pa.
"Ang ibig kong sabihin, Pasalamat ka..." natatawa ako. Hahaha laptrip tong naisip ko.
"Pasalamat ako, kase?.." Abang na abang ka ah.
"Kase..." Kumunot yung noo niya. Wag kang tatawa Laura.. Hahaha.
"Kase? What?" tumayo ako at naglakad papunta ng pintuan.
"Kase... " mabilis ang kilos ko at lumabas. Pero bago ko nasara yung pinto narinig ko na yung sigaw niya.
"Hahaha ano ka ngayon?" tatawa-tawa akong bumalik sa desk ko.
Ang sarap talaga asarin ng isang yun. Namumula yung pisngi niyang lobo at ang puti-puti. Mukha siyang poging siopao.
May naalala tuloy ako, Haha. Yung araw na lasing siyang nagwala sa coffee shop.
Tawa ako ng tawa sa kwento ni Anica kung paano niya napikot yung asawa niya. Para siyang baliw, matagal na pala niyang Crush yung si Deon. Para mapansin siya, nilasing niya.
"Pero sa huli natanggap naman niya. Na-fall din siya sa alindog ko." Binato ko siya ng nilamukot na papel.
"Wala kang alindog beh, bilbil meron." Asar ko na tinawanan nila Rosei at Enterina.
"Kapag ikaw nag-asawa at nagkaanak Laura. Magkakaron karin ng fats noh!." pinisil ko yung pisngi niya, ang cute kapag naasar dahil ss konting bilbil niya.
Sexy naman kasi siya, to think na may anak na siya. Sila Enterina at Rosei din sexy. Pero mas sexy ako, haha.
"Kape! Bigyan niyo ko ng Kape! Wala ng magtitimpla ng Kape ko! Bigyan niyo ko ng Kape!" lahat kami napatingin sa pinto ng shop.
Agad akong napatayo at napalapit sa lalaking, lasing ata. Agad ko siyang inalalayan patayo.
"Sir? Lasing po ba kayo?" ay bobo ko naman. Malamang lasing yan. Dinala ko siya sa gilid, aalis sana ako para kumuha ng kape para sakanya. Kaso..
"Wag! Wag ka umalis.. Wag mo ko iwan. Sige na, break na tayo. Basta wag ka umalis, stay being my secretary... Please Minzie, don't leave me." umupo ako ulit at pinakalma siya.
Nakita kong palapit sila Rea sa pwesto namin. Inabot niya sakin ang kape at pilit kong pinainom sakanya, para mahimasmasan.
"Gwapo teh, mukhang mayaman pa." sabi ni Anica na sinisipat na ang lasing.
"Kaya nga eh, tingnan mo yung pilikmat niya. Bongga sa pagkahaba, parang manika." itinulak ko yung mukha ni Rosei palayo sa mukha nung lalaki.
"Brokenhearted si Koya." sabi ni Enterina. Oo nga brokenhearted to.
Maya-maya lang nahimasmasan na siya, kaso wala na si Enterina at Rosei. Sinundo ang nga anak nila na nasa kinder na.
"Fvck. My head." inabutan ko siya ng tubig.
Nung mapatingin ako kay Anica inirapan ko siya. Bigyan ba naman ng malisya.
"Ayos kana pogi? Ako nga pala si Anica Montimor." pakilala ni Anica at inabot ang kamay sa lalaki.
"Eugene Clark Ibanyez, nice to meet you." Ewan pero biglang napag O yung bibig ni Anica.
Napaingot ako nung hampasin niya yung braso ko ng paulit-ulit.
"Aray ko Nics' ano ba!"
"Laura' si Mr.Ibanyez, ang sikat na Business Tycon pagdating sa Shipping." napa-Ahh lang ako. Wala naman ako pake eh.
Tatayo na sana ako nung magsalita siya.
"H-Hey.. Thank you. Anong pangalan mo?" nakatayo narin siya at nakatingin sakin.
Tiningnan ko siya at ngumiti.
"Laura Daza Caasi, your welcome." aalis na ulit sana ako, kaso ulit..
"T-teka lang naman." napapikit na ko. Kanina pa ko nito pinipigilang umalis.
"Be My Secretary." walang gatol na alok niya. Tiningnan ko siya na para bang, nababaliw na ba siya look.
"No, thank you. I have a work here. Please excuse me."
"Wait!"
"Ano ba? Kanina mo pa ko pinipigilang umalis eh." iritang sabi ko sakanya.
Lumapit siya sa pwesto ko na siya namang layo ko. Ginagawa niya?
"Please.. Or else"
"Or else what?" dapat pala hindi ko na to tinulungan kanina eh. Mataray akong nakatitig sakanya.
"Or else I will fire Your friend husband." nanlaki yung mata ni Anica na tumingin sakin. Napansin niya atang nag-panic ako kaya napangisi siya.
"Bakit ba? Lakas naman ng tama mo! Alam kong maganda ako, pero wag naman ganyan." Umakto siyang walang pakialam at kinausap si Anica at humingi ng pasensiya kung matatanggal si Deon sa trabaho.
"Ayos lang po Sir, kung ayaw po ni Laura wala naman po akong magagawa. Siguro lilipat nalang kami sa malayong probinsiya at magtatanim doon ng gulay." umiysk si Anica na halata namang peke!
Pinagkakaisahan nila ako.
"Nasaan ang Owner nitong coffee shop?" nataranta ako nung maglakad siya papuntang counter.
"Oo na!" sinamaan ko ng tingin si Anica nung bigla siyang pumalakpak.
"Good. Start kana bukas." Pagkaalis niya, biglang may nagtext saakin kung anong oras ako dapat pumasok ay kung saan.
[ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a
"She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u
[ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I
"Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"
"Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan
[ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang.