Nang magising si Eva, napagtanto niya na nasa isang abandonadong pabrika siya. Ang mga kamay at paa ay nakatali, habang ang bibig niya ay natatakpan ng tape.May dalawang kalalakihan ang nakaupo hindi kalayuan sa kanya at parehas itong balot na balot simula ulo hanggang paa kaya hindi makita ng dalaga ang mga itsura nito. Tsaka lamang naintindihan ni Eva na nakidnapped na siya.Sa isip-isip ni Eva, 'Kailangan ko manatiling kalmado at humanap ng paraan para makatawag ng pulis.'Sakto naman, nakita niya ang isa sa mga kidnapper na kinuha ang telepono niya at may pinindot doon.Sumikip bigla ang dibdib ni Eva. Isang tunog ng mahinang 'hindi' ang lumabas sa bibig ng dalaga.Natatakot siya na tatawagan ng mga kumidnap sa kanya ang ama niya at kung mabalitaan nito ang pagkidnap sa kanya, ang puso nito, na kaunti palamang ang ginagaling ay paniguradong hindi kakayanin pag narinig ang balita.Nang sinubukan niyang kumawala para makatakas, narinig niya ang mababa at malalim na boses ni Lyxus
Kumunot ang noo ni Eva sa nadinig."Kung sino man ang nobya niya, wala na akong kinalaman dun. Matagal na kaming hiwalay.""Ipapadala ko sayo yung video para makita mo pero ipapaalala ko lang ah, hindi ka pwede magpauto ulit sa kanya."Nang matanggap ni Eva ang video, kaagad niya yon pinanood.Si Lyxus na nakasuot ng itim na suit ay nakaupo sa upuan nito mismo sa opisina habang iniinterview at ang unang bahagi ng interview ay tungkol sa economic development. Nang malapit nang matapos ang interview ay tsaka na nag-iba ng topic ang host."Marami pong tao ang nag-aalala sa ulo niyo po Mr. Villanueva, maaari po ba kayo magkwento kung anong nangyari dyan?""Ginalit ko ang nobya ko, kaya ayon, nahampas niya ako ng malakas." Kalmadong nakatingin si Lyxus sa camera"Mr. Villanueva, maaari po bang bigyan niyo po kami ng clue kung sino ang tinutukoy niyo?" Masayang tanong kaagad ng hostMay liwanag sa mga mata ng binata at napangiti ito ng mahina."Hindi ko pa siya nababawi ulit, kaya hindi ko
Napatigil ang daliri ni Eva sa pagpindot ng end button at nakaramdam siya ng sakit sa mga oras na yon.Sa isip-isip ni Eva, 'Kung sana sinabi mo yan bago tayo naghiwalay, baka umiyak ako sa tuwa.'Bumalik sa isipan ni Eva ang mga araw na mahal na mahal pa niya ang binata at tanging ito lang ang gusto niyang makasama, wala nang iba. Siya pa mismo ang nagkusa na magpropose dito para lang makalimutan ni Lyxus ang takot niya sa kasal, na kahit ang singsing na pinasadya ni Eva ay siya mismo ang magdesenyo.Subalit hindi niya inaasahan na lahat ng pagsisikap niya ay susuklian lang ni Lyxus ng salitang, 'Isang laro lamang ito sa pagitan natin na tanging katawan lang ang kasali at hindi ang puso.'Hinding-hindi niya rin makakalimutan ang audio recording na ipinarinig sa korte at ang pagkakasabi ni Lyxus na isa lamang siyang canary na laruan nito. Pakiramdam niya, ang kahalagahan niya bilang babae at ang pagmamahal niya ay walang awang tinapak-tapakan lang ng binata."Mr. Villanueva, kailangan
Alas nuebe ng umaga sa opisina ng kompanya ng mga Villanueva.Nakahanda na lahat ng ilaw at mga camera pati ang mga host na magtatanong."Mr. Villanueva, gusto mo ba magsuot ng sumbrero at magpalagay ng makeup? Mas magiging maganda iyon sa harap ng camera." Tanong ng hostNang marinig ito, malamig na tinignan ni Lyxus ang nagtanong."Sa tingin mo, pangit ako?""Hindi naman po, ikaw na nga ang pinakagwapo sa lungsod natin pero yung gauze po na nasa ulo niyo, medyo agaw eksena po. Ang alam ko po kase, ang tema natin ay tungkol sa ekonomiya matapos ang pandemya at sa itsura niyo po, mukhang kakaligtas niyo palang po mula sa isang sakuna." Pinagpawisan ang host ng malamig"Pinilit akong magtrabaho para sa financial recovery ng kompanya namin, na naging dahilan para mawalan ako ng oras sa nobya ko, kaya eto nahampas niya ako. May problema ba don?"Ang lahat ng tauhan na nandoon ay nagulat na para bang nakadinig ng isang pasabog na balita.Sa isip-isip ng mga tao doon, 'May nobya ang CEO n
Kaagad na nakuha ni Eva kung ano ang ibig sabihin ni Lyxus na libangin siya."Ano bang binabalak mo, Lyxus? Bitawan mo nga ako!" Hinampas niya ng malakas ang binata sa dibdibAng mabilis na paghinga ni Lyxus ay mas lalo pang bumilis habang nakayakap siyang muli kay Eva at naaamoy niya ang pabango ng dalaga. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Binalewala niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kamay niya na natatamaan ni Eva at yumuko para angkinin ang labi ng dalaga.Nang magdidikit na ang labi ng dalawa, nakaramdam ng matinding hiya si Eva nang maisip niya ang malinaw na pagkakasabi ng binata sa kanya na ayaw na nito sa kanya at hindi nito kailanman minahal siya.Sa isip-isip ni Eva, "Bakit ba kapit na kapit ka padin sakin?"Gusto ni Eva na umiwas at sa sobrang desperasyon na makawala, kinuha niya ang baso na nasa tabi ng hospital bed at ipinukpok iyon sa ulo ng binata.Si Eva na kasing lambot ng kuting ay napalakas ang hampas sa ulo ni Lyxus ni Lyxus, dahilan para may lumabas na
Sabay na napatingin si Eva at ang ama niya kay Lyxus na uminom ng tsaa habang may maliit na ngiti sa labi.Sa isip-isip ni Eva, 'Talagang nagawa mo pang uminom ng tsaa ah'May makikitang sinseridad sa mata ni Lyxus, subalit, binura ni Eva ang litrato at tumingin sa ama habang nakangiti."Dad, sa tingin ko itong judge may itsura. Kung magiging kami, lagi kaming may mapag-uusapan na kasama rin sa field namin. Ikaw na po mag-arrange ng blind date.""Sige, tatawagan kita pagtapos ng hapunan at nakauwi ka na. Kilala mo tong lalake na to nung bata pa siya at ikaw lang ang nagustuhan niya." Masayang ngumiti ang ama ni Eva, tsaka magalang na tumingin kay Lyxus"Lyxus iho, naiintindihan ko ang gusto mong iparating pero ilang beses ka na rin pumalya at ayoko na makita ulit ang anak ko na nasasaktan. Mas maigi pa na kung magiging masaya nalang kayo para sa isa't isa.""Tito Ivan, a..."Gusto pa sana magsalita ni Lyxus pero napahinto siya nang magsalita ang ama ni Eva."Bilisan na natin maghapuna