Mag-log in"Bakit gusto mo akong makausap?" tanong ko kay Ares. Ewan ko ba pero bakit parang naninibago ako sa paraan ng mga titig nito. Bakit abut-abot ang kaba ng aking puso? Mukhang hindi na yata normal ang nararamdaman ko.Sumilay ang kakaibang kislap sa mga mata ni Ares. Ako na tila kinikiliti ang puso nang masilayan ang mukha ng lalaking nasa aking harapan. Kakaiba ang awra nito ngayon. Para bang isang binata na umaakyat ng ligaw para sa babaeng tanging sinisinta. Ligaw? At saan ko naman napulot ang ideya ang salitang ligaw? Okay lang ba talaga ako? Ewan ko ba pero bakit hindi mapakali itong puso ko na tila kaylakas kumabog sa tuwing tinitingnan ako ni Ares? Dahil ba sign na ito na totoong naniniwala sa mga sinasabi ko?"I just want to invite you a dinner mamaya kung okay lang sa'yo?"Nagulat ako at infairness ramdam ko ang tila kakaibang feeling na para bang kinikilig ako na tila naglipana sa tiyan ko ang libu-libong paru-paro sa kakaibang kiliti. Sigurado bang hindi ako nananaginip lang
"Are you sure na naniwala sa'yo si Ares at hindi ka niloloko ng lalaking 'yon?" gulat na tanong ni Micah sa akin.Sandali akong natigilan sa sinabi ni Micah. Pagdakay binalikan ang naging reaksyon ni Ares no'ng isang gabi. "Seryosong nakipag-usap sa akin si Ares at sigurado akong naniniwala siya sa akin sa mga oras na iyon, Micah.""Hindi tayo sigurado kung talagang naniniwala siya sa'yo. Baka naririndi na siya kaya sinabayan niya nalang ang mga trip mo."Nahagip ng aking tingin ang isang anino na tila ba parang may nakikinig sa amin ni Micah. "Totoo ang sinasabi ko at sana maniwala sa'kin si Ares bago pa man bumalik si Lavinia upang palitan ako."Napalingon ako sa may gazebo. Sigurado akong kami lang dalawa ni Micah ang narito kaya hindi ko napigilan ang sarili na tumayo mula sa couch. "Sandali, saan ka pupunta?" takang-tanong ni Micah sa akin."Tayong dalawa lang ang narito pero bakit may anino? May ibang tao pa ba rito bukod sa atin?" mahinang sagot ko kay Micah. Kumunot ang noo
Isang malakas na sampal sa kabilang pisngi ang dumapo kay Ares. Hindi ko rin inaasahan na masampal ko ito. Nagulat ako at deserve nitong matikman ang hagupit ng isang palad ko. "What the f—ck, Lavinia?" "I told you, hindi nga ako si Lavinia at wala kang karapatang halikan ako ng gano'n na lamang, Mr. Walton. Nakakarami kang damuho ka!" galit kong sabi.Sinalubong ko ang galit na mga mata ni Ares. Hindi ako nagpatinag. "Totoo ang sinasabi ko at babalik na ang asawa mo rito.""Bullsh-t, enough with this nonsense!" galit na sigaw ni Ares kasabay ng paghampas sa office table nito. Napatda ako sa sobrang gulat."I guess kailangan ko ng umalis," ani ko. "Lavinia!" "Cally, iyan ang pangalan ko."Umigting ang mga panga ni Ares nang marinig na naman ang pangalang Cally na siyang iginiit ko. Bahala siya sa buhay niya at talagang kailangan kong itatak sa utak niya ang tunay kong pangalan."Totoo ang sinasabi ko, Ares. Next week ay babalik na si Lavinia."Tumaas lang ang sulok ng labi ni Ares
Nagdaan ang ilang araw ay hindi ko akalaing napapansin din pala ni Adam ang pananahimik ko. "Is there something bothering you, mom?" tanong nito sa akin. Kasalukuyang nasa opisina ko si Adam. Buong-akala ko ay nasa flat screen TV ang atensyon nito dahil nanonood ito ng paborito nitong cartoons."No, may iniisip lang si Mommy," nakangiting sagot ko. Siguro napapansin nito ang tila paghilot ko sa sariling sentido at ang panay pagpakawala ko ng ilang malalim na buntong-hininga. "Alright.""Sige na, manood ka na muna at tatapusin ko lang lahat ng mga paperworks, okay?""Okay po."Nakangiting ginulo ko ang buhok ni Adam. Mayamaya ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone, kaya lang it's an unknown number. Hindi ko ito pinansin, ugali ko pa naman na hindi sinasagot ang tawag kapag hindi nakalagay sa aking phone book list."Mommy may tumatawag, hindi mo ba sasagutin?" pansin ni Adam."Hayaan mo na, hindi naka-phonebook kaya hindi ko sasagutin, my prince," nakangiting sagot ko kay Adam.
"Napalapit ka na ba sa mag-ama? Huwag mong sabihing in love ka na rin kay Ares?" Mahihimigan ang panunudyo sa boses ni Micah. "Pero alam mo, mas gusto kita kaysa sa kapatid mong si Lavinia. Masyadong seryoso at mataray si Lav. Sa madaling salita, opposite kayo."Mula sa bulsa ni Micah ay may dinukot itong panyo at ibinigay sa akin. "Take it.""Bàliw, hindi a. Mamimiss ko si Adam," sagot ko. Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ang mga luha mula sa aking mga mata at pisngi. "How about the father?""Of course not!" Mariin kong tanggi."Napaka-defensive..," nakangiting tudyo ni Micah sa akin."Ako'y tigil-tigilan mo, Micah.""Weh, sure ka na bang talaga? This is a serious matter, Cally. Alam mong ilang taon ang kailangan mong gogulin upang matapos ang kurso mo kasama ang iyong mga magulang sa US. Lahat ay naka-plano na ayon na rin sa nais ni Lavinia."Ang nakakainis ay gumawa ng hakbang si Lavina without our permission. Pero ang balik naman sa amin ay kaginhawaan lalo na sa mga kinikilal
Tatalikod na sana ako nang hilahin ako ni Ares at walang-sabing inangkin nito ang aking mga labi. Nagpapalag ako kaya lang hindi ako makawala mula sa pagkakayakap nito sa akin. Amoy na amoy ko ang alak na iniinom nito. Masyadong malakas si Ares upang itulak ko. Babae lang ako at ano'ng silbi ng lakas ko? What the! Hindi ko hinayaan na makapasok ang mga dila ni Ares sa looban ng aking dila. Nanatili akong nakatikom, tang-ina mukhang madale pa ako ng damuhong lalaking ito. Hindi ako papayag. Sinubukan kong ipunin ang buo kong lakas at walang-sabing ginamit ko ang aking skills sa pinag-aaralan kong taekwondo class. Isang malakas na pagtapak ko sa kabilang paa ni Ares dahilan upang mapahiyaw ito sa sakit at nabitawan ako. Pagdakay marahas na itinulak ko ito. Hinihingal na pinukol ko ito ng matalim na tingin. "F—ck!" malutong nitong mura. Lihim naman akong nagpasalamat. Well, I can defend myself. Salamat sa taekwondo class ko noon. Hindi nga nagkamali ang aking ama't ina na pag-aralin
"Please... maniwala ka naman sa akin, ako si Cally at hindi si Lavinia."Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ms. Tan. Pagdakay pinakatitigan ako ng maigi. "Hindi ko alam kung ano na namang paandar mo, Lav. Pwede bang tumigil ka na?""Hindi nga ako si Lavinia. Ako si Cally Janeiro," muling
Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mg
WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin
Kasalukuyang narito ako sa hardin, bawal akong lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng aking asawa kuno na si Mr. Walton Ares. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas. "Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Lavinia. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo."Ngu







