Home / Romance / Her Fate / Kabanata 6

Share

Kabanata 6

Author: nerdy_ugly
last update publish date: 2026-04-30 17:17:17

Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay.

Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mga magulang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga saka dinampot ang aking cellphone kuno na iPhone. Never in my entire life na makahawak ng ganito kamahal na cellphone. Ang naalala ko lang ay nakabili ako ng cellphone sa halagang singko-mil. Pero hetong hawak ko ngayon ay nakakatakot na i-display sa labas lalo na at nakaka-attract ito sa mga mata ng mga snatcher.

Inaamin kong hindi ako marunong gumamit nitong iPhone pero kailangan kong matuto lalo na at kailangan kong makontak ang boyfriend kong si Phillip. Dàmn, I miss him so much.

Ano na kayang iniisip ni Phillip patungkol sa akin? Panigurado akong nag-aalala na sa akin ang aking boyfriend. Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga at pinag-aralan na lamang na gamitin itong iPhone na nasa aking mga kamay.

Nailing na lamang ako, mahirap nga naman kapag laki sa hirap tapos biglang parang magic na naging isang mayamang nilalang. Sino ba naman ang mag-aakalang masadlak ako sa ganitong sitwasyon na totoong hindi ko inaasahan?

Napangiwi ako, mga mukha ni Lavinia Walton ang nasa gallery kung saan napaka-elegante nitong tingnan. Wala akong panama sa ka-seksihan ng babaeng nasa larawan. Ngunit nang pagmasdan ko ang sarili ay napalunok ako dahil hindi maipagkakailang magkamukha, magkasingkatawan, magkasing-kinis, parehong tangkad pero magkaiba nga lang kami ng buhok, mas mahaba ang buhok ni Lavinia samantalang ang akin ay hanggang balikat lang, straight hair ito samantalang ako ay wavy hair na hindi blonde. It's pure black dahil siyempre alaga ito sa niyog every weekend nilalagyan ng Tatay at nanay ko dahil iyon daw ang sekreto para gumanda at healthy ang buhok.

"Mommy?" Napalingon ako sa pamilyar na boses ni Adam. Ngumiti ako rito.

"Yes, Adam. Halika, may kailangan ka ba?"

"Pwede mo ba akong tulungan sa mg assignments ko?" tanong nito sa akin habang hawak ang lapis at papel. Halatang kinakabahan.

"Sure," kunot-noong sagot ko saka ngumiti rito. Sumilay sa mga labi ni Adam ang kakaibang ngiti.

"Yeheeey!" Hindi maipagkakaila na uhaw sa atensyon at pagmamahal si Adam. Kung kapatid ko man si Lavinia ay dapat lang na mahalin ko ang pamangkin.

Ibinigay agad sa akin ni Adam ang papel at ipinakita sa akin. "Nahihirapan po ako rito, mommy."

"Hmmm... madali lang naman ito kapag naging pamilyar ka na sa mga numbers," nakangiting sabi ko saka masayang tinuruan ang bubwit na katabi ko. Kahit paano ay naibsan ang lungkot na nadarama sa aking damdamin dahil sa presensiya ni Adam.

"Excuse me, ma'am. Nariyan po si Ma'am, Tan."

Kumunot ang aking noo at napatitig sa mga mata ni Adam. "Who's, Ms. Tan?"

Nakangiting nakatitig si Adam sa kanyang mukha na wari bang pinag-aaralan ang kanyang ekspresyon. "I know na hindi ka nga si Mommy. She's your best friend. I guess you can tell her the truth po, mommy. Baka sakaling makatulong po siya sa sitwasyon niyo ngayon."

Tila naman nabuhayan ako ng loob nang marinig ang sinabi ni Adam. "Sa tingin mo maniniwala siya sa sasabihin ko gayong hindi naman naniniwala sa'kin ang mga tao rito sa mga sinasabi ko."

"Just try, mom." Pampalakas-loob na ani Adam sa akin. Hopefully, umaasa akong sana nga makumbinsi ko ang best friend kuno ni Lavinia. Magkakasundo kaya kami ni Micah.

Malayo pa man ay narinig ko na ang ingay ng takong na papalapit sa kinaroroonan namin ni Adam.

"Lavinia, Adam?"

Sinalubong ko ang kulang asul na mga mata ni Micah nang marinig ko ang boses nito. "Tita Micah, I'm glad you're here!" Masiglang turan ni Adam. Bakas sa mukha ng bata na tila ba masayang-masaya itong makita ang best friend ko kuno na si Micah Tan.

Mababakas sa anyo ni Micah ang labis na pagtataka. "So, it's true?"

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Ayokong magpaliguy-ligoy pa hindi ako si Lavinia, at kailangan ko ang tulong mo, Ms. Tan."

Nagulat ako nang biglang bumunghalit ng tawa si Micah sa sinabi ko. Napasulyap ako kay Adam at nagkibit-balikat lang ito sa akin.

"Bàliw," ani ko kay Ms. Tan.

"Come on, Lav. We're best friends at hindi mo ako maloloko. Adam, pwede mo ba kaming iwan sandali ng mommy mo?"

Napasulyap sa akin si Adam. Ngumiti ako rito. "Sige na," ani ko.

"Yes, mommy."

Pagdakay ginulo ko ang buhok ni Adam.

"Really, Lav? Tunay nga na nakakapanibago ka raw. Alam mo bang nagkausap kami ng asawa mo? Gosh, kinakabahan na ako sa mga pinanggagawa mo," palatak ni Micah sa akin.

"Dahil totoong hindi ako si Lavinia Walton. I'm Cally Janeiro," matigas niyang sagot kay Micah.

"There you are again, lying again. Please, Lav. Alam kong galit ka sa asawa mo dahil pinakasal ka sa kanya na walang ni katiting na pagmamahal. Ni minsan hindi mo narinig kay Ares na sisihin ka sa nangyari rin sa kanila ng kanyang long-time girlfriend na dapat sana ay siyang naging asawa niya."

"I get it now," ani ko.

"What?" nagtatakang-tanong ni Micah sa akin.

"Ibig sabihin ikinasal sila na walang pag-ibig sa isa't isa?" ani ko.

Umikot lang ang eyeballs ni Micah sa akin. "Stop fooling around, okay?"

"I'm not, Ms. Tan. Totoong sinasabi ko na hindi ako si Lavinia Walton. I'm Cally Janeiro," ani ko at mabilis na hinawakan ang mga kamay ni Micah saka pinakatitigan ito sa mga mata.

"A—Are you serious?" kunot-noong tanong ni Micah sa akin.

"I am. Makinig ka sa akin at sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong sa akin since sinabi sa akin ni Adam na ikaw ang matalik na kaibigan ni Lavinia."

"Pero... paano ako makakasiguro na hindi nga ikaw si Lavinia?"

"Malalaman mo rin kapag palagi tayong magkikita at alamin mo kung anong pagkakaiba ang napapansin mo sa'kin. Please... I beg you, kailangan kong makaalis sa lugar na ito."

Humigpit ang hawak ko sa mga kamay ni Micah. "K—Kung gano'n, n—nasaan ang kaibigan kong si Lavinia?"

"Iyan ang alamin natin, at kailangan tayong magtulungan. Umaasa akong naniniwala ka sa'kin, Micah. "

"I guess so..."

"Please... believe me."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Fate   Kabanata 29

    Itinuon ko ang pansin sa pagkaing nasa harapan. Mabuti na lamang at naging masunurin si Arrianne kay Ares. Mas lalo pa akong nag-enjoy sa pagkain dahil sa ilang papuri ni Adam na hindi ko na rin maawat. Tinuruan ako ng nanay na magluto kaya alam ko kung paano. Lahat kaya kong gawin lalo na sa paglilinis ng bahay. Nang matapos sa pagkain ay agad na akong tumayo mula sa hapag-kainan. Gano'n din si Adam. "Mommy Cally bakit ang sarap mong magluto?" "Hmmm... dahil siyempre tinuruan ako ng nanay ko," nakangiting sagot ko sa batang tila hindi yata nauubusan ng tanong.Sumunod lang siya sa akin. "We're done, daddy," aniya sa amang si Ares. "Alright, son."Pagdakay umikot siya saka lumapit sa akin. Hinawakan ang isa kong palad. Diretso lang ang naging tingin ko palayo sa dinning. Medyo nakahinga ng maayos nang makarating kami sa may veranda. "Woah!" ani ko na tila ba nabunutan ng tinik. "Mom, are you alright?"Nakangiting napalingon ako kay Adam. "Nope, dahil sa masungit mong Tita Arriann

  • Her Fate   Kabanata 28

    "Mom, I'm hungry.""Kung gano'n ay let's have our dinner," nakangiting ani ko."Mommy, they are looking at us," ani Adam sabay turo kina Ares at Arrianne."Hmmm... hayaan mo sila hanggang sa ma realize nilang tama ka na hindi nga ako ang mommy mo kundi si Mommy Cally mo," nakangiting sagot ko kay Adam."I think ikaw ang naging topic nila.""Siguro, obvious naman."Tumayo kami ni Adam mula sa couch saka naglakad patungo sa dinning area. "Mom, pwede bang ikaw na ang magluto? Masarap ka kasing magluto.""Hmm... pinapakilig mo na naman ako," nakangiting sagot ko kay Adam. Inaamin kong nasanay na ako sa buhay ko ngayon, pero ang pangungulila ko sa aking mga magulang ay siyang lagi kong nararamdaman."I want your chicken curry, pwede ka bang magluto no'n?" "Sure, but I need you as my assistant," nakangiting sabi ko kay Adam."Sure!"Nakangiting naghanap kaagad ako ng ilang mga ingredients. "Manang, patulong sa mga ingredients na gagamitin ko para magluto ng chicken curry," utos ko. "Yes,

  • Her Fate   Kabanata 27

    "Ano'ng gagawin mo, Ares?" Kinakabahan kong tanong. "Punishing you, Lavinia."Narinig ko ang tunog ng latigo. Napalunok ako. "Pakiusap, huwag sa ganitong paraan. Maawa ka sa'kin, Ares.""Gagawin ko ito hanggang sa aminin mong nagsisinungaling ka sa'kin, Lavinia.""Kapag nalaman ito ni Adam masasaktan siya sa ginawa mo sa'kin."Kasalukuyang nakapiring ang aking mga mata habang nakagapos ang dalawang kamay at paa. Panay ang tulo ng aking mga luha. Napasigaw ako nang walang awang punitin ni Ares ang aking suot na damit. "Ares, ano ba!" Sigaw ko. Nanginginig ako sa takot. Maawa ka sa'kin pakiusap. "Are you ready to bear my wrath, sweetheart?" bulong ni Ares sa aking punong-tenga. Nakikiliti ako sa kanyang ginawa. Hindi ko alam pero nahihiya ako dahil first time sa buong-buhay ko na may lalaking nakatingin sa aking kahubdan. I'm lucky cause I'm still wearing my bra and panty."One!" sigaw ni Ares. Kasabay ng isang malakas na paghampas sa aking likuran nang latigo at walang-sabing nanghi

  • Her Fate   Kabanata 26

    "M—May dumi ba ako sa mukha?" nauutal kong tanong. "Why are you asking?" tanong ni Ares sa akin."Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin.""Am I?" Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang sagot ni Ares. "Ay hindi, nakanganga ka lang," inis kong sagot. Ngunit nagulat ako nang magpakawala ng isang malutong na halakhak si Ares.First time kong makita siyang tumawa, and it was like endless. Hindi ko na rin tuloy napigilan ang sarili saka sumilay ang tipid na ngiti sa aking mga labi sabay iling.Mas gwapo pala siya kapag nakatawa. Tila ba parang nag-slow motion siya sa aking paningin. Dàmn, I hate this kind of feeling. Natatakot akong mahulog sa isang Ares Walton na ang puso ay para lamang sa asawang si Lavinia kahit pa nga sabihing pinagtaksilan siya.Hindi maipagkakaila ang matinding damdamin ni Ares para kay Lavinia at saksi ako. Lalo na at inakala niyang ako si Lavinia.Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. Kumunot ang aking noo nang hindi parin dumating si Mr. Han. Da

  • Her Fate   Kabanata 25

    "Tsk!" Ang siyang tanging sagot ni Ares sa akin. Kulang nalang sabihin niyang in my dreams.Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumakbo palapit sa aming gawi si Perla."Narito na po ang susi niyo, ma'am." Inabot ni Perla ang susi ng aking kotse. Tinanggap ko naman. Pagdakay narating na rin namin ang kotse ni Ares. Bago ako pumasok sa front seat tinulungan ko muna si Ares na makahiga ng maayos si Adam sa may backseat."Perla, pumasok ka sa loob," utos ko kay Perla at agad naman siyang tumalima. Hanggang sa mailagay namin ng tama ang natutulog na si Adam sa kandungan ni Perla. Pagkatapos ay isinara ko ang pinto ng kotse ni Ares. Naglakad na ako patungo sa lugar kung saan naroon ang aking kotse. "Lavinia, hayaan mo na muna ulit iyang kotse mo at dito ka na sumakay," ani Ares sa akin. Napalingon ako sa kanya. "Alright," sagot ko. Binuksan ko ang front seat at pumasok sa loob. Mga ilang oras din ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa bahay dahil sa mahinang pag-us

  • Her Fate   Kabanata 24

    Nakatitig lang si Adam sa aking mga mata. Mapapansin ang mga katanungan na nais niyang malaman at hindi ko siya bibiguin na mabigyan ng kasagutan."Siya si Tito Phillip mo, siya ang long-time boyfriend ko," sagot ko."FYI, ex-boyfriend, Cally. Humihingi ako ng paumanhin sa hindi ko pagkatok, I just want to give this to you," ani Phillip habang hawak ang isang pumpon ng paborito kong red roses at isang paper bag na sa tingin ko'y regalo niya para sa akin.Nasaktan ako ng labis sa sinabi niyang ex-boyfriend. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may ilang libong karayom na tumutusok sa aking puso? Pansin ko ang paghugot ng isang malalim na buntong-hininga ni Phillip. Kung alam lang sana niya kung gaano natutuwa ang aking puso nang makita siyang muli. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero bakit ramdam kong tila may pader na nakapagitan sa amin? Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niyang bulaklak at regalo. "Salamat," sagot ko na may halong matinding kalungkutan. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status