LOGINWALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin niya ulit ang isang tulad ko.
"Ares, nabalitaan kong nakita mo na ang spoiled bràt mong asawa?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang tanong ng aking ama. Nag-angat ako ng tingin. Naramdaman ko ang dahan-dahan nitong pagtapik sa aking kabilang-balikat. "Yes, dad." "So, how's my grandson, Adam?" "He's fine, dad. Nagdadalawang-isip nga ako na sana hindi ko iniwan si Adam sa bahay dahil alam kong sasaktan siya ni Lavinia kaya lang nagbago ang isip ko kanina nang makita kong niyakap niya ang bata. Something different about her but still I doubt her. Baka isa na naman sa mga taktika niya upang ako'y gawing gagó." "Alam mong sinasaktan naman pala niya si Adam bakit mo ipinagkatiwala sa kanya ang apo ko?" Hindi maipagkakaila ang inis sa boses ng aking ama. "Hayaan niyo at dadalhin ko si Adam dito." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ng aking ama. Naupo ito sa aking tabi at inilapag ang tasa ng kape sa glass center table. "Mabuti naman at natagpuan mo na siya. Ewan ko ba sa'yo at hindi mo kayang makipaghiwalay diyan sa asawa mo." "Alam niyo namang nangako ako sa ama ng aking asawa na kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan si Lavinia, dad." "That's bulls—hit!" Inis na sagot ng aking ama. Hindi na lamang ako umimik pa. "Ginagagó ka ng babaeng iyon tapos hinahayaan mo lang? Maraming babae ang nagkandarapa sa'yo pero bakit hindi mo maiwan-iwan iyong lintik na babaeng iyon, Ares? I'm sorry pero hindi ko na kayang pigilan ang emosyon." Pero bakit sinasabi ng puso ko na ibang tao ang kasama namin ngayon ni Adam? Even her eyes spoke the truth, but I feared she might be playing games with me again. "I know dad at hindi na ako magpapakatanga pa ulit sa kanya. Kailangan parin namin siya dahil kay Adam. Lalo na ngayon na tila parang nakuha na naman niya ang buong-atensyon ng anak namin para gamitin sa akin." "So, nahuli mo na ba ang kalaguyo ng asawa mo?" Umigting ang aking mga panga nang marinig ang sarkastikong tanong na iyon ng aking ama. "Hindi pa, t'saka wala na akong pakialam sa lintik na lalaking iyon, dad." "Good, mabuti kung gano'n. Mag-focus ka na lamang kay Adam. Regarding sa annulment na hinihingi ni Lavinia, pinirmahan mo na ba?" "Tapos na, dad." "Ewan ko ba sa'yo kung bakit mo pa hinanap ang asawa mo gayong sinasaktan lang naman ang anak niyo. Hindi ka ba nag-aalala sa anong mangyari ngayon lalo na at kasama ni Adam si Lavinia ngayon?" Mula sa aking bulsa ay dinukot ko ang aking cellphone. "Hindi niya kayang saktan si Adam lalo na at may mga CCTV camera sa bawat sulok ng mansion namin. Pwede ko siyang kasuhan kung sakali," sagot ko at binuksan ang apps kung saan pwede kong ma view kung nasaang area ngayon sa mansion sina Lavinia at Adam. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang nasa kwarto ni Adam si Lavinia na ngayo'y magkatabi na natutulog. "Don't tell me magpapadala ka na naman sa paandar ng asawa mo, Ares? Darating bukas si Arianne," ani Dad sa akin. Si Ate Arianne ang kapatid kong babae na kasalukuyang naninirahan sa ibang bansa. Siyempre, hindi ko inaasahan ang balitang iyon. "I will kíll that bītch, Ares!" Tila nag-echo sa aking pandinig ang boses ng aking nakakatandang kapatid. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ko akalaing uuwi pala ang magaling kong kapatid na babae. "Ano'ng problema?" "Nag-aalala lang ako kapag nakauwi na si Ate. Alam niyo namang gàlit iyon kay Lavinia." "Well, makakaharap niya rin ang kanyang katapat." Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sa buong-buhay ko ngayon ko lang naramdaman na mag-alala sa aking asawa. Nagsimula lang naman ito nang masilayan ko sa CCTV camera na katabi nito ang anak naming si Adam. Kilala ko si Adam hindi ito basta-basta madadala sa mga kasinungalingan ni Lavinia. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa instinct ko pero tumututol ang aking utak. Ayoko ng makipaglaro sa mga walang-kwentang nais ni Lavinia. "Gano'n na nga siguro," sabi ko na lamang kay Dad. NAKATUNGHAY lang ako kay Adam. Naawa ako rito dahil halatang uhaw ito sa pagmamahal at aruga ng isang ina. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa kinabukasan sa piling ng mag-ama. Dahan-dahang hinaplos ko ang makapal na buhok ni Adam. Kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama na si Mr. Walton. "Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magkakasama pero kailangan kong matagpuan ang aking mga magulang. Namiss ko na sila lalo na ang aking ina." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Hanggang kailan ba ako rito? "Panginoon ko tulungan mo po sana ako," mahina kong usal. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng aking puso. Tila ba kanina pa bagabag ang aking diwa. Sinu-sino pa ba ang makikilala ko bilang si Lavinia? Natatakot ako dahil hindi ko alam kung sinu-sino ang mga taong naiinis kay Lavinia. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at inayos ang kumot ni Adam. "Good night, Adam." Saka ako nagpasyang matulog habang yakap si Adam. Kinabukasan nagising ako nang wala si Adam sa aking tabi. Dahan-dahang nag-inat pagdakay bumalikwas ng bangon mula sa malambot na kama. Hinanap ko ang suot na tsinelas at nagpasyang lumabas ng kwarto. Hinanap si Adam. "Adam, Adam?" Sumalubong sa akin ang isang kawaksi. "Ma'am, nasa dinning na ho si Adam kasama si Mr. Walton." "Gano'n ba? Mabuti naman kung gano'n," sagot ko na may ngiti sa labi dahilan para magulat ang kawaksi sa naging reaksyon ko. "M—Ma'am, ihahatid ko lang ba ang lunch mo sa kwarto mo?" Nauutal na tanong sa akin ng kawaksi. "Sige," sagot ko. "Yes, Ma'am." "Salamat," sagot ko. Saka ko lang naalala na takot nga pala ang mga tao kay Lavinia. Hahayaan ko silang alamin ang katotohanan at hindi ko babaguhin ang aking pagkatao. Ako si Cally Janeiro at hindi si Lavinia Walton.Itinuon ko ang pansin sa pagkaing nasa harapan. Mabuti na lamang at naging masunurin si Arrianne kay Ares. Mas lalo pa akong nag-enjoy sa pagkain dahil sa ilang papuri ni Adam na hindi ko na rin maawat. Tinuruan ako ng nanay na magluto kaya alam ko kung paano. Lahat kaya kong gawin lalo na sa paglilinis ng bahay. Nang matapos sa pagkain ay agad na akong tumayo mula sa hapag-kainan. Gano'n din si Adam. "Mommy Cally bakit ang sarap mong magluto?" "Hmmm... dahil siyempre tinuruan ako ng nanay ko," nakangiting sagot ko sa batang tila hindi yata nauubusan ng tanong.Sumunod lang siya sa akin. "We're done, daddy," aniya sa amang si Ares. "Alright, son."Pagdakay umikot siya saka lumapit sa akin. Hinawakan ang isa kong palad. Diretso lang ang naging tingin ko palayo sa dinning. Medyo nakahinga ng maayos nang makarating kami sa may veranda. "Woah!" ani ko na tila ba nabunutan ng tinik. "Mom, are you alright?"Nakangiting napalingon ako kay Adam. "Nope, dahil sa masungit mong Tita Arriann
"Mom, I'm hungry.""Kung gano'n ay let's have our dinner," nakangiting ani ko."Mommy, they are looking at us," ani Adam sabay turo kina Ares at Arrianne."Hmmm... hayaan mo sila hanggang sa ma realize nilang tama ka na hindi nga ako ang mommy mo kundi si Mommy Cally mo," nakangiting sagot ko kay Adam."I think ikaw ang naging topic nila.""Siguro, obvious naman."Tumayo kami ni Adam mula sa couch saka naglakad patungo sa dinning area. "Mom, pwede bang ikaw na ang magluto? Masarap ka kasing magluto.""Hmm... pinapakilig mo na naman ako," nakangiting sagot ko kay Adam. Inaamin kong nasanay na ako sa buhay ko ngayon, pero ang pangungulila ko sa aking mga magulang ay siyang lagi kong nararamdaman."I want your chicken curry, pwede ka bang magluto no'n?" "Sure, but I need you as my assistant," nakangiting sabi ko kay Adam."Sure!"Nakangiting naghanap kaagad ako ng ilang mga ingredients. "Manang, patulong sa mga ingredients na gagamitin ko para magluto ng chicken curry," utos ko. "Yes,
"Ano'ng gagawin mo, Ares?" Kinakabahan kong tanong. "Punishing you, Lavinia."Narinig ko ang tunog ng latigo. Napalunok ako. "Pakiusap, huwag sa ganitong paraan. Maawa ka sa'kin, Ares.""Gagawin ko ito hanggang sa aminin mong nagsisinungaling ka sa'kin, Lavinia.""Kapag nalaman ito ni Adam masasaktan siya sa ginawa mo sa'kin."Kasalukuyang nakapiring ang aking mga mata habang nakagapos ang dalawang kamay at paa. Panay ang tulo ng aking mga luha. Napasigaw ako nang walang awang punitin ni Ares ang aking suot na damit. "Ares, ano ba!" Sigaw ko. Nanginginig ako sa takot. Maawa ka sa'kin pakiusap. "Are you ready to bear my wrath, sweetheart?" bulong ni Ares sa aking punong-tenga. Nakikiliti ako sa kanyang ginawa. Hindi ko alam pero nahihiya ako dahil first time sa buong-buhay ko na may lalaking nakatingin sa aking kahubdan. I'm lucky cause I'm still wearing my bra and panty."One!" sigaw ni Ares. Kasabay ng isang malakas na paghampas sa aking likuran nang latigo at walang-sabing nanghi
"M—May dumi ba ako sa mukha?" nauutal kong tanong. "Why are you asking?" tanong ni Ares sa akin."Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin.""Am I?" Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang sagot ni Ares. "Ay hindi, nakanganga ka lang," inis kong sagot. Ngunit nagulat ako nang magpakawala ng isang malutong na halakhak si Ares.First time kong makita siyang tumawa, and it was like endless. Hindi ko na rin tuloy napigilan ang sarili saka sumilay ang tipid na ngiti sa aking mga labi sabay iling.Mas gwapo pala siya kapag nakatawa. Tila ba parang nag-slow motion siya sa aking paningin. Dàmn, I hate this kind of feeling. Natatakot akong mahulog sa isang Ares Walton na ang puso ay para lamang sa asawang si Lavinia kahit pa nga sabihing pinagtaksilan siya.Hindi maipagkakaila ang matinding damdamin ni Ares para kay Lavinia at saksi ako. Lalo na at inakala niyang ako si Lavinia.Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. Kumunot ang aking noo nang hindi parin dumating si Mr. Han. Da
"Tsk!" Ang siyang tanging sagot ni Ares sa akin. Kulang nalang sabihin niyang in my dreams.Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumakbo palapit sa aming gawi si Perla."Narito na po ang susi niyo, ma'am." Inabot ni Perla ang susi ng aking kotse. Tinanggap ko naman. Pagdakay narating na rin namin ang kotse ni Ares. Bago ako pumasok sa front seat tinulungan ko muna si Ares na makahiga ng maayos si Adam sa may backseat."Perla, pumasok ka sa loob," utos ko kay Perla at agad naman siyang tumalima. Hanggang sa mailagay namin ng tama ang natutulog na si Adam sa kandungan ni Perla. Pagkatapos ay isinara ko ang pinto ng kotse ni Ares. Naglakad na ako patungo sa lugar kung saan naroon ang aking kotse. "Lavinia, hayaan mo na muna ulit iyang kotse mo at dito ka na sumakay," ani Ares sa akin. Napalingon ako sa kanya. "Alright," sagot ko. Binuksan ko ang front seat at pumasok sa loob. Mga ilang oras din ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa bahay dahil sa mahinang pag-us
Nakatitig lang si Adam sa aking mga mata. Mapapansin ang mga katanungan na nais niyang malaman at hindi ko siya bibiguin na mabigyan ng kasagutan."Siya si Tito Phillip mo, siya ang long-time boyfriend ko," sagot ko."FYI, ex-boyfriend, Cally. Humihingi ako ng paumanhin sa hindi ko pagkatok, I just want to give this to you," ani Phillip habang hawak ang isang pumpon ng paborito kong red roses at isang paper bag na sa tingin ko'y regalo niya para sa akin.Nasaktan ako ng labis sa sinabi niyang ex-boyfriend. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may ilang libong karayom na tumutusok sa aking puso? Pansin ko ang paghugot ng isang malalim na buntong-hininga ni Phillip. Kung alam lang sana niya kung gaano natutuwa ang aking puso nang makita siyang muli. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero bakit ramdam kong tila may pader na nakapagitan sa amin? Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niyang bulaklak at regalo. "Salamat," sagot ko na may halong matinding kalungkutan. Hin







