LOGINKitang-kita ko kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama ko ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito.
Paano ko nga ba makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga ako si Lavinia? Naramdamang ko ang mahigpit na yakap ni Adam sa akin. "Please mom, stay with us." Masuyong niyakap ko si Adam. Nakaramdam ako ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Adam. I'm Cally Janeiro not Lavinia." "I don't care, please let me hug you for a while, Mom..." Tila para namang hinaplos ang aking puso sa narinig mula kay Adam. Panginoon ko, sobrang naawa talaga ako sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Adam?" Sa wakas ay naisatinig ko. "Talaga, Mommy?" "Yes, Adam. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala niyong si Mommy Lavinia mo." Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Lavinia." Kumunot ang aking noo nang makitang hindi iyon ang bag na dala-dala ko. "I told you, Adam. She's lying, you can check her bag son. Come on." Hindi maipagkakaila ang panunudyo sa boses ng naturang lalaki. Dahan-dahang kumalas sa akin ng yakap si Adam. "Whatever it is, I believe you, Mom." "Adam," sita ng lalaki sa sarili nitong anak. "Dad, I feel like she's not the same person anymore. It's like she's been taken over." Masasabi kong mabuti pa itong si Adam ay likas na matalino hindi tulad ng ama nito na puno ng galit ang puso kaya hindi nakikinig. "Pero... hindi 'yan ang bag na dala ko kanina, it's a school bag and I'm wearing my school uniform for pete's sake!" Hindi ko na napigilan na magtaas ng boses. "Nababaliw ka na Lavinia. Kulang pa iyang nangyari sa'yo sa mga kasalanang ginawa mo sa mga taong malapit sa'yo." Mukhang makukulong na yata ako sa anino ni Lavinia. "Sir, walang record sa paaralan na sinasabi niya ang nagngangalang Cally Janeiro." Awtomatikong kumunot ang aking noo sa narinig mula sa naturang lalaki. "Sinungaling!" Sigaw ko. "Mommy please...?" "Kailangan kong makausap ang aking mga magulang, totoo ang sinasabi kong ako si Cally at hindi si Lavinia. Kayo ang sinungaling!" "Ngayon din puntahan mo ang address na sinasabi niya at dalhin dito kanyang ama't ina, sabayan natin ang kabaliwan ng aking asawa." "Yes, sir," sagot na sa tingin ko ay tauhan ng ama ni Adam. "S—Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ba ako pinapaasa ng lalaking ito? "Yes, I have my word, honey." Nabuhayan ako ng loob sa narinig mula sa naturang lalaki. "Mommy..." Lumuluhang ani Adam. "D—Don't cry please...? Pero kailangan kong patunayan sa daddy mo na hindi ako ang mommy mo, Adam." "I believe you, Mom." "Thank you, Adam." Muli kong niyakap si Adam, hindi ko kayang nakikita itong lumuluha dahil parang pinipiga ang aking puso. "Hindi mo na ako maloloko, Lavinia. Nagbago na ang isip ko, dito ka lang at hindi ka pwedeng lumabas sa mansion na ito." Pinal na tugon ng ama ni Adam sa akin. "No, hindi mo pwedeng gawin 'yan. Hindi ba't sinabi mo ay aalis tayo?" "I change my mind, honey." Pagdakay tinalikuran na ako ng lalaki at naiwan na lamang kami ni Adam. "Adam, totoo ang sinasabi ko. Hindi talaga ako ang mommy mo. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito." Pinunasan ko ang luhaang mata ni Adam, nakayakap lang ito sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang uhaw sa atensyon at pagmamahal ng isang ina. "Mommy, pwede bang dito muna ako sa'yo?" "Oo naman, pero alam mo bang nalulungkot ako? Nag-aalala ako sa aking inay at itay." "Paano 'yan hindi ka po pwedeng lumabas sa mansion? Hindi po naniniwala sa'yo si Daddy." Hindi ko na alam ang gagawin nag-aalala ako kina inay at itay. Naramdaman kong muli ang mahigpit na yakap ni Adam. Kahit paano ay naibsan ang bigat sa aking dibdib. "Thank you, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pwede mo bang ikwento sa akin about sa mommy mo, Adam?" "She lies, she hated me and she don't love us." Malungkot na kwento ni Adam sa akin. Hayan na naman ang pamilyar na kirot sa aking puso. Lubos akong naawa sa kalagayan ni Adam. Pero bakit hindi ako pinaniniwalaan ng ama nito? "A—Ano nga pala ang pangalan ng Daddy mo?" "Ares Walton." Pamilyar sa akin ang pangalan na Ares Walton, kumunot ang aking noo. Saka ako napasulyap sa larawan kung saan magkasama ang tunay na asawa ni Mr. Walton at si Adam. Nasaan na kaya ang ina nitong si Adam? "Sa tingin mo Adam nasaan na kaya ang mommy mo?" tanong ko kay Adam. Pilit kong inaalala ang nangyari bago ako nagising sa hindi pamilyar na kwarto. "I don't even know if where is she." "Palagi ba silang nag-aaway ng Mommy mo?" Sa sagot ni Adam ay napatunayan kong totoo nga ang aking hinala. Hindi kaya kapatid ko si Lavinia? Hindi ba't ampon lang ako ng aking mga magulang na siyang kumupkop sa akin? "Mommy Love, baka related kayo ng mommy ko. Look at her at the picture and you, kamukhang-kamukha kayo." Mayamaya ay biglang bumukas ng marahas ang pinto ng kwarto at pumasok ang tila galit at inis na si Mr. Walton. Kitang-kita ko kung paano muling nag-tangis ang mga bagang nito. Hindi ba nito inaalala na maapektuhan si Adam sa asal na ipinakita nito? "Adam, go to your room." Hindi ngumingiting utos ni Mr. Walton sa anak nito. "Sige na makinig ka sa daddy mo," turan ko. "But, Mommy..." "Mommy is fine, I promise." Pumasok ang sa tingin ko'y Yaya ni Adam saka nito nilapitan ang bata at pagdakay lumabas sila sa naturang kwarto at isinara ang pinto. Kinakabahan ako sa awra ngayon ni Mr. Walton, pero kahit galit ito ay hindi parin nawawala sa anyo ang sobrang hótness na siyang taglay nito. Inis na lumapit sa akin si Mr. Walton at walang-sabing hinila nito ang isa kong braso. "Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin, pinuntahan ng tauhan ko ang address na sinabi mo pero walang tao roon at walang nakakilala sa sinasabi mong mga magulang at walang Cally Janeiro. Dàmn you woman!" Napangiwi ako dahil sa sakit ng pagkakahigpit ng paghawak ni Mr. Walton sa aking kabilang balikat. "Totoo ang mga sinasabi ko, ikaw ang dakilang sinungaling!" Hindi ko napigilan na pagtaasan ito ng boses. "Nasasaktan ako, ano ba!" Mabilis na pumiksi ako mula sa pagkakahawak nito. Paanong nangyaring walang Cally Janeiro? Nananaginip ba ako? Kung panaginip man ito aba gusto ko ng magising. Hindi kaya na set-up ako ng tunay na ina ni Adam? Pinagpalit nito ang aming katauhan upang tuluyang makatakas sa nakakatakot na lalaking ito? "Your grounded!" "Hindi, maawa ka sa'kin." Hindi ko napigilan na mapayakap sa sarili. Gàlit na umalis si Mr. Walton mula sa silid na kinaroroonan ko at napaigtad ako nang ibalibag nito ng malakas ang pinto ng kwarto. "Panginoon ko, ano ba itong pinasukan ko? Tulungan niyo po akong makalayo sa lugar na ito." Taimtim kong dasal sa Dios na makapangyarihan sa lahat. Naiwan akong lumuluha sa kwarto na nag-iisa. Malakas ang kutob kong kinuha ng tunay na asawa ni Mr. Walton ang aking identity. Napaka-tuso ng babaeng iyon. Hindi man lang naawa sa kalagayan ko. Ano'ng naghihintay sa akin dito bilang si Lavinia Walton gayong hindi naman talaga ako ang tunay na Lavinia? Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko. Malayong-malayo sa bahay na kinalakhan ko. Maliit lang ang bahay namin sa Quiapo pero masaya ako kasama ang aking inay at itay. Kumusta na kaya sila? Muli tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Inayos ko ang sarili, naisipan kong bumangon mula sa malambot na kama at tinungo ang balcony. Nakikita ko mula rito ang malawak na pool sa mansion na kinaroroonan ko. Biglang nag-iba ang takbo ng aking buhay. Paanong nangyaring sa isang iglap lang ay ibang tao na ako? Nilisan ko ang balcony at nagpasyang maligo. Basta ang huli kong naalala ay galing ako ng school, pero bakit ibang damit na ang suot ko? Hindi ba ako nababaliw? Tinungo ko ang banyo at naligo, pagkatapos kong maligo ay agad akong nakialam sa mga damit na nasa walk in closet. Lahat ng mga damit ay halatang kaysa sa akin. Nailing na lamang ako sa sarili, nagulat pa ako dahil lahat ay puro branded na dati ay pangarap kong suotin. Kaya lang walang-silbi ang lahat ng ito ngayon sa akin. Maraming katanungan ang namumuo sa aking isipan. Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Awtomatikong napalingon ako at nakita ko ang tila kinakabahan na kawaksi. "Dala ko po ang pagkain mo, ma'am." "Salamat," sagot ko. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng naturang kawaksi. "Bakit naman at parang gulat ka pa?" takang-tanong ko rito. "Naninibago lang po kasi ako sa inyo. Hindi naman kayo dating ganito." "Ano'ng ibig mong sabihin?"Nanatili akong tahimik nang pumasok na kami ni doktora sa isang private room. Inaamin kong ang dating takot ay parang-bulang naglaho dahil sa nariyan si Ares. Malaki ang naitulong ni Ares sa akin lalo na sa sitwasyon ko. Nang una I feel like I'm disappearing. Two weeks din kasi akong naghintay, two weeks na tulog na parang may apoy sa aking mukha. Hindi ko akalaing maka-survive ako because of Ares. Alam kong scars will stay. Ares never let me face this alone. Iyan ang palaging ipinaramdam niya sa akin sa tuwing magkasama kami. Pinapalakas niya ang loob ko."The operating room is ready for you, Ms. Janeiro," nakangiting sabi ni Dra. sa akin.Sa wakas ay pumasok na rin kami sa operating room. Sumalubong sa akin ang malamig na buga ng aircon."Here, para hindi ka lamigin." Ibinigay sa akin ni doktora ang isang blanket.The lights above me are too bright.I can’t move much. My body feels heavy against the operating table, covered only by a thin sheet that does nothing to stop the cold.T
"I'm so sorry, hindi ko alam. Kay Ares ko lang talaga nalaman ang nangyari sa'yo," palatak ni Micah sa kabilang linya."I'm fine and it's okay," sagot ko. Pagdakay nagpakawala ako ng isang marahas na buntong-hininga. Dalawang linggo ang lumipas at heto na nga at dumating na ang araw ng aking operasyon. Sasamahan daw ako ni Ares sa clinic ni Dra. Smith. Hindi maipagkakaila ang kakaibang kaba sa aking puso. "And he told me na hayaan mo nalang si Aria sa ginawa niya?" "Yes, may sakit iyong tao," sagot ko."Aba't hindi excuse 'yan, a. Mabigat na krimen 'yan at pasok sa serious physical injuries o 'di kaya'y attempted homicide ang dapat ipataw sa bruha na 'yon! Life imprisonment ang maaring parusa sa kanya!" Halata ang inis at gigil sa boses ni Micah. Na-imagine ko ang mataray nitong mukha."Hindi naman siya makukulong kung hindi ko i-insist," sabi ko na lamang. "Ewan ko sa'yo. Paano kung saktan ka ulit ng bàliw na 'yon?" "She won't, napagkamalan lang niya akong si Lavinia. Alam mo na
Hindi ko akalaing magustuhan nina Ares at Adam ang niluto kong paboritong mga dish. Ako na proud sa sarili bilang ina sa aking anak. "Dad, mom, alam niyo bang kayo ang nais kong makasama as my family? I always pray to God na sana matupad na ang wish kong may buong family. Me, daddy and you, Mommy Cally."Naramdaman ko ang pagpisil ni Ares sa aking kabilang palad na ngayo'y nasa aking kandungan, kasalukuyang narito kami sa dinning table mag-uumpisa pa lang ako sa pagkain. Nauna si Adam na tumikim. "Adam, sige na kumain ka na," nakangiting ani ko kay Adam. "Thank you, mommy. It's kinda delicious po." Nagkatinginan kami ni Ares. Sa tuwing nagtatama ang aming paningin, there's something deep. Hindi ko alam kung anong nais iparating, basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama si Ares. I feel secured and at peace."Let's eat, sweetie," ani Ares sa akin saka nito binitiwan ang aking kamay. "Akala ko wala ka ng balak pakawalan ang kabila kong kamay," nakangising sabi ko.Nailing n
Pinatunayan lang ni Ares na minahal niya ako sa kung sino at hindi sa naging kamukha ko si Lavinia. Walang nagawa si Dad kundi ang hayaan si Ares na iparamdam sa akin ang tunay nitong pagmamahal."Wala na akong magagawa kundi ang hayaan kayo ni Ares. Basta ba ipangako niya lang sa akin na hindi ka niya sasaktan." Seryoso ang mukha ng aking ama, ni hindi ito ngumingiti habang nagsasalita. Naintindihan ko ito dahil hindi rin tama na marinig sa isang balita na engaged ito sa sikat na si Aria Smith.Since klaro na ang tungkol kina Ares at Aria sa panig ni Dad wala ng naging problema ang aking ama. "Walang kinalaman na dito ang nakaraan. Masaya akong makita kang masaya sa piling ni Ares. Umaasa akong panatag ka, hija.""Dad naman, hindi pa kami magpapakasal. Masyadong mabilis. Kikilalanin na muna namin ang isa't isa. He proposed pero hindi ko pa tinanggap. Natatakot ako sa failed relationship especially annulment na siyang nangyari sa kanila ni Lavinia.""Magka-iba ang sitwasyon niyo ni
Kusa ng tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. I can't marry him, dahil ayokong biguin ang aking ama."I'm so sorry, but I can't marry you, Ares. Linisin mo muna ang issue mo kay Ms. Aria Smith."Dahan-dahang kumalas ng yakap sa akin si Ares at tinitigan ako nito ng mataman. "Dahil ba ito sa nais ng iyong ama?" Mahinahong tanong niya sa akin."Hindi at walang kinalaman dito si daddy."Naramdaman ko ang masuyong pagtuyo niya sa aking mga luha gamit ang panyo. Medyo nahirapan nga lang siya dahil sa ilang bandage na nakatakip sa aking mukha. Wala parin siyang ideya sa nangyari sa akin. Ngunit hindi maitatago ang kuryusidad sa kanyang hitsura ang kuryusidad. "Kung 'yan ang nais mo ay wala na akong magagawa. Kaya lang, I'm so curious. Ano ba talagang nangyayari sa mukha mo, sweetheart?""Cally!" Kapwa kami napalingon sa tinig na tumawag sa akin. "Dad," sagot ko. Naglakad si Dad palapit sa kinaroroonan namin ni Ares. Nakalagay sa magkabilang bulsa ang kamay. Seryoso ang awra at ni h
Pagkatapos kunin ng naturang waiter ang order namin ay muli kong hinarap ang aking mga magulang."Dad, mom, ano iyong sasabihin niyo sana sa akin?" tanong ko."Cally, hija. Napag-alaman naming ang sumugod pala talaga sa'yo ay ang fiancee ni Ares."Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Mommy. "Akala ko po ba ay nahuli na siya ng kapulisan?""Ang sabi no'ng hinuli ay napag-utusan lamang siya at inamin niyang iyong fiancee nga ni Ares. Kakausapin pa ng Daddy mo si Ares patungkol dito at sa ngayon ay hindi ka na muna namin pwedeng ilapit kay Ares dahil hindi natin alam kung ano pang pwedeng mangyari. Mas mainam na iyong handa tayo. Lalo na at marami ring may inggit sa daddy mo dahilan upang sirain ng mga walang magawa ang relasyon naming mag-asawa," mahabang paliwanag ni Mommy sa akin."Mukhang obsessed kay Ares ang so called best friend na ngayon ay fiancee niya, hija," ani dad sa akin.Hindi naman nagtagal ay dumating ang pagkaing para sa amin. "Mas ligtas ka rito sa US. I decided
PAGBUKAS ko ng pinto ay bumungad sa akin ang tatlong lalaki. "Palabasin niyo ako rito. Nais akong gahasain ng amo niyo!" Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang takot at pangamba.Pero hindi ako pinakinggan man lamang ng mga lalaki at muling isinara ang pinto. Tila nawalan ako ng lakas. "Dāmn you, wo
SAPO ang aking ulo at unti-unting idinilat ang mga mata. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagtantong hindi pamilyar sa akin ang naturang kwartong kinaroroonan.Lihim akong nagpasalamat dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa aking buong katawan, so far and so good ay kompleto pa na
Kasalukuyang narito ako sa hardin, bawal akong lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng aking asawa kuno na si Mr. Walton Ares. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas. "Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Lavinia. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo."Ngu
"HINDI mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Lavinia!" Inis na binitiwan niya ang aking mga kamay na siyang labis kong ipinagpasalamat. Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon para hindi makita ang seksi nitong kahubdan. He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi ko iyon pwedeng balewalain, napakabobo







