Share

Kabanata 4

Napapailing ako. Ano ba ang pumasok sa isip ng Reynald na 'yon at biglang nag-iba ang timpla? 

In three years na naging magkaklase kami, wala namang ibang ginawa ang grupo nila sa akin, kung hindi puro pambubully at panlalait. 

"Anong pumasok sa utak ng isang 'yon?"  hysterical na tanong ni Myra. Patalikod niya pa na itinuro si Reynald, pero nasa akin naman ang tingin. " 'Tsaka tama ba ang rinig ko? Gagawin niya ang lahat, to win your heart? Nabaliw na ba 'yon?" Umangat ang hulmang-hulma na mga kilay nito habang nagtatanong. "Grabe, nabara ko lang kanina, ngayon biglang type ka na?"  

Sekreto akong napangiti sa naging reaction niya. Gulat na gulat kasi. 

"Akala ko ba, bully ka? Sabi mo pa nga, alam mo ang likaw ng mga bituka ng mga bully na 'yon, pero hindi mo pala maintindihan ang bagong tactic niya." 

Nagkamot sa ulo si Myra, humaba pa ang nguso. Parang tanga nga, pero ang ganda pa rin—ang gandang tanga na dahilan kung bakit maraming napapalingon sa akin ngayon. Syempre, nagtataka sila kung bakit ang tulad ko na nerd at pangit ay may kasama na magandang babae. 

"Kaya gano'n 'yon, kasi hindi na umubra ang style niya, so he tries a different approach, baka sakaling lumusot," kibit-balikat kong sagot.

"Gano'n? 'Yon kaagad ang naisip mo, palit tactic lang siya?" 

Napatango-tango si Myra at pasimpleng nilingon ang magpinsang mga bully na ngayon ay kasama na ang mga angels nila. 

Hindi ko rin naman dini-deny na bahagya akong nagulat sa sinabi niya, pero kalaunan ay biglang luminaw ang pag-iisip ko. Hindi basta-bastang maging mabait ang gaya ni Reynald. Alam ko, may plano 'yon.

"Kabisado ko na nga ang ugali ng mga demonyong ‘yon. Kaya kahit anong palit pa ng tactic ang gawin nila, hindi na uubra sa akin,” tapang-tapangan kong sabi. 

Ganito lang naman ako; matapang lang kapag hindi sila kaharap, matapang lang sa isip ko, pero kapag nand'yan na sila sa harap ko, wala na akong magawa kung hindi ang yumuko at hayaan sila na bully-hin ako.

"Ayos, duwag ka nga, pero hindi naman pala tanga at uto uto." 

I laughed bitterly. That's right. I am neither foolish nor ridiculous. I am merely a coward since I can't protect myself.

"Pero nakakagulat 'yon, Erica. Medyo nakakatakot din–" 

"Talagang nakakagulat, pero hindi ako takot. Katakot-takot na pambu-bully na ang ginagawa nila sa akin. Ngayon pa ba ako matatakot?" Sandali kong nilingon si Myra. "Madali lang naman umiwas, kaya wala akong dapat ikatakot."

Naisip ko kasi, hindi ako ang totoong puntariya ni Reynald, kung hindi si Myra. Sa ganda at sexy ba naman kasi ng babaeng 'to, hindi malayong magkakagusto si Reynald sa kanya. Kaya gumagawa ng paraan para makalapit sa kanya na walang magiging problema.

"Myra, payo lang, mag-ingat ka sa Reynald na ‘yon. Tingin ko kasi, hindi naman talaga ako ang puntariya niya, kung hindi ikaw,” pabulong kong sabi. 

Ayaw kong marinig ako ng iba na pinaalalahan si Myra, baka kasi ako pa ang magiging masama sa paningin ng iba.

“Imposible, ako pa talaga ang puntariya niya? Ako nga ang naglakas loob na barahin siya,” napapailing na sabi ni Myra. 

" 'Yon na nga, ikaw pa lang ang naglakas loob na kalabanin sila, kaya sigurado ako na babalikan ka nila. Hindi sila 'yong tipong tatahimik lang at hindi na gaganti sa ginawa mo, Myra." 

“Tingin mo, uubra siya—sila sa akin?” Turo niya ang sarili at pahapyaw na tumawa. "Kung wala silang kinatatakutan, lalo na ako," maangas nitong sabi. 

“Ewan sa'yo. Pero tingin ko naman hindi ka nila dadaanin sa dahas.  Magaling manuyo ang Reynald na 'yon, baka daanin ka lang no'n pa sweet-sweet hanggang sa bibigay ka. Wala pa naman akong kilala, ni isang babae na hindi na hulog sa trap ng demonyong ‘yon."

Bumahakhak ng tawa si Myra. "Kung sakaling 'yon nga ang gagawin nila, well, pasensya siya dahil hindi ako nakukuha sa pa sweet-sweet lang. Isa pa, hindi ko siya trip para patulan siya at hindi ako easy gaya ng iba," madiin na sabi nito at umikot pa ang mga mata. 

" 'Wag ka munang magsalita ng tapos. Baka hanggang salita ka lang pero bibigay din pala—"

"Wow, tingin mo ba sa akin marupok? At tingin mo, papatol ako sa ungas na yon? Hindi ako desperada para pumatol sa lalaki na wala namang magawa sa buhay kun'di ang mambully. Tanda-tanda na, isip bata pa rin." 

"Ungas na pala sila ngayon? Pero kanina ang sabi mo, those guys were handsome devils. Baka nga, mademonyo ka no’n, and you might fall into his trap."

"Trap your face! Ang dami pang mas handsome sa mundong 'to kay sa mga 'yon. Siguradong hindi ako mahihirapan na maghanap ng mas gwapo at hindi asal demonyo,” maangas nitong sabi na sinabayan na naman niya ng paglingon.

Napangiti ako. Hindi na kasi bago sa pandinig ko ang salitang ‘yon. “ 'Wag ka nga munang magsalita ng tapos, baka kasi lunukin mo rin ang sinabi mo. I've heard a lot of women saying the same thing, but the next day, makita ko na lang sila na kahabhaban na ng nguso at himas na ang mga hita at dede nila ni Reynald."

Myra burst out laughing. Napapatingin na tuloy sa amin ang iilang mga estudyante na kasabayan namin na palabas ng campus. 

"Walang nakakatawa, para tumawa ka ng ganyan, pero bahala ka kung ayaw mong makinig. Basta binalaan na kita—"

"Grabe naman 'yang kahabhaban at himas na 'yan," tawang-tawa pa rin niyang sabi habang hawak ang tiyan. 

Nakakairita. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. “Go ahead and laugh. But I'm telling you, ‘wag ka agad magpapaniwala sa mga gorgeous devils na ‘yon. Baka kasi, kapag nakuha na nila ang gusto nila sa’yo, basta ka na lang itatapon.” Babala ko kay kay Myra na hanggang ngayon, tawang-tawa pa rin. Naluluha na nga siya sa katatawa. 

“Ako pa talaga ang binalaan mo. Ikaw naman ang duwag. At saka, didn't Reynald say he'd do everything to win your heart? Paano kung ikaw talaga ang puntariya niya at hindi ako? Sa tigas at manhid mo, baka daanin ka no’n sa santong paspasan—”

“Nagpapatawa ka ba? Tingin mo, itong mukha kong ‘to, pagnanasahan niya?” Turo ko ang mukha ko, at matagal-tagal na hinarap si Myra. “Pati nga ikaw, tameme sa hitsura ko! Baka hindi mo alam, itong mukha ko ang dahilan kung bakit nila ako binubully.” 

Napapailing na lang ako. Natameme na nga kasi siyang bigla, pero kanina daldal siya ng daldal at tawa pa ng tawa. 

“No one wants to be associated with a nerd like me, Myra. Ikaw nga lang ang naglakas loob na kaibiganin ako. Ikaw lang ang naglakas loob na ipagtanggol ako sa mga demonyong 'yon.”

“Ikaw naman ang nagsalita ng tapos. Malay mo, his taste changed. Gusto na niyang tikman ang nguso at himas-himasin ang hita at dede ng nerd!”

Myra's statements were accompanied by raucous laughing. She even removed my hood, which I promptly fixed to the point that my entire face was completely covered.

“Alam mo, Erica, hindi ka naman pangit. Kulang ka lang sa ayos. Ang plain mo. Kulang sa alaga o baka kulang sa aruga.” 

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ko. Alam kong biro lang ang sinabi niya, pero hindi ako sanay sa mga ganoong biro. Feeling ko, binubully niya ako. Feeling ko nilalait niya ako. 

“I don't care what you or other people think of me. This is who I am, and I will not change for them to like me.”

“Masyado ka talagang seryoso. Tawa-tawa din, para hindi maging losyang,” dagdag biro niya pa na sinabayan ng ngisi at bahagyang bangga sa braso ko. 

“Gusto mo ba talaga akong maging kaibigan o pinaplastic mo lang ako?” irita ko nang tanong. Hindi ko nga kasi gusto ang mga biro niya. Kahit simpleng biro lang ‘yon para sa kanya, iba pa rin ang dating sa akin. 

Ang pakiramdam kong ‘to ang naging epekto sa akin sa lahat ng pambubully na narasanasan at natanggap ko. Hindi lang sa mga kaklase ko, kung hindi dahil sa kapatid ko—kapatid ko na dapat siya ang nagtatanggol sa akin laban sa mga mapanglait, pero siya pa ang unang nanlalait sa akin. 

“Woi, sorry… biro lang ‘yon. ‘Wag mo naman seryosohin. ‘Tsaka, promise, I won't interfere with your appearance, bahala ka kung magmukhang kang puno ng saging." Hinagod niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa, at saka, paulit- ulit na umiling. " "Kulang ka na lang talaga ng dahon, walking banana ka na. Green na green,” ngisi niyang sabi at naka peace sign pa. Sinamaan ko na lamang ko siya ng tingin. 

Walang duda, bully nga siya. Siguro ang hirap pa rin tanggalin sa sistema niya ang pagiging bully, kaya sige, pipilitin ko na lang na-intindihan siya. 

“Pero seryoso, Erica. Wala naman akong pakialam kung ano ang hitsura mo o paano ka manamit dahil alam ko, hindi mahalaga ang physical appearance, what is important is the attitude. Kaya nga gusto kitang maging kaibigan. Kasi ramdam ko na mabait ka. Iyon kasi ang kailangan ko ngayon, ang mapasama sa mga taong mababait para tuluyan na ring mawala ang pagkatililing ko.” 

Sulyap na lang ang sagot ko sa sinabi niya. Nasa labas na kasi ng campus at kailangan ko nang magpaalam sa kanya.

“Saan ka pala nakatira, Erica?” Kung kanina ay panay ang tawa niya, ngayon ay biglang lungkot naman siya. May issue din yata ‘to sa life, gaya ko.

“Do'n, sa kabilang kanto na may mga apartment,” sabi ko sabay turo sa lugar kung saan ako nakatira. 

“Ako naman do'n. Sa building na 'yan,” turo niya ang condo building na nakikita namin sa hindi kalayuan, saka nilingon niya ako, at ngayon ay mas lalo nang bumakas ang lungkot sa mga mata niya. 

“So, I'll see you tomorrow?” 

Tumango ako at bahagyang ngumiti.

“Ingat ka sa daan, Erica.” Sinabayan niya pa ng pagkaway ang sinabi niya.

“You too, be careful.”

We exchanged waves as went our separate ways. Nilingon ko pa siya ulit. Malayo-layo na kami sa isa’t-isa, hindi ko naman mapigil ang mapangiti. It never occurred to me, na magkakaroon pa ako ng friend. Lahat kasi, mapa-babae o lalaki ay iniiwasan ako dahil nga sa hitsura at pananamit ko.

“Erica!” Gulat akong nag-angat ng tingin nang marinig ang tili na ‘yon. “Ano ka ba namang bata ka! Tumingin ka nga sa dinaanan mo, ang laki-laki ng pader hindi mo pa nakita. ‘Tsaka, hindi ba nangangawit iyang leeg mo sa kayuyuko?” sermon ni Manang Daday, land lady ko. 

“Hindi po,” tipid kong sagot, at sandali lang siya na tiningnan. “Akyat na po ako.”

“Na hala, umakyat ka na.” Kita ko pa ang paulit-ulit na pag-iling ng matanda. 

Magdadalawang taon na akong naninirahan sa apartment na ‘to, pero ni isa sa mga kapitbahay ko, wala akong kaibigan. Pati sila ay iniiwasan ako. Si Manang Daday lang ang nagtiya-tiyagang kausapin ako. 

Pabagsak kong nilagay sa sofa ang bag ko, bago ko naman tinungo ang mini-fridge ko, at kumuha ng tubig doon. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto at humarap sa mga collection ko. Kapag nandito lang talaga ako sa loob ng apartment nakakangiti ng bongga. ‘Yong ngiting hindi pilit at hindi mapait. 

Matapos ang ilang minutong titig sa mga collection ko, hinarap ko naman ang isa pa sa nagpapasaya at nagpapangiti sa akin—”

“Erica…” Kaagad akong napalingon sa pinto nang marinig ang pagtawag mula sa labas na sinabayan ng mahinang katok. 

“Erica, buksan mo, si Myra ‘to!” Napa-awang ang labi ko, pero kaagad ko namang tinungo ang pinto at binuksan. 

“Anong ginagawa mo rito?” nagtataka kong tanong. 

Pero imbes na sumagot si Myra, kaagad ba naman itong pumasok at ngumisi pagkatapos.

“Sinundan kita. Ayoko pa kasing umuwi. Kabagot tumambay sa condo ng mag-isa.” Kasabay ng sinabi niya ay ang paglibot ng paningin sa maliit kong sala hanggang sa dumako ang paningin niya sa naka-bukas na pinto ng kwarto ko. Dali-dali kong nilapitan iyon at akmang isasara na pero kaagad namang lumapit si Myra at pinigilan iyon. 

“Dear...” 

“Sino ‘yon, Erica? May kasama ka?” kunot-noong tanong ni Myra at akmang itutulak ang pinto.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status