“Hoy, ano ba, Myra?”
My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra.Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam kung paano siya patahanin, ‘yon lang ang naisip ko. Ang sabihin ang kapintasan ng lalaking nanloko sa kanya.“Oo, gano’n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. You must accept whatever flaws he has. Kaya lang, sira-ulo siya! Hindi na siya nahiya na mambabae, wala naman siyang maipagmamalaki!”“Kaya nga, alam mong walang maipagmamalaki ang, psychotic scumbag na ‘yon. You weren't supposed to be crying because of him.” Tinulungan ko siyang tumayo. “Sinayang niya ang tulad mo, who accepted him despite his flaws. Hindi ikaw ang nawalan, Myra. Siya! Kaya tama na ang iyak,” sabi ko, sabay pahid sa mga luha niya.“Alam ko naman ‘yon. Pero ang sakit pa rin. Ang sakit-sakit. Hindi ko akalain na itatapon niya lang basta-basta ang mahigit isang taon na relationship namin.”Niyakap ko na lamang siya. Kahit kasi anong pahid pa ang gawin ko sa mga luha niya, ayaw pa rin tumigil sa pagpatak. Alam ko rin kung gaano kasakit ang mabigo at masaktan.I never had any experience loving a man, pero narasanan ko naman ang mabigo, at masaktan ng sobra dahil sa lalaki—dahil sa kapatid ko na siyang unang nagwasak ng puso ko.“Myra, tara na, hindi ba, kakain pa tayo ng bulalo? Gutom na ako, kaya tumahan ka na.” Pinagpag ko ang damit niya na puro dumi.Pero imbes na sumagot, mahigpit na yakap ang ginawa niya na hinayaan ko lang. Hindi ko naman mapigil ang pamangiti. Hindi ko kasi inakala na makikita ko pala ang kahinaan niya. Kahit pala ang bully na gaya niya, pinanghihinaan din pala ng loob pagdating sa pag-ibig.At saka, she was right. She's a bully, yet matindi kung magmahal. That is why matindi rin ang sakit na nararamdaman niya ngayon.“I’m sorry, Erica. Dapat masaya tayo ngayon, but instead of saya at tumawa ang ginagawa natin, iyak ko ang naririnig mo. Kahinaan ko ang nakikita mo. Nakakahiya, ang angas-angas ko, tapos iiyak pala dahil sa isang manloloko,” humihikbi pa rin nitong sabi, pero pinahid naman ang mga luha niya.“Ikaw na nga ang nasaktan, ikaw pa ang nag-so-sorry,” bahagya akong ngumiti. “Lahat naman ng tao may kahinaan, at hindi nakakahiya ‘yon Myra. Kasi minsan, ‘yong kahinaan natin, nagiging dahilan din para mas maging malakas at matapang tayo.”Sandali kong natiim ang mga mata ko. Ang galing ko kasing mag-advice. Pero hindi ko naman ma-apply sa sarili ko, at ‘yong kahinaan ko, kahinaan ko pa rin hanggang ngayon.“Salamat, kahit paano gumaan ang loob ko dahil kasama kita. Kung wala siguro akong kasama ngayon, baka tumalon na ako sa tulay.”“Ay, sira-ulo ka!” Tumaas ang boses ko. “Ikaw na rin ang may sabi, ang daming lalaki sa mundo. Tapos sasayangin mo ang buhay mo dahil sa lalaking tarantado? Ang sarap mo rin iuntog!” Naduro ko tuloy siya.Sira-ulong babae. Lalaki lang susuko na sa buhay. Ako nga, patuloy pa rin na lumalaban kahit sa paraang nagduduwag-duwagan.“Tumigil ka na nga sa kaiiyak. ‘Tsaka, ayusin mo ‘yang utak mo. Ang ganda at ang sexy mong babae, maraming magkakandarapa sa’yo. Hindi ‘yong ikaw ang madarapa—”“Tara na nga,” sabi ko sabay hila sa kanya, pero usad pagong naman ang lakad niya.“Myra, naintindihan ko naman kung gaano ka nasasaktan ngayon. Pero lilipas din ‘yan, maka-survive ka rin. Ako nga, kahit mag-isa lang sa buhay, heto pilit pa ring lumalaban.”Buntong-hininga ang sagot ni Myra sa sinabi ko, then she smiled bitterly.“Mas matapang ka pa pala kay sa akin dahil nakaya mo lahat, even if you're alone.”Myra's words ended with a deep sigh. She vented her wrath on the man who hurt and cheated on her.“Okay ka na?” sumulyap ako sandali sa kanya.“Hindi pa. Pero sisiguraduhin kong magiging okay din ako. Makakahanap din ako ng kapalit niya. Mas guwapo at daks para sagad sarap!”“Bunganga mo talaga, Myra!” Napapa-iling na lamang ako. May pagkabastos kasi talaga ang bunganga nitong si Myra.Muli na naman akong napapalingon sa kanya. Tingin ko kasi, nahahawa na rin ako sa kadaldalan niya. Sanay ako na walang kausap at hindi nagsasalita. Pero ngayon, hindi na rin matigil ang pagsasalita ko.“Myra, bilisan mo na maglakad. Nakakatakot na rito.” Hila-hila ko na naman siya. Saka niya lang din naigala ang paningin sa paligid.“Oo nga… bakit ka ba pumayag na pumasok tayo sa lugar na ‘to?” tanong niya, bumilis na rin ang paglalakad niya.“Malay ko ba, wala ka na pala sa sarili kanina—”Natigil ang pagsasalita ko nang marinig ko na naman ang mahinang paghikbi. Paulit-ulit at marahas naman niyang pinahid ang mga luha niya.“Myra…”“Sh!t!” Bumuga siya ng hangin. “Kahit anong siksik ko sa utak ko na hindi deserve na iyakan ang lalaking ‘yon, hindi ko magawa. Nasasaktan pa rin ako at nalulungkot.“ ‘Wag mo na lang pigilin. Iiyak mo na lahat, ilabas mo lahat ng sama ng loob mo, handa naman akong makinig. Handa akong e-comfort ka. Gaya na lang no’ng handa kang e-defend ako.”Mahinang tumawa si Myra.” Meant to be nga tayo. Match made in heaven. Bully and the bullied. Ngayon nila sabihin na hindi pwede maging magkaibigan ang binu-bully at bully.” Pahid niya pa rin ang mga luha niya. Pero kahit paano, ngumingiti na.“Ang aga pa para sabihin na magkaibigan na talaga tayo.” Nanlaki ang mga mata niya at sandaling napatitig sa akin.Oo at komportable na nga ako na kasama siya, pero ayoko pa rin na umasa ng todo, baka kasi mabigo at masaktan na naman ako kapag bigla siyang lumayo o bigla siyang magbago.“You've seen me weep. Nakita mo na rin ang kahinaan ko. Tapos, sasabihin mo na hindi pa rin tayo talaga magkaibigan?”Hindi kaagad ako nakapagsalita. Kahit kasi masaya ako dahil sa kabaitan na pinapakita ni Myra sa akin. ‘Yong pangamba at takot ko, hindi pa rin nawawala. At ‘yong tiwala, hindi ko pa kayang ibigay ng sagad.“Myra, we don't know each other yet—”Napabuntong-hininga ako, hindi lang naman kasi ang ibang tao ang lumayo sa akin. Ako mismo, lumalayo din sa kanila. Ayoko nga kasing umasa dahil ang sakit mabigo.“We have seen our weaknesses, but what if biglang may ayaw ka sa ugali ko. What if, may ma-discover ka na secret about me? Baka layuan mo rin ako. O baka, ikahiya mo pa na naging kaibigan mo ako.”“You know, Erica? You shouldn't think about things like that. Yes, I used to be a bully. Pero kapag sinabi ko na, I want to be your friend, wala nang bawian 'yon. Lahat ng tungkol sa’yo, buong pagkatao mo, kasama na ang sinasabi mong lihim ay tanggap ko.”“Sana nga totoo ‘yang sinasabi mo, ”kibit-balikat kong sabi.Totoong masaya ako na nakilala ko si Myra, pero ayoko pa rin na umasa ng todo.“Naman! Totoong-totoo ang sinasabi ko. Bilisan na nga natin. Gutom na ako.”Palabas na kami sa iskinitang sinuksukan namin. Tahimik na rin si Myra. Tahimik na rin lang akong sumunod sa kanya. Pero kita ko pa rin ang pagtaas-baba ng balikat niya.“Erica, have you ever been in love?”Napakamot ako sa ulo. Akala ko mananahimik na siya. Pero heto, nag-open na naman ng bagong topic. Ang daldal talaga.“Oo naman, my family, mahal ko silang lahat. Kahit na ang kuya ko.”“ ‘To naman parang tanga, lalaki ang tinutukoy ko. Hindi pagmamahal sa pamilya.”Pahapyaw akong tumawa. “Tingin mo talaga, may magkaka-interest sa akin? Kita mo naman ang hitsura ko? ‘Tsaka, wala akong time sa mga lalaking ‘yan. Ni hindi ko nga matingnan ang mukha ng mga taong kausap o nakakasalubong ko.”“Buti ka pa, hindi ka pa nagmahal kaya hindi mo rin naranasan ang masaktan,” seryoso siyang tumingin sa akin.Pero ako, muli na namang natawa. “ Tama, hindi ko nga naranasan na magmahal. Pero ang masaktan, matindi pa sa sakit na naramdaman mo ang nangyari sa akin, Myra.”“Paanong naranasan mo na ang masaktan? Sabi mo nga, hindi ka pa nagmahal?” Nalilitong tanong nito. Humaba na naman ang nguso. Hindi lang pala ‘to madaldal, marites din.“Ang dami mo namang tanong. Saka na nga natin pag-usapan ang mga ganap sa buhay natin. Bilisan na natin dahil gutom na gutom na ako.”“Ikaw, umiwas ka talaga sa usapan. Ang dami kong tanong, because I want to get to know you more. At isa pa, gusto kong mawala sa isipan ko ang lalaking sira-ulo na nanakit sa akin.” Paghikbi na naman ang tumapos sa pagsasalita niya.“Asa ka pa na makalimutan mo kaagad ‘yon. Sabi mo nga, mahal mo.”“Alam ko naman matagal bago ko makalimutan ang ugok na ‘yon. And I know it will take a long time, bago maghilum ang sugat na gawa ng animal na 'yon—”Sabay kaming lumingon ni Myra as we heard a rustling behind us. Kinabahan kaagad ako. Duwag nga ako. Kung ano-ano kaagad ang pumapasok sa utak ko.“Myra, may nakasunod yata sa atin,” sabi ko, sabay ang muling paglingon, pero wala naman akong nakikita kun’di mga pusang kalye lang.“ ‘Wag kang matakot, Erica. Just follow my steps.” Kita ko pa ang muling paglingon ni Myra. Pero ako, hindi ko na magawang lumingon. Natatakot na nga ako.“Ikaw kasi, ang drama-drama mo, ginabi na tuloy tayo,” paninisi ko pa.“Erica… takbo!”Walang tanong na kumaripas ako ng takbo. Naiwan ko pa si Myra.“Bilisan mo, Myra—awww!” d***g ko habang nasa ibabaw ng lalaking nabangga ko."Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa.“H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to."S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko.Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko. Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo."Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasaktan dahil pumatong ka—" He pursed his lips, alam niya kasi na hindi ako natutuwa sa sinabi niya, lalo na sa ayos namin ngayon. Ang sarap na ngang hambalusin ang pagmumukha niya. "Sana nga, nasaktan na lan
"Honestly, Pinsan, I didn't expect her to smell so good. Her scent is so addictive; I feel like I am on cloud nine when she is on top of me," Reynald said as if he were dreaming. "The next time I bump into her, I'll make sure; ako naman ang la-landing sa ibabaw niya." Hindi ko napigil ang sarili, napalingon ako kay Reynald. Muntik na rin akong hindi makapagtimpi at gusto na sana siyang hambalusin. “Ang lakas ng tama mo, Reynald!” natatawang sabi ni Myra. “Hindi ko alam kung sinasabi mo lang ‘yan, for you to boast your kamanyakan o totoong tinamaan ka lang.” Mabuti na lang at resbak naman kaagad itong kaibigan ko. Kung nagkataon na hindi siya nagsalita, baka tinadyakan ko na ang pagkalalaki ni Reynald at nakita ng lahat ang pagsabog ng nerd. “Don’t tell me..." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Justin sa pinsan niya at kay Myra. “Siya ang pumatong sa’yo?” Turo niya si Myra, pero na kay Reynald ang tingin. Pero imbes na sumagot si Reynald, tumawa na parang baliw. “Gago ka, sumagot ka,
"What did you do, Justin?" Gulat na napalingon si Justin nang biglang sumulpot si Reynald. Ang tangkang pagtulong nito sa akin ay hindi na rin natuloy. Tumayo siya ng tuwid, humalukip, at sumandal uli sa locker. "Anong ginawa n’yo kay Erica?" Nilapitan ako ni Reynald at umupo sa harapan ko. Ang talim din ng tingin nito sa pinsan niya at kung makasinghal kuno ay parang totoong galit. Alam ko namang um-acting lang siya. "Erica, what did they do to you?" I was writhing in pain, at hindi ko kayang sagutin ang fake niyang concern. "Erica…" Hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko lang. "Masakit ba?" hinihipan niya pa iyon na sandaling ikinalaki ng mga mata ko. Impaktang Shaira. Alam kong nagseselos siya dahil sa paglapit-lapit nitong si Reynald sa akin, kaya niya ginawa sa akin 'to. Ito nga rin kasi ang ginagawa nila sa mga babaeng umaaligid-aligid dito sa malanding lalaki na 'to. "Sumosobra na kayo. Hindi na tama itong ginagawa n'yo!" Na kay Justin na ang tingin niya. Matalim at ma
“May masakit ba sa'yo, Erica? Nahihilo ka ba?" nag-aalalang tanong Reynald. Hindi ko napigil ang pagsalubong ng mga kilay ko. Rinig ko pa ang labas sa ilong na tawa ni Myra. " 'Wag mo nga akong hawakan," sita ko, sabay tampal sa kamay niya at tinulak pa siya. Ang lakas ng loob niya na haplusin ang pisngi ko. Pinakita ko sa kanya kung paano ko pinahid ng paulit-ulit ang pisngi ko na parang diring-diri sa ginawa niya."Erica, sorry, concern lang naman ako. Baka kasi may iba ka pang nararamdaman o baka may iba pang masakit sa’yo. Balik na lang kaya muna tayo sa clinic. Pahinga ka muna do'n—""Pwede ba, Reynald. Tigilan mo na itong fake mong pagbait-baitan," madiin kong sabi saka nilampasan siya."Reynald, isip ka ng ibang tactic. 'Di umobra ang pagbait-baitan mo," pang aasar pa ni Myra, bago sumabay sa paglalakad ko."Haba ng hair mo today! Um-effort si Papa Reynald, 'yon nga lang hindi umobra sa nerd,” ngisi na naman nitong sabi at panay din ang lingon niya. Hindi ko alam kung sumusun
Paulit-paulit akong napapailing. "You like me huh?" naiirita kong tanong. Sarap supalpalin ng bibig niya. Sinadya niya pang lakasan ang boses, halatang kumukuha ng atensyon sa mga taong dumadaan. Gusto yata nito na dumugin ako ng lahat. Ngiti at paulit-ulit na nagpagtango ang sagot niya kasabay ang paglapit sa akin. "D'yan ka lang." Pandidilat ang kasabay ng sinabi ko. May kasama pang duro. Akmang hahawakan na naman niya kasi ako. Feeling talaga 'to. "Erica, hindi pa ba sapat ang ginawa ko kanina? Pinagtanggol na nga kita sa mga kaibigan ko. Ano pa ba ang dapat kong gawin, maniwala ka lang na gusto kita?" Nasapo ko ang noo ko. Gusto ko pa nga sanang tumawa ng tumawa, pero baka naman isipin niya na natutuwa ako dahil gusto nga raw niya ako. "Feeling dehado ka rin 'no? So, gusto mo magpasalamat ako dahil you chose me over your friends? Tingin mo, happy ako dahil gusto mo ako? Gusto ako ng isang Reynald Punzalan—ang pantasya ng mga kababaihan na saksakan ng yabang at kamanyakan." Hi
Yuko ang ulo at parang wala sa sarili akong naglalakad papunta sa school. Paanong hindi ako mawala sa sarili, demonyo ang kapareha ko sa project. Buo ang loob ko na ipasa ang lahat ng subjects ko para maka-graduate at maka-alis na sa paaralang ‘to. Paano pa mangyayari ‘yon? Hindi ko nga alam kung paano e-approach si Justin. Hindi ko alam kung paano namin gagawin ang project.“Erica,” mahinahong boses ang narinig kong tumatawag sa akin, pero hindi ako nag-abalang pansinin. “Good morning,” sabi pa nito habang nasa tabi ko na. “Sayang, ako na lang sana ang partner mo, at hindi ang pinsan ko." Napilitan akong lumingon. Kaagad sumalubong ang fake na ngiti ni Reynald. Gusto ko nga sanang talakan na naman. Pero wala na nga akong energy. Naubos kahapon. “Tingin mo, gusto kitang maging partner?” medyo gigil kong tanong. “Alam ko namang ayaw mo rin akong maging partner, but me, gustong-gusto ko. Ang malas lang at si Myra pa ang partner—”“Wow! Ikaw pa talaga ang malas?” biglang sulpot ni My
“Ano na naman ang ginawa mo, Justin?” Narinig kong sigaw ni Reynald kasabay ang pagbagsak sa mga bigsig niya. “Wala akong ginawa, Reynald—” “Ano ba? Talagang magtatalo pa kayo? Kita n’yo na nga na kailangan ng tulong ang kaibigan ko!” sikmat na sabi naman ni Myra, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. “Erica?” Kapa ko ang ulo ko, at hindi pa kaagad maidilat ang mga mata. “Erica, pinag-aalala mo ako,” Nag-aalalang mukha ni Myra ang bumungad sa akin pagmulat ko. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sabay hawak sa noo ko. “Ang init mo pa.” “Ayos na ako, at saka, hindi pa naman ako mamamatay,” sabi ko sabay naman ang paggala ng paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. “Hindi mamamatay! Bunganga mo din minsan walang preno. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo,” sita nito sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ako nandito?” tanong ko habang ang tingin ay nasa dextrose bag na nakasabit sa stand. Napatingin din ako sa kamay kong balot na balot. “Ewan sa’yo, Erica! Tatano
"Oo, ayoko na magkaroon ng utang na loob sa'yo!" sagot ko. Nagulat ako sa biglang pagdating at pagsabat ni Reynald, pero agad ko namang nasagot ang tanong niya. Pasikmat pa nga, para ramdam na ramdam niya na ayoko at hindi ako natutuwa sa tulong na ginawa niya. Rinig ko ang pahapyaw niyang tawa na sinundan ng buntong-hininga. Um-acting na naman siyang affected sa sinabi ko. "Erica, alam mo, ang hirap at ang sakit mo palang gustuhin—""Pinsan, pinaggagawa mo sa sarili mo? Nagmumukha ka nang tanga. Tigilan mo na nga 'yang bait-baitan mo. Lalo na ang drama mo. Hindi bagay sa'yo." Napapikit ako ng todo nang marinig ang boses ni Justin.Kahit saan na lang ay bigla na lang sumulpot ang mga demonyo na 'to. Ewan ko ba kung bakit lagi kaming nag-aabot. Para kaming may mahabang tali sa mga kamay na hindi maputol-putol. "Ano ba naman 'to? Akala ko makapagpahinga ako ng maayos ngayon, hindi pala. Hanggang dito kasi sa hospital, boses at kayabangan pa rin ng mga demonyo ang naririnig ko," nangh