Share

Kabanata 7

"Erica?” bulaslas ng lalaking nabangga ko. “Nasaktan ka ba?" tanong niya pa.

“H-hindi—” sagot ko, pero nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking napatungan ko—si Reynald. Kapag minalas nga naman. Ang dami namang lalaki na pwede kong mabangga, ito pang ungas na demonyo na ‘to.

"S-sorry… hindi ko sinasadya," utal-utal kong sabi at yumuko.

Ngumiti kasi ang demonyo ng kakaiba at ayoko ang klase ng ngiti niya—ngiting manyak. Sumabay pa ang paglapat ng palad niya sa balakang ko na lalong ikinaasiwa ko.

Pero nag-init naman ang bunbunan ko at gusto ko na siyang sakalin. Hahawak-hawak pa talaga ang sira-ulo.

"Ayos lang, you don’t need to apologize. Sa lahat ba naman ng atraso ko sa’yo, kulang pa itong pagsalo ko sa’yo para mabawasan ‘yon. At saka, ang mahalaga, hindi ka nasaktan dahil pumatong ka—" He pursed his lips, alam niya kasi na hindi ako natutuwa sa sinabi niya, lalo na sa ayos namin ngayon.

Ang sarap na ngang hambalusin ang pagmumukha niya.

"Sana nga, nasaktan na lang ako kay sa pumatong sa'yo!" Sinadya kong idiin ang palad ko sa dibdib niya at akmang tatayo.

"Aray!" sabay naming da¡ng ni Reynald.

"Awww!” daíng ko ulit, sabay na ang paglingon. “A-ano ba, Myra?" Imbes na tatayo na sana ako, lalo pa akong nasubsob sa dibdib ni Reynald.

"S-sorry," utal-utal na sabi ni Myra at kaagad din namang tumayo.

Habang ako, parang nalumpo at hindi na makatayo. Ito namang si Reynald, imbes na itulak ako palayo sa kanya, diniin niya pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya. Buwisit na 'to! Akala yata nito ang bango niya. Amoy kapre naman siya. Dumikit na sa katawan niya ang usok ng sigarilyo na laging niyang hinihithit.

"Bitiwan mo nga ako!" sikmat ko at pilit na namang tumayo.

"Teka… teka, Erica, 'wag ka munang gumalaw," pinigil niya ako. Mahigpit na hinawakan ang mga braso ko at may papikit pa ng mga mata at bahagyang umungol ang ungas. "Erica, nanigas ako—"

"Tarantado ka!" Sinuntok ko ang dibdib niya at agad tumayo. "Demonyo ka na nga, bastos ka pa!" yon, sa kauna-unahang pagkakataon. Nailibas ko rin ang himutok ko. Ang galit ko at ang salitang gusto kong sabahin sa kanya. Madami pa nga sana akong ilalabas, inipon ko muna.

"Huh?” maang-maangan pa siya. Nanlaki kuno ang mga mata at kumunot ang noo. Galing um-acting. Sira-ulo! “Anong bastos? Hindi kita binabastos ah. Totoong nanigas ang ako," ayon na naman ang ngiti niya na may kamanyakan at may kademonyohan. "Nag-body cramps ako. Dinaganan n'yo kaya ako, tingin n'yo hindi ako masasaktan? Ang sakit nga rin ng puwet ko, nalamog yata," depensa niya sa sarili at tumayo na rin. Nagpagpag din siya, pero ang manyak at malademonyong ngiti, hindi pa rin nawala, sinamahan pa ng malanding tingin.

Nakagat ko na lang ang labi ko. Gigil na gigil na hinarap si Myra. "Kasalanan mo 'to," dinuro-duro ko pa siya, pero paghawak sa kamay ko ang tugon niya at panay pa rin ang lingon sa eskinita na sinuksukan namin kanina. "Hoy," bahagya ko siyang hinampas. "Ano na naman ba ang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba sumigaw ng takbo. Para kang nakakakita ng aswang—"

"Erica, may nakita nga ako—" Lumingon na naman siya. Hinampas-hampas ang braso ko.

"Nakita? Ano ang nakita mo?" Kinabahan naman ako, at napahawak na rin sa kamay niya na humahampas pa rin sa akin. Takot na takot nga kasi siya, at ang lamig ng kamay, malamang totoong may nakita nga siyang nakatatakot.

"Nakita ko, Erica. Lumapit sa atin,” putol-putol niyang sabi. Lalo tuloy bumilis ang kabog ng dibdib ko. “Daga… ang laking daga, Erica!" maluha-luha niyang sabi, sabay ang paghaba ng nguso.

Umawang ang labi ko. Ang sarap din tirisin ang isang ‘to. Nakayum ko na lang mga kamay ko. "Isa ka ring buwisit, alam mo ba ‘yon?! Akala ko, kung sinong kriminal na ang humabol sa atin. Daga lang pala!" pabagsak kong binitawan ang kamay niya.

Tawang-tawa naman si Reynald. Pero hindi ko na pinansin ang buwisit.

"Sinong hindi matatakot, ang laki kaya, pulang-pula pa ang mga mata, Erica! Kasing laki siya ng pusa—"

"Daga? Kasing laki ng pusa? Exaggerated ka na!" sabi ko pa at napapairap na lang ng wala sa isip.

"Hoy, sa'n ka punta?" tawag nito sa akin. Pabebe pa kung magsalita.

"Uuwi!" pamaktol akong lumayo sa dalawa. Kahit ba iritang-irita pa rin ako dahil naririnig ko pa rin ang mahinang tawa ni Reynald, pero hindi na ako lumingon.

"Akala ko ba gutom ka? Kain muna tayo. Sis¡psip ka pa nga ng bulalo, sabi mo," sagot naman niya habang nakasunod na sa akin. Rinig ko kasi ang tunog ng sapatos niya.

"Ikaw na lang ang kumain. Hindi na ako gutom. Nawalan na rin ako ng gana. Sige na, uwi na ako, kita na lang tayo bukas," sabi ko na lang para hindi na siya mangungulit pa.

Panay pa nga rin ang tawag niya sa akin habang papalayo ako, pero kahit anong tawag pa ang ginawa niya, hindi na talaga ako lumingon.

Nakakapagod siyang kasama. Hindi na nga matigil ang kadaldalan niya, ang malas niyang pang kasama. Ang drama pa ng buhay niya.

Na-drain ang enerhiya ko, ang daming ganap habang kasama ko siya. On the other hand, kahit nakakapagod; kahit nakaka-drain siya ng lakas, masaya pa rin naman ako.

First time ko ma-experience ang mga nangyari kanina. Nasanay na nga ako sa buhay na laging mag-isa, pero masaya at masarap din pala sa pakiramdam 'yong may bago kang ma e-encounter at bagong ma-experience, kasama ang bagong kaibigan.

Ang hindi lang masaya at masarap sa pakiramdam, ay ang pagpatong ko kay Reynald. Buwisit, siguradong makakarating na naman sa mga angels nila ang nangyaring 'yon. Siguradong walang humpay na bulaska na naman ang maririnig ko bukas.

****

"Erica!" Maganda at matamis na ngiti ni Myra ang bumulaga sa akin pagpasok ko ng gate. "Ang tagal mo, kanina pa ako naghihintay dito,” ngiting-ngiti siya habang nagsasalita at sumabay na sa paglalakad ko.

"Ang saya mo, ahh," sandali ko siyang nilingon. "Parang hindi ka mamatay-matay sa kaiiyak kahapon," dagdag ko pa na nagpahaba naman ng nguso niya.

" 'To naman, panira. Pinipilit ko na ngang mawala sa isipan ko ang walang kwentang nangyari kahapon, pinaalala mo pa," tampo niyang sabi.

"Sorry, nakakagulat lang kasi. Nakita ko nga kung gaano ka nasaktan kahapon. Akala ko, baka sinuyo ka, at bumigay ka kaagad kaya ka masaya.”

“Lawak din ng emagination mo,” nakangiti pa rin nitong sabi. Sabay lingkis ng isang kamay niya sa braso ko. “Pero tama ka sa sinasabi mong magaling sumuyo, ‘yong isang demonyo—”

“Si Reynald? Sinuyo ka niya? Sabi sa’yo, ikaw talaga ang trip no’n!”

“Teka, quite ka muna, pwede ba? Daldal mo na rin,” umirap siya pero ngumiti naman saka sumilip sa bag niya.

Nakisilip na rin ako. “Tsada…” May pa sound effect pa siyang nalalaman habang inilalabas ang pulang rosas mula sa bag niya. “Ang ganda, ‘di ba?” Inamoy-amoy niya pa iyon. “Pero sayang hindi para sa’kin ‘to, kun’di for you.”

Ngumiti siya habang nasa bulaklak ang tingin.” Hindi ako ang sinuyo, ikaw. Dinaan lang sa akin. Takot yata siyang malaman ng mga angels niya na sinusuyo ka niya,” sabi niya pa.

Inabot niya sa akin ang bulaklak, pero hindi ko tinanggap. Sandali lang akong tumingin, saka matiim na tumitig kay Myra.

“Tatanggapin mo o ayaw?” Nanliit ang mga mata niya habang nagtatanong.

“Ano sa tingin mo?” balik tanong ko, at napapailing pa.

Never akong tatanggap ng kahit ano galing sa Reynald na ‘yon.

“Ayaw mo. E ‘di tapon natin!” walang patumpiktumpik na binalibag niya sa trash bin ang rosas, at nagpagpag ng kamay pagkatapos.

“Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at tinanggap mo pa talaga ang bulaklak na ‘yon? Para namang hindi mo pa alam ang trip ng demonyong ‘yon.”

Tumawa siya at napapailing. “Mapilit kasi. Ayaw ako lubayan. Ang kulit-kulit, kaya ayon, tinanggap ko na lang. Peace offering niya raw kasi ‘yon.”

“Naku, Myra. Hindi ka pa rin ba nadala sa nangyari kahapon. At saka, hindi mo pa rin ba makuha ang style ni Reynald. Ang dali lang naman intindihin.”

Hindi ko mapigil ang mainis. Para kasing ang saya niya pa dahil sa panunuyo ni Reynald. Bully daw siya, lambot naman ng ilong. Ang bilis mapaniwala.

“ ‘Wag mo nga akong awayin. At saka, alam ko nga rin ang style ng ugok na ‘yon. Sinasabayan ko lang naman ang syle niya, kasi hindi lang naman siya ang may plano, ako rin.” Bumakas ang pilyang ngiti sa labi nito.

Napatitig na lang din ako sa kanya. Gustuhin ko mang itanong ang tungkol sa plano niya, hindi na pwede dahil nandito na kami sa impyernong classroom.

“The Nerd—”

“Hi, Erica?” Nasapawan si Justin at hindi na naituloy ang pambubully sa akin dahil kay Reynald na umakbay sa kanya at tinakpan ang bibig niya.

“Ano ba?!” sikmat ni Justin at pahablot na inalis ang kamay ng pinsan niya. “Ano bang nangyayari sa’yo?” bakas sa boses nito ang pagtataka.

“Anong nangyayari sa akin? Wala naman, masaya lang,” sagot ni Reynald. Tama, masaya nga siya, bakas sa boses niya.

Hindi ko naman kasi nakikita ang pagmumukha nila. Nandito na nga kasi kami sa classroom kaya heto, todo yuko na naman ang ginagawa ko.

“Padaan kami, pwede ba?” mahinahon pero madiin na pakiusap ni Myra.

“Paano kung ayoko?” angal ni Justin.

“Pinsan, hayaan mo na sila,” sita naman ni Reynald sa pinsan niya na halatang naiinis na. Bumuga kasi ng hangin. Parang kabayong galit at gustong manipa.

“Teka nga lang? Ano ba ang nasinghot mo at bait-baitan ka ngayon? Lakas ng tama mo!” nagtatakang tanong ni Justin.

Mahina na namang tumawa Reynald, saka tumikhim pagkatapos. “Nasinghot ko, pabango ng babaeng pumatong sa’kin kagabi.”

sweetjelly

Maraming salamat sa mga bumabasa at nag-subscribe nito. Sa mga followers, sana support n'yo rin ang kwentong 'to.

| 7
Comments (4)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
salamat po sa pagbabasa.
goodnovel comment avatar
Cynthia Tadaya
Malay natin bk makita n Reynald ang magandang kalooban n Erica..tunay n pagibig d tunitigin sa panglabas n anyo ngg tao..
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you, sa laging pagsuporta.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status