Share

KABANATA 2

“S-SALAMAT ho, sir Valentine.” 

Tango lang ang naisagot ni Valentine ng pasalamatan siya ng ina ni Devina. Gusto pa sana niyang makasiguro kung ayos lang ba ang babae ngunit hinarahangan na siya ng mga katulong sa pinto palang ng dirty kitchen. Nagkibit balikat nalamang siya at agad na bumalik sa park kung saan andoon si Carlos Valderama. 

Pero malayo pa siya ay tanaw na niya ang ambulance at pulis kasama na ang kumpulan ng mga tao. Pagkababa niya ay agad siyang lumapit doon at natigilan ng makitang iniaakyat na sa ambulance si Carlos. Nakita niya ang isang lalaki na hawak ng mga pulis, si Devino. Tila wala ito sa sarili niya dahil tulala. 

“G-Grandpa…” 

***

“WASSUP Valentine? May problema kayo ni Kristin noh?” agad na salubong sa kaniya ng kaibigan na si Travis Ruiz. Katulad niya ay tagapagmana ‘din ito ng Ruiz Clan at ang susunod na magpapalago ng kanilang mga negosyo. Mayroon pa silang isang kaibigan, si Vincent Williams. 

“I want you to investigate what happened earlier Travis. Hindi ba magaling ka mang hack ng computer? Tulungan mo ako.” 

Napakunot ang noo ni Travis dahil sa sinabi ng kaibigan at naupo ito agad sa sofa. “Wait, anong nangyari? Ibig sabihin hindi kayo nag-away ni Kristin?” sa isang buwan na natali si Valentine kay Kristin ay alam na alam ng dalawang kaibigan niya ang reklamo nito kay Kristin. Kweso selosa ‘daw ito at lahat nalang ay inaakala na may karelasyon siya. 

Minsan nang naisip ni Valentine kung tama ba siya ng babaeng minahal. Ang gabing nangyari sa kanila ay hindi na maalis sa kaniyang isip, hinahanap-hanap niya ito na parang isang droga—nakaka-adik. Pero sa paglipas ng mga araw ay mayroon siyang napapansin kakaiba na walang ibang makakapagsabi kundi siya lang. 

“Seryoso ba ‘yan? Gulo ‘yan Valentine! Sigurado akong magagalit ang papa mo sa oras na malamang makikisawsaw ka sa gulo ng Valderama, alam mo naman ‘yun,” 

Tinignan ng masama ni Valentine si Travis matapos niyang ikwento ang nangyari sa lalaki. “Sabi ko nga gagawin ko na,” iling na sabi ni Travis at bumalik sa kaniyang computer. Tumayo si Valentine at lumapit sa kaibigan. Ang negosyo kasi nila Travis ay tungkol sa mga gadgets kaya maraming alam ang lalaki sa pangangalikot basta mga teknolohiya. 

Maya-maya pa ay iisang CCTV footage lang ang nakita nila, sa may tapat ng park. “Sino naman ‘yang babae? ‘Yan ba ‘yung Devina na sinasabi mo?” tumango si Valentine sa tanong ni Travis. Nakita nila itong papasok sa loob ng park at ng ifast-forwad nila iyon ay sumunod ang papa nito. 

“Stop mo.” Seryosong sabi ni Valentine at ginawa naman nito. “Hindi tugma ang oras na nagpunta si Devina at ang papa niya. Samantalang kami ni grandpa ay dumating halos isang oras na nag nakalipas, kung si grandpa ang target ng papa ni Devina bakit hindi ko alam na pupunta siya doon?” pupunta kasi talaga dapat sila ng matanda sa kanilang bahay upang kausapin ang magulang niya. Ito mismo ang nag request na makausap ang magulang kaya pumayag siya pero dahil nga kay Devina ay nahinto ito. 

“What’s happening?” gulat na tanong ni Valentine ng makita nag blur bigla ang video hanggang sa tuluyan itong mawala sa screen. “Sh*t! Binura na ang footage!” tarantang sabi ni Travis at sinubukan pa niyang hanapin ang copy nito ngunit wala na talaga. 

“What?! Hindi pwede Travis! ‘Yan lang ang matibay na ebidensya para hindi makulong ang papa ni Devina!” natigilan si Travis sa pagkalikot ng computer dahil sa sinabi ng kaibigan. Paglingon niya dito ay tinignan siya ng nagtataka ni Valentine. 

“At bakit mo naman gustong tulungan si Devina? Hindi ba katulong lang ‘yun? Akala ko ba si Kristin ang mahal mo?” hindi agad nakasagot si Valentine sa sinabi ng kaibigan. “May I remind you brad, isa kang Montoya. Sa oras na malaman ng papa mo ang tungkol dito lagot ka. Alam mong mahalaga sa kaniya ang pangalan niyo. ‘Yun ngang nahuli kayo na magkasama ni Kristin sa iisang kama galit na galit at halos ipabagsak na lahat ng kumpanya ng mga reporters na nakahuli sa inyo.” 

Napakuyom ng kamao si Valentine dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon at tinignan lang ng seryoso ito. 

“I do not care. Do whatever you can para maibalik ang CCTV, Travis.” 

***

DALAWANG araw ang lumipas at maayos na ang lagay ni Devina. Sa mga araw na lumipas ay masyado ng maraming nangyari para kayanin ni Devina. Nalaman niya na nakulong ang kaniyang ama, ang daddy naman niya ay galit na galit sa kaniya dahil pinagbibintangan sila sa nangyari sa kaniyang lolo. 

Ang kaniyang lolo ay nasa ospital at hindi pa ‘rin nagigising hanggang ngayon. Ang kaniyang kapatid na si Adeline ay out of shock pa ‘rin dahil sa nangyari. Pero kahit ganoon ay nagawang ikwento sa kaniya ng kapatid ang totoong nangyari. 

“H-Hindi si papa ang may gawa ate Devina. N-Noong umalis ka ay nagawa kaming itali ni ma’am Kristin. A-Aalis na sana sila para sundan ka ate pero dumating si lolo.

Sinigawan niya si Kristin at nagalit, tinulungan niya kaming kalagan at sabi niya ay aalis na kami doon ngunit nabigla kami ng bigla siyang tutukan ni Kristin ng baril… Sarili niyang apo ate! Wala siyang puso!

Sinubukan ni papa na agawin ang baril kay Kristin pero sa gitna ng pag-aagawan nila ay pumutok ang baril na ikinatama kay lolo. H-Hindi si papa ate! Hinding hindi magagawa ni papa ang pumatay!”

Kapag naaalala niya ang sinabi ng kapatid na si Adeline ay lalo lang sumisiklab ang galit niya para sa mga Valderama. Dahil doon ay naisipan nalang niyang mag-ayos at lumabas upang bisitahin ang ama sa prisinto. 

NAPATAYO si Devina at agad na sinalubong ng yakap ang ama ng makita niya itong papalapit sa kaniya. “Shh… Anak, tumahan ka na. Makakalaya ‘din ako dito.” Umiling si Devina dahil sa sinabi nito at tinignan ito sa muka. 

“D-Dahil saakin kaya ka nakulong papa. Dahil iniligtas mo kami ni Adeline, alam kong hindi mo magagawang barilin si grandpa.” 

“Masaya ako na kahit papaano ay naniniwala ka saakin anak. Mahirap na pagbintangan, ang tingin saakin ng lahat ay mamamatay tao. Pero ano bang magagawa ko? Kalaban ko ang mga Valderama,” Mahihimigan ang lungkot sa boses nito kahit pa na nakangiti ito sa kaniya. Iniangat ni Devino ang kaniyang kamay upang punasan ang luha ni Devina. 

“G-Gagawa ako ng paraan para makatakas ka dito papa! Hindi ko hahayaan na mabulok ka dito sa kulungan!” 

“At ano ibebenta mo nanaman ang katawan mo?!” 

Natigilan si Devina sa kaniyang narinig at parang naging dahilan iyon upang bumalik sa kaniya ang gabi kung kailan siya ginawan ng masama ng apat na lalaking iyon. Nahalata naman ni Devino ang naging reaksyon nito at naalala ang nangyari, ang dahilan kung bakit siya galit na galit. 

“A-Anak, pasensya na. Anak, tumingin ka saakin pakiusap!” umiling lamang si Devina. 

“B-Binaboy nila ako papa! Binaboy nila ang pagkatao ko!” 

NANG matapos nilang mag-usap na nauwi lamang sa iyakan ay bagsak ang balikat na lumabas si Devina ng visiting area. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng presinto ay mayroon ng pumigil sa kaniyang dalawang pulis. 

“Ikaw si Devina Adelina Valderama, hindi ba? Sumama ka saamin.”

***

“UMAMIN ka nalang kasi!”

“Anak ka sa labas ni Christopher hindi ba?”

“Gusto mo bang palabasin ko na plinano niyo itong pamilya? Na ginawa mo ito dahil sa kagustuhan na magkaroon ng mana mula sa lolo mo?”

Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Devina matapos maalala ang ginawang panggigipit sa kaniya ng mga pulis. Hindi niya akalain na magagawa ng mga ito sa kaniya, buong akala niya ay malinis kung mag trabaho ang mga pulis at walang personalan pero dahil sa naranasan ay doon niya lang napatunayan na totoong nabibili ng pera ang batas. 

Parang sumakto ang panahon sa dinaramdam niya dahil bigla nalamang pumatak ang malalakas na ulan hanggang tuluyan na siyang nabasa. Wala siyang pakialam kung mabasa pa siya o magkasakit siya matapos iyon basta mailabas niya lang ang sakit at bigat na nararamdaman niya. 

“Devina,” ngunit nagitil iyon ng mayroong magpayong sa kaniya at nakita niya ang taong hindi inaasahan—si Valentine. “Bakit ka naman nagpapaulan? Magkakasakit ka!” nag-iwas siya ng tingin dito at hinawi ang kamay nitong may hawak na payong. 

“Hayaan mo na ako sir,” 

“Umiiyak ka ba?” natigilan siya sa tanong nito. “Umiiyak ka nga! Anong ginawa sa’yo ng mga tao sa loob?! Why did you take so long inside the jail?! Ginawan ka nanam ba ng masama doon?!” hindi makapaniwala siyang napatingin kay Valentine na natigilan dahil narealize ‘din nito kung ano ang sinabi. 

“S-Sinusundan mo ba ako?” hindi nakasagot si Valentine at nag-iwas lang ng tingin. Kitang-kita niya ang pamumula ng tenga nito kaya napatawa siya ng mapakla. “Nagugulo na nga ang buhay ko tapos may paganito pa. Ano pa bang problemang ibibigay niyo saakin Lord?” sarcastic na bulong ni Devina. 

“What?” takang tanong ni Valentine. 

“Nothing. I said, leave me alone. Baka sabunutan ako ng fiancé mo sa oras na malamang magkasama tayo.” 

Nauna na siyang naglakad palayo dito ngunit hindi siya tinigilan ng lalaki at kinulit ng kinulit kung kaya hindi na siya napigilan ang sarili at sinigawan ito. 

“Umalis ka na sabi e! Hindi ko kailangan ng tulong mo! Bakit ba pag mayroon akong problema ay nandoon ka?! Umalis ka na Valentine at ‘wag na ‘wag akong lalapitan!”

Hinihingal pa si Devina matapos niyang sabihin iyon dahil sa sobra-sobrang emosyon na nararamdaman. Feeling niya ay kahit na anong segundo ay sasabog na siya at iiyak sa harapan nito. 

“As if I care. All I want is to keep you safe,” napasabunot siya sa kaniyang buhok at frustrated na tinignan si Valentine na seryoso na ngayong nakatingin sa kaniya. 

“You want me to keep safe? Okay! Lumayo ka saakin magiging ligtas ako! Nagsimula lang naman ang lahat ng problema ko simula ng kabaliwan ka ni daddy at Kristin!” 

“Daddy at Kristin?” 

Kusang natigilan si Devina dahil sa pag-uulit ng lalaki. ‘Devina anong ginawa mo?!’ panenermon niya sa kaniyang sarili at walang nagawa kundi ang talikuran ang lalaki. 

“Wala kang narinig. Kalimutan mo na ang sinabi ko.” hindi pa siya nakakalayo ng hilahin ni Valentine ang kaniyang braso at binitawan ang payong na hawak kung kaya pareho na sila ngayong basa sa ulan. 

“Isa kang Valderama Devina. That is explain why you look like Kristin and why grandpa called you apo. Anak ka ni Cristopher Valderama sa labas hindi ba?” hindi akalain ni Devina na ganoon katalino si Valentine upang mapagtagpi-tagpi ang lahat ng iyon sa kaniyang isipan. 

“K-Kapag ba sinabi kong oo, lalayo ka na saakin? Valentine, isa akong katulong at anak sa labas. Layuan mo ako dahil mapapahamak ka saakin. Galit saakin sila daddy at iniipit kami sa pagkakasalang hindi ginawa. Ikaw, isa kang Montoya. Siguradong ayaw saakin ng pamilya mo kaya kung ano man ang atensyon na binibigay mo saakin ay tigilan mo.” 

Pabalang na inalis ni Devina ang kaniyang braso sa pagkakahawak nito at hahakbang na sana paalis ng bigla siyang makaramdam ng hilo.

Napahawak siya sa kaniyang ulo at sinubukang umiling upang mawala ito na hindi magandang gawain dahil mas lalo lang siyang nakaramdam ng hilo at nawalan ng balanse. 

“Devina!” mabuti nalang at maagap siyang nasalo ni Valentine. Tinapik ng lalaki ang pisnge niya at tinatawag ngunit ang lahat ay parang nag eecco sa kaniyang pandinig hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 

“Devina! Devina wake up! Sh*t!” Dali-dali siyang binuhat ni Valentine upang isakay sa kaniyang sasakyan at dalhin sa pinakang malapit na ospital.

***

“Congratulation mister! One-month pregnant ang asawa mo! Mayroon akong ibibigay na reseta ng mga vitamins para mas maging healthy si baby. As of now ay maayos naman ang lagay niya at malakas ang heartbeat niya. ‘Wag lang bibigyan ng maraming stress si misis para maiwasan ang miscarriage.” 

Tulalang naiwan si Valentine sa tabi ni Devina ng marinig ang sinabi ng doctor. Hindi niya na naiwasang tumulo ang kaniyang luha at hinawakan ang kamay nito’t hinalikan. 

“I-I knew it was you,” 

Hindi talaga nagkamali si Valentine. Sa nakalipas na isang buwan ay mayroon siyang napansin kay Kristin. Iba ang amoy nito sa babaeng nakasama niya ng gabing iyon. Kahit na lasing siya ay malakas ang kaniyang pang-amoy at ang amoy na iyon ay kay Devina niya lamang naaamoy. 

Noong una ay iniisip niya na nababaliw lang siya para isipin na nasa isang katulong ang amoy ng babaeng nakabihag ng puso niya pero sa lumipas na mga araw ay hindi na ito maalis sa isip niya hanggang sa maging stalker na siya at binabantayan ang bawat kilos nito. Hindi niya ito sinabi sa kaniyang dalawang kaibigan dahil alam niya na pipigilan siya ng mga ito at pagtatawanan. 

Nang magising si Devina ay agad niya itong inalalayan na sumandal sa dalawang pinagpatong na unan. 

“Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo, ibibili kita.” Napakunot ang noo ni Devina ng makita si Valentine at ng tignan niya ang paligid ay doon niya lang nalaman na nasa ospital siya. 

“B-Bakit mo ako dinala dito? Hinimatay lang ako Valentine, wala akong sakit. Aalis na ako.” Tatayo na sana siya ngunit maagap si Valentine at pinigilan siya. 

“Hindi ka pa pwedeng umalis, hindi pa binibigay ng doctor ang vitamins mo para sa baby natin.”

Natigilan si Devina dahil sa sinabi nito at nanlalaki ang matang tinignan ang lalaki. 

“A-Anong sinabi mo?” hinawakan ni Valentine ang dalawang kamay niya. “Devina, buntis ka! Isang buwan ka ng buntis. Ako ang ama niyan hindi ba? Alam kong saakin ‘yan kaya please ‘wag mo ng ikaila.” Mas lalong nanlaki ang mata ni Devina sa binigkas ng lalaki. 

“P-Paano mo nalaman?” napangiti si Valentine. Tama nga siya. 

“Kilala ko ang amoy mo Devina. Iba sa amoy ni Kristin. Alam ko na ikaw ang kasama ko ng gabing ‘yun hindi siya.” 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow buti malakas ang pang amoy mo Valentine at nalaman mo din agad na buntis si Devina
goodnovel comment avatar
Daphny Pabila
wow na man pati amoy
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
mabuti nman at ngkaalman agad hmmm
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status