Share

KABANATA 1

DEVINA

PAIKA-IKA akong naglakad papunta sa lamesa kung saan i-seserve ko ang pagkain na aming hinanda para sa mga bisita. 

“This is embarrassment Valentine! How could you do this to my daughter?! You two are not even in a relationship! Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao?! Isa itong scandal!” 

Hysterical na sabi ni daddy na nakatayo sa gitna ng lamesa. Nakayuko kong inilagay ang huling pagkain sa gitna ng mesa at hindi sinasadyang nagtagpo ang mata namin ni Valentine na hindi ko alam kung kanina pa ba nakatingin saakin? Dali-dali ko namang iniwas ang aking mata at mabilis na naglakad palayo doon. 

Napasandal ako sa pader dito sa dirty kitchen dahil sa kaba. Sinong hindi kakabahan eh nakatitigan ko ang lalaking kumuha ng pagkababae ko?! Nakilala niya kaya ako? Hindi naman siguro dahil hindi niya ako tinawag! Arghh!

“Devina, hija ayos ka lang ba?” napatayo ako ng maayos ng magsalita si nanang Ita. Binigyan ko siya ng isang ngiti at tumango. “Opo, nanang. Nakakasakal lang doon sa dining, parang may gera.” Natawa siya sa sinabi ko at napailing. 

Si nanang Ita ang mayordoma ng bahay. Matagal na siya dito at nasa sisenta na ‘din siya ngunit malakas pa. Mayroon pa kaming isang kasamang katulong na si Ursula, na naghuhugas ng plato, tapos ako nalang at si mama. 

“Malaking gulo talaga hija, sa tinagal ko ng namamalagi dito sa mga Valderama ay ngayon lang nadungisan ang pangalan nila.” Gusto kong mapairap dahil doon. Nakakainis lang, ngayon nadungisan samantalang alam na alam ko kung gaano kadungis ang mga Valderama pwera kay grandpa. 

Nagpaalam ako kay nanang at dumeretsyo sa silid namin. Magkakasama kami sa iisang kwarto, dito ‘din natutulog si papa, ang napangasawa ni mama na si papa Devino. Sa kaniya hinango ni mama ang pangalan ko, sa kanilang dalawa ni daddy ay parang siya pa ang tunay ko na ama dahil si daddy? Ni minsan ay hindi niya ako itinuring na anak. 

Nagawa nga niya akong ibenta kay Valentine Montoya—siya ‘yung kausap ni daddy kanina sa dining at siya ‘din ang dahilan kung bakit ako paika-ika kung maglakad dahil ibinigay ko sa kaniya ang aking pagkababae. Wala akong choice, ginawa ko iyon para kay mama. 

“Mama, kumusta po ang pakiramdam niyo?” 

Dumilat ang kulay asul na mata ni mama—pareho kami. Kita ko doon ang pagod at hirap, sa tuwing nakikita ko si mama ay naiiyak ako. Ang laki na ng pinayat niya at alam kong hirap na hirap na siya dahil sa sakit na cancer. 

“Ma, konting tiis nalang po. Mamaya ay kakausapin ko agad si daddy para ibigay niya saakin ang pera panggamot niyo,” 

Iniangat ni mama ang kamay niya at pinahid ang luha na hindi ko namamalayang tumutulo na pala. “A-Anak pasensya ka na. Hindi mo kailangan gawin ito.” Umiling ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya na nasa pisnge ko pagkatapos ay dinama iyon. 

“Hindi ko hahayaan na hindi ka gumaling, ma. Bakit kasi hindi niyo agad sinabi saakin na may iniinda ka na pala.” Nagtatampo kong sabi sa kaniya. Si mama ay nasa edad 47 palamang, bata pa ngunit dahil sa sakit niya ay nagmumuka siyang matanda. 

Paano ako naging anak ni mama? Dahil ni-rape siya ni daddy. Nakakagulat hindi ba? Galit na galit ako ng malaman ko ‘yan. Kung hindi lang ako kinausap ni grandpa, ang ama ni daddy na siyang kasalukuyang namumuno sa Valderama Clan, ay baka hindi ko na ito napatawad pa. Si grandpa lang ang mabait sa kanilang lahat kaya kahit papaano ay maswerte ako dahil nakakaligtas ako sa mga pagpapahirap ng mga ito.

Si daddy ay mayroong ibang pamilya, si ma’am Cassandra at ang half-sister ko na si Kristin. Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil magkamuka kami ni Kristin, tanging ang kulay asul na mata ko lang ang naiiba. Hindi maganda ang trato nila saakin, kahit na sarili kong ama ay hindi. Well, sino ba ang hindi dahil anak ako sa labas. 

Pero kahit ganoon ay masaya ako sa pamilya ni mama, sa pamilya namin. Mayroon ‘din akong half-sister kay papa Devino, si Adeline. Ang pangalan ni mama ay Adelle, doon kinuha ang pangalan namin ni Adeline. Second name ko ang Adelina samantalang siya naman ang second name niya ay Devine. Mabait na bata si Adeline at magkasundong magkasundo kaming dalawa, pitong taon ‘din ang agwat namin. 

“Kumusta ang mama mo Devina?” napalingon ako ng may magsalita at napangiti ng makita si papa. Nagmano ako sa kaniya bago sumagot. “Ayos naman po siya papa, pinatulog ko po ulit para makapagpahinga.” Napatango siya sa sinabi ko at naglakad palapit kay mama. 

Isang hardenero si papa ngunit hindi mo mahahalata dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan ng katawan kahit nasa fifty’s na ito. Minsan nga iniisip ko kung sino ba ang pamilya ni papa, wala kasi itong nababanggit saamin. Nagkibit balikat nalang ako at iniwan sila doon upang tulungan sina nanang at Ursula.

***

“MAGALING Devina!” 

Napangiwi ako sa sinabi ni Daddy ng pumasok ako sa loob ng office nito. Nasa gilid niya si ma’am Cassandra habang si Kristin ang nagbukas ng pinto para saakin. 

“Sana po tumupad kayo sa pangako niyo daddy,” Deretsyo kong sabi na ikinatango nito. 

“Syempre! Honey, ibigay mo na sa kaniya.” Mayroong kinuhang bag si ma’am Cassandra mula sa aparador na ikina-excite ko. 

“Maswerte ka Devina dahil nauwi sa pakikipagkasundo saamin ni Valentine ang lahat. Kung hindi wala kang premyo,” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kristin. Alam ko naman kung bakit ako ang pinatabi ni daddy kay Valentine kagabi, dahil alam niyang hindi na virgin ang anak niya tsk. 

“Heto na ang pera,” inihagis ni ma’am Cassandra ang bag sa lapag na ikinakunot ng noo ko. Gusto kong lumaban ngunit wala akong magawa dahil na ‘rin isa lang akong hampas lupa. 

Kinuha ko nalang ang bag at nag bow sa mga ito. “Thank you, daddy.” Pagkasabi ko nu’n ay dali-dali na akong lumabas at rinig ko pa ang tawa saakin ni Kristin at sinabing muka daw akong pera. 

Tiis lang Devina! Para ito sa mama mo! 

***

“SAAN mo nakuha ang ganiyang kalaking pera Devina?” gulat na sabi saakin ni papa habang nandito kami sa likod bahay. 

“P-Pa, ginawa ko ito para kay mama. Ibinigay saakin ito ni daddy.” Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. 

“Ibinigay? Sa anong kapalit? Sigurado ako na may kapalit ‘yan Devina! Hindi basta-basta maglalabas ng tatlong milyon ang daddy mo!” napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya at nararamdaman ko na ang napipintong pagtulo ng luha ko. 

Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at hinarap sa kaniya. “Devina, tinatanong kita. Ano ang kapalit?” napapikit ako upang pigilan ang luha ko. Ayokong makita ako ni papa na mahina, ayoko na makita nila akong mahina. 

“K-Kapalit ang isang gabi sa piling ni Valentine Montoya,” Natigilan siya sa sinabi ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. 

“D-Devina anak, hindi mo dapat ginawa iyon,” Mas lalo akong naging emosyonal ng marinig ko ang pag crack ng boses ni papa at alam kong umiiyak na ito. Iyon ang unang pagkakataon na nakita kong umiiyak si papa. Nakilala ko siya bilang matapang at matatag na lalaki kaya nga siya ag role model ko pero ngayon na umiiyak siya ay hindi ko kinakaya.

“K-Kailangan ko papa! Kailangan ko para sa pampagamot ni mama!” 

Hindi na siya sumagot saakin at hinayaan akong umiyak sa kaniyang balikat. Big deal saakin ang pagkababae ko pero kung para kay mama ay gagawin ko. Sino bang may gustong mawala ang kaniyang ina? Wala. At hindi ko hahayaan ‘yon. 

***

MABILIS na lumipas ang panahon at mag-iisang buwan na mula ng magsimula ang basic treatment ni mama. Bago siya operahan ay kailangan umalis muna kami dito sa puder ng mga Valderama kung kaya humahanap pa ako ng tyempo bago kami tumakas. Bukod sa alam kong hindi kami papayagan nila daddy ay mas lalong mahihirapan ako na iwan si grandpa kaya pinili kong ilihim ang tungkol sa pag-alis namin. 

Nakausap ko na ang mga guards at ibang nagtatrabaho dito sa bahay upang tulungan kami sa pagtakas. Alam kasi nila na kahit may sakit si mama ay nagagawa pa ‘rin siyang utos-utusan nila ma’am Cassandra, minsan nga hindi ko na makontrol ang sarili ko at muntik ko na itong awayin. Mabuti at dumating si papa. 

Speaking of papa, wala na ‘din naman siyang nagawa ng ibigay ko sa kaniya ang pera. Basta ang sabi niya saakin ay ‘wag na ‘wag ko ng uulitin na gamitin ang aking katawan para lang magkaroon ng pera. Napatigil ako sa paglabas mula sa main door ng makasalubong ko doon si Valentine Montoya. 

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakaka-intimidate ang kaniyang mga mata. Wala akong gusto sa kaniya, sadyang nahihiya lang ako dahil kahit na hindi niya ako maalala ay para saakin malinaw ang pangyayari ng gabing ‘yun. 

“Where is Kristin?” tanong niya saakin. “Umalis po sir, pero nanjan si dad-I mean sir Christopher.” Gusto kong kotongan ang sarili ko dahil muntik ko na itong matawag na daddy sa harapan ng isang mayaman na tao. Hindi basta mayaman dahil si Valentine pa! 

Hindi nila alam ang tungkol saakin, mabuti ay hindi nila pinupuna ang pagkakakamuka namin ni Kristin. Sabagay lagi kasing may make-up ang half-sister ko na ‘yun. Nang lagpasan ako ni Valentine ay hindi ko maiwasan na habulin ang amoy niya—bakit parang bumango siya saakin ngayon? 

Oo, mabango talaga si Valentine pero bakit parang nag-iba ang amoy niya para saakin? Napailing ako dahil doon at tinuloy ang paglalakad palabas. Kanina ko pa kasi inaantay si Adeline at anong oras na, dapat ay nakauwi na ito. 

Napahinto ako ng mag ring ang cellphone ko at nakita ko ang number ni Kristin kung kaya agad ko iyong sinagot. “Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa pagtakas niyo?” natigilan ako sa sinabi niya at agad na kinabahan. 

“Hinahanap mo si Adeline hindi ba? Pumunta ka na dito sa bakanteng bahay sa likod ng park bago ka pa mahuli Devina.” 

“A-Ate! A-Ate tulungan mo ako! Ang daming lalaki ate! Ate Devina tulungan mo—” 

“Tama na! Ang ingay mo!” 

“Napakawalang hiya mo Kristin! Bakit mo dinamay ang kapatid ko dito?!” galit kong sabi na ikinatawa lang nito sa kabilang linya pagkatapos ay bigla itong namatay. Napakuyom ako ng aking kamao at maglalakad na sana upang puntahan si Adeline ngunit napahinto ako ng makaramdam ako ng hilo. 

Maya-maya pa ay nawala ‘din ito kaya napailing ako. Nakakapanibago ang ganito saakin, madalas kung humikab na ako at kung minsan ay mayroon akong amoy na hindi ko gusto at nasusuka—h-hindi! Hindi pwedeng mabuntis ako ni Valentine, napaka impusible! 

Isang beses lang may nangyari saamin! Pero hindi pa ako dinadatnan… Argh! Mamaya ko na ‘to iisipin. Kailangan kong mailigtas si Adeline. 

TAHIMIK sa paligid ng dumating ako at madilim na ‘rin. “S-Sino kayo?!” nagulat ako ng biglang mayroong sumulpot mula sa isang tabi at hinawakan ako sa magkabila kong braso pagkatapos ay ipinasok ako sa loob. Lumang bahay na at wala ng tumitira dito, siguro dahil na ‘rin nasa likod ito ng park. 

“A-Adeline! Lumayo kayo sa kaniya! Lumayo kayo!” hindi ko napigilan ang luha ko ng makita ko si Adeline na nakahiga sa sahig at mayroong takip ang bibig habang mayroong dalawang lalaki na humahawak sa katawan nito. 

Nakataas ‘din ang palda nito at kita na ang underwear. “Nandito na pala ang bisita!” napatingin ako sa bumaba mula sa second floor ng bahay at agad na sumiklab ang galit ko ng makita si Kristin. 

“Hayop ka Kristin! Pakawalan mo si Adeline! Ako ang kailangan mo hindi ba?! Ako nalang ‘wag siya!” iyak kong sigaw sa kaniya. Hindi ko kayang makita sa ganoong kalagayan si Adeline lalo na at kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. 

“Madali naman akong kausap Devina. Ilayo niyo ‘yang si Adeline at si Devina ang galawin niyo.” Nabigla ako sa sinabi niya ngunit hindi na ako pumalag pa.

Napatingin ako kay Adeline na inilalagay na nila sa tabi, nakita ko ang pagtutol sa kaniya ngunit alam kong ayaw niya ‘din na magahasa at mas lalong ayaw ko nun. 

“Lakad!” wala akong nagawa ng itulak ako ng lalaki papunta sa hinigaan ni Adeline kanina na karton. Nanginginig na ang kamay ko, hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Gusto kong tumakas, gusto kong tumakbo ngunit hindi ko pwedeng iwan si Adeline. 

“Subukan mong tumakas maririnig mo ang putok nito,” natigilan ako at napalunok ng itutok saakin ng isang lalaki ang kaniyang malamig na baril. Feeling ko ay hindi na ako makahinga ng mga oras na iyon at namalayan ko nalang na nakahiga na ako habang pinagkakaisahan ng apat na lalaki. 

Sunod-sunod na tumutulo ang luha ko habang naririnig ang tawa ni Kristin. Mas lalong lumalaki ang galit ko kay Kristin ngunit wala akong magawa ng mga oras na ‘yun dahil hawak nila ang buhay ko. Pikit mata kong tinaggap ang aking sitwasyon. 

“Bilisan niyo na jan!” narinig ko ang boses ni Kristin ngunit hindi ko na maidilat ang mata ko dahil sa kababuyan na nasa harapan. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan, ang mga kamay nila, ang mga labi nila, wala akong magawa kundi ang maawa sa sarili ko. 

“Ano ‘yun?!” 

Napatigil ang apat sa ginagawa nila saakin ng makarinig sila ng ingay mula sa labas. “Tignan niyong apat! Bilisan niyo! Hindi pwedeng may makakita satin!” ilang sandali pa ay wala na akong maramdaman na nakahawak sa katawan ko. Nakapa ko ang aking damit at kinuha iyon upang pantakip sa aking katawan. 

Tahimik lang akong umiiyak hanggang sa may maramdaman akong humawak saakin. 

“W-Wag mo akong hawakan! Ayoko na! Tama—” 

“D-Devina! Devina ako ito! A-Ako ito si papa mo!” dahil sa aking narinig ay kusang napadilat ang aking mata at sumalubong saakin ang umiiyak na si papa. Agad akong napabangon at yumakap dito. 

“P-Papa!” 

“P-Patawad! Patawad kung nahuli ako, anak!” 

Mayroon siyang isinuot saakin na jacket at tinulungan niya ‘din akong isuot ang short ko. Gusto ko nalang maupo sa isang tabi at umiyak ngunit patuloy ang sinasabi ni papa na kailangan kong tumakas, na kailangan kong tumakas kasama si Adeline kaya sa sumandaling oras ay naalala ko ang dahilan kung bakit ako nandoon. 

Nilapitan namin si Adeline at inalis ang pagkakatakip sa bibig nito. “A-Ate Devina!” ngumiti nalang ako ng pilit kay Adeline upang hindi na siya mag-alala pa, alam kong nakita niya ang lahat. “Kailangan niyo ng umalis!” tatayo na sana kaming tatlo ngunit biglang pumasok ang apat na lalaki sa loob na ikinatili ni Adeline. 

“Pipigilan ko sila, umalis na kayo!” tutol sana ako kay papa dahil may baril ang mga ito ngunit naisip ko na hindi sila magpapaputok dahil malalaman ng lahat ang kababuyan nilang ginawa saamin. Inakay ko si Adeline paalis ng humarang si Kristin upang pigilan kami. 

“At saan kayo pupunta?!” susugudin ko na sana ito ngunit nagulat ako ng biglang tumakbo si Adeline dito at tinulak na ikinatumba nito palayo. “A-Ate umalis ka na! Humingi ka ng tulong ate Devina!” tatanggi sana ako sa sinabi ni Adeline ngunit nakita ko nalang siya na pinagsasabunutan si Kristin. 

Napatingin ako sa gawi ni papa at nakikita ko na siyang nakikipaglaban sa apat gamit ang isang bakal. Mas lalo akong napaiyak sa sitwasyon namin at pikit matang umalis sa bahay na iyon upang humingi ng tulong.

Nadapa pa ako sa labas habang ako ay tumatakbo ngunit mas binilisan ko pa ang aking kilos hanggang sa makarating ako sa kalsada at sakto na mayroong kotse na paparating. 

“T-Tulong! Tulungan niyo ako!” iyak na sigaw ko na ikinapreno agad ng kotse. Pumunta ako sa driver seat at kinatok iyon. “T-Tulong! Tulungan niyo ang kapatid at papa ko!” bumukas iyon at natigilan ako ng makita kung sino ang driver. 

“Devina?” takang tanong ni Valentine ngunit hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano at hinawakan ang braso niya. “S-Sir Valentine tulungan mo ako! Tulungan mo ang kapatid ko at si papa!” iyak na sigaw ko sa kaniya. “Devina, apo?” ngunit napahinto ako at napalingon sa nagsalita. 

Doon na ako tuluyang hindi nakapagsalita, si grandpa kasama niya si Valentine!  “Anong nangyari sa’yo?! Bakit ang dami mong pasa?! B-Bakit ang dami mong…” hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin dahil alam ko kung ano iyon. 

Mga pambababoy saakin. 

“G-Grandpa…T-Tulungan niyo po si Adeline at papa… Nasa bakanteng bahay…” hindi ko alam kung bakit tila nanghihina na ako. Feeling ko ay wala na akong malanghap na hangin kakaiyak at tuluyan nga akong nawalan ng balance mabuti at nasalo ako ni Valentine. 

“Valentine iuwi mo na ang apo ko. Ako na ang bahala sa sinasabi niya,” 

No! Gusto kong sumigaw at pigilan si grandpa ngunit wala ng lumalabas sa bibig ko. Pabagsak na din ang talukap ng aking mga mata. 

“What? No, grandpa. Sasamahan ko kayo,” boses ni Valentine. 

“No! Mas mahalagang magamot agad si Devina, alagaan mo ang apo ko Valentine.” 

‘Yan ang huli kong narinig at tuluyan na akong nawalan ng malay. 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe naman bininta na nga sya ng totoo nyan ama tapos pinababoy pa ng walanghiya nyang half sister na si kristine sobrang kawawa naman dito si divina sana malaman ni valentin na di divina yong nakatalik nya nung gabing yon hindi si kristin
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
napakahayop Naman ng ama at kapatid ni Devina
goodnovel comment avatar
Lorie Mae Manera
napakaganda Sana ang simula ng kwento pero dahil sa na rape na Bida parang ayaw ko na din basahin....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status