Share

KABANATA 3

“HINDI ko pwedeng iwan sila mama, papa at Adeline, Valentine!” 

“Devina, babalikan natin sila. Ang mahalaga ngayon ay maitago kita dahil baka mapahamak ang anak natin.” 

Sunod-sunod na umiling si Devina dahil sa sinabi ni Valentine. Inihahatid na siya nito pauwi sa mansion ng mga Valderama dahil naibigay na ‘din ng doctor ang vitamins niya at nakabili na sila. 

“Kahit pa Valentine. Pamilya ko ang mahalaga saakin, sila nalang ang meron ako. Kung sa inyo mahalaga ang yaman at pangalan niyo saakin ang pamilya ko, Valentine.” 

Napabuntong hininga nalang si Valentine at hindi na sumagot pa sa sinabi ng babae. Pinipilit niya kasi ito na sumama sa kaniya at ilalayo niya ito sa lugar na hindi malalaman ng mga Valderama at Montoya ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Balak niya na kapag nailipat na sa kaniya ang title bilang bagong namumuno sa Montoya Empire ay tyaka niya ilalabas ang mag-ina upang wala ng makapigil sa kanila. 

Alam niya kasi na pipigilan siya ng magulang lalo na ng ama nito dahil isang katulong at labas na anak si Devina. Makalipas ang ilang minuto ay nagpababa si Devina ilang bahay bago dumating sa mansion ng mga Valderama. Hinawakan niya ang kamay ng babae na inaalis ang seat belt nito. 

“Please take care Devina. Ayokong may mangyaring masama sa inyong dalawa,” ngumiti ng pilit si Devina at tuluyan ng bumaba. Walang lingon siyang nagpatuloy sa paglalakad dala ang isang paper bag na naglalaman ng kaniyang vitamins. 

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Madami na ngang problema dumagdag pa ang bata na nasa sinapupunan niya. Hindi niya akalain na magbubunga ang isang gabing pagsasama nila ni Valentine at ngayon nga ay alam na nito ang tungkol sa anak nila. Masyadong mabilis para sa kaniya kaya naguguluhan siya sa mga nangyayari. 

“Devina anak! Saan ka ba nanggaling?! Nag-alala ako sa’yo!” salubong na sabi ng kaniyang ina kasama si nanang Ita at Ursula. Sa likod kasi siya dumaan upang hindi siya agaw pansin. 

“Alam mo bang galit na galit si ma’am Kristin at hinahanap ka? Anong ginawa mo huh!” sabat ni Ursula na ikinatakot ni Devina. 

“B-Bakit niya ‘daw ako hinahanap?” 

‘Alam niya kayang magkasama kami ni Valentine?’ takot na tanong niya sa isipan. 

“Hindi namin alam hija, basta hinahanap ka at sabi nito kapag bumalik ka ay pumunta ka sa kwarto niya.” 

***

KINAKABAHAN si Devina habang papaakyat sa silid ng half-sister niya na si Kristin. Kilala niya ang babae, mabigat ang kamay nito katulad ng ina at ama. Hindi isang beses kundi maraming beses na siyang napagbuhatan ng kamay nito. Dati ay ayos lang sa kaniya ngunit ngayon na may baby na sa loob ng tiyan niya ay natatakot siya na madamay ito. 

“K-Kristin?” katok na tawag niya dito at narinig niya ang sigaw nito na ‘pasok’ 

Pagkasara na pagkasara niya palang ng pinto at pagharap sa loob ay isang malutong na sampal agad ang natamo niya. 

“Napakawalang hiya mo! Kasama mo si Valentine kagabi ano?! Ikaw ang kasama niya kagabi! Walang hiya ka!” 

Hindi nasiyahan si Kristin sa pagsampal sa kaniya at sinabunutan pa siya nito. Pero dahil takot nga siya na kung anong mangyari sa anak ay agad niya itong tinulak palayo na ikinabagsak nito sa sahig. Nagulat ‘din siya sa nagawa at nakita niyang ganoon ‘din si Kristin. 

“You!” galit na sigaw ni Kristin. “S-Sorry Kristin! Hindi ko sinasadya! Masakit kasi ang sabunot mo!” hindi pinansin ng babae ang sinabi niya at muli na sanang susugod ng naging maagap siya’t muli itong tinulak. 

“What are you doing to my daughter?!” nagulat siya ng biglang sumigaw si Cassandra, ang ina ni Kristin at mabilis na nakalapit sa anak at tinulungan itong tumayo. 

“M-Mommy! Inaagaw niya saakin si Valentine! Malandi siya!” sumbong na sabi ni Kristin dito. 

“H-Hindi totoo ‘yan! Hindi ko kasama si Valentine kagabi!” 

“Anong hindi?! Wala si Valentine sa bahay nila at sa mga kaibigan niya! Ikaw lang naman ang alam kong pwedeng sumulot sa kaniya mula saakin!” nanlilisik ang matang sigaw ni Kristin. Nag-isip agad si Devina ng idadahilan, hindi dapat malaman ng kapatid na magkasama sila. 

“N-Nasa prisinto ako ng gabing ‘yun! Nagpunta ka ba sa prisinto para tignan ako?!” natigilan si Kristin sa sinabi niya kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang hindi manghinala ang babae. “P-Pilit nila akong pinaamin sa kasalanan hindi naman ginawa ng papa ko dahil ikaw! Ikaw talaga ang bumaril kay grandpa Kristin! Napakasama mong apo!” 

“Hoy Devina! ‘Wag mong pagbintangan ang anak ko!” agad na nakalapit si Cassandra kay Devina at hinawakan ang buhok nito't kinaladkad pababa. 

“A-Ah! M-Ma’am Cassandra masakit po!” hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha dahil nag-aalala siya pasa sa anak hindi para sa sarili. 

“Talagang masasaktan ka saakin!” sigaw nito na siyang ikinalabas ng mga katulong mula sa kusina at nanlaki ang mata ng makitang hila-hila si Devina habang sinasabunutan. 

“D-Devina anak!” lalapit na sana ang mama niya upang iligtas siya ngunit pinigilan siya ni nanang Ita. 

“Jan! Jan ang nararapat sa mga katulad mong anak sa labas! Dapat noon ka pa namin inalis sa bahay na ito! Kung hindi lang dahil sa papa ay baka pinalayas ka na namin noon pa! Ngayon na wala na dito si papa ay magagawa ko ng palayasin ka! Lumayas ka dito at ‘wag ng babalik Devina!” 

Napangiwi si Devina ng maramdaman niya ang sakit sa kaniyang balakang na umikot papunta sa kaniyang tiyan dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Cassandra sa labas ng main door ng mga ito. Muntik na nga siya mahulog sa iilang hakbang na hagdan mabuti nalang at hindi natuloy. 

“’Wag na ‘wag niyo ng papapasukin dito ang bastarda na ‘yan!” Sinarado nito ang malaking pintuan habang si Kristin naman ay nakangising nanonood mula sa hagdan. Iyon naman talaga ang nais niya, ang mawala na sa landas nila si Devina. Kaya nga niya nagawa na ipa-rape ito, balak niya talaga tuluyan ng burahin sa mundo si Devina kaso dumating ang lolo niya na ikinainis niya ng sobra. 

“Mabulok ka sa labas Devina. Saakin na ang lahat ngayon, wala ng Devina, Devina na sasabihin ni grandpa tsk.” Irap na sabi nito at umakyat na sa taas. 

Samantalang agad na umikot sa likod na daan ang mama niya kasama si Ursula at nanang Ita. Naabutan nila itong inaalalayan ng isang lalaki na sa pagkakatanda nila ay kaibigan ni Valentine. 

“T-Tulungan mo ako… ang anak ko.” napasinghap sila dahil sa sinabi ni Devina at nakita nila ang dugo sa binti nito. 

“Devina! Buntis ka?! Paano?!” gulat na tanong ni Ursula ngunit hindi na nakasagot pa si Devina dahil hinimatay na ito sa sobrang kaba para sa anak. 

“T-Tulungan mo ang anak ko! Tulungan mo si Devina!” iyak na sabi ng mama nito na si Adelle kay Travis. 

“’Wag po kayong mag-alala, ako na pong bahala sa kaniya.” Agad niya itong binuhat at isinakay sa sasakyan. 

Habang nag dadrive ay panaka-naka siyang lumilingon kay Devina na wala pa ‘ring malay at umaagos ang dugo sa binti nito. 

“Sh*t!” hindi nito napigilan ang mapamura dahil maging siya ay kinakabahan simula ng malamang buntis ito. Nagpunta siya sa mga Valderama para sana kausapin si Cristopher ukol doon sa kaso ng papa ni Devina. Maging siya ay hindi pinapatahimik ng konsensya dahil alam niya na wala itong kasalanan. 

Tama ang kaibigan nitong si Valentine, hindi nila hahayaan na madala nila sa ang maduming kalakaran ng kanilang mga ninuno at magulang para lang mapagtakpan ang kanilang pangalan. Kaya naisip niya na magsalita na at tulungan sila Devina. 

***

“LIGTAS ang sanggol. Pero sa oras na maulit pa ito ay hindi ko na sigurado kung kakapit pa ito. Pakiusap bantayan niyo ng mabuti Mr. Pakisabi sa mister niya na maaaring mawala sa kanila ang bata.” 

“Wait, mister po? Sino po?” naguguluhan na tanong ni Travis sa doctor. Nakita niya na nag-aalangan pa ang doctor kung magsasalita o hindi. “Sabihin niyo na po saakin, kaibigan ko ho si Devina.” Napatango ito dahil sa sinabi niya.

“Si Mr.Valentine Montoya. Actually, wala pang limang oras simula ng ma-discarge si Devina at malaman nilang buntis ito pero eto, nandito nanaman siya.” Napanga-nga si Travis dahil sa kaniyang narinig at nagpaalam na ang doctor dahil marami pa ‘daw itong gagawin. 

“A-Anak niyo ni Val?” hindi makapaniwalang sabi ni Travis habang nakatingin kay Devina na wala pa ‘ring malay. 

Pumasok sa isip niya ang sobrang pag-care ni Valentine sa babae. Na handa nitong itaya ang mamanahin para lang matulungan ito. Ngayon naiintindihan na niya, naiintindihan na niya na hindi si Kristin ang kasama ni Valentine ng gabing iyon. Ang gabing kinaka-adikan ng kaibigan. 

“Anong gulo ang pinasok ni Val?” alalang tanong ni Travis sa sarili. 

NAGISING si Devina at ang anak agad ang kaniyang hinanap dahil alalang-alala pa niya ang dugo sa kaniyang binti. 

“Hey, kumalma ka lang. Maayos lang ang anak mo. Sabi ng doctor kapag naulit pa ‘daw iyon ay baka nalaglag na ang bata.” 

Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Devina pero hindi pa ‘rin niya maiwasan na mag-alala para sa anak. Ayaw niya itong mawala sa kaniya—sa kanila ni Valentine. 

“K-Kaibigan ka ni Valentine hindi ba? Salamat sa tulong mo.” Hindi makatingin na sabi niya sa lalaki. “Okay na ako, kailangan ko ng umuwi.” Pinigilan naman siya agad ni Travis. 

“Paano ka uuwi kung pinalayas ka ng ina ni Kristin?” natigilan si Devina dahil sa tanong nito pero kalaunan ay tumango ‘din. 

‘Gulo talaga ito.’ Namoproblema na sabi ni Travis sa kaniyang isipan. 

“Si Valentine, siya ‘dina ng ama niyan hindi ba?” gulat na napatingin si Devina sa lalaki. Wala naman siyang sinabi dito tungkol sa ama ng anak niya kahit sa mama niya ay wala. 

“Sinabi saakin ng doctor.” Wala siyang nagawa kundi ang tumango nalamang. 

“N-Nagawa ko iyon dahil sa mama ko. May sakit si mama at kailangan ko ng malaking pera. Si sir ang nilapitan ko dahil nahihiya na ako kay grad—I mean sa daddy ni sir sa palagi niyang pagliligtas saakin kapag inaapi ako ng pamilya ng anak niya. Kaso kapalit n’un ay ang pagtabi ko kay Valentine, wala naman akong choice kaya ginawa ko ‘yun. Pero wala ‘din palang silbe dahil nalaman ni Valentine na ako ‘yun.” 

“Hindi mo talaga mauutakan si Val, matalino pa sa matalino ‘yun.” Natatawang sabi ni Travis na ikinatingin niya muli dito. “Tutulungan kita Devina, tutulungan kita na makalayo dito.” Umiling siya dahil sa sinabi ng lalaki. 

“’Wag na. Bukod sa nakakahiya ay sinabi na saakin ni Valentine na handa niya akong ilayo. ‘Wag mong sasabihin sa kaniya ang tungkol dito okay? Papayag ako sa gusto niya para sa baby, ayoko na mapahamak siya.” 

“Pero Devina, malaking gulo sa oras na mahuli kayo.” 

“Edi doon mo nalang kami tulungan. Tulungan mo kaming hindi mahuli para makalayo kami ng anak ko.” 

***

“DEVINA, anak sigurado ka na ba dito?” nag-aalalang tanong ni Adelle sa kaniyang anak. 

“Ma, ayokong iwan ka dito pero ito nalang ang alam kong paraan para hindi madamay ang anak ko. Babalikan kita mama ng palihim para maisama ka’t itakas. Sa isang buwan babalik ako, pahuhupain ko lang ang gulo para makuha ko kayo.” Sabi ni Devina habang inaayos ang kaniyang gamit. 

Ngayon na ang oras para sa paglayo na napag-usapan nila ni Valentine. Pagtapos ng nangyari kay Devina ay agad niyang kinontak ang lalaki at sinabing handa na siyang lumayo. Tuwang-tuwa pa nga si Valentine sa nalaman at agad na nagplano para sa paglayo niya. 

Samantalang si Travis naman ay naging totoo sa kaniyang salita at hindi sinabi sa kaibigan ang pagkakaospital niya. Saktong alas dos ng madaling araw ang oras ng pagkikita nila sa park kung saan sila unang nagkita sa gitna ng daan. 

“Hija, mag-iingat ka. Alagaan mo ng mabuti ang anak mo.” Niyakap ni nanang Ita si Devina na ginantihan naman nito. Ganoon ‘din ang ginawa ni Ursula at maging kay Adeline na kahit papaano ay nakakausap na niya ng maayos. 

“A-Ate, babalikan mo kami ha?” ngumiti siya kay Adeline at niyakap ito ng mahigpit. Ayaw niya na umiyak sa harap nito dahil alam niyang malaking trauma ang mayroon ang kapatid kung kaya agad na siyang umalis matapos ang yakapan iyon. 

Walang lingon siyang lumabas ng mansion ng mga Valderama at tahimik na kalsada ang sumalubong sa kaniya. Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisnge, ayaw niyang mahiwalay sa mga ito ngunit wala siyang magagawa. Habang tahimik na naglalakad ay nagulat siya ng mayroong nagtakip na panyo sa kaniyang bibig. 

Sinubukan niya na sumigaw at humingi ng tulong ngunit naging dahilan lang iyon para malanghap niya ang kakaibang amoy na siyang ikinatulog niya agad. 

PATINGIN-TINGIN si Valentine sa kaniyang relo habang kinakabahan. Kanina pa kasi hindi dumadating si Devina. Hindi ugali ng babae na hindi sumipot sa kanilang usapan. Sa isang linggo na lumipas ay mas nakilala niya ito at ang mga simpleng kilos nito ay kabisado niya kaya nag-aalala na siya dahil wala pa ‘rin ito. 

“Mukang may hinihintay ka ata,” gulat na napatingin siya sa nagsalita at nakita niya doon si Kristin kasama ang kaniyang ama! 

“Hinihintay mo ba si Devina? Hindi na darating ‘yun.” Napaatras siya dahil sa sinabi ni Kristin at palipat-lipat ang tingin sa ama niya na seryosong nakatingin sa kaniya at walang mababakas na kahit na anong emosyon. 

“A-Anong ginagawa niyo dito?! Darating si Devina!” natawa si Kristin sa sinabi niya at sinaboy sa kaniya ang napakaraming pictures. 

“’Yan! ‘Yan ang patunay na sa ibang lalaki sumama ang pinakamamahal mo!” sinamaan ng tingin ni Valentine ang babae at hindi kumilos sa kaniyang kinatatayuan ngunit ng mahagip ng kaniyang mata ang isang larawan ay natigilan siya at wala sa sariling dinampot iyon. 

Si Devina ito habang papasakay sa isang van. Akay-akay siya ng isang lalaki habang suot nito ang isang bag na siya mismo ang nagbigay upang paglagyan ng gamit nito. 

“See? Masyado ka kasing bulag Valentine. Ako ang nagmamahal sa’yo ng totoo pero binaliwala mo ako. Pero ayos lang, patatawarin naman kita.” Tinignan ni Valentine si Kristin at itinapon dito ang nilamukos na picture. 

“H-Hindi ako naniniwala sa’yo! Hindi magagawa saakin ‘to ni Devina!” 

Nagulat siya ng makatanggap siya ng malakas na suntok mula sa ama na ikinabagsak nito sa sahig. 

“Wake up son! Niloloko ka lang niya at hindi ka na niya sisiputin pa dito! Kahit kailan ay hindi na siya sisiputin para sumama sa’yo!” umiling siya sa ama at nagsimula ng umiyak kung kaya napuno na ang kaniyang ama. 

“’Yan ang napapala mo sa pagbaba sa mga hindi mo naman kauri Valentine! Kailan man ay pera lang ang habol satin ng mga mahihirap! ‘Wag na wag ko ng malalaman na nakikipag-ugnayan ka sa mga mabababang uri Valentine dahil sa oras na malaman ko ay itataboy na kita sa pamilya!” 

***

NAGISING si Devina dahil sa kakaibang feeling sa kaniyang balat at laking gulat niya ng makitang nasa damuhan siya. Agad siyang napabangon at inalala ang nangyari. 

“Si Valentine!” 

Dali-dali siyang umalis sa kinalalagyan at pumunta sa park ngunit wala ng Valentine doon. 

“Valentine! Valentine nasaan ka?!” sigaw na tawag niya dito ngunit iba ang sumagot. 

“At talagang nag expect ka na sisiputin ka ni Valentine huh?” 

“K-Kristin…” naglakad ito sa kaniyang harapan “Ang kapal talaga ng muka mo para mangarap na maging mayaman katulad ko.” umiling siya sa sinabi ni Kristin at nagsimula ng umiyak. Natatakot nanaman siya para sa kaligtasan ng anak niya. 

“H-Hindi totoo ‘yan Kristin. Gusto ko lang umalis dito at magpakalayo dahil ang sasama niyo!” natawa ito sa kaniyang sinabi. 

“Edi lumayo ka mag-isa. Naniwala ka talaga sa sinabi ni Valentine? Na dahil ang sinabi niya ay mahal ka niya? Haha Hindi totoo ‘yun! Ang totoo ay ako ang nag-utos sa kaniya na paasahin ka. Sige nga! Paano ko nalaman ang plano niyo na ito kung kayong dalawa lang ang nakaka-alam?” 

Tuluyan ng napaupo sa damuhan si Devina dahil sa panghihina ng kaniyang tuhod at umiyak na ng umiyak. 

“Sa susunod kasi alamin mo ang lugar mo Devina. Pinanganak kang hampas lupa, habang buhay kang magiging hampas lupa.” 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe ang kasamaan mo kristine,devina humingi ka ng tulong kay travis sya lang ang makakatulong sayo
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
at ayaw ko ng ituloy nangigil ako
goodnovel comment avatar
Tess Maquilan Coyoca
nakakainit ng ulo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status