Grabe ka, Samuel! Supsup king yarn?!
Nakaupo si Valerie sa gilid ng kama, nakalaylay ang buhok sa balikat, habang pinapanood si Samuel na nagsasara ng pinto. May kakaibang tahimik na namagitan sa kanila—hindi katahimikan ng pagkawalang masabi, kundi katahimikan ng dalawang taong alam na kung saan patutungo ang gabing iyon. Lumapit si Samuel, mabagal na parang sinasadyang pahabain ang bawat segundo. Tumigil siya sa harap ni Valerie at hinawakan ang kanyang baba, pinapatingala siya. “Tulog na ang mga bata, oras na para paligayahin natin ang isa't isa,” mahina niyang sabi. Sa isang iglap, nagsalubong ang kanilang labi. Una’y marahan, tila nag-aalangan, ngunit mabilis na naging mas malalim, mas mariin. Narinig ni Valerie ang sariling paghinga na humahaba at bumibigat, habang ang kanyang kamay ay kusa nang sumayad sa dibdib ni Samuel, ramdam ang tibok ng puso nito. Dumulas ang mga daliri ni Samuel mula sa panga ni Valerie pababa sa kanyang leeg, patungo sa balikat. Hinaplos niya ang balat na tila tinatandaan ang bawa
Mainit-init ang hapon nang magpasya sina Samuel at Valerie na mag-grocery. Hindi dahil wala na silang pagkain—sa totoo lang, puno pa ang ref nila—pero dahil na rin sa hilig ni Valerie na mag-"check lang" ng sale kahit kadalasan ay nauuwi sa tatlong bag ng hindi planadong binili. "Love, mabilis lang ‘to ha," sabi ni Valerie habang umaayos ng listahan sa phone. "Ayaw mo bang dalhin na rin ‘yung banig at unan? Para kung matagalan tayo, may matutulugan ako sa aisle ng bigas," biro ni Samuel habang naglalakad papasok sa grocery. Tinawanan siya ni Valerie. "Eh kung suntukin na lang kaya kita para makatulog ka?" Natawa si Samuel bago umiling. "Biro lang, love. Ito naman." Mabilis lang silang nakarating sa malaking mall doon. Dumiretso kaagad sila sa supermarket. Kinuha nila ang isang cart, at gaya ng nakasanayan, si Valerie ang may hawak ng listahan habang si Samuel ang designated taga-tulak. Habang nasa aisle sila ng mga de-lata, biglang may boses na tumawag. "Valerie?!" Napa
LUMIPAS PA ANG DALAWANG TAON, mainit ang hapon sa isang maliit na restaurant sa gilid ng baybayin. Sa labas, pinapainit ng araw ang buhangin at pinapalamig ng hangin mula sa dagat ang paligid. Sa loob naman, bahagyang malamig ang simoy mula sa aircon, at humahalo sa amoy ng kape at tinapay ang bahid ng alat ng dagat. Magkaharap sina Samuel at Valerie sa isang mesa na gawa sa kahoy. Nakaipit sa pagitan nila ang maliit na paso ng halaman. Hawak ni Valerie ang menu, pero hindi talaga nagbabasa. Kanina pa siya nagmamasid sa asawa niya. Tahimik si Samuel, gaya ng nakasanayan. May maamo siyang mga mata, at bawat galaw niya ay may kabagalan na parang sinasadya. Pero sa kabila ng katahimikang iyon, alam ni Valerie na marami siyang hindi pa ganap na nauunawaan sa lalaking ito—lalo na’t may mga bahagi ng kanyang nakaraan na hindi basta-basta ikinukwento.Ang mga anak nila ay naiwan sa kanilang lolo at lola. Bale nagde-date silang dalawa ngayon. “Anong gusto mo, love?” tanong ni Samuel haba
Maliwanag ang buong simbahan. Puno ito ng puting bulaklak, malalambot na kurtina, at mga ngiting sabik sa pagdating ng bride. Sa harap, nakatayo si Samuel sa tabi ng pari, naka-three-piece suit na parang lumabas sa magazine cover, pero halatang kinakabahan.Sa gilid, nakangiting binubulungan siya ng best man:“Relax, Samuel. Para ka namang sasabak sa boxing, eh," natatawang sabi ni Shaun.Pero hindi sumagot si Samuel. Kanina pa kasi siya naka-focus sa pintuan ng simbahan, hinihintay ang sandaling makita si Valerie.Nang bumukas ang pintuan, halos huminto ang oras. Naka-gown si Valerie na simple pero elegant, gawa ng designer na minahal niya sa kanyang kabaitan. Lahat ng tao ay humihinga ng malalim, pero si Samuel — para bang iyon lang ang araw na nagkaroon ng kulay ang mundo niya.Habang naglalakad si Valerie sa aisle, naririnig niya ang mahihinang bulong ng ilang bisita:"Ang ganda ng mapapangasa ni Mr. Walker...""Parang artista lang...""Grabe dyosa sa ganda!"Nang makarating si Va
VALERIE LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN mula nang mangyari ang kapalpakang ginawa ni Jess na muntik nang sumira kay Valerie. Ngayon, tuwing papasok siya sa Amber’s Corporation, palaging may bumabati at ngumingiti sa kanya — hindi na tulad dati na may nagbubulungan at nambabastos sa likod. Kahit ang dating supladang si Jess ay hindi na rin nagpapakita sa kumpanya; balita’y nagpunta na ito abroad. Sa kabila ng respeto at atensyon na natatanggap niya, pinili pa rin ni Valerie na manatili sa kanyang posisyon bilang staff. Kahit ilang beses siyang inalok ni Samuel na maging department head o bigyan ng mas magaan na trabaho, lagi niyang tinatanggihan. Pinatitigil din siya ni Samuel sa trabaho doon at sinabing maging assistant na lang ng mommy Samarah niya pero tinanggihan niya iyon. Masaya si Valerie sa trabaho niya bilang staff. “Love, hindi sa ayaw ko, pero gusto ko kasi na may sarili akong kita. Iba pa rin iyong pakiramdam na may naipapasok akong pera sa sarili kong account na ga
VALERIE MAKALIPAS ANG HALOS isang linggo mula sa pagkapahiya ni Jess, tila mas naging tahimik si Jess sa harap ni Valerie. Pero alam ni Valerie na hindi iyon kabaitan — kun'di paghahanda para sa mas malupit na galaw.'Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito? Nadadama kong may pinaplano siyang masama laban sa akin,' sabi ni Valerie nang sundan niya ng tingin si Jess. Biyernes ng hapon, tinawag si Valerie ni department head. “Valerie, ikaw ang maghahanda ng presentation para sa Monday meeting with the investors. Nasa shared folder ang files," mabilis na sabi ng department head. “Noted po,” mahinahong sagot niya bago inikot ang kanyang mata. Kumunot ang noo niya nang mahagip ng kanyang mata si Jess sa loob ng kanilang departamento. Walang ibang staff sa mga table doon dahil ngayon, kausap niya ang head. Pagbalik niya sa desk, binuksan niya ang shared folder… pero halos walang laman. Tanging ilang lumang files na outdated na ang nandoon. 'Hmm… interesting,' bulong niya s