SAMARAH "Ano na, Samarah? Wala ka pa ring nahahanap na trabaho? Ano? Lumalaki na ang gastos ko sa iyo! Ang mahal ng bilihin! Halos hindi na tayo nangangalahati sa nabebentang pares tapos sahod mo pa!" pagrereklamo ng kanyang tiyahin. "Pasensya na po, tita. Hindi pa tumatawag ang kaibigan kong si Dina pero pupunta po ako doon sa Linggo. Kahit huwag niyo na po akong sahuran. Ganoon pa rin po ang gagawin kong pagbabantay dito sa paresan. Kahit libre na lang po ang pagkain ko mula almusal hanggang hapunan. Ayos na po sa akin iyon," wika ni Samarah bago tipid na ngumiti. Ngumuso si Rosie bago nag-iwas ng tingin. "Okay sige. Sinabi mo iyan, ha. Hindi na kita sasahuran. Pero libre na ang pagkain mo dito. Mainam ng makatipid ako kahit papaano. Okay sige, mamayang ala syete, ikaw na ang papalit sa akin dito." "Sige po, tita. Marami pong salamat," masayang sabi ni Samarah. "Basta, kailangan mong humanap ng trabaho, Samarah. Dahil kung hindi, pasensyahan na lang tayo. Mapapalayas kita
Last Updated : 2025-05-07 Read more